webnovel

SA UGOY NG DUYAN

Gaano ba kasakit sa isang walong taong gulang ang mawalay sa kanyang ina at gaano din kaya kasakit sa isang ina ang mawalay sa pinakamamahal na bunso.

Si Utoy, ang batang nahiwalay sa kanyang ina noong siya ay walong taong gulang dahil sa isang pangyayarii na naging dahilan kung bakit sila nagkalayo.

Isang gabi na pusikit ang dilim, matindi ang hampas ng hangin na dala ng malakas na bagyo ay dalawang anino ang maaaninag na tumatakbo na sa tingin ay isang batang lalake at isang babae na parang may humahabol sa kanila..nagmamadali sa pagtakbo..tumigil ang babae..napaluhod..at sa ganoong kalagayan ay hinawakan siya ng batang kasama sa kamay at wari ay pilit na pinatatayo, siya si aling Carmen, ang ina ng batang si Utoy.

"Anak Utoy, hindi ko na kaya iwanan mo na ako..tandaan mo ang bilin ko doon ka pumunta sa tiyo Ben mo sa Tondo doon kita pupuntahan." ang sabi ni aling Carmen sa nanghihinang boses dahil sa pagod sa pagtakbo.

"Hindi inay hindi kita iiwan dito..natatakot ako..madilim at malakas ang ulan" ang sabi ni Utoy na takot na takot at umiiyak.

"Sige na anak iwan mo na ako" ang utos ni aling Carmen kay Utoy.

Nasa ganoon silang kalagayan ng may mga dumarating..ang mga humahabol sa kanila.

"Ayun sila bilisan natin" ang sabi ng isa sa mga humahabol.

"Anak sige na magtago ka na" ang mariing sabi ni aling Carmen.

Bago pa dumating ang mga humahabol ay nakapagtago na si Utoy.

"Inabutan din namin kayo..nasaan ang kasama mo?" tanong nila kay aling Carmen.

Sa mga tanong ng mga lalake na pawang galit ay hindi kumibo si aling Carmen. Pinili na lamang niya ang manahimik.

Isang pangyayari ang naganap kaya sila hinabol ng mga kalalakihan. Nagkaroon ng nakawan sa isang tindahan at nagkataon namang silang mag-ina lang ang naroon kaya sila ang napagbintangan.

Dinala sila sa isang silid..ikinulong pansamantala habang hinihintay ang mga barangay tanod na magdadala sa himpilan ng pulisya.

Habang hinihintay nila ang mga pulis ay nakakuha sila ng tiyempong makatakas at sa tindi ng sama ng panahon ay nagawa nilang tumakbo.

Malayo na sila ng mapansin ng isa sa mga nagbabantay na nakatakas ang mag-ina kaya hinabol sila kahit masama ang panahon.

"Asan ang kasama mo?" ang galit na wika ng isa.

"Wala akong alam sa sinasabi ninyo" ang naisagot na lang ni aling Carmen na nangangatog sa takot at ginaw na nararamdaman niya.

"Mabuti pa dalhin ka na lamang namin at sa himpilan na ng pulisya ikaw magpaliwanag" ang sabi nila.

Iyon ang huling pagkakataon na nakita ni Utoy ang kanyang ina. At sa kasungitan ng panahon ay naglaho na sa kanyang paningin ang ina na dinala ng mga humabol na kalalakihan.

Walang nagawa si Utoy kundi ang umiyak na lamang at ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata ay hinuhugasan ng patak ng ulan.

Sa murang kaisipan ni Utoy ay naitanong sa sarili ang ganito "Bakit kami nagkaganito ni inay?".

Subalit sa kaisipan ni Utoy ay naroroon pa rin ang pag-asa na magkikita pa rin sila ng inay niya.

Unti unti na ring huminto ang ulan at nababanaag na rin ang liwanag tanda na mag-uumaga na.

Unti unting lumabas si Utoy sa pinagtataguan..lumakad siya palayo sa lugar na iyon upang hanapin ang tiyo Ben niya. Subalit saan niya matatagpuan ang bahay ng tiyo niya. Maliit pa lang siya ng isama siya ng kanyang ina sa tiyo Ben niya at ngayon ay hindi na niya matandaan ang bahay..ang lugar kung saan ito nakatira.

Nagpalakad lakad si Utoy na hindi alam kung saan siya pupunta.

