webnovel

Just Hold Onto Destiny's Grasp

Author: SHECULAR
Urban
Completed · 238.1K Views
  • 60 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Damien Cadenza is a Landscape Photographer while, Caelian Joy Pangilinan is a Tragic Author. Two people who have the same passion to achieve their dreams. Two people who mourns to their painful past. When love arrives, when problem strikes, and when hurt is at the corner. Can they take the chance to hold onto destiny's grasp? (All rights reserved by Shay C.)

Tags
2 tags
Chapter 1Found

IS love enough to hold onto destiny's grasp? What is more important than love? What make us hold on even if it hurts?

"Caelian Joy, bakit nagpa-short hair?" tanong ng kaibigan kong si Kyrine. Simula high school hanggang ngayon ay kaibigan ko pa rin siya. Siya lagi ang kasama at karamay ko sa lahat ng bagay. "But infairness bagay mo. Mukha kang pulubing version ni Dora," dagdag pa niya.

"Mainit kasi ang panahon saka isa pa para maiba naman, lagi nalang kasi mahaba ang buhok ko," pormal na sagot ko habang iniayos ko ang gamit ko dahil kakagaling ko lang sa bakasyon.

Nandito ako sa kwarto ko, ito namang kaibigan ko ay ang lakas ng loob pumasok. Sigurado akong si mama ang nagpapasok sa kanya, malakas kasi kay mama ang isang 'to.

"Sus! Ang daming reasons! Huwag ako, Caelian," sambit ni Kyrine sa akin habang hinahalungkat din ang isang bag ko. "Caelian! Sa akin ba 'to?! Ang ganda!" nanlalaki ang mata at tuwang tuwa na sabi niya habang hawak ang isang bag na pinaghirapan na gawin dahil gawa ito sa banig, napakaganda naman talaga nito.

"Sinabi mo ng sayo, e. Edi malamang sayo nga," sagot ko at dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Napangiti naman ako at ginantihan din siya ng yakap. Kahit naman ganito ako sa kanya, masasabi ko na mahalaga at importante siya sa akin kaya kahit sa maliit na bagay gusto ko siyang napapasaya.

"Thank you talaga, Caelian!" usal niya habang yakap yakap ako. Bumitaw siya at muling tiningnan ang bag, halata ang labis na pagkatuwa sa mga mata niya.

Napatingin ako nang may kumatok sa pintuan.

"Anak, nandito na ang meryenda niyo. Sigurado kasi akong nagutom ka sa biyahe," nakangiting sambit ni mama habang papasok sa kwarto. Inilagay niya ang meryenda namin sa table ko; sandwich and juice ito.

"Salamat ma," sagot ko na nakangiti sa kanya. "Mama, bakit mo naman pinapasok sa Kyrine dito? Diba naka-ban siya rito? Konti na lang iisipin kong mas pinapaburan niyo siya kesa sa akin na anak niyo," kunwaring seryoso na sabi ni Caelian.

"Trulaley naman diba, tita?" malambing sabi ni Kyrine na mabilis na nakayakap sa bewang ni mama.

"Oo naman naming si Kyrine, mas love ka pa nga namin kesa kay Caelian," sagot naman ni mama.

"Sige, siya na kasi ang anak niyo," pagtatapos ko sa usapan.

"Oo nga pala! Speaking of anak, 'yong anak mo alagaan mo na! Gawin ba naman daw akong yaya? Itong magandang mukha na 'to naging yaya?! Hustisya naman, Caelian!" namimilog ang mga mata ni Kyrine habang tinuturo pa ang mukha niya sa harap ko.

"Kung alam ko lang, mga halos dalawang oras mo lang inalagaan 'yon," sagot ko habang lumalabas na sa kwarto, sinundan naman nila ako at pumunta kami sa kwarto nila mama at papa dahil nandoon ang crib ng baby ko, pero mamaya ililipat din ito sa kwarto ko. Ang bahay namin ay may dalawang kwarto na may sariling banyo, may saktong laking sala, may malinis na kusina at may banyo ulit. Gawa sa bato ang bahay namin, simple at malinis ito kaya nagiging maganda tingnan.

