webnovel

TUNAY NA MAHAL

Ang kwentong ito ay hinango sa kanta ng isang sikat na singer na may pamagat na "TUNAY NA MAHAL" na sa dalawang pusong nagmamahalan ay may mga binibitiwang pangako ang bawat isa.

Subalit ang mga pangakong binitiwan..kadalasan ay nauuwi lang sa pangako. Sabi nga ng iba 'promises are made to be broken' pero bakit??.

Ganito ang naging istorya nina Vicky at Rodel na naging magkasintahan sila noong nasa high school pa sila. Magkatabi sila sa upuan sa subject na Math. At dahil nga sa magkatabi sila ng upuan ay hindi maiiwasan ang paminsan minsang biruan sa isa't isa. Dahil dito unti unting nabuo ang pagmamahalan hanggang sumibol ang pag-iibigan.

"Hayyyy!! ang sarap ng pakiramdam ko..may katabi akong princesa..princesa ng kabundukan" ang parinig ni Rodel kay Vicky.

"Mukhang may nauusog na naman dito" ang wikang parinig ni Vicky.

Kumuha ng kapirasong papel si Rodel at matapos sulatan ay binilog at inihagis kay Vicky.

Binasa ni Vicky at ang nakasulat doon ay.."Ang ganda ganda mo Vicky".

Sinulatan din ni Vicky ang papel na inihagis at ibinalik kay Rodel.

"Bolahin mo ang lola mo..pangit" ang sabi sa sulat na ibinalik kay Rodel ni Vicky.

"He he he pangit daw ako pero patay na patay naman sa akin" ang parinig ni Rodel kay Vicky.

Isang araw ng pagsusulit tahimik ang lahat maliban kina Rodel at Vicky na nagsesenyasan sa sagot sa exam.

Napansin ito ng teacher nila at sila ay pinaglayo.

"Malas naman ang hina ko pa naman sa math" bulong ni Rodel.

Uwian..nagtanungan sila sa sagot sa exam.

"Nakuha mo ba ang sagot sa exam natin?" tanong ni Vicky kay Rodel.

"Hindi nga e nakakainis ang teacher nating iyon" ang himutok ni Rodel.

"Tena Vicky kain tayo sa canteen" ang yaya ni Rodel kay Vicky.

Sa canteen may nagbiro kay Vicky na isang binatilyo siyempre nagalit si Rodel.

"Gago ka a" sabay upak ni Rodel sa nagbiro kay Vicky.

Nagkagulo sa canteen.

Ang resulta ipinatawag sila at warning ang tinanggap ng dalawa.

"Ang init naman ng ulo mo Rodel" ang wika ni Vicky paglabas sa office ng admin.

"Ayoko kasi na may nangbabastos sa iyo" ang sabi ng medyo mainit pang si Rodel.

Bago nagsemester break ay nagkaroon ng X'mas party sa school. Masaya ang mga estudyante..bigayan ng exchange gift..may sayawan pa.

"Vicky saan ka pupunta sa bakasyon" tanong ni Rodel.

"Baka pumunta kami sa Bocol dadalawin namin sina lolo at lola ko" tugon ni Vicky.

"Gayon ba..kami naman dito na lang sa amin panonoorin na lang namin ang mga firecrakers" tugon ni Rodel.

Natuloy nga sina Vicky sa Bicol.

December 25 nagtext si Vicky kay Rodel "Merry X'mas".

"Merry X'mas din" tugon sa text ni Vicky.

Natapos na ang bakasyon at balik skwela na uli sila Vicky at Rodel.

Kapag walang klase sina Rodel at Vicky ay nagpupunta sila sa Roxas Blvd..sa baybaying dagat..nakaupo sila doon at bumubuo ng mga pangarap nila sa buhay.

"Alam mo Vicky kapag nakataposn ako ng pag-aaral at magkaroon ng matatag na hanapbuhay ay magpapakasal tayo. Bubuo tayo ng pamilya. Magkakaroon tayo ng sampung anak" ang sabi ni Rodel.

Natawa si Vicky.

"Sira ka ba? Ayoko ng maraming anak dalawa lang puwede na na sa akin" ang tugon ni Vicky.

Tumingin kay Vicky si Rodel at hinawakan ang dalawang kamay.

"Vicky pangako ko sa iyo ikaw lamang ang mamahalin ko ng tapat" ang sabing pangako ni Rodel.

"Totoo ba iyan? Baka pag may makita kang iba ay malimutan mo ako" ang nakatawang sabi ni Vicky.

Si Vicky ay maganda kahit walang make-up. Si Rodel naman bagamat hindi masyadong gwapo ay habulin ng mga chicks sabi nga.

Anupat ang pagmamahalan nilang dalawa ay sobra sobra na kapag silang dalawa ay magkasama ay para bang kulay rosas ang kanilang paligid.

Ang kanilang pag-iibigan ay nalaman ng kanilang mga magulang at dito na nagsimula ang kanilang problema. Ayaw ng mga magulang ni Vicky kay Rodel at gayundin ang mga magulang ni Rodel ayaw nila kay Vicky para kay Rodel. Tutol ang kanilang mga magulang sa kanilang pag-iibigan.

