webnovel

Chapter 23

ALAM kong nakita ko si Cristine. Agad akong humabol dito nang mapansin ko na paalis na ito. Narinig ko pa ang pagtawag ni Maricar pero hindi ko siya pinansin at sinundan si Cristine. Dahil sa dami ng tao ay nawala sa paningin ko si Cristine pero agad ko rin itong nahanap sa harap ng counter. Dali-dali akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya kaya lumingon siya sa'kin.

Pero nabigo ako.

"Yes?" Tanong ng babaeng inakala kong si Cristine. Umiling ako at humingi ng pasensya.

"I'm sorry, I thought your someone I knew." Ngumiti lang ang babae at bumalik na sa kanyang ginagawa.

Namalikmata lang ba ako?

Baka nga nagkamali lang ako. Pero paano nga kung naabutan ko siya, anong sasabihin ko?

Bakit ko nga ba siya hinabol? Dahil ba gusto ko lang makasigurado na siya nga ang nakita ko?

Alam kong nangingibabaw ang takot ko sa mga oras na ito na baka pag bumalik na siya ay iwan na ako ni Lorenzo. Ngayon pang unti-unti na siyang nakakalimutan ni Lorenzo.

* * *

Ilang araw din tumagal sa isipan ko ang mga possibilities na baka bumalik na si Cristine. Pero dahil sa tambak na trabahong naiwan nang magbakasyon kami ay nakalimutan ko na rin ang tungkol sa kanya.

Simula nang makabalik kami ay naging mas malambing sa'kin si Lorenzo. Kahit na halos sa bahay na lang kami nagkikita ay naglalaan pa rin ito ng oras para sa aming dalawa. Napagdesisyunan na rin naming dalawa na sa iisang kwarto na kami matulog tutal nga ay mag-asawa naman na kami. Noong una ay naninibago ako, dahil sanay ako na ako lang mag-isa sa higaan. Pero ngayon, pagmulat ng mga mata ko ay mapapangiti na lang ako. Dahil ang mukha ni Lorenzo ang sasalubong sa'kin araw-araw.

Sunday ngayon kaya maaga akong nagising para ipagluto ng breakfast si Lorenzo. Ipinuyod ko ang buhok ko para hindi ito makasagabal sa pagluluto ko. Inihanda ko rin ang mga ingredients na gagamitin ko. Naisipan kong magluto ng Chessy Tuna Omelette which is his favorite and some of fried rice, ham, hotdog, pancakes and of course coffee. Alam ko masyadong marami ito kumpara sa dalawang taong kakain ng mga ito. Pero masyado akong nawili sa pagluluto na kaya hindi ko na naisip kung mauubos ba namin ito. Pagkatapos kong itong maluto ay inilapag ko na ito sa table. Pinagmasdan ko itong mabuti. It's perfect.

"Wow!" Nagulat ako nang biglang may magsalita sa likod ng tenga ko. Agad akong napaharap dito. Napaatras dahil sa liit ng distansya naming dalawa.

"Lorenzo, your awake. Ginulat mo naman ako."

"Yes. Good morning." Lumapit ito at hinalikan ang pisngi ko. Napangiti ako at nakita niya iyon.

"You like it when I always kiss you." He teased. I rolled my eyes.

"Oh, come on let's eat." Pang-change topic ko.

"Just admit it." Natatawang niyakap ako nito sa likod. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa tiyan ko. I can feel his hot breath on my neck and it makes me shiver.

"Okay! okay. Oo na, I'm happy when you always show your love to me." Inalis ko ang nakayakap niyang braso. "So, let's eat."

Hinila ko ito sa table. Umupo ito katabi ko. "Bakit pakiramdam ko kakatayin na ako bukas sa dami ng pagkaing nakahanda?" Napahalakhak ako sa sinabi niya.

"What? masama bang ipaghanda ko ng breakfast ang asawa ko?" Kinuha ko ang Omelette at inilagay ito sa plato niya.

"Hindi naman. Thank you Babe."

Napalingon ako nang marinig ko ang itinawag niya sakin. "B-Babe?"

"Yes. Napansin ko wala man lang tayong endearment. Sila Mommy at Daddy meron. Pati na rin si Ate." Napangiti ako.

"Akala ko kasi ayaw mo ng may tawagan tayo, so I never brought it up," napaisip ako. "Hindi ba parang masyadong gamit na ang babe."

"You're right. Sige mag-iisip ako." Gumuhit ang ngiti sa aking mukha.

"Why are you smiling?" Tanong niya.

"Wala. Masaya lang ako. Ang sweet mo lang para maisip 'yon."

Lumingon siya at inilapit sa bibig ko ang spoon. "For you, I'll be even sweeter." Inangat niyang muli ang spoon. Natatawang sinubo ko iyon.

Pagkatapos kumain ay naisipan namin bisitahin sila Mommy Karen.

"Kara iha, napadalaw kayo." Masayang niyakap ako nito pagkatapos ay si Lorenzo naman ang niyakap niya.

