webnovel

28

TILA itinulos ang mga paa ni Myla sa may pintuan. Ni hindi niyang magawang lumapit sa dalawa bagaman bahagya naman nang lumayo ang mga ito sa isa't isa. Lumipat ang tingin niya sa mukha ni Angelica. She was smiling from ear to ear. Na para bang hindi ito nahuli sa aktong naglulumandi sa mismong sala ng bahay ng amo nito. But she ignored it. At agad na lumipad ang tingin niya sa lalaki. She thought a guilty expression in Darwin's face would be nicer. O kahit man lang sana na-shock ito. But the only thing she could see in his face was that lazy expression. She was a nuissance, his expression was saying.

"I'm sorry, Angelica. You should probably go home now." ang balewalang sabi ni Darwin sa babae na nakangiting tumango lamang naman bago nagmartsang papunta sa pinto. Hindi nakaligtas sa kanya ang paglawak ang lalo ng ngiti ng babae at pagtaas ng noo nang dumaan ito sa gilid niya. She would really love to pull Angelica's hair but she will save it next time. Nanatili ang tingin niya kay Darwin. Kay Darwin na hindi man lamang siya nilingon at naglakad nang paakyat ng hagdan.

What was her plan again? Ask him the truth? Nasaktan na nga siya sa nakita niya, gugustuhin pa ba niyang marinig ang totoo mula rito at hahayaang ang sariling mas masaktan pang lalo?

"After he kissed you on the graduation ball and you left the party he talked to me. He told me to stay away from you. He said he will never let anyone hurt you."

"Aba eh para namang hindi mo alam na may gusto iyong sir sa inyo. Aba eh kami ngang kailan lang nakilala ang binatang iyon eh basang basa na ang kilos niya."

Parang tukso namang bumalik sa isip niya ang mga narinig mula kay Christopher at sa matandang driver. Natagpuan niya ang sarilihing hinahabol ito. Naabutan niya ito sa pasilyo ng ikalawang palapag.

"Can we talk, atleast, Darwin?" tanong niya rito.

Tumigil naman ito ngunit hindi siya nilingon.

"What for?" wika ng malamig na boses nito. "I'm tired, Myla. Bukas na lang." at nagsimula na itong maglakad ngunit hindi siya papayag na basta na lamang layasan nito. Hindi siya makakatulog kung hindi niya malalaman ang totoo mula rito.

"Totoo bang lumalapit ka lang sa akin nitong mga nakaraang araw nang dahil sa gusto mong makaganti sa akin?" He stopped again. "Hindi naman 'di ba? Wala kang sineryoso sa lahat ng mga girlfriends mo. You would never resort to this just to get even, right?" She was asking for the truth but it sounded like she was pleading for him to agree with her. It sounded a bit pathetic but what the hell! She has to know the truth.

"Then you really don't know me." Ang malamig na balik nito sa kanya.

"W-what?" tigagal na tanong niya.

Nagulat siya nang basta na lamang siya nitong harapin. Bakit ba mukhang ito pa ang galit sa kanya samantalang ito naman ang nananakit sa kanya ngayon?

"You want the truth? Then here it is." Balewalang sabi nito. "Nakipaglapit ako sa'yo para gantihan ang ginawa mong pagpapahiya sa akin sa hotel na iyon. I acted as if I liked you in front of you and all the others to make it convincing. I thought I was getting through you these past few days but I guess I was wrong so I'm stopping now. You have Christopher now, and I promise not to bother you again so there's no point of us talking like this again. Let's stay out of each other's business from now on. Good night." Iyon lamang at tinalikuran na siya nito saka dumiretso sa silid na inookupa nito.

Nanatili naman siya sa kinatatayuan. Waring tinakasan siya ng lakas. He just confirmed the truth. And the truth had just struck her to the core. Everything was just for a show. Na ginawa nito iyon para gantihan siya. Isa itong businesman, ngunit wala namang nagsabing magaling din pala itong umarte. He was able to make other people believe that he likes her. He made her believe that he likes her.

Naramdaman niya ang pagkawala ng isang patak ng luha mula sa mga mata niya na nasundan pa ng marami. Naisapo niya ang palad sa mga labi nang magkatunog na ang pag-iyak niya. Mali ang akala nitong hindi ito nagtagumpay sa pinlano. Nakuha nito ang puso niya para lamang itapon at tapakan nito nang mga oras na iyon. But she would never let him realize that. Tama nang ang puso niya lamang ang natapakan nito. She would save her pride. Iyon na lamang ang natitira sa kanya. Dahil ang puso niya ay inangkin na nito at itinapon. And she was damn well sure she will never be able to claim it back.

Next chapter