Ang dahilan pala nito ay naging magkasintahan ang tatay ni Rodel at ang nanay ni Vicky na sa anong kadahilanan ay naghiwalay at galit at poot ang namagitan sa kanila hanggang sa sila ay magkaroon na nga ng kaniya kaniyang pamilya.

Lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang ay palihim pa rin silang nagkikita at kapag nalaman ng kanilang mga magulang ay puro sermon ang inaabot nila.

Nakatuloy sa kolehiyo si Rodel samantalang si Vicky ay hindi dahil sa financial problem..kahirapan sa pamumuhay.

Bagamat hindi na sila madalas magkita ay hindi naman nawawala ang communication nilang dalawa. Text messaging na lang ang nag-uugnay sa kanila.

Dahil nga may kaya sa buhay ang mga magulang ni Rodel at gusto nilang ilayo ito kay Vicky ay sa ibang bansa nagpatuloy ng pag-aaral si Rodel upang magpakadalubhasa sa kursong kinuha.

Bago umalis si Rodel ay lihim na nagkita ang dalawa.

"Vicky, huwag kang mag-alala hindi ako makalilimot dahil mahal na mahal kita. Titiisin ko ang mawalay muna sa iyo dahil ito naman ay para din sa atin" ang pangakong binitiwan ni Rodel kay Vicky na sa kanyang pagsasalita ay madarama ang katotohanan sa mga sinasabi nito.

"Rodel, hihintayin ko ang pagbabalik mo" ang naluluhang sagot ni Vicky.

"Pangako ko sa iyo Vicky ikaw lang ang iibigin ko hindi ako lilimot" ang muling sinabi ni Rodel kay Vicky upang pumayapa ito sa kalungkutang nararamdaman..

Nangibang bansa na nga si Rodel.

Sa una madalas ang balitaan..ang kaumustahan nila sa text..subalit ng tumagal nang isang taon ay dumalang na ng dumalang ang kanilang communication hanggang hindi na nag re-reply si Rodel.

"Kumusta na kaya si Rodel?" ang madalas masabi ni Vicky sa sarili "nakalimutan na kaya niya ako ng tuluyan?" at maiiyak na si Vicky dahil sa kirot ng damdaming nararamdaman.

At dito na unti unting nawalan ng pag-asa si Vicky. Naging malulungkutin siya. Panay ang iyak lalo na kapag naririnig niya ang awiting "TUNAY NA MAHAL" na kinanta ni Ms Lani Misalucha.

Umabot ng dalawang taon pa na walang communication sa pagitan ng dalawa at dito na tuluyang nawalan ng pag-asa si Vicky.

Madalas maalala ni Vicky ang sumpa ni Rodel sa kanya. Subalit asan na ang sumpang iyon na hindi siya lilimot..nasaan na??

"Rodel nangako ka at sumumpa sa akin na hindi mo ako kalilimutan ngunit bakit ngayon kinalimutan mo ako na naghihintay sa iyong pagbabalik..bakit Rodel? Bakit??" ang punong puno ng pagdaramdam na sinabi ni Vicky sa kanyang sarili habang siya ay naluluha at nakatingin sa kalawakan na doon ay hinahanap ang mga kasagutan sa kanyang mga katanungan.

Si Vicky ay maganda kaya mayroon ding mga nagtangkang lumigaw sa kanya subalit dahil nakatali siya sa sumpaan nila ni Rodel ay hindi niya pinansin ang mga ito hanggang sa sila ay magsawa ng panunuyo sa dalaga.

Lumipas pa ang sampung taon na walapa ring balita kay Rodel.

Napabayaan na rin ni Vicky ang sarili. Madalas malimutang kumain. Laging nag-iisip hanggang dapuan na siya ng mabigat na karamdaman na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Subalit bago siya malagutan ng hininga ay hiniling sa kanyang ina na patugtugin ang kanta ni Ms Lani Misalucha ang awiting "Tunay na Mahal".

At ng nasa kalagitnaan na ang awiting "Tunay na Mahal" ay nalagot ang kanyang hininga.

"NASAAN NA ANG PANGAKO MO NOONG SINUSUYO AKO

ANONG TAMIS ANONG LAMBING BINIBIGKAS NG LABI MO

NGUNIT KAHIT NAGBAGO PA SA AKIN ANG DAMDAMIN MO

MANANATILI KANG MAHAL SA PUSO KO"

...END

Isa kayang kabaliwang maituturing ang pabayaan ang sarili ng sinomang nagmamahal at maghintay sa isang nakalimot na?

Maaari siguro itong mangyari dahil sa tindi ng pag-ibig at pagmamahal sa isang minamahal kahit hindi na niya ito nakikita.

Nakalulungkot!.

"Hi guys thank you for reading hope you enjoyed please your comment and rating will be highly appreciated ang promise more short stories are coming!

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts
Next chapter