"Mommy, konti na lang iisipin ko na nagkapalit kayo ng anak ni Mama Gina. Mas una mo pa siyang niyakap bago ako." Nag-iinarteng saad ni Lorenzo. Natawa kami ni Mommy Karen.

"Ang arte mo, Lorenzo."

Kinamusta lang namin si Mommy. Pagkatapos ay tinulungan ko itong magdilig ng mga alaga niyang bulaklak. Si Lorenzo naman ay nautasang magbantay ng ate niya kay Baby Dy.

Actually, ako talaga ang nagpumilit kay Lorenzo na pumunta dito dahil gusto kong makausap ang mama ni Lorenzo.

"Ahm, Mommy Karen. Naalala ko po kasi na sa makalawa na ang birthday ni Lorenzo."

Napaisip siya. "Ay! oo nga. Iba na talaga pagtumatanda na. Nagiging makalimutin."

Lihim akong napangiti. "Hindi naman po halata sa mukha n'yo ang edad n'yo My."

"Gusto ko po sanang surpresahin si Lorenzo."

Namilog ang mata niya. "How sweet of you, Kara. That would be great! I will help you Iha. Ako ng bahalang magsabi kay Carla mamaya."

"Thank you, My."

Naisip ko kasing surpresahin si Lorenzo. This will be his first birthday as my husband and I want to surprise him. Bukas ay mamimili ako ng mga gagamitin at syempre maghahanap rin ako ng pangregalo sa kanya.

Nang matapos kami sa pagdidilig ay pumasok na kami sa loob. Naabutan namin si Lorenzo sa couch na kalong-kalong si Dylan. Lumapit ako sa kanila.

"Hi, baby dy." Pinisil ko ng magaan ang pisngi nito. Naramdaman kong inaabot ni baby dy ang mukha ko kaya mas lumapit ako dito. Natawa nang ang buhok ko naman ang pilit niyang inaabot.

"He really likes you, Kara." Napatigil ako ng mapatingin ako kay Lorenzo. Hindi ko napansin na sobrang lapit na pala ng mukha naming dalawa. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang dumako ang tingin ni Lorenzo sa labi ko. Nakita ko ang bahagyang paglunok niya.

"I could kiss you right now, Kara. But not now. Not when Dylan is watching." Tumayo siya.

"Right Dylan? I want to kiss your tita but your watching." Kinausap niya si Dylan na akala mo ay maiintindihan siya nito. Natawa ako nang hindi sinasadyang na hampas ni Dylan ang bibig niya.

Lumapit ako sa kanila. "Looks like ayaw ni Dylan na ikiss ni Tito si Tita. Kaya ako na lang ang kikiss kay Tito." Kinabig ko si Lorenzo at hinalikan ito ng mabilis sa pisngi.

Nakita ko pa ang pamumula ng tenga niya. Kaya mas lalo akong natawa. Napailing na lang si Lorenzo.

* * *

"Paano kaya kung ito na lang ang bilhin ko?" Ipinakita ko kay Maricar ang hawak na neck tie.

Umiling ito. "Sure ka 'yan ang bibilhin mong regalo para sa asawa mo?" Napabuntong hininga ako at ibinalik sa lagayan ang neck tie.

Nandito kami ngayon sa Mall. Nagpasama akong mamili ng mga kakailanganin namin para sa birthday ni Lorenzo. Ako na rin ang bibili ng mga ingredients para sa lulutuin nila bukas kasi siguradong hindi ko sila matutulungan sa pagluluto dahil ako ang naatasan na maglayo kay Lorenzo sa bahay. Para makapagdisenyo sila.

"Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong iregalo dahil basically lahat ng ito kaya niyang bilhin."

"True. Kaya nga mag-isip ka ng iba. More unique than this." Wika niya habang nagsusukat ng shades.

Actually, 'yon na lang ang kulang namin. Ang regalo ko para kay Lorenzo. Nabili na namin lahat ng kailangan maliban doon. Inikot ko ang tingin sa paligid baka sakaling may mahanap ako na pwede kong ibigay kay Lorenzo. Natigilan ako nang makita ang isang pamilyar na mukha na kalalabas lang sa isang fast food chain.

"Hindi ba si Josh 'yon?" Tanong ni Maricar. Nakita niya rin pala ito. Madadaanan kami nito kaya naman nang mag-angat ito ng tingin ay kinawayan ko ito. Namilog ang mata niya nang makilala kami.

"Hey! nandito pala kayo." Masayang bati niya sa'min.

"Oo eh. May binili lang-" Napatigil ako ng maalala ko ang birthday ni Lorenzo. "Nga pala, Josh punta ka bukas. Birthday ni Lorenzo."

Naramdaman ko ang pagsiko sa'kin ni Maricar. "Hindi ba pinaseselosan siya ni Lorenzo?" Nag-aatubiling tanong niya.

"It's okay."

Nakangiting nilingon ko si Josh. " Punta ka Josh."

"Sure, why not."

Saglit lamang kami nagkamustahan pagkatapos ay umuwi na. Hindi rin ako nakabili ng pangregalo dahil wala talaga akong maisip na pwedeng iregalo.

Pagdating ko sa bahay ay naligo lang ako saglit at nagpalit ng damit. Sakto naman na pumasok si Lorenzo. Lumapit ito sa'kin para halikan ako sa pisngi.

"How was your work?"

Hinubad niya ang coat at sapatos. "Ayos lang. Medyo busy."

Nakangiting tumayo ako sa harap niya. Nagtatakang nag-angat siya ng tingin. "Why?"

"Tara, date tayo bukas." Ikiniling niya ang ulo na parang nag-iisip. "O..kay, sige." Hindi niya inalis ang tingin sa'kin. Nawiwirduhan 'ata sa'kin. Pero mas pinalawak ko lang ngiti ko at tumalikod rito.

"So.. anong nakain mo at naisipan mo akong yayain magdate?" Nakangising tanong ni Lorenzo.

"Nakain talaga? Hindi ba pwedeng gusto lang kita makasama ngayon." I smiled widely.

Nanliit ang mata niya na para bang hindi naniniwala. "I think you're hiding something to me."

Napahalakhak ako. "Ang praning nito. Wala nga." Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya.

"Nandito na tayo." Nilibot niya ang tingin sa paligid.

"St. Martin National High School." Pagbasa niya. "

"Yes. Let's go in." Nauna akong pumasok at hinila ko siya. Dito ko naisipang dalhin si Lorenzo. Ang eskwelahan kung saan kami nag-high school.

"Grabe 'no, wala pa ring pinagbago itong school." Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang Clinic na ngayon ay nirerenovate. Nilingon ko si Lorenzo na nakatingin din roon. Nagkatinginan kami at parehong natawa.

"Aminin mo Lorenzo, naalala mo ang kalokohan mo sa Clinic." Pigil ko ang tawa.

"I'll never forget that. You even join me." Napapahawak na ito sa tiyan sa kakatawa.

"That's because you didn't tell me that you're just acting." Nalaman ko kasi na mataas raw ang lagnat nito kaya naman dali-dali akong pumunta sa clinic. Pagdating ko doon ay agad kong dinampi ang likod ng palad ko sa noo niya. Gusto ko na sanang tawagan si Mommy Karen kasi sobrang taas daw ng lagnat niya 'yun pala ay nagpapanggap lang pala ito. At ang loko tawang-tawa. Natatawa na lang ako pag naaalala ko.

Nag-ikot ikot pa kaming dalawa sa loob ng school. May mga nakasalubong pa kami na mga dati naming teacher kaya naman napuno ng throwback ang araw namin. Maya-maya ay tumawag sa phone ko si Ate Carla.

"Hello. Kara?" Napalingon ako saglit kay Lorenzo bago ko sinagot ang si Ate Carla.

"Ate, kamusta ang preparation n'yo d'yan?"

"Yes. We're done. Pwede na kayong pumunta dito."

"Okay. Pupunta na kami dyan. Thanks Ate." Pagkatapos ng tawag ay inaya ko ng umuwi si Lorenzo. Habang nasa byahe ay nagtext na ako kay Ate Carla na ako ang unang papasok then after ko saka namin babatihin at kakantahan si Lorenzo.

Pagdating namin sa bahay ay nagmamadaling bumaba na ako ng sasakyan. Nagtanong pa ito kung bakit ako nagmamadali. Ang sinabi ko na lang ay naiihi na ako. Lame reason pero 'yon ang unang pumasok sa isip ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakapatay na ang ilaw kaya naman gumamit pa ako ng flashlight ng phone ko para mahanap sila. Nakita ko naman agad ang mga ito na may suot na birthday hat at may mga bitbit na party popper. Natatawang isinuot ko agad ang hat at binuhat ang cake. Ang cute nilang tingnan lahat.

Maya-maya ay narining namin ang kaluskos na nanggagaling sa labas. Bumukas ang pinto.

"Kara, bakit 'di mo binuksan ang-"

"HAPPY BIRTHDAY!!!" Napasinghap ito sa gulat ng pumutok ang mga hawak nilang party poppers at ang pagbati namin sa kanya. Nabuhay ang sound system at sabay-sabay namin siyang kinantahan ng happy birthday song. Napailing si Lorenzo at natawa. "Birthday ko pala ngayon?"

Kumpleto ang pamilya namin. Nag-imbita rin kami ng ilang malalapit na kaibigan ni Lorenzo nung kolehiyo at highschool.

Matapos namin siyang kantahan ay lumapit ako rito. Inilapit ko sa kanya ang dala kong cake.

"Happy birthday.. Mahal." Nakangiti kong pagbati sa kanya. Umawang ang bibig niya at mamaya ay sumilip ang di mapigilang ngiti sa labi niya.

Next chapter