webnovel

The Mystery of Deaths [Filipino]

Author: trexxle
Horror
Ongoing · 131.8K Views
  • 22 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

"A combination of curses, killings, ghosts and secrets all covered in a single town" Mary Carmen Lim is an ambitious student who is willing to take risks just to achieve what she desires. But when she and her family moved to a new hometown, she began to experience strange feelings that some spirit is haunting the town. As she goes through, Mary was even told that she is cursed which will only be broken if she will do a very heavy job: to take seven significant lives It's up to herself how would she resolve this conflict she is experiencing and how would she cover herself up from this mess. Will she be able to find out the secrets and undo the curse? Or will she just be put in urban legends and gossips? Note: This book is written in Filipino language

Tags
5 tags
Chapter 1Chapter 1: Ang Pagsisimula

Isang araw sa isang kapatagan na tila walang makikitang kabuhayan maliban sa naglalakihang mga puno at sa mga damong hindi namumulaklak, may isang dalagang may suot na kumot sa kaniyang katawan na nakasakay sa isang kabayong mabilis na tinatahak ang daan patungo sa kaniyang ninanais.

Kasabay sa pagtirik ng araw sa itaas, nakarating din ang babae na halos walang maibahid na emosyon sa kaniyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay seryoso habang bumababa siya sa kaniyang kabayo at itinatali sa isang kahoy nang maiwasan itong tumakas. Kaniyang ibinaba ang kumot na nakapulupot sa buong katawan niya dahilan upang makita ang kaniyang nagdurugong mukha. Naglakad siya nang mabagal papunta sa pintuan ng isang maliit na bahay at kumatok nang malakas sa ma-alikabok na pinto.

"Parating na!"

Isang matandang boses ang narinig sa loob ng bahay. Agad namang napangisi ang babae at itinaklob na naman ng kumot ang kaniyang ulo.

"Oh? Anong ginagawa mo rito?"

Nagbukas ang pinto ng bahay at nakita ang isang matandang lalaki na nakasuot ng pulang polo at pantalon habang dala-dala ang kaniyang sigarilyo.

"Kamusta ka naman, Mang Reynaldo?"

Seryosong tanong ng babaeng nakataklob ng kumot. Napakamot naman sa ulo ang matanda dahil hindi niya naiintindihan ang dalaga.

"Ano iyang pula na yan sa mukha mo? Bakit nagdurugo ang ulo mo?"

Tanong ng matanda habang nandidiri sa mukha ng dalaga. Pero pinapasok pa rin naman ito sa loob ng bahay dahil nakakaawang tingnan ang kalagayan ng dalaga.

"Ano nangyari sa iyo? Bakit ka may sugat sa ulo?"

Tanong ulit ng matanda sa dalaga, na iniyakan lamang ng dalaga. Napayakap ang dalaga sa matanda dahil sa lubos na lungkot na kaniyang nadarama.

"Namatay ang alkalde ng bayan namin! Ako mismo ang nakatuklas sa kalunos-lunos na insidenteng ito!"

Sambit ng dalaga. Ipinaupo ng matanda ang dalaga sa malambot na sofa upang mas lalo pa nila maintindihan ang isa't-isa.

"Sabihin mo sa akin kung paano namatay si Mayor Anthony? Bakit naging ganito?"

Mangiyak-ngiyak na pagsalita ng matanda. Agad naman tumahan sa pag-iyak ang dalaga at lumunok upang lakasan ang kaniyang nanghihinang loob.

"Tay, matagal-tagal ko na itong kinikimkim. May natutuklasan akong mga sikreto sa bayan namin! Minsan pa nga, naiisip kong kahat ng tao sa amin, sangkot sa mga pangyayaring hindi ko maintindihan...

Mga pangyayaring nakakagulantang"

Mary's Point of View

"Hoy! Alam mo ba yung gagawin natin sa Science?"

Sigaw sa akin ni Radney, ang aking kaibigan, nang mapansin niya akong nakatunganga habang nagbabasa ng mga sulat ko na hindi ko maintindihan sa aking kuwaderno.

"Hindi eh. Kung pumunta tayo sa library ngayon?"

Sambit ko kay Radney. Agad namang tumayo si Radney sa kaniyang inuupuan at biglang hinila ako paalis sa mesa.

"Edi tara na!"

Aniya at masayang sumunid naman ako sa kaniya habang hinihila niya ako papunta sa library, na hindi ko na napupuntahan simula noong pasukan.

Pumasok kami ng tahimik at nakasarado ang mga labi sa library na may bilang na mga estudyanteng nagbabasa ng mga libro.

"Maghiwalay tayo. Ako sa second floor, ikaw rito. Maghahanao tayo ng libro tungkol sa lesson natin kanina"

Utos ni Radney. Tumango lamang ako nang mabilis dahil ako'y nasasabik na makita ang mga daan-daang librong aking nakikita. Umalis na si Radney at ako'y naiwan mag-isa, naghahanap ng librong makakakuha ng atensyon ko. Nilibot ko ang isang parte ng library kung saan nakita ko ang dalawang libro na konektado sa lesson namin sa Math dahilan upang kuhain ito sa lagayan. Napukaw rin ang aking mga mata sa isang librong walang kahit anong nakalagay sa balat. Isang maitim na libro at ang nakakainis, hindi ito mabuklat dahil sa sobrang luma.

"Oh nakakita ka na?"

Ako'y nagulat nang magsalita sa tabi ko si Radney na hindi ko napansing nakatayo sa tabi ko. Ako'y tumango at kami'y dumiretso sa isa sa mga mesa upang pag-aralan ang aralin na itinakda sa amin sa loob ng tahimik na lugar.

-•-

"Oh! Bye, Mary! Tapusin mo na yung group work natin huh?"

Sigaw ni Radney sa akin, habang kumakaway lang sa akin si Lyra at nakangiti sa akin si Sydney habang ako'y humihiwalay na sa kanilang daan sapagkat malapit na ako sa aking tahanan.

Ako nga pala si Mary Carmen Lim, isang Grade 12 student at gusto kong maging flight attendant kahit na may takot ako sa pagsakay sa eroplano. Isa lamang akong estudyanteng hindi gaanong matalino basta't minsan ay nakakakuha naman ng award.

Malapit nang lumubog ang araw nang ako'y makauwi dahil nakakainis masyado si Sydney. Lagi siyang nagpapasama sa amin bumili ng mga gamit ng pamilya niya sa bahay.

"Magandang gabi, lola!"

Pagkarating ko sa bahay, nabatid ko ang aking lola sa tapat ng bahay, nakikipag-tsismisan sa kaniyang kaibigan. Nagmano ako sa kaniya at tumuloy sa loob ng bahay.

"Mary! Mag-impake ka na!"

Laking gulat ko nang marinig ko kaagad ang galit ng aking nanay. Kahit kakauwi ko lang, kahit pagod ako, hindi ko pa rin maiiwasang masigawan nang wala sa oras.

"Ate! Okay na ba itong bag ko?"

Nakita ko ang bunsong kapatid kong si Carmella na may dalang bag na may mga cartoon characters na nakalagay sa harapan. Aking naalala na ngayong gabi pala kami lilipat ng bahay. Bagama't hindi ko ginusto ito, pero kailangan pa ring tanggapin dahil dapat mas malapit ang magiging bahay namin sa trabaho ni papa.

Pumunta ako sa aking kuwarto at nagpahinga nang sandali, naglaro sa aking cellphone para hindi masayang ang oras. Bago po man dumating si papa, ako'y nagdesisyong kumain muna ng kanin at sinigang na hipon at naligo pagkatapos.

-•-

"Nakapag-impake na ba kayo? Nasa labas na yung kotse ng kuya niyo. Kung wala na kayong nakalimutan, marahil na sumakay na kayo at doon na kayo matulog"

Maghahating-gabi na nang ginising kami ni mama. Kinuha namin ang aming mga bag habang ako'y nagkaroon ng last-minute check kung may nakalimutan na ba ako. Pagkatapos ay naglakad na ako palabas papunta sa loob ng kotse upang magpahinga habang nakikinig ng mga kanta nang makatulog na rin ng mahimbing.

Pagkagising na pagkagising ko nito, tiyak na mag-iiba na ang aking makikita. Kaya ako'y lubos na nasisiyahan sa mga pangyayaring maaaring maranasan ko sa Bayan ng Mastoniaz.

You May Also Like