webnovel

Chapter 71 : Masayang Pamamasyal 3 :

Walang pag sidlan ang tuwa ni Arnie habang namamasyal sa karagatan ng Carrebean sakay ng kabibe at panay ang lantak ng sandamakmak na pagkain.

Sa Atlantis, patuloy pa rin sa contest ng pag utot ang mga sirena ,siyokoy , siyokay at sireno kabilang si Neptuno.

tuloy tuloy din ang kakaibang pag bulubok ng tubig sa karagatan na tila may kung anong hangin na nag mumula sa pusod ng dagat at puma iibabaw dala ng mga bula.

May kakaiba at mabahong amoy ang bawat bula sa tuwing pumuputok na ito at lumalabas ang hangin.

Takot na takot naman ang mga sakay ng cruise ship ng masaksihan ito, lalo na ng kanilang masamyo ang mabahong amoy.

Inakala ng lahat na isang higanteng nilalang sa ilalim ng dagat ang may kagagawan nito.

Prinsipe Borjo : Arnie hindi pa ba tayo titigil sa pamamasyal sa karagatan??? ilang ulit na nating naikot ang buong karagatan ng Carrebean.

Ang sabi ni Borjo na wala na rin halos mapuntahan dahil sa nag sikip na karagatan.

Iginala pa nito ang kanyang mga mata sa paligid. Pakiramdam niya ay naroroon ng halos lahat ang mga mamamayan ng Carrebean.

Patunay ang napakaraming sasakyang pan dagat na nag sipunta sa laot upang saksihan ang di umanoy namataang diyosa ng karagatan.

Arnie : ah...... sandali na lamang at matatapos na akong kumain, ang mabuti pa ay sumisid na lamang kayo sa pinaka ilalim ng dagat, doon naman tayo mamasyal., Masyadong mainit sa balat ang sinag ng araw, baka ako ay ma sun burn.

At hinaplos pa nito ang makinis na braso ,na halos ika lag lag ng panga ng mga foreigner na naroroon at kumukuha ng pictures at video.

Agad namang sinunod ng tatlo ang sinabi ni Arnie, matapos kumuspas ng kamay ni Arnie nabalutan ito at ang buong kabibe ng shield na liwanag upang hindi mabasa ang mga pagkain.

agad na nag dive at sumisid paimbulog sa tubig ang tatlo, hila ang malaking kabibe na sakay si Arnie at malaking sisidlan ng pag kain.

Ang ilang manlalangoy na nakasuot ng diving suit ay tinangka namang mag sisunod upang ituloy ang pag kuha ng video sa ilalim ng tubig.

Anupa't manghang mangha ang lahat ng mga nakapanood ng video. Hindi nila akalaing may ganoon kagandang nilalang sa ilalim ng dagat na.............

Napaka lakas kumain.

Next chapter