34 My Heart Will Go On

Pagkatapos ni Bryan, si Kim naman ang nag-perform. Kasabay nitong lumabas ng stage si Richard. Magkahawak kamay ang dalawa na kaagad namang pumuwesto para sa routine na gagawin nila. Naka-costume ang dalawa na parang sina Jack and Rose. Si Richard ay naka-white na polo at black pants na may suspender pa. Si Kim naman ay naka-puting dress, katulad nung suot ni Rose sa pelikulang Titanic.

Napatingin si Angel sa katabing si Alex. Halata ang excitement sa mukha nito, though hindi naman ito makapag-react ng masyado dahil nga sa kunwari ay hindi sila nag-uusap na dalawa ni Richard. Hindi maiwasang maawa ni Angel sa kapatid.

At nagsimula na nga silang sumayaw. Halos si Kim lahat ang gumagalaw, dahil na rin sa ito ang contestant. Full support naman si Richard sa kapareha. Maganda naman ang kinalabasan ng number. Nakuha ng dalawa ang vibe ng Titanic sa sayaw nila. Napatingin si Angel sa mommy nila, and she wondered, nag-e-enjoy kaya ito sa pinapanood nito?

"What?"

Napatingin si Angel sa kapatid. Seryoso itong nakatingin kina Richard at Kim. Hindi lang basta seryoso. Parang galit ito na ewan. Napatingin na rin siya sa dalawa at saka niya nalaman ang dahilan.

Kuhang-kuha nina Richard at Kim sina Jack at Rose. Hindi lang sa costume, kundi maging sa emosyon sa mga mukha ng dalawa. Kung titignan, parang mahal na mahal talaga nila ang isa't isa. Kaya pala ganoon ang reaksiyon ni Alex.

Muling napatingin si Angel sa kapatid and this time, kitang-kita na niya ang selos sa mukha nito. Hindi na nga yata nito napigilan ang sarili kaya bigla itong tumayo at umalis.

"Alex!"

Sinundan ni Angel ang kapatid. Sa may restroom sa likuran ng auditorium nagpunta ang dalawa. Doon inilabas ni Alex ang lahat ng selos na nararamdaman.

"Alex, it was just a dance." Pilit niyang pinakalma ang kapatid.

Halata ang sama ng loob sa mukha nito nang harapin siya nito. "I can't even dance with him!" Para itong maiiyak na.

"Alex..." Pilit niyang pinakalma ang kapatid. "Just hold on. Maaayos din natin ang lahat. Kaya nga natin ginagawa ito, di ba? Si Bryan, he's doing everything he can to help. So huwag nang sumama ang loob mo."

Yumakap sa kanya si Alex. "I'm sorry, Ate. I'm sorry for being so childish."

Hinagod na lamang ni Angel ang likuran nito. "I understand. You love him that's why you're jealous."

Kumalas sa pagkakayakap nito si Alex. "Ang galing kasi nila, eh. Masyadong believable."

"Kung gusto mo, dito na lang muna tayo. Hanggang matapos iyong dance number nila."

"Pero baka tanungin niya ako kung bakit hindi ako nakanood."

"Sabihin mo sumama ang tiyan mo."

Natawa si Alex sa sinabi nito. "Ate naman! Kadiri naman iyon!"

Napangiti si Angel. "Eh ikaw, eh. Masyado kang selosa."

Saglit na nag-isip si Alex. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito. "Tara na, Ate."

"Sure ka?"

Tumango si Alex. "Oo."

Hinawakan ni Angel ang kamay ng kapatid at magkasabay silang bumalik sa upuan nila kanina. Halos nangangalahati na ang sayaw nina Richard nang makabalik na sila. Doon na sa part na lumulubog na ang barko ang ipinapakita nila sa kanilang sayaw.

"In fairness kay Richard, magaling talaga siya," komento niya.

"Oo nga."

"At kahit magaling siya, hindi niya nasasapawan si Kim."

"Kasi nga magaling siya."

Napatingin si Angel sa kapatid. "Oo na, mahal mo na siya."

Napabungisngis si Alex sa sinabi niyang iyon.

Nagpatuloy sa panonood si Angel. Masaya siya na kahit papaano ay napakalma niya ang kapatid. Kaselos-selos nga naman ang pagsasayaw nina Kim at Richard. Masyadong believable. Kaya hindi niya ito masisisi sa nadamang pagseselos.

Napabuntong-hininga siya. Hanggang kailan kaya sila magtitiis ng ganito? Nakatago ang totoong nararamdaman at kasinungalingan ang nagiging pananggalang? Nahiling niya na sana, umepekto kahit papaano iyong ginawa ni Bryan. At least, kumbaga sa nagliligawan, naka-first base na sila. Maghihintay na lang sila ng tamang pagkakataon para sa second base at sa mga susunod pa, hanggang sa tuluyan nang matapos ito at masolusyonan na ang kanilang mga problema.

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Pagkatapos ng talent portion, isang intermission number ulit mula sa isang grupo ng mga estudyante ang sumalang. Dance presentation naman ang ginawa ng mga ito. At pagkatapos noon, sinimulan na ang Evening Wear competition. Unang lumabas ang mga lalaking contestant. Pakisigan sila sa mga suot nilang coat and tie. Sumunod ang mga babaeng contestant na nagpagandahan naman sa iba't ibang yari ng gown na suot nila.