"Atleast inalagaan ko pa rin, mahal kaya ang bayad ng trabaho ko, 'no," humalukipkip na sagot ni Kyrine. Hindi ko nalang siya sinagot dahil nakita ko na ang baby ko na nakahiga sa crib, nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti at pinalakpak ang maliit niyang kamay. Napangiti ako at agad siyang binuhat.

"Miss ba ng baby Abdiel ang mommy, ha? Miss na miss ka rin ni mommy," pagkausap ko sa kanya.Tumawa-tawa naman siya na parang naiintindihan ako at hinawakan niya pa ang mukha ko gamit ang maliit niyang kamay na puno ng laway.

"Ayan ang napapala ng maagang nagkaanak. Anak-anak pa kasi," napalingon naman ako kay Kyrine at naabutan ko siyang umiiling ngunit alam kong nagbibiro lang siya.

"Ang sabihin mo inggit ka lang, mag asawa ka na rin kasi," sagot ko sa kanya at ngumiti ng mapang-asar.

"Paano ako mag-aasawa? E, boyfriend nga wala ako," nakangusong sagot ni Kyrine. Napatawa naman kami ni mama pati si Baby abdiel tumawa rin dahil yata nakikita akong tumatawa.

IBINABA ni papa ang backpack niya kung saan nakalagay ang mga gamit niya sa trabaho. Lumapit ako sa kanya at napokus agad ang atensyon ni papa sa apo.

"Ang gwapo kong apo na mana sa lolo," bati ni papa kay baby Abdiel saka ito binuhat.

Halata ang pagod kanina kay papa pero nang nakita niya si Baby Abdiel ay biglang naglaho 'yon. Isa kasing constuction worker si papa habang si mama naman ay pa iba-iba, depende kung ano ang pwedeng pasukan na trabaho, pero ngayon nasa bahay muna siya.

"Amoy araw ang lolo dahil nagbilad na naman siya sa araw, pero ikaw napakabango mo," sambit ni papa habang hinahalikan ito sa tiyan. Tumawa naman ang bata dahil nakikiliti. Nakangiti kong hinawakan ang kamay ni papa at nagmano.

"Oh, anak, anong oras ka dumating?" tanong ni papa sa akin at muling binalingan ang apo.

"Mga alas tres, papa" sagot ko, tumango-tango naman si papa.

"Hello, tito! Nandito ang tunay n'yong anak," bati naman ni Kyrine at sinadyang banggain ang balikat ko saka siya nagmano kay papa.

"Nandito ka pala, Kyrine," nakangiting sagot ni papa.

"Opo naman po. Kapag po may nakita kayong nakakasilaw ang ganda, tiyak na ako na po 'yon, diba baby Abdiel?" tanong niya sa bata ngunit ang bata ay natakot yata at ngumuwa ng ngumawa. Pareho-pareho kaming nagtawanan nina papa at mama habang si Kyrine ay napasimangot.

"Mana ka sa mommy mo, ang bad bad sa akin," sambit niya at pabiro niyang hinampas ang kamay ng bata kaya lalo naman itong umiyak.

"Osya, tama na ang asaran at tayo'y kumain na," anunsyo ni mama sa amin.

***

"WOAH! Anong pangalan ng babaeng ito? Siya na ba ang bago mong chiks, pare? Hmmm…pwede na, maganda naman," nawala ang antok ko at pagod ko sa biyahe nang marinig ko ang sinabi ni Abram na pinsan ko at utol ko na rin. Napatayo ako at mabilis na inagaw sa kanya ang DSLR camera ko.

"Bakit mo kinuha? Kinikilatis ko pa ang chiks mo, e. Akin na titingnan ko ulit," pangungulit ni Abram at pilit na inaagaw sa akin ang camera pero hindi ko siya hinayaan na makuha niya sa akin.

Tinago ko na sa lalagyan ang camera ko saka inilagay malapit sa ulo ko at humiga ulit. Sobra akong napagod sa biyahe at pakiramdam ko umiikot ang paligid ko. Sanay naman siya sa biyahe pero nitong mga buwan ay madalas na sumasakit ang ulo niya.

"Sige na nga hindi ko na titingnan, pero Damien sino ba yon? Nakilala mo ba yan sa pagsa-sun bathing mo ha?" taas baba ang kilay niyang tanong sa akin.

