webnovel

Heartbreak

Pababa pa lamang mula sa balkonahe ng mga Martinez si Bryan ay tinatawagan na niya si Richard. Hindi nito sinasagot ang tawag niya. Ring lang ng ring ang telepono nito. Kaya naman minadali niya ang pagda-drive pabalik ng CPRU. Ligtas naman siyang nakarating doon.

Ang sabi kanina ni Angel ay magkikita daw dapat sina Alex at Richard sa may student lounge ng SMS. Doon na siya dumiretso pagka-park niya ng kotse. Naabutan naman niya doon si Richard. Mag-isa itong nakaupo at diretso lang ang tingin. Kaagad niya itong nilapitan.

"Chard..." Hindi niya alam ang sasabihin.

Dahan-dahang tumingin ito sa kanya. Hindi rin ito nagsalita.

Huminga ng malalim si Bryan. "Alex-"

"She didn't come."

"I know. Something happened-"

"She didn't want to come."

"No, it's not that-"

"She hates me."

"Richard, listen to me-"

"She doesn't want me anymore."

"Richard-"

"Or maybe, she never really liked me."

"Will you please listen first!"

"She's never coming, Bry! She doesn't want me anymore!"

Saglit na natulig si Bryan sa sigaw ng pinsan. Damang-dama niya ang sakit at pighati na nararamdaman nito.

"Hindi siya pumunta. Ayaw na niya. Dapat nakinig na lang ako sa kanya. Dapat hindi na ako umasa." Umiiyak na ito.

"Richard, si Alex-"

"I don't want to hear anything about her. Ayoko na rin, Bry. Tama na, please?"

Tumayo na ito at umalis na. Sinundan naman ito ni Bryan. Sa may kotse nito pumunta si Richard. Pagpasok doon ay kaagad nitong dinrive iyon. Nagmamadaling sumakay din sa sariling kotse si Bryan at sinundan si Richard.

Siniguro ni Bryan na mabantayan niyang mabuti ang kotse ni Richard na halos harurot ang pagmamaneho. Mabuti na lang at ligtas itong nakauwi ng Moonville. Pagdating sa kanilang subdivision ay kaagad itong pumasok sa bahay nito. Hindi na ito sinundan pa ni Bryan. Malamang na hindi rin ito makikinig sa kanya.

πŸ–€πŸ–€πŸ–€

Dahil sa nangyari ay ayaw lumabas ni Alex sa kwarto niya. Dalawang araw na mula noong mangyari ang komprontasyon sa balkonahe. Dalawang araw na ring hindi lumalabas si Alex. Dinadalhan na lamang siya ng pagkain ni Angel at pinipilit na ring lumabas ito ng silid.

Ngunit kahit naman laging dinadalhan ni Angel ng pagkain ang kapatid ay wala rin naman itong ganang kumain. Tuloy, kung ano ang ipinasok ni Angel sa silid ni Alex ay ito rin ang ilalabas niya. Mabawasan man ito ay konti lang.

"Alex, kumain ka naman kahit konti lang," pilit ni Angel sa kapatid. Halos hindi man lang kasi nito tinitigan ang dala niyang pagkain kahit pa nga paborito nito iyon. Dati-rati ay amoy pa lamang ng Kare-kare ay naglalaway na si Alex. Pero ngayon, halos subuan na nga niya ito pero wala pa ring epekto.

"Ate, wala akong ganang kumain." Nakahiga si Alex sa kama nito ng patalikod kay Angel. Sa may balcony ito nakatingin.

"Wala ka na nga halos kinain kahapon. Kagabi dalawang subo lang ang kinain mo. Alex naman, kapag patuloy kang ganyan baka mamaya magkasakit ka na."

"Si Richard?" Sa halip ay tanong nito.

"Hindi pa siya nakakausap ni Bryan, eh. Para daw kasing umiiwas ito. Lagi itong wala sa kanila. Hindi maabutan nitong si Bryan. Hindi rin naman niya makunsulta iyong mga magulang ni Richard kasi nasa conference ang mga ito. Ilang araw daw ang dalawa sa Manila."

"Galit siya sa akin."

Walang kaemo-emosyon ang sinabing iyon ni Alex, pero awang-awa pa rin si Angel sa kapatid. At hindi lang emotionless ang sinabi nito. Parang wala na rin itong lakas na magsalita.

"I'm sure he'll understand once he found out about what really happened."

Bigla na lamang pumasok si Alice sa kwarto ni Alex.

"Alex!" Tuloy-tuloy ito hanggang nasa harapan na ni Alex.

"Mom!" Nabibiglang napatingin na lamang si Angel sa ina.

Nakay Alex naman ang tingin ni Alice. "So, you will not eat. You will not go out of your room. Anong gusto mo?"

Tumingin sa kanya ang walang ganang si Alex. "You know what I want."

"Ano? Iyong lalaking iyon? Nasaan siya? Ni hindi man lang magawang magpakita dito!"

"Mom!" Muli'y sinubukang pigilan ni Angel ang ina.

"Will you let him go here?" tanong naman ni Alex sa ina.

"Pare-pareho lang ang mga Quinto na iyan. Iniisip nila sila ang tama, sila ang kawawa, sila ang nagawan ng mali. They don't deserve us, Alex. You don't deserve this kind of treatment."

"I love him."

Huminga ng malalim si Alice, halatang nagpipigil dahil sa frustration na hindi niya mabago ang isip ng anak. "Kung iyan ang gusto mo, then I have to do everything to prevent that from happening."

"What would you do?"