At pagkatapos noon ay ang Question and Answer portion. Una munang sumalang ang mga lalaking contestant. Bale bubunot sila ng judge sa fishbowl na hawak ng male host at ang judge na ito ang magtatanong sa kanila.

Si Bryan ang pinakahuling tinanong nila dahil siya ang pinakahuling tinawag kanina sa top 5.

"Hi Bryan!" bati sa kanya ng lalaking host.

"Hello, good evening," ganting bati naman nito.

"So Bryan, ang daming kinilig na mga girls kanina sa prod mo, ah," ang sabi naman ng babaeng host, na nagpatili naman sa mga babaeng estudyante.

Ngiti lamang ang isinagot doon ni Bryan.

"Kasama ka ba doon, Partner?" tanong nung lalaking host sa kasama.

Wari'y kinikilig na ngumiti ang babaeng host. "Hmn... Ano..." She giggled.

Natawa naman ang lahat sa inarte ng babaeng host.

"Actually, mas kinilig ako nung sinabi niya na 'This song is for my angel'," sagot ng babaeng host. At muli'y nagtilian na naman ang mga babaeng estudyante.

Samantala, napatingin naman si Alex sa katabing si Angel. "Uy, Ate..." tudyo niya dito.

Tinignan na lamang ng masama ni Angel ang kapatid, na nagpabungisngis naman kay Alex.

"Eh, Bryan," anang lalaking host. "matanong lang namin. Ito bang 'angel' mo na ito, kilala namin?"

Napatingin si Bryan sa katabi, na walang iba kundi si BJ na Vice Governor ng kanilang student council, at member din ng The Echo. "Oo." At tilian ulit ang mga kinikilig na kababaihan.

"Nandito siya ngayon?" tanong naman ng babaeng host.

"Oo."

Bawat yata sumagot si Bryan ay kinikilig ang mga babaeng estudyante. Parang wala silang kapaguran sa pagtili.

"Sigurado ako, maganda iyan," ang sabi pa ng male host.

Napatingin si Bryan kay Angel. "Yes."

Bigla naman ang pag-flash kay Gina sa LED screen sa may stage, na napapangiti rin dahil sa kilig.

"Bakit si Gina ang pina-flash sa screen?" tanong ni Alex kay Angel.

"Akala kasi ng lahat, siya ang girlfriend ni Bryan."

"Eh hindi naman iyan angel. Demonyita, pwede pa."

Hindi na nagkomento pa si Angel sa sinabing iyon ng kapatid.

"Ang ganda ngayon ni Miss Gina Aguilar, ano?" komento naman ng babaeng host.

"Parang ayokong sagutin iyang tanong mong iyan," natatawang sagot ni BJ. "Baka may mag-abang sa akin sa labas," biro pa nito na nagpatawa sa kasama niyang host.

"Tama na nga iyan," anang female host. "Bryan, bumunot ka na sa ating fishbowl para malaman natin kung sino ang magtatanong sa'yo."

Tumalima naman si Bryan. Pagkabunot ay iniabot niya ang kapirasong papel sa female host.

"At ang magtatanong sa iyo ay si Mr. Benjie Martinez."

"Patay!" bulalas ni Alex.

Si Angel naman ay biglang nilukuban ng pag-aalala. Nakita niya kung paano unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Bryan nang marinig ang pangalan ng daddy niya.

Formal lang naman si Benjie sa pagtatanong. "If you were to change something that happened in your past, what would it be and why?"

Ilang segundo ring parang nag-isip si Bryan bago ito sumagot. Ang hindi maipaliwanag ni Angel ay iyong parang kumislap ang mga mata nito at bahagyang napangiti.

"I think, I would change that something that happened twenty years ago. It actually didn't happen to me, but it affected me in such an unfavorable way."

"So kung hindi sa'yo, kanino ito tsaka anong effect?" tanong ng babaeng host.

"Yung daddy ko, tsaka iyong friend niya." And then Bryan looked intently at Benjie. "They had a misunderstanding, and until now hindi pa rin naaayos iyon. And it affects me because I could not show that friend how good of a person I am and that he can trust me."

"Strategy pa rin ba ni Bryan iyan, Ate?" tanong ni Alex sa katabi.

"Hindi naman siguro niya alam na iyan ang tatanungin sa kanya. Hindi rin naman siguro siya ang pumili ng tanong."

Napatingin si Angel sa kanyang ama. Hindi niya mawari kung ano ang reaksiyon nito dahil nakatalikod ito sa kanya. Hiling na lamang niya na hindi sana ito lalong nagalit sa kapahangasang ginawa ni Bryan.

❥ 𝐼 𝑔𝑒𝑡𝑗𝑒𝑎𝑙𝑜𝑢𝑠 𝑏𝑒𝑐𝑎𝑢𝑠𝑒 𝐼'𝑚 𝑎𝑓𝑟𝑎𝑖𝑑 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑖𝑠 𝑔𝑜𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑜 𝑚𝑎𝑘𝑒 𝑦𝑜𝑢 ℎ𝑎𝑝𝑝𝑖𝑒𝑟 𝑡ℎ𝑎𝑛 𝐼 𝑑𝑜. ❣︎

avataravatar
Next chapter