"Tigilan mo ako, Abram. Bukas kana mangulit, pagod pa ako sa biyahe," sambit ko sa kanya at pinikit ko ang mga mata ko.

"Hindi ko alam na type mo na pala ang maiksing buhok ngayon, ah. Diba sabi mo sa akin ayaw mo sa mga maiksing buhok dahil para sayo pangit sila? Anong nangyari?" Alam kong nakangiting aso na siya sa akin ngayon. Nakakaasar talaga 'tong mang asar. Ang sarap hambalusin ang bibig nang tumigil kakadada.

"Hindi ka na pwedeng kumain dito. Lahat ng nasa fridge, nakaplastic man, nasa bote o naka lata, bawal mo ng galawin. Bumili ka na ng sarili mong pagkain ngayon pa lang," nakapikit parin na sabi ko habang nakapatong ang kamay ko sa mata ko. Pagakatapos kong sabihin yon, hindi ko siya narinig na nagsalita. Napangisi tuloy ako ng palihim.

"Kaibigang pinsan, alam kong pagod ka kaya aalis na ako. Gusto mo bang ako ang magluto ng dinner natin? Alam ko kasing gutom ka na ngayon. Sige alis na ako, tatawagin na lang kita kapag luto na," Kung kanina ay mapang-asar ang tono ni Abram, ngayon naman parang maamong tigre ang boses niya.

Tumango tango nalang ako para hindi na humaba ang usapan at para umalis din na siya.

"Wala ka na bang kailangan? May masakit ba sayo? Gusto mo ba ng juice?—ay! tubig lang pala ang laman ng fridge natin o gusto mo ng biscuit? Ano sabihin mo para ibigay ko sayo."

Napapikit ako ng mariin. Ang daldal talaga. Mas sumasakit ang ulo ko sa boses niya.

"Wala na akong kailangan. Lumayas ka na sa kwarto ko, iyon ang kailangan ko," sagot ko sa kanya. Pagkasabi ko no'n ay hindi na siya sumagot at tahimik na umalis sa kwarto ko.

Gusto ko ng matulog pero nagpapakita ang imahe ng babae sa isip ko kaya inis kong inalis ang kamay ko na nakapatong sa mata ko.

Nakalimutan ko na iyon, pero ang magaling na Abram pinaalala pa sa akin ang babaeng iyon.

Nakilala ko siya—ang ibig kong sabihin, nakita ko siya sa Zamabales kung saan ko pinili na magpahinga.

Seven days ago…

"DAMIEN, diba pinag usapan na natin huwag mo muna dadalhin ang camera mo? Kahit naman minsan, ipahinga mo ang sarili mo, hindi puro pagpi-picture ang inaatupag mo," sermon na akala mong tatay ko na si Abram, kausap ko siya sa cellphone.

"Mahal ko ang ginagawa ko, Abram. Alam mo naman iyon, diba? Parang may kulang sa akin kapag hindi nakasabit sa leeg ko ang camera ko," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa dagat, nandito ako sa veranda ng inuupahan kong room sa isang resort.

"O sige na, ibaba ko na. Ingat ka diyan at i-enjoy mo lang," sambit ni Abram sa akin tumango ako kahit hindi niya nakikita.

Mukha man kaming aso't pusa ng pinsan at kaibigan ko na ito, masasabi kong sa loob naming ay pinapahalagahan namin ang isa't isa.

"Sandali lang, Damien," ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa bulsa nang marinig ko ulit siyang nagsalita.

"Oh, bakit?" tanong ko.

"May nakita ka na bang chiks diyan? Diba kapag sa dagat, yong mga babae naka-bikini? Ano may nakita ka bang sexy diyan? Ikaw ah, kaya pala hindi mo ako sinama para masolo sila ng mga mata mo," siguradong nakangisi na ito ngayon.

Nahampas ko nalang ang kamay ko sa noo ko sa pinagsasabi ng pinsan ko.

"Huwag mo akong kausapin tungkol sa mga ganyan, Abram. Sige na ibaba ko na, bye," tanging sabi ko na lang at pinatay ang linya.

