At dahil lifted na ang pagiging grounded nila, muli'y si Angel na ang nagda-drive ng sarili niyang kotse. Pero kahit bumalik na ang kalayaan ng dalawang magkapatid ay hindi pa rin nila magawang magsaya. Muli na naman kasi silang namomroblema sa pwedeng mangyari dahil sa banta ni Joshua Ignacio kahapon sa kanila.
"Iyong promise mo, Alex," paalala ni Angel bago sila bumaba ng sasakyan.
"Oo, Ate. Hindi ko sasabihin kay Richard."
"Aasahan ko iyan."
At dahil wala pa namang pasok ay sa opisina muna ng JPIA tumambay si Angel. Sinubukan niyang mag-relax kahit pa nga hindi niya maiwasang isipin ang panibagong problemang kinakaharap niya. Mabuti na lang at nasa celebratory mood ang buong opisina dahil sa sila ang nag-overall champion sa Business Week noong nakaraang linggo.
Pero paano nga ba niya makakalimutan ang panibagong problemang kinakaharap niya ngayon? Katunayan, hindi niya maiwasang mapatingin sa pintuan every time na magbubukas ito at may papasok o lalabas. Ganoon siya kabalisa.
Pati ang cellphone niya ay balisa din. Panay kasi ang message sa kanya ni Bryan. Nangungumusta lang naman ang lalaki. Actually, kahapon pa iyon. Pero kahit kahapon ay hindi niya ito magawang sagutin.
Lumipas ang ilang oras, safe naman niyang natapos ang vacant period niya. Pagpasok din niya sa kanyang classroom ay wala namang karumal-dumal na nangyari. Nadatnan niya doon si Bryan. Nginitian siya nito pagdaan niya sa harapan nito. Simpleng tango naman ang isinagot nito sa kanya bago pumunta sa kanyang upuan. Ramdam niyang sinundan siya nito ng tingin pero kunwari ay deadma siya. Binuksan na lamang niya ang kayang libro at kunwari'y busy na nagbabasa.
Pagkatapos ng klase, hindi na siya nakaiwas pa kay Bryan. Parang iniharang talaga nito ang sarili nito sa daraanan niya para hindi siya makawala dito.
"Hi!" bati nito sa kanya.
"Hi..." Hindi na niya pinilit pang ngumiti tutal naman sanay itong hindi siya nakikitang ngumiti.
"Kumusta ang Sunday?"
"Okay lang." Heto na, siguradong kukulitin na siya nito tungkol sa pandi-deadma niya. Kaya uunahan na niya ito ng paliwanag. "Medyo busy kasi nag-bonding kami ng husto nina Mommy at Daddy. Matagal din kasi naming hindi nagawa iyon."
"Oo nga," ani Bryan. "Ano kayang magandang kainin ngayong lunch?"
"Ahm... Pupunta pa pala ako ng The Echo. Sige, maiwan na kita." Saka na ito lumakad palabas ng pintuan ng classroom.
Sinundan naman siya ni Bryan. "Hindi ka magla-lunch?"
"Mamaya na lang siguro," aniyang hindi pa rin ito tinitignan. "Sige."
Nagmadali na siyang pumunta sa may opisina ng The Echo. Naramdaman na lamang niya na hindi na sumunod pa sa kanya si Bryan. Pumunta na ito sa kabilang direksiyon kung saan naman ang daan papuntang canteen.
Nasa may pintuan na siya ng opisina ng The Echo nang mangyari ang pinoproblema niya.
"Well, well, well..." Si Gina, kasama ang dalawang tropa niyang babae. "Look who's here."
Alam na niya ang dahilan ng katarayan ni Gina. Bukod sa ayaw talaga nito sa kanya, malamang na nagsabi na dito si Joshua.
"Hi, Gina..." ang tanging nasabi niya. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng opisina nila nang bigla siyang sitahin ni Gina.
"Huwag ka ngang umarte diyan na parang maamong tupa!"
Kinabahan siyang bigla. Hindi lang dahil sa takot dahil may kasalanan talaga siya dito, kundi dahil na rin sa hiya. Medyo marami kasing mga estudyante ang nagsisipagdaan sa gawi nila dahil na rin sa katatapos lamang ng klase ng mga ito at kasalukuyan na silang lumilipat ng classroom for their next subject.
