Hawak ang maso sa isang kamay at ang kidlat sa kabilang kamay muli siyang humakbang palapit kay Zeus.
Galit na tinitigan siya ni Arnie, napa tigil sa pag hakbang si Ares. Iniangat niya ang maso at kinontrol ang kidlat gamit ang kanyang kapangyarihan upang atakihin si Arnie, Zeus, at Neptuno ng sabay sabay.
Itinaas ni Arnie ang dalawang kamay, sukat doon ay lumipad ang maso at kidlat patungo sa kanyang mga kamay.
Laking gulat ni Ares sa nakita, tinangka niyang bawiin kay Arnie ang maso at kidlat ngunit di nya magawa. Tila ba si Arnie na ang kinikilalang panginoon ng mga ito.
Ares: huh??? paanong nangyari ito? Paano niya nagawang kontrolin ang maso at kidlat na ngayon niya lang nakita ganoong isa siyang mortal??? Ang gulat na tanong ni Ares sa sarili.
Hindi pa siya nakaka bawi sa pagka gulat ng biglang ibinuka ni Arnie ang mga palad paharap sa kanya.
Biglang tumilapon si Ares sa napaka layo na tila ba may nag tulak ditong hindi nakikitang nilalang. Tumimbuwang si Ares at nawalan ng malay sa loob ng malaking hukay na nalikha ng kanyang pag bagsak.
Gulat naman si Neptuno at halos hindi maka paniwala sa nakita.
Neptuno: mahabaging langit!!! diyata't napaka lakas talaga ng babaeng ito??? ang malakas na naibulalas ni Neptuno.
Bumaling ang tingin sa kanya ni Arnie, hintakot namang tinakpan nito ang bibig at paurong na lumapit sa walang malay na kapatid na si Zeus.
Neptuno: Zeus...... Zeus..... gumising ka... ang kidlat at maso mo..... ang halos pabulong na sabi ni Neptuno kay Zeus habang walang humpay sa pag tapik sa kanang pisngi nito.
Agad namang nagising si Zeus, pakiramdam niya ay namamanhid ang kanyang kanang pisngi na tila may tumamang kung ano. Hinaplos niya ang kanang pisngi bago tumingin sa kanyang paligid.
Nakita niya sa kanyang harapan si Neptuno, ang tatlong tikbalang naman ay nakita niyang tumatakbo papunta kay Arnie na hawak sa kanyang kamay ang maso habang ang kidlat ay tila asong sumusunod dito.
Zeus: ah.... ang aking maso??? Nabawi nya ang aking maso at kidlat??? nasaan si Ares??? ang sunod sunod na tanong ni Zeus, nalimutan pang itanong kung paano nagawang kontrolin ni Arnie ang maso at kidlat.
Lumapit si Arnie kay Zeus at inilahad ang mga kamay upang ibalik ang maso at kidlat. Sukat doon ay biglang lumutang ang maso mula sa kanyang kamay patungo sa......