webnovel

Chapter 79: Pag-bawi Sa Kidlat At Maso 5

Nag tungo sa kusina ng kaharian ng Olympus si Arnie kasama sila Zeus, Neptuno, Borjo, Kabatao, at Kabayuhan. Ang tatlong bagong " tuli" ay paika ikang lumakad patungo ng kusina na agad ding napansin ni Arnie.

Arnie: ah! oo nga pala, hindi nga pala komportable sa inyo ang ganyang kasuotan. Agad na ikinumpas nito ang isang kamay sa harap ng tatlo na tila binabasbasan ang mga ito matapos ang sinabi.

Matapos ang tila pagba basbas nag bago ang suot na damit ng tatlo, napalitan ito ng maluwang at mahaba na daster na lalong ikina dismaya ng tatlo. Talo pa nila ang mga baklang nagpe perform sa circus na naglalakihan ang katawan at masel na nakasuot ng mahaba at maluwag na daster.

Prinsipe Borjo: A... Arnie?? Ano ito??? anong klaseng damit ito??? ang nanlalaki ang matang tanong nito.

Arnie: ah, daster ang tawag sa damit na iyan, isang uri ng damit na pambahay. Presko hindi ba??? hindi na kayo ngayon mahihirapang maglakad.

Prinsipe Borjo: daster??? bakit ba pakiramdam niya ay pamilyar sa kanya ang itsura ng kasuotang ito??? ang tanong sa isip ni Borjo.

Arnie: ah!! oo nga pala, ganyan ang damit na sinusuot ni nanay na pambahay. Ang pahabol ni Arnie na tila nabasa ang iniisip ni Borjo.

Mag iingat kayo sa pag lalakad at pag hakbang hindi rin kayo puwedeng tumakbo at bawal din may maka silip niyan!!! baka mag kamatis. Ang paalala pa nito sa tatlo habang nangingiti at pigil sa pag tawa si Zeus at Neptuno.

Nag patuloy sa pag lakad tungo sa kusina sila Arnie, nakaramdam naman ng ginhawa sa pag lakad ang tatlong bagong " tuli " nawala ang masakit na gumagasgas sa parteng may sugat.

Sa hapag maingat na naupo ang tatlo, nangangambang maupuan ang di karapat dapat upuan. Si Arnie naman ay agad ng kumuha ng pagkain gamit ang napaka laking bandehado na kinuha nito sa kung saan. Tinulungan pa nitong maka kuha ng pagkain ang tatlo.

Zeus: Arnie, kumain kayong mabuti ng iyong mga kasama marami akong ipina lutong masasarap na putahe.

Neptuno: πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ hindi na kailangang paalalahanan pa sa pagkain ang dalagang iyan. Ang mahinang bulong ni Neptuno sa kapatid.

Zeus: alam ko...... nag kunwari lang akong walang alam, ang mahina din namang sagot nito.

Arnie: mm tama ka Zeus masasarap nga ang mga putahe, mukhang marami akong maka kain ah?!?

Oo nga pala, ano na ang balita sa mga nagha hanap ng iyong kidlat at maso? may nag balik na ba isa man sa kanila? ang bigla ay tanong ni Arnie kay Zeus

Zeus: wala pa nga eh, wala pa isa man sa kanila ang nag balik. Ang nag tatakang sagot nito.

Arnie: eh bakit ba kung saan saan pa sila nagtu tungo upang mag hanap??? Lumalayo pa sila eh, mapapahamak pa sila nyan!!! ang misteryosong sagot ni Arnie.

Next chapter