"Gutom na ako" ang wika ni Utoy sa sarili.

Upang magkaroon siya ng pagkain ay nanghihingi siya sa mga nagdaraan at mayroon namang naawa na magbigay.

"Mayroon na akong pamabili ng pagkain" ang wika sa sarili habang naghahanap ng tindahan.

Habang kinakain ang nabiling tinapay ay naalala niya ang ina "Nasaan na kaya si inay..ano na kaya ang ginawa sa kanya ng mga kumuha sa kanya?..kumain na kaya siya?" at hindi naiwasan ni Utoy ang lumuha...luha na naghahanap ng kalinga ng isang ina..ng isang tutulong sa kanyang kalagayan upang matagpuan ang ina na hindi niya alam kung nasaan na.

Nasa ganoong sitwasyon si Utoy na nag-iisip sa kanyang ina ng maalala niya ang itinurong kanta sa kanya ng ina nito noong siya ay pitong taong gulang at hindi niya naiwasan ang patuloy niyang pagluha:

"SANA'Y DI MAGMALIW ANG DATI KONG ARAW NANG MUNTI PANG BATA

SA PILING NI NANAY NAIS KONG MAULIT ANG AWIT NI INANG MAHAL

AWIT NG PAG-IBIG HABANG AKO'Y NASA DUYAN"

Ang mag-ina ay galing ng Bicol..lumayas sila upang takasan ang ama ni Utoy na lagi silang pinagmamalupitan..gusto pang lumaklak ng alak kaysa ibili ng pagkain nila at dito sila nagpunta sa Tondo upang hanapin ang tiyo Ben niya na kapatid ng kanyang ina.

At dahil sa sama ng panahon dala ng malakas na bagyo ay sumilong sila sa isang tindahang sarado na ng mga sandaling iyon ay ninakawan at hindi nila alam. Habang sila ay nakasilong ay sila ang nakita ng mga humahanap sa mga magnanakaw at dahil sila ang naroon ay sila ang pinagbintangan.

Nagpalaboy laboy si Utoy..nagpapalimos para may pambili ng pagkain.

Sa kakalakad ni Utoy ay nakita niya ang isang tindero na nag-iihaw ng putol putol na tinuhog na karne.

Huminto siya at pinanood ang pagkaing iniihaw..nakaramadam siya ng gutom ng makita siya ng tindero ay sinigawan siya.

"Hoy bata!! alis ka nga diyan at hindi ako mabibilhan..ang baho mo" sigaw ng masungit na tindero.

Aktong aalis na si Utoy ng tawagin siya ng isang matandang babae.

"Bata halika ibibili kita ng pagkain" ang sabi ng matanda na hindi masyadong malinaw ang pagsasalita.

"Ako po ba ang tawag ninyo lola?" ang tanong ni Utoy.

"Oo sumama ka sa akin at bibili tayo ng makakain mo" ang sabing muli ng matanda.

Ibinili nga si Utoy ng pagkain ng matanda na naawa dito ng makitang pinalayas siya ng supladong tindero.

Tuwang tuwa si Utoy dahil ngayon lang siya nakakain ng masarap na pagkain.

"Salamat po lola ang bait bait po ninyo" ang sabi ni Utoy sa mabait na lola.

"Eh iho ano bang pangalan mo? Bakit sa ganitong oras ng gabi ay pakalat kalat ka dito?" ang tanong ng mabait na lola.

Muli naalala na naman ni Utoy ang ina at humikbi ito.

"Utoy po ang pangalan ko" sagot ni Utoy habang imiiyak "hinahanap ko po ang aking nanay"

"Saan ka nakatira?"

"Galing po kami ng inay ko sa Bicol at wala po kaming tirahan dito..ako po sa bangketa natutulog dahil nagkahiwalay po kami ni inay" ang malungkot na sabi ni Utoy.

Naawa ang matanda kay Utoy.

"Doon ka na tumira sa akin tutal wala naman akong kasama sa tinitirhan ko" ang anyaya ng matanda na awang awa kay Utoy.

"Ho? salamat po lola ang bait bait po ninyo" ang natutuwang si Utoy na hindi makapaniwala sa sarili na mayroon na siyang matitirahan. Hindi na siya magpapalaboy laboy sa lansangan.

"Lola ano po ang pangalan ninyo?" tanong ni Utoy.