"Kung umasta ka, parang ang bait-bait mo, pero oportunista ka naman pala talaga!"
"I don't know what you're talking about," iwas niya dito.
Pero ayaw magparaya ni Gina. "Inaagaw mo ang boyfriend ko!"
At iyon na nga. Nakuha na ni Gina ang atensiyon ng ibang estudyante. Napatigil na ang mga ito sa paglalakad at nag-usyoso na sa kanilang dalawa.
"Alam ko naman na matagal mo nang gusto si Bryan. Halata naman na matagal mo nang pinagpapantasyahan ang boyfriend ko!"
Pinilit pa ring maging kalmado ni Angel kahit na nga nagpa-panic na siya sa loob-loob niya. "Hindi totoo ang sinasabi mo, Gina."
"Obvious naman, eh. Kunwari sinusungitan mo si Bryan para makuha ang atensiyon niya. Kunwari, hindi ka katulad ng ibang mga babaeng estudyante dito na sobrang bait sa kanya para lumutang ka sa iba. I know it was just your strategy, Angel. Your name doesn't even suit you."
Natigilan si Angel. Hindi niya kailanman naisip na ganoon ang maaaring ipakahulugan ng iba sa pag-iwas niya kay Bryan. Ang akala niya ay gets ng lahat na ayaw niya dito kaya niya ito iniiwasan. O baka itong si Gina lang ang nag-iisip ng ganoon? Na sinasabi lang nito iyon sa kanya para ipahiya siya, na parang unti-unti na nga niyang nararamdaman.
"O ano, hindi ka makasagot, 'no? Kasi totoo," gatong pa ni Gina sa nararamdaman niyang pagkapahiya. "May gusto ka kay Bryan kaya sinusungitan mo siya. Hindi mo matanggap na ang isang matalinong tulad mo ay hindi niya pinapansin. Let's face it, Angel. What you have is just brains. That's all. You don't have anything more. You do not even have friends. Hindi ka marunong makisama sa iba. Mayabang ka kasi, eh. Porke matalino ka, akala mo ikaw na ang pinakamagaling. Hindi lang naman sa grades nasusukat ang pagkatao ng isang tao, Angel. Tignan mo ikaw... Matalino ka lang. Iyon lang."
Parang ipinako sa kinatatayuan si Angel. Ang sakit palang masampal ng katotohanan. π π°πΆ π₯π° π―π°π΅ π¦π·π¦π― π©π’π·π¦ π§π³πͺπ¦π―π₯π΄. Gusto niyang ipagsigawan ang dahilan kung bakit hindi siya nakikipagkaibigan sa iba. Gusto niyang ipaalam sa lahat ang takot na nadarama niya. Pero paano? Kapag ginawa niya iyon, mabubunyag sa lahat ang sikreto ng kanilang pamilya.
Higit sa sakit ng katotohanan ay ang pagkapahiyang nararamdaman niya ngayon. Lahat ng mga estudyante ay nakatingin na ngayon sa kanilang dalawa. At alam niyang siya ang paksa ng mga bulung-bulungan ng mga ito. Malamang na iniisip ng mga ito na masama talaga siyang babae. Na mang-aagaw talaga siya ng boyfriend. Na papansin talaga siya kay Bryan. Na masama ang ugali niya kaya wala siyang kaibigan.
"O ano?" Ayaw talagang tumigil ni Gina. "Hindi ka makasagot kasi totoo. At totoo din na inagaw mo ang boyfriend ko-"
"Enough!"
Biglang napatigil ang mga bulung-bulungan. Maging si Gina ay biglang natigilan. Naramdaman ni Angel may papalapit sa kanila, partikular na sa kanya. And the next things she knew, Bryan was already standing in front of her.
"Okay ka lang?" tanong nito sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit sa sinabing iyon ni Bryan ay tuluyan nang nalaglag ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero parang nakahinga siya ng maluwag nang makita ang nag-aalalang mukha ni Bryan.
"Ba't ang tagal mong dumating?" hindi na niya napigilan pang tanungin.
Pinunasan ni Bryan ang mga luha sa kanyang mga pisngi. "Sorry. Medyo na-late lang ng konti. Ang mahalaga ay nandito na ako. Kaya huwag ka nang umiyak."