"Kung kailangan kitang ikulong dito, gagawin ko. Now, ayoko ng taong masyadong paimportante, Alex. Iyong pagkain nasasayang lang pati iyong effort ng mga katulong sa pagluluto at ng ate mo sa paghahatid dito. If you won't go out in the kitchen to eat, then you will not eat!"

"Mom!" Si Angel ulit. "Sobra naman po yata iyon!"

"Hindi magtitino iyan kung kukunsintihin ninyo! Hayaan n'yong siya ang bumaba sa kusina at kumain!"

Alice took the food tray from Angel and then left the room.

"Mom!" Si Angel. Saka niya hinarap ang kapatid. "I will talk to Dad."

Lumabas na rin ng silid si Angel. Hinabol nito ang inang si Alice. Nang makaalis ito, saka pinakawalan ni Alex ang mga luhang gustong-gustong kumawala mula sa kanyang mga mata.

πŸ–€πŸ–€πŸ–€

Ilang araw nang sinusubukang kausapin ni Bryan ang pinsang si Richard. Palagi itong wala sa kanila. Hindi naman niya malaman kung saan ito pumupunta. Hindi nito sinasagot ang mga tawag at text niya. Maging ang mga katulong ay hindi rin malaman kung saan ito pumupunta.

Mabuti na lamang at nang umagang iyon ay natiyempuhan niya ito sa silid nito. Mag-iisang linggo na rin mula nang mangyari ang komprontasyon sa bahay ng mga Martinez. Ilang araw na ring hindi siya gaanong nakakapunta kina Angel dahil nangingilag din ito sa mommy nito. Baka sa kanya pa ito magalit, mas wala silang magawa sa sitwasyon nila ngayon.

Nadatnan niya si Richard na nagbibihis at parang paalis na naman ito.

"Saan ka pupunta?"

Hindi man lang ito tumingin sa kanya at patuloy pa rin sa pagbibihis. "Kina Kim."

"Kina Kim? Sa kanila ka ba nagpupunta kaya lagi kang wala?"

"I have a lot of friends."

"But Kim? Have you forgotten, Chard? Kim is the reason why Alex is jealous."

"Kim is my friend!" This time ay napatingin na ito sa kanya. "That jealousy is nonsense!"

"It's no nonsense. Richard, do you even wonder what is happening to Alex right now?"

"Why would I bother? Tapos na kaming dalawa ni Alex. Tinapos na niya nung hindi siya magpunta sa tagpuan namin."

"She came but her mother was there. Nabasa niya iyong sulat kaya nagpunta din doon si Tita Alice. Nalaman niya ang tungkol sa inyo, at galit na galit siya, Richard. Alex can do nothing but cry."

Para namang naapektuhan sa nalaman si Richard. Saglit itong natigilan at napatingin kay Bryan. Pero parang sarado na talaga ang isip nito.

"Bakit kasi niya pinabasa?" Saka siya muling nagpatuloy sa paghahanda sa pag-alis.

"What?" ang tanging nasabi ni Bryan.

"Hindi siya nag-ingat kaya nabasa iyon ng mommy niya. It was all her fault."

"Are you even hearing yourself, Richard? Bakit ganyan ka magsalita?"

"I told you. It's over."

Ilang sandaling pinagmasdan ni Bryan ang pinsan. Hindi nito maintindihan ang kinikilos nito ngayon.

"You know what? You might be right. This might really be Alex's fault. But don't worry. She's suffering right now. Kung anuman ang kasalanang nagawa niya sa iyo, pinagbabayaran na niya. Sana matuwa ka na."

Naiinis na lumabas ng silid si Bryan. Gusto niyang intindihin ang damdamin ng pinsan. Pero hindi niya makuha why he's suddenly so cold and cruel. Parang hindi nito minahal si Alex. Kung magsalita ito parang puro galit lamang ang nararamdaman nito para sa dalaga. At iyon ang ikinagagalit niya.

Hindi man lang niya nasabi dito ang dahilan ng lahat. Hindi man lang niya naikwento dito ang ikinuwento ni Benjie sa kanila. Pero, will it matter? Kapag ba nalaman nito ang lahat, magbabago ba ang pananaw nito?

He refused to think about it as he got out of the Quinto house and returned to their own home.

πŸ–€πŸ–€πŸ–€

πšπš‘πšŠπšπš˜πš—πšŽπš›πšžπš•πšŽ # 𝟹𝟷

π‘π‘’π‘£π‘’π‘Ÿ 𝑔𝑖𝑣𝑒 𝑒𝑝 π‘œπ‘› π‘€β„Žπ‘Žπ‘‘ π‘¦π‘œπ‘’ π‘Ÿπ‘’π‘Žπ‘™π‘™π‘¦ π‘€π‘Žπ‘›π‘‘. π‘Šπ‘’ π‘Žπ‘™π‘™ π‘˜π‘›π‘œπ‘€ π‘‘β„Žπ‘Žπ‘‘ 𝑖𝑑'𝑠 π‘‘π‘œπ‘’π‘”β„Ž π‘‘π‘œ π‘€π‘Žπ‘–π‘‘, 𝑏𝑒𝑑 𝑖𝑑'𝑠 𝑒𝑣𝑒𝑛 π‘‘π‘œπ‘’π‘”β„Žπ‘’π‘Ÿ π‘‘π‘œ π‘Ÿπ‘’π‘”π‘Ÿπ‘’π‘‘ π‘€β„Žπ‘Žπ‘‘ π‘¦π‘œπ‘’ π‘”π‘Žπ‘£π‘’ 𝑒𝑝. ᢠʳᡒᡐ α΅—Κ°α΅ƒα΅—α΅’βΏα΅‰Κ³α΅˜Λ‘α΅‰.αΆœα΅’α΅

Next chapter