webnovel

Chapter 79: Pag-bawi Sa Kidlat At Maso 3

Muling kumain ang ginutom na itinakda dahil sa ginawang pano nood sa mga nagkakasiyahan. Maka ilang ulit siyang nagpa balik balik sa lamesa upang kumuha ng pagkain na labis na ikinatuwa at ikina gulat ng mga tagapag silbi.

hindi nila maubos maisip kung paanong ang isang may napaka gandang katawan na babae sa kanilang harapan ay may napaka laking bodega ng pag kain sa tiyan.

Matapos kumain ay naalala ng busog ng si Arnie ang mga kasamang tikbalang na may

" KARAMDAMAN " isa isa niyang sinilip sa kani kanilang silid ang mga ito upang lapatan ng lunas.

Sa silid ni Borjo, nakita niyang mahimbing na itong natu tulog at malakas na nag hihilik. Nilapitan niya ang higaan nito at matamang sinuri kung ano ang karamdaman nito upang malapatan ng lunas.

Nakita niyang may mga sugat pa ito na tinamo mula sa kanilang pagla lakbay sa portal.

Namilog ang mga mata nito ng may mapuna matapos ang ginawang pagsusuri.

Naka ngiti at nai iling na ikinumpas ni Arnie ang isang kamay upang isagawa ang pagla lapat ng " LUNAS "

Matapos ang ginawang pagla lapat ng lunas kay Borjo ay isinunod nito si Kabatao at Kabayuhan, tulad ni Borjo ay ganoon din ang natuklasan niyang "karamdaman" ng dalawa.

Mabilis na isinakatuparan ni Arnie ang pagla lapat ng lunas, pagka tapos noon ay naka ngiting bumalik na ito sa kanyang silid upang mag linis ng katawan bago matulog.

.

.

.

.

Kinaumagahan....

Dinig sa buong Olympus ng lahat ng bathala ang malakas na sigaw ng tatlong tikbalang, paika ikang lumabas ng kani kanilang silid ang mga ito hanap ang salarin na mahimbing pang natu tulog.

Hangos na lumabas ng kani kanilang mga silid si Zeus at Neptuno ng marinig ang malakas na sigaw at panaghoy ng tatlong tikbalang. Hindi nila maawat ang mga ito sa pag iyak. Maging ang ibang bathala ay napasugod din sa bulwagan ng kaharian.

Ngunit kahit anong gawin nilang pagta tanong ay ayaw sabihin ng tatlong tikbalang kung ano ang nangyari. Hindi naman magawang gisingin ng mga ito si Arnie na mahimbing pa rin ang tulog.

.

.

.

Makalipas ang mahaba habang pag tangis...

.

.

.

Sa silid ni Arnie, unti unti nitong inunat ang mga braso at nag mulat ng mga mata. Pinakiramdaman niya ang paligid, hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o hindi dahil tila may narinig siyang mga umiiyak.

Bumangon si Arnie at nag tungo sa paliguan na kanugnog ng kanyang silid upang maligo at mag palit ng damit. Pagka paligo lumabas siya ng silid upang mag tungo sa kusina at kumain. Nagu gutom na siya, nagising siya sa pag aalburuto ng kanyang nagu gutom na bituka.

Habang nagla lakad, haplos ang kanyang tiyan na kumakalam. Namataan niya ang mga bathala sa may bulwagan na tila may kung anong inuusyoso.

Lumapit siya upang alamin kung ano iyon, nakita niya sila Borjo, Kabatao, at Kabayuhan na napapalibutan ng mga bathala at umiiyak. Ang mga ito pala ang narinig niya kanina.

Arnie: Ano ang nangyari sa inyo? Bakit kayo umiiyak? Sinaktan ba kayo ng mga bathalang ito??? ang agad na tanong ni Arnie sa tatlo.

Nagulat naman na agad lumayo sila Neptuno at Zeus sa tatlong nananangis, ang ibang bathala naman ay kunot ang noo at tila nainis sa narinig na sinabi ni Arnie ngunit agad silang hinila ni Zeus at Neptuno palayo .

Prinsipe Borjo: Arnie... ano ang ginawa mo sa amin??? ang agad na tanong ni Borjo na umaagos pa sa pisngi ang luha. 😒😒😒

Arnie: ah!!! iyon ba??? nilapatan ko kayo ng lunas!!! hindi ninyo ba napansin??? wala na ang inyong mga sugat!!!

Kabatao: hi..... hindi iyon.... iyong ano....

Arnie: iyong ano??? anong.... nangiti si Arnie ng may maalala 😁😁😁

Ah... oo nga pala .... oo... naalala ko na... napansin ko kasing...

.

.

.

kaya....

" TINULI " ko na rin kayo!!! huwag kayong mag alala hindi ko naman hinawakan, ang nakangiti at pa putol putol na sagot ni Arnie sa sinasabi ni Kabatao.

Next chapter