Kahit biro lang iyon ay hindi pa rin magandang biro iyon. Pangbabastos pa rin ang tawag do'n kahit na sabihing biro o totoo iyon. Pagsasabihan ko minsan si Abram.

May na-recieve akong text.

From: Abram

Bakit mo ako pinatayan? Ikaw talaga Damien baby mahal. Sige na mag-sun bathing ka na, isuot mo ang yellow na bikini na pinahiram ko sayo, ha? Lab you. muwah.

Napailing na lang ako at saka binulsa ang cellphone ko baka ano pang mabasa ko.

"Paano ako magsu-sun bathing kung alas singko na? May masabi lang talaga ang bibig niya, hindi niya na pinag-iisipan kung ano ang sasabihin niya," sambit ko habang nakatingin sa papalubog na araw. Nakasuot ako ngayon ng pink polo short-sleeve shirt at black short na abot sa tuhod.

Imbes na isipin si Abram ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa araw na kulay pula na ngayon. Ito ang isa dahilan kung bakit gustong gusto pumupunta sa dagat dahil mas makikita mo ang ganda ng papalubog na araw. Kinuha ko ang DSLR camera ko at kinuhanan ng litrato ang araw. Napangiti ako ng makita ko ang litrato, hindi ko na kailangan lagyan ng kung anong filter dahil natural na natural lang ang ganda nito. Isa pa, parang nakakahiya sa kalikasan na bigyan ng filter ang isang litrato dahil nawawala ang natural at totoong ganda nito.

Lumabas ako sa room ko at naglakad-lakad, may mga oras pa rin na kumukuha ako ng litrato, ewan ko para kasing parte na siya ng pagkatao ko na kapag may nakita akong maganda at nakakahimas sa puso ko na bagay, kinukuhanan ko ito ng litrato.

Isa akong Landscape photographer, noong bata ako gusto kong maging katulad ng tatay ko na maging engineer ngunit habang tumatagal, habang tumatanda ako ay nagiging iba na ang gusto ko. Totoo talaga ang sinasabi nilang kapag tumanda ka na doon mo malalaman kung ano talaga ang gusto mong tahakin at makamit.

Nagustuhan ko ang photography nang minsang hindi ko sinasadyang makapasok sa isang store sa isang mall at doon nagtago, tinataguan ko kasi ang pinsan kong si Abram no'n. Napagtanto ko na isa pala 'yong store na puno ng iba't ibang litrato. Nakakakita ako ng babae na nakangiti pero may luha sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kirot ang munting puso ko noon sa litratong 'yon.

Hanggang sa tumanda ako, habang lumalim ang nalalaman ko tungkol sa photography ay lalo ko lamang nagustuhan ito kaya hanggang sa ito na ako na ngayon, isa ng ganap na photographer.

Kinuhanan ko ng litrato ang dalawang ibon, nakikita rin ang palubog ang araw at ang dagat na nagkulay pula. Napangiti ulit ako nang makita ko na maganda ang pagkakakuha ko. Sa picture makikita at mararamdaman mo na napakayapa.

Itinapat ko ulit sa mata ko sa viewfinder ng camera. Sa viewfinder ko ay nakita ko ang isang babae na nakaupo sa isang puno na nakatumba at tahimik na nakatingin lang sa dagat. Maiksi ang buhok niya na pinaka ayaw ko sa lahat, nakasimpleng dress siya na kulay puti at dinadala ng hangin ang buhok niya, idagdag pa na tumatama ang sinag ng araw sa kanya. Bago ko pa malaman ay nakuhanan ko na pala siya ng litrato, dali-dali akong nagtago dahil nong kinuhanan ko siya ay rinig na rinig ang shutter sound ng camera ko.

"Sino ang nandiyan?" tanong niya, hindi maarte ang boses niya at hindi rin malaki ang boses, sakto lang.

Napapikit ako sa padalos-dalos na kilos ko, nakaramdam ako ng kaba dahil sa isipin na baka mahuli niya ako.

"Bingi na ba ako? Bakit pagkakarinig ko parang may kumuha ng litrato sa akin?" pagkausap niya sa sarili niya.

Hindi ka bingi, miss. Kinuhanan talaga kita ng litrato, sagot ko sa kanya sa isip ko.

