webnovel

Chapter 80: Panibagong Adventure 3

Tuwang tuwa si Zeus ng muling mapasa kamay ang kanyang maso at kidlat, kinagabihan nag karoon ng salo salo o pagdiriwang sa Olympus bilang pasasalamat ni Zeus sa pagkaka bawi ng kanyang maso at kidlat, nakabalik din ang mga mandirigma na ikinulong ni Ares ng ligtas.

Sa salo salong iyon, si Arnie ang pinaka masaya sa lahat. Napakarami ng pagkaing naka hapag, hindi siya magkamayaw sa pag pili ng putaheng dadamputin sa mesa kung kaya't minabuti niyang doon na rin sa mismong tabi ng mahabang dulang maupo upang hindi na siya magpa balik balik pa sa pagkuha ng pagkain.

Arnie: Oy!!! tara!!! kumain tayo!!! ang aya pa nito sa tatlong nagmu mukmok sa isang sulok. Pawang may malaking bukol ang mga ito sa ulo sanhi ng mga malalaking buto ng manok na saktong sa ulo pa nila bumabagsak pagkatapos simutin ni Arnie ang laman.

kinaumagahan, masiglang bumangon si Arnie. Dumeretso agad ito sa kusina ng Olympus upang kumain ng agahan. Doon ay inabutan niyang nag aalmusal sina Zeus, Neptuno, Borjo, Kabatao, at Kabayuhan. Binati niya ang mga ito bago mabilis na tumalikod upang kumuha ng pinggan.

Pag balik ni Arnie sa hapag ay dala na naman nito ang malaking bandehado at isang malaking basong sartin na mukhang nahagilap pa nito sa kung saan.

Zeus: Arnie.... kinuha mo ba ang malaking plato at basong iyan sa naka pinit na kabinet? ang tanong ni Zeus na nakilalang pinggan at baso ng kanyang namayapang ama ang hawak ni Arnie.

Arnie: ah, oo.... wala kasi akong makitang plato at baso na paglalagyan ng kape, saktong napansin ko na gumalaw at umangat ang pinto ng naka pinid na kabinet kung kaya't nakita ko ang mga ito. Paliwanag ni Arnie.

Napakunot ang noo ni Zeus, sa kanyang pagkaka alala nakapinid at naka kadena pa ng ginto ang pinto ng kabinet na iyon, nakapagtatakang umangat ito at nabuksan.

Hindi na pinansin ni Zeus ang kakatwang pangyayari, minabuti nitong ituloy na lamang ang pagkain. Maya maya pa ay narinig na nila ang maingay na pagngasab ni Arnie.

Pagkatapos kumain ay nagyaya ng gumayak upang umalis si Arnie. Si Neptuno ay nagpasyang magpaiwan muna sa Olympus kahit na anong pilit ni Arnie ay hindi ito natinag upang sumama.

Kinikilabutang inalala ni Neptuno ang naging karanasan sa paglalakbay sa portal kasama sila Arnie. Inihatid niya ng naaawang tanaw ang tatlong may bukol at naka daster pang tikbalang.

Next chapter