Dahil sa sinabi nito ay gumaan na ang loob ni Angel. Tumigil na rin ang pag-iyak niya.
"Bryan, what's this? What's the meaning of this?" tanong ni Gina.
Hinarap ni Bryan ang babae. "I'm here to rescue my girlfriend."
Lahat ay nagulat sa sinabing iyon ni Bryan, lalo na nung hawakan nito ang kamay ni Angel. Napatulala naman si Gina sa binata.
"Ladies and gentlemen, it's true. Ms. Angel Martinez is officially my girlfriend now. Ang totoo niyan, nahirapan nga akong ligawan siya kasi sobrang sungit niya. Lagi niya akong tinatarayan."
"Hey!" Hinila ni Angel ang kamay mula kay Bryan.
But Bryan never let it go. Tinignan siya nito. "Hindi niya iyon ginagawa para magpapansin sa akin. Strict kasi ang parents niya, and she's scared to fall in love because her parents might not approve of it. That's why she has built that wall to protect herself from falling for a guy who might not have the guts to fight for her."
Muling tumingin si Bryan sa mga estudyante. "Nahirapan ako, sobra. But after all that I've been through pursuing Angel, I can say that it's all worth it." Then, he looked at Angel lovingly.
Angel was absorbed by that mesmerizing look. It feels as if she's inside a movie, but she's not. Totoo ang nagaganap nang mga oras na iyon. Totoong tao si Bryan at totoong nakatingin ito sa kanya ng buong pagmamahal. Muntikan na siyang tuluyang maniwala na mahal nga siya nito, nang biglang maalala ang totoong sitwasyon nilang dalawa. Iyon ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan, at hindi niya naiwasang hangarin na sana totoo na lang talaga ang lahat.
"Bryan, ano ba'ng sinasabi mo?" tanong ulit ni Gina. "Di ba, ako ang gusto mo?"
Napatingin si Bryan kay Gina. "Ha? Kailan pa?"
Si Gina naman ang parang napahiya. "Ano bang sinasabi mo? Obvious naman na special ako sa'yo, ah. Di ba, ang sweet-sweet mo nga sa akin? Napaka-gentleman mo, palagi kang nasa tabi ko. Lahat ginagawa mo para sa akin. Siguro nga, wala tayong pormal na usapan. Pero para na rin tayong mag-boyfriend-girlfriend. Iyong pakikitungo mo sa akin, parang sa girlfriend na rin."
Saglit na napaisip si Bryan. "Ganoon naman ako sa lahat, ah. Di ba?"
Nagbulung-bulungan ulit ang mga nasa paligid, but this time, patungkol na iyon sa sinabi ni Bryan.
"Na-misinterpret mo lang siguro ang pagiging mabait ko, ang pagiging gentleman ko. And for that, I'm sorry, Gina. But I never felt anything special for you. Kagaya ka rin lang ng ibang babeng kaibigan ko."
Hindi na napigilan ni Gina ang sarili. Sa sobrang pagkapahiya ay sinampal niya si Bryan.
"Hey!" Gagantihan sana ito ni Angel, pero pinigilan siya ni Bryan.
"I deserve it," ani Bryan. "For leading her on." Saka ito tumungin kay Gina. "Sorry, Gina; and thank you for making me realize that maybe, I'm too kind and too caring that I send mixed signals to people. Ipinapangako ko na itatama ko na ang lahat ng pakikitungo ko sa iba, especially sa mga babae."
"You asshole!" sa halip ay sagot ni Gina. Saka na ito nag-walk out.
Ilang sandali lang ay nawala na rin ang mga miron sa paligid. Naging normal na ulit ang eksena sa may hallway.
"Let's go." Hinila na ni Bryan si Angel.
"Ha? Saan?"
"Somewhere we can talk privately."
Bryan held her hand tightly. Wala nang nagawa pa si Angel kundi ang magpatianod dito. Wala rin naman siyang balak na hindi ito sundan. Nang mga sandaling iyon, wala na siyang gustong makasama pang iba kundi ang kanyang knight in shining armour, and kanyang superhero, ang kanyang Superman.
β₯οΈβ₯οΈβ₯οΈ
β₯ He was her πΊπππππππ; she was his πππ’πππππππ. β£οΈ