"Iho tawagin mo na lang akong lola Ingga"

Nakarating si Utoy sa tirahan ni lola Ingga..na yari sa pinagtagni tagning yero at tabla..sa lapag ang kainan at tulugan.

"Eh lola saan po kayo kumukuha ng pambili ng pagkain? ano po ang hanapbuhay ninyo?"ang tanong ni Utoy na hindi maialis sa tulad niyang bata ang makulit at mausisa.

Mababakas kay Utoy ang pagiging matalino at mabait na bata kaya ng makita siya ni lola Ingga na nakatanghod sa iniihaw na pagkain at sigawan ng tindero at paalisin ay naawa dito si lola Ingga.

Sinagot ang tanong ni Utoy ni lola Ingga.

"Lagi akong nagpupunta sa Baclaran sa simbahan at nagpapalimos..iyon ang aking pinagkakakitaan" tugon ni lola.

"Kawawa naman kayo lola sasamahan ko po kayo mamalimos din po ako para makaipon tayo ng pera" ang natutuwang sabi ni Utoy.

"Naku ang bait naman ng apo ko..apo na ang itatawag ko sa iyo ha?"

Nasaling ng matanda ang damdamin ni Utoy at muli naalala niya ang ina na lagi siyang sinasabihan na mabait siya at kay lola Ingga naramdaman niya ito uli ang pagmamahal ng isang magulang.

"Lola aalagaan ko po kayo at kapag nagkita kami ni inay magsasama po tayong tatlo pangako po iyan" ang taos sa loob ni Utoy na sinabi kay lola Ingga.

Sa kabilang dako sa himpilan ng pulisya ay inimbestigahan si aling Carmen at ng walang sapat na ebidensya laban sa kanya ay pinakawalan din siya ng mga pulis.

Pagkalabas ng presinto ng pulis ay naglakad lakad na si aling Carmen na hindi niya alam kung saan siya pupunta. Naisip niya ang anak na si Utoy.

"Nasaan na kaya ang anak ko..ang kaawaawa kong anak"ang usal sa sarili habang hinahanap ang daan patungo sa kapatid niyang si mang Ben.

Blanko pa rin ang isip ni aling Carmen sa lugar ng kanyang kapatid dahil marami ng pagbabago sa lugar ng Tondo..marami ng mga bahay at gusali na nagtayuan.

Nagaalala si aling Carmen dahil ang dala lang niyang pera ay tamang tama lang sa pagkain at ilang gastusin kaya kailangan niyang makita ang bahay ng kapatid at baka naroroon si Utoy.

Subalit walang nangyari sa kahahanap niya hanggang mapadaan siya sa kahabaan ngTayuman at may nakita siyang karatula na nakasabit sa gate ng isang bahay na maganda at mukhang mayaman.

Nakalagay sa karatula "WANTED LABANDERA".

Naglakas loob si aling Carmen na pumasok na labandera habang hindi pa sila nagkikita ng kanyang anak na si Utoy.

Masuwerte naman si aling Carmen at siya ay tinanggap na labandera.

Ang bahay ay malaki..may dalawang sasakyan..anupat masasabing ang nakatira ay mayaman. Tuwing araw ng Linggo ay nagpupunta sa simbahan sa Baclaran ang mag-anak para magsimba.

Lumipas ang isang taon na paninilbihan ni aling Carmen sa mayamang pamilya na wala namang masabi sa kasipagan ni aling Carmen.

Napansin ng magasawang mayaman na madalas umiiyak si aling Carmen at ng tanungin si aling Carmen ng magasawa ay ipinagtapat niya ang tungkol sa nawawala niyang si Utoy at sinabi din niya ang dahilan kung bakit sila napunta ng Maynila.

"Aling Carmen huwag kang mawalan ng pag-asa balang araw makikita mo rin ang anak mo" ang sabi ng pinagsisilbihang amo.

Tumagal pa ng isang taon ang lumipas sa buhay ng mag-ina at ngayon ang kaarawan ni Utoy.

"Anak happy birthday sana nasa mabuti kang kalagayan" ang naluluhang bulong sa sarili ni aling Carmen na halos madurog ang puso dahil sa malabis na pag-aalala sa anak.

Sa kabilang dako si Utoy at lola Ingga ay patuloy sa pagpapalimos sa simbahan sa Baclaran.

