webnovel

Chapter 70 : Espesyal Na Sasakyang Pan-Dagat 9:

Ang lahat ay namimilipit sa kakatawa kabilang si Neptuno na nag halo na ang sipon at luha ay patuloy pa rin sa pag tawa

HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA

iyon ang eksenang inabutan ni Arnie sa kanyang pagba balik sa loob ng palasyo sa kaharian ng Atlantis.

Tila batang binabayo pa ni Neptuno ng kamao ang sahig ng palasyo habang nakadapa at patuloy sa pag tawa.

Hindi pansin ang noon ay nakatayo na sa kanyang ulunan na si Arnie. Muntikan pa nitong tamaan ang paa ni Arnie sa minsang pagbayo ng kamao nito sa sahig.

Arnie : ahem......... ahem...... bakit po kayo nakadapa diyan at binabayo ang sahig??? baka po mawasak ang Atlantis sa kababayo ninyo...... ano po ba ang pinag tatawanan ninyo??? ang nag tatakang pag uusisa ni Arnie, wala sa hinagap na siya ang dahilan at ang kanyang pag utot ang dahilan ng pag tatawanan ng lahat.

Neptuno : ha ha ha ha wa....... wala naman..... ... natatawa lang.... talaga ako..... sa.... .... utot.......

POOOOTTTT ang sagot ni Neptuno kay Arnie na hindi na rin napigilan at nautot din ito ng napaka lakas na naging dahilan upang mag tawanang muli ang lahat

Ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha Si Bathalang Neptuno..... nautot din hahaha hahaha hahaha tatae na rin yan hahaha ha ha ha

Arnie : 😬😬😬 bakit ba pakiramdam niya ay siya ang pinag tatawanan ng lahat????

Inis na ibinaba ni Arnie ang pasan pasang sandamakmak na pag kain, nag aalala siyang baka ma kontamina ng amoy ng utot ang dala niyang pagkain at mabawasan ang sarap.

Samantala si Borjo na nahimasmasan na sa pag pipigil tumawa ay napalingon sa nakasimangot na si Arnie, noon din lamang nito napansin ang presensiya ng dalaga.

Prinsipe Borjo : inakