webnovel

Special Delivery

Sa may waiting area sa loob mismo ng Emergency Room naupo sina Angel at Bryan upang hintayin ang paggagamot kay Alex. Si Alice naman ay sa may labas ng ER pumuwesto. That time ay nakasara na ang pintuang papasok sa may ER. Kaya naman nung tanawin ni Angel ang ina ay hindi niya ito nakita.

"Gusto mong puntahan ang mommy mo?" tanong ng katabi niyang si Bryan.

Umiling siya. Parang hindi pa niya alam kung ano ang sasabihin sa ina. Hindi kasi niya mapigilan ang sarili na magalit dito kahit pa alam niyang mali ito.

Ilang sandali pa ay lumabas na ng Resuscitation Area si Helen. Sina Angel at Bryan ang una nitong hinarap.

"Where's your mom and dad?" tanong ni Helen kay Angel.

Napalingon si Angel sa may pintuan ng ER pero hindi ito nakasagot. Si Bryan na lang ang sumagot sa tanong ni Helen.

"Nasa labas si Tita Alice. Si Tito Benjie naman isinama ni Daddy."

"I see...Well, Alex is okay now. She's still weak because of dehydration at dahil na rin sa hindi niya pagkain ng ilang araw. Pero bukod pa roon, wala namang problema. Nagsagawa na rin kami ng ilang mga tests para makasiguro. She needs to be admitted para makabawi ng lakas. IV transfusion will also help her lalo na't ayaw niyang kumain."

"Maraming salamat po, Tita." Parang maiiyak ulit si Angel.

Hinawakan ni Helen sa braso si Angel. "You're welcome, Hija. Bryan, samahan mo si Angel sa may Admitting Section para maikuha na ng room si Alex."

"Sige po," ani Bryan.

Iginiya na ni Bryan si Angel palabas ng ER. Nang makalabas ay nakita nila si Alice. Kaagad itong napaangat ng tingin at halatang kanina pa umiiyak. Napatingin si Angel sa ina.

"Angel, sige na. Kakausapin ko muna ang mommy mo. Bryan."

Muling iginiya ni Bryan si Angel papunta sa may Admitting section. Sinundan na lamang ng tingin ni Alice ang dalawa.

Nang silang dalawa na lang ay tinabihan ni Helen si Alice.

"By the way, I'm Helen. I didn't think we have formally met, so..." Inilahad nito ang kamay.

Tinignan ni Alice ang katabi. Matiyaga namang hinintay ni Helen si Alice hanggang sa kamayan na rin siya nito. Helen smiled and squeezed her hand lightly.

"Well, I guess it's better that we know each other since girlfriend ng anak ko ang anak mo, at mukhang magkakabalikan na iyong dalawang magkaibigan. I guess we will be seeing each other a lot more often from now on... Lalo na pala ako ang doktor ng anak mo." Helen smiled.

Malungkot na ngumiti si Alice. Saka parang maiiyak na naman ito.

"Alam mo, noong una naming makilala ang mga anak mo, I thought to myself, these two girls were raised properly and lovingly. Halatang busog sila sa pagmamahal mula sa mga magulang nila. Though I know there might be issues, lalo na at nalaman kong sekreto na palang may relasyon si Angel kay Bryan; pero I know naman na kahit ganoon, isa pa rin kayong masayang pamilya."

"Siguro nabigla lang iyong asawa mo," pagpapatuloy ni Helen. "Dala lang siguro iyon ng emosyon kaya niya nasabi iyon... Sorry, hindi ko maiwasang hindi marinig. Dinig kasi sa Resus Room iyong diskusyon ninyo kanina."

"Nakakahiya..." Napayuko si Alice.

"Hayaan mo na. Hindi ka itsitsismis ng mga tao doon. Takot lang nila sa asawa ko. Lalo na future daughter-in-law niya si Angel." Napangiti si Helen. "Kini-claim ko na talaga."

"Bryan is such a great guy. Kung siya ang makakatuluyan ni Angel, I would be very glad."

"And I like Angel, too. Nakikita ko kasi na talagang napapasaya niya ang anak ko. That's what's important to me."

Nagkangitian ang dalawa.

"Siguro, kung hindi nagkagalit ang mga asawa natin, best of friends tayo, ano?" ani Helen.

Napangiti rin si Alice. "Siguro..."

Napatingin si Helen sa dalawang lalaking parating. Napangiti siya nang makita ang asawa. Nilingon ni Alice ang nakita ni Helen at nakita rin niya ang asawang si Benjie.

"Special delivery," ani Raul kay Alice.

Tumayo si Alice, at muli ay tumulo na naman ang kanyang mga luha.

"Hon..." Tuluyan na itong napahagulgol.

Niyakap ni Benjie ang asawa at saka hinalikan ito sa noon. "I'm sorry... I'm so sorry."

"Sorry din... sorry..." Tsaka muling umiyak si Alice.

Nanatiling magkayakap ang mag-asawa. Nakangiti naman sina Raul at Helen na nakatingin sa dalawa habang magkaakbay din.

Si Benjie ang unang kumalas sa yakapan nila ni Alice.

"I'm sorry kung pinagdudahan kita. I'm so stupid. For twenty years, I've felt your love and affection that's why I shouldn't have asked you that stupid question. I'm really sorry."

Umiling si Alice. "Ako nga ang dapat mag-sorry. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakaka-get over doon sa nangyari. Hindi ko sinubukan man lang na mag-let go kaya hanggang ngayon nasa akin pa rin iyong sakit dito sa puso ko. Hindi ko kailanman sinubukang pakawalan iyon. Kasalanan ko. Ako ang dapat sisihin kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on."

"What's important is that you've accepted your fault and you're willing to change that now."

Tumango si Alice. "Tama ka. Dapat na nga akong magbago. Siguro natakot lang ako na baka mangyari kay Alex iyong nangyari sa akin dati. Na hindi rin siya magustuhan ng mga magulang ni Richard at mahirapan din siya kagaya ko."

"Huwag kang mag-alala, Alice," ang sabi naman ni Raul. "Ako ang bahala kay Alex. Sisiguraduhin ko na hindi siya tatarayan ni Glory. Isa pa, kung gusto ninyong makausap iyong mag-asawa, para lang maayos na ang lahat at magkaroon na ng closure ang issue na ito, sabihin n'yo lang sa akin."

"Salamat..." Pilit nginitian ni Alice si Raul.

"See? My best friend is back," ani Benjie kay Alice.

Nginitian ni Alice ang asawa at muli ay niyakap ito. Siya namang pagbalik nina Angel at Bryan mula sa Admitting Section.

"Dad?" ani Angel.

Hinarap ni Benjie ang anak at saka niyakap ito. Hindi naman napigilan pa ni Angel ang pag-iyak. Nang matapos ang mag-ama ay si Alice naman ang yumakap kay Angel.

"I'm sorry, Anak! I'm sorry. Hindi ako naging mabuting ina sa inyo."

"No Mom! We just don't understand you sometimes, but that doesn't mean you have been a bad mother. You are the best for me!"

Muling nagyakap ang dalawang umiiyak na mag-ina. Kalaunan ay nakisali din si Benjie sa dalawa.

Nilapitan naman ni Bryan ang kanyang ina at inakbayan. "Thanks, Mom." Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Aba! May kontribusyon din naman ako dito, ah!" ang sabi naman ni Raul.

Bryan chuckled. "Thanks, Dad."

"Nasaan na iyong kiss?" Itinuro pa ni Raul ang pisngi.

"Dad!" Parang nandidiring lumayo si Bryan sa ama.

"Hindi ka na mabiro!" natatawang wika ni Raul sabay akbay sa kanyang anak.

πŸ’œπŸ’œπŸ’œ

𝐴 β„Žπ‘Žπ‘π‘π‘¦ π‘šπ‘Žπ‘Ÿπ‘Ÿπ‘–π‘Žπ‘”π‘’ 𝑖𝑠 π‘Žπ‘π‘œπ‘’π‘‘ π‘‘β„Žπ‘Ÿπ‘’π‘’ π‘‘β„Žπ‘–π‘›π‘”π‘ : π‘šπ‘’π‘šπ‘œπ‘Ÿπ‘–π‘’π‘  π‘œπ‘“ π‘‘π‘œπ‘”π‘’π‘‘β„Žπ‘’π‘Ÿπ‘›π‘’π‘ π‘ , π‘“π‘œπ‘Ÿπ‘”π‘–π‘£π‘’π‘›π‘’π‘ π‘  π‘œπ‘“ π‘šπ‘–π‘ π‘‘π‘Žπ‘˜π‘’π‘  π‘Žπ‘›π‘‘ π‘Ž π‘π‘Ÿπ‘œπ‘šπ‘–π‘ π‘’ π‘‘π‘œ π‘›π‘’π‘£π‘’π‘Ÿ 𝑔𝑖𝑣𝑒 𝑒𝑝 π‘œπ‘› π‘’π‘Žπ‘β„Ž π‘œπ‘‘β„Žπ‘’π‘Ÿ. ~ Sα΄œΚ€α΄€Κ™ΚœΙͺ Sα΄œΚ€α΄‡Ι΄α΄…Κ€α΄€

Next chapter