Sa gabi bago matulog si Utoy habang tulog na si lola Ingga ay pupunta sa pinto..mauupo sa bungad at papanoorin ang mga bituin at muli maaalala niya ang kanyang ina. Kapag naaalala ang ina ay hindi maiwasan ni Utoy ang maluha at habang pinapahid ang mga luha sasabihin "Inay bakit tayo nagkalayo..asan ka na..sabik na akong yakapin ka inay".....

"SA AKING PAGTULOG NA LABIS ANG HIMBING

ANG BANTAY KO'Y TALA, ANG TANOD KO'Y BITUIN

SA PILING NI NANAY LANGIT ANG BUHAY

PUSO KONG MAY DUSA SABIK SA UGOY NG DUYAN"

Isang araw ng linggo na nagsimba ang mag-asawang mayaman na pinagsisilbihan ni aling Carmen..matapos magsimba at paglabas ng pinto ng simbahan ay napansin nila ang mag lola na nakaupo at nagpapalimos.

Lumapit ang mag-asawa at nagbigay ng limos at lumakad na sila papunta sa sasakyan nila.

Pagsampa ng babaing mayaman sa sasakyan ay may nahulog sa kanya na hindi niya napansin. Nakita ito ni Utoy at kaagad tumakbo para sabihan sila subalit matulin na silang nakaalis.

Dinampot ni Utoy ang nahulog na wallet. Dinala sa lola Ingga niya.

"Hindi bale itago natin at kapag nagsimba uli sila dito ay ibigay natin" ang sabi ni lola Ingga.

"Palimos po..palimos po" ang sabing namamalimos ni Utoy ng mapansin ang lola Ingga na nakayuko at nahihilo.

"Lola ..lola bakit po?"ang nagaalalang tanong ni Utoy habang hawak si lola Ingga.

"Huwag mo akong pansinin Utoy mawawala din ito" ang mahinang sagot ni lola Ingga.

Isang linggo ang lumipas at muling nagsimba ang mag-asawang mayaman. Nakita sila ni Utoy.

"Lola..lola andyan na uli iyong babaing mayaman na nahulugan ng wallet iyong naglimos sa atin"ang sabi ni Utoy.

"Sige dalhin mo itong wallet niya" ang utos ni lola Ingga habang inaabot kay Utoy ang nahulog na wallet.

Tumakbo si Utoy at bago pa nakapasok sa loob ng simbahan ang mag-asawa ay inabutan na sila ni Utoy.

"Aling mayaman nahulog po itong wallet ninyo noon pong isang linggo na magsimba po kayo"

"Ay salamat ang bait mo namang bata..ano ang pangalan mo iho?" ang natutuwang tanong kay Utoy.

"Utoy po..Utoy po" at pagkasabi ay tumakbo ng pabalik si Utoy sa kanyang lola Ingga.

Namangha ang mag-asawang mayaman kay Utoy kaya pagkatapos magsimba ay hinanap nila ang mag lola at lumapit sila upang magpasalamat.

"Lola ang bait po naman ng apo ninyo..ano na nga ang pangalan mo iho?"

"Utoy po"

"Alam mo Utoy bihira sa katulad mo ang ginawa mo mabait kang bata" ang may paghangang sabi ng babaing mayaman.

Nagbukas ng wallet ang mayamang babae..kumuha ng pera at iniabot kay lola Ingga.

"Lola salamat po tanggapin nyo po ito" ang sabi ng mayamang babae habang iniaabot ang pera.

"Huwag na po masyadong malaki po iyan..bigyan na lang nyo kami ng limos" ang sinabi ni lola Ingga.

"Lola hindi po ito bayad" ang sabi ng mayamang babae.

"Lola sige na po tanggapin na ninyo para makapagpatingin kayo sa doktor" ang sabi ni Utoy sa lola niya.

"Bakit Utoy may sakit ba ang lola mo?"

"Opo..wala po kaming perang pambayad sa doktor at pambili ng gamot" ang tugon ni Utoy.

Naawa ang mag-asawa sa kalagayan ni lola Ingga kaya nabuo ang pasya nila na muling bumalik upang dalhin sa ospital si lola Ingga.

Sa bahay ng mag-asawang mayaman ay pinagkwentuhan nila ang kabaitan ng mag lola at pinagpasyahan nila na bukas babalik uli sila upang ipagamot si lola Ingga.