Sumilip ako ng konti sa tinataguan kong puno at nakita ko siyang pasilip silip...bandang likod niya?

Binabawi ko na pala, miss. Bingi ka pala talaga, nakangiwing sagot ko sa kanya sa isip ko.

Paano naman kasi nasa gilid niya ako, paano naman ako mapupunta sa likod niya?

Nagtago ulit ako, mahirap na baka mahuli ako.

"Bakit naman siya nagnakaw ng picture ko? Puwede naman niya akong tawagin, magpapa-picture naman ako. Hindi ko tuloy alam kung anong itsura ko do'n, sana lang hindi ako nakangaga o mukhang tanga," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Bigla yatang kumati ang paa ko at gusto ko siyang puntahan para sabihin na hindi ko sinasadyang picture-an siya at i-delete mismo sa harap niya ang picture niya.

Una, maikli ang buhok. Pangalawa, bingi. At higit sa lahat, ma-feeling. Triple turn-off ako sa kanya.

Bibigyan ko sana siya ng masamang tingin nang bigla siyang nawala sa puwesto niya kanina. Sa buong pagbabakasyon ko roon, iyon ang una at huling sandali na nasilayan ko siya, na pinagpapasalamat ko naman.

"UY! Tinititigan ang picture ni Ms. Short hair!" mabilis kong binaba ang camera ko at tiningnan ang pinsan kong nang-aasar na naman. Hindi ko naman kasi tinitingnan ang picture ng babaeng 'yon. Ide-delete ko na nga sana kaso dumating naman siya.

"Ngayon mong sabihin sa akin na hindi mo siya type. Naku! binata na talaga ang pinsan ko!!" pang-aasar na dagdag niya pa.

"Pagpatuloy mo lang 'yan, Abram Cadenza, magugutom ka talaga akala mo," tango-tango at seryosong sambit ko sa kanya.

"Nagbibiro lang ako." At hindi ko siya sinagot.

"Kaya nandito ako para sabihin sayo na kakain na, Damien Cadenza. Bilisan mo baka mabuhay ang manok do'n sa tagal mo," sambit niya saka isinarado ang pintuan.

Dahil gutom na rin naman ako, at mula rito ay naamoy ko na ang nilutong tinola ni Abram ay kumilos na ako at bumaba na sa kama ko.

Muling bumukas ang pintuan at inuluwa no'n si Abram.

"Short hair pala, ah," simpleng salita subalit agad na pinakulo ang dugo ko, kaya naman kinuha ko ang unan ko at binato sa kanya. Sayang nasarado niya agad ang pintuan. Narinig ko rin ang pagtawa niya sa labas.

You May Also Like

Bite Me (Sexy Monster Series #1)

Erin was grieving from her broken heart when a vampire prince unexpectedly came out from her closet. Matapos mabasted ng kanyang childhood friend ay nagpaka-emotera si Erin at humiling sa isang wishing well. “Sana magkaroon na `ko ng lovelife. Gusto ko `yung pinakagwapo. Pwede na’ng kamag-anak ni Johnny Depp. Pinakaseksi, dapat may matitigas na six-packs abs at pumuputok na biceps. Ayoko ng hairy ah, kadiri! Dapat hindi mabuhok ang bulbo—este ang chest! Higit sa lahat bigyan mo `ko ng pinakanakaaakit na lalaki sa buong mundo. `Yong kaiinggitan ako ng mga bilat, ex-bilat at half-bilat sa planet earth!” Sabi nga nila: “Be careful what you wish for because you just might get it.” Paggising ni Erin the next day, wala na siyang suot na saplot at katabi ang isang estranghero. “My name is Vlad, I’m a vampire prince from the Kingdom of Transylvania. From now on you’re mine.” ANO RAW?! Mukhang nagkatotoo nga ang wish niya! Pero hindi lang isang ubod ng gwapong lalaki na may nagmumurang abs at pumuputok na biceps ang binigay sa kanya ni Lord. Kundi isang possessive na bampira na ubod nang manyak! Ito ay isang masayang kwento na puro landian at kagatan! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut DISCLAIMER: This novel carries themed like violence, crime, drugs, malicious content, sexual and horror. Read at your own risk. [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urban
4.9
43 Chs