Kinabukasan ay muling bumalik ang mag-asawang mayaman sa Baclaran subalit wala ang maglola sa kanilang puwesto.

Nagtanong sila sa mga naroong nagpapalimos at nalaman nila kung saan nakatira ang maglola kaya pinuntahan nila ang tirahan nila.

Sa address na ibinigay ay nakita nila ang bahay nina lola Ingga at ng pumasok sila ay nakita nila si lola Ingga na nakahiga habang si Utoy naman ay pinupunasan ang lola niya ang maligamgam na tubig.

"Matagal na bang may dinaramdam ang lola mo?"

"Opo"

Hindi na nagdalawang isip pa ang mag-asawang mayaman at inutusan ang driver nila na buhatin si lola Ingga at isakay sa sasakyan para madala sa ospital.

Sa ospital kaagad inasikaso si lola Ingga at bago umalis ang mag-asawang mayaman ay nagbilin kay Utoy.

"Utoy bantayan mo ang lola mo ha at babalik din kami uli para alamin ang kalagayan niya at huwag kayong magalala sa babayaran dito kami na ang bahala" ang sabi kay Utoy. At nag-iwan na kami ng mga pagkain dyan iho" ang sabi ng mabait na mag-asawa.

Pagkaalis ng mag-asawa ay agad kumain si Utoy ng iniwang pagkain at sinubuan ang lola niya.

"Lola ang bait nila ano po?"

"Oo apo ko hindi tayo pinababayaan ng Diyos" ang nasabi ni lola Ingga habang kumakain sila.

Sa bahay ng mag-asawang mayaman.

"Carmen bumili ka ng mga pagkain at iba pa narito ang listahan at dadalhin namin sa ospital" ang utos kay aling Carmen.

"Ospital po? sino po ang may sakit?" tanong ni aling Carmen.

"Iyong maglola na ikinukuwento namin noong isang linggo na may mabait na apo na nagsauli sa amin ng nahulog kong wallet at alam mo ba kung magkano ang laman ng wallet ko..P30,000 na hindi nila pinag-interesan sa kabila ng kanilang matinding kahirapan ang sabi ng amo ni aling Carmen.

"Ganoon po ba mababait nga po sila at bihira ang mga katulad nila sa ngayon" ang tugon ni aling Carmen.

"Oo Carmen kaya magaan ang loob ko sa kanila kaya tutulungan namin sila" ang nasisiyahang sabi ng mayamang babae.

At muling naalala ni aling Carmen ang anak dahil hangga ngayon wala siyang balita sa anak. Noong lumabas siya ng presinto ay pilit niyang tinunton ang tirahan ng kapatid niyang si Ben..bawat makasalubong ay tinatanong niya hanggang sa makita na nga niya subalit sinabi ng kapatid niya na hindi nakarating sa kanya si Utoy.

Kaya mula noon lagi ng nag-aalala si aling Carmen sa kalagayan ng anak.

Kinabukasan ay muling bumalik ang mayamang babae sa ospital kasama si aling Carmen na dala ang mga pinamili niya.

Pagdating doon ay wala si Utoy dahil inutusan ni lola Ingga na tingnan ang bahay nila.

"Lola kumusta na po kayo"

"Eto medyo magaling galing na..salamat po sa inyo" ang nasabi na lang ni lola Ingga na bakas sa kanyang pagsasalita ang lubos na pagpapasalamat.

Pumasok sa kuwarto ang dalawang doktor na tumitingin.

"Kumusta po si lola doktor?" tanong ng amo ni aling Carmen.

"Huwag po kayong mag-alala at bumubuti na siya kailangan lamang ang pahinga at masustansyang pagkain" ang paalala ng mga doktor "at sa makalawa ay puwede ng lumabas si lola".

"Marami pong salamat dok" sabi ng mayamang babae.

Mayamaya pa ay nagpaalam na sila.

"Lola aalis na muna po kami at babalik uli bukas..ingatan nyo po ang sarili nyo" ang sabi ng mayamang babae.

"Salamat po sa inyo Diyos na po ang bahalang gumanti sa inyo" tugon ni lola Ingga.

Kalahating oras ng nakaalis ang mayamang babae na kasama si aling Carmen ng dumating si Utoy.

"Utoy kumain ka na nagdala ng mga pagkain iyong mag-asawang mabait" ang sabi ni lola Ingga.

"Opo lola pero pakainin ko po muna kayo at mamaya na po ako" ang masiglang tugon ni Utoy.

"Ang bait ng apo ko papaano kaya kung makita mo na ang ina mo papaano na kaya ako?" ang medyo malungkot na sabi ni lola Ingga subalit sa puso niya ay gusto niyang makita ni na Utoy ang ina upang maging maligaya ito.

"Lola kung sakali magkita na kami ni inay isasama ka namin mahal na mahal kita lola" ang binitiwang salita ni Utoy na dama ni lola ang kabaitan ni Utoy.

Napaluha si lola Ingga hindi niya akalain na darating sa buhay niya si Utoy at naalala niya ang dalawa niyang anak na ng magkaroon na ng sariling pamilya ay kinalimutan na siya. Noong una ay dinadalaw pa siya subalit nalaunan ay dumalang na ng dumalang at hindi na rin siya hinanap ng pinaalis na siya sa dating tirahan.

Dahil sa pinabayaan na si lola Ingga ng dalawa nitong anak ay naging nagpalaboy laboy na siya at namamalimos para lang may pambili ng pagkain.

Napakain na ni Utoy si lola Ingga subalit wala pa rin itong ganang kumain. Naupo siya sa isang tabi at iniisip ang ina.

"Ano na kaya ang nangyari kay inay? Kumakain kaya siya sa oras? Hindi kaya siya nagkakasakit? Si itay kasalanan niya ang lahat ng ito" huminto sa pag iisip si Utoy pinalipas ang sama ng loob na nararamdaman at nagpatuloy isipin ang kanilang kalagayan " subalit kung naging malupit sa amin si itay ay wala pa rin akong galit sa kanya kasi siya ang itay ko kung wala si itay wala ako sa mundong ito, sana magbago na si itay at magkasama na uli kaming tatlo ni inay" ang prayer sa sarili ni Utoy.

Hindi namamalayan ni Utoy na lumuluha na siya. Madalas sumagi sa isip ni Utoy ang pangaral sa kanya ng kanyang ina "Utoy anak ko lagi kang magbabait dahil mahal ng Diyos ang mababait na bata tandaan mo yan".

Isang gabi na natutulog si Utoy sa tabi ni lola Ingga ay nagsisigaw ito.

"Inay!! Inay!! huwag mo akong iwan" ang sigaw ni Utoy sa kanyang panaginip.

Ginising siya ni lola Ingga at ng medyo nagising ay muli itong natulog.

Nasabi na lang ni lola Ingga "kawawa naman ang apo ko napagkaitan ng pagmamahal ng isang ina" at sa tindi ng habag ni lola Ingga kay Utoy ay naluha ito.

Madaling araw na ng magising si Utoy. At si lola Ingga naman ay nagising ng kumilos si Utoy sa kanyang higaan. Hinarap ni Utoy si lola niya.

"Alam mo po lola ang bait bait ng inay ko..siya ang nagtatanggol sa akin kapag lasing si itay ko at pinagagalitan ako..kapag ako po ay nalulungkot pinatatawa po ako ni inay at ipinapasyal nya ako..minsan nga po dumating si itay na lasing basta na lang sinampal si inay wala naman po kaming ginagawang masama sa kanya kaya po naisipan naming layasan si itay at dito sa Maynila kami nagpunta subalit nagkahiwalay naman po kami..nakalulungkot ano po lola?"

Huminto si Utoy sa pagkukuwento ng naging buhay nila dahil naiiyak na siya.

"Lola totoo po ba na mabait ang Diyos? Sabi po kasi ni inay mabait siya"

"Oo apo ko mabait ang Diyos sa atin lalo na sa mga katulad nating naaapi at huwag kang mag-alala makikita mo rin ang inay mo at magiging maligaya kayo"

(ABANGAN ANG HULING BAHAGI NG KWENTONG ITO)

Malungkot ang naging bahagi ng kwentong ito subalit sabi nga kapag may kalungkutang nararanasan may sisilay ding magandang bukas.

Abangan ang pagkikita ng mag-ina at tiyak magugustuhan ninyo ang ending nito.

Thanks guys sa pagbasa, please your comment and rating.

"More short stories are coming so enjoy reading thanks"

Rio Alma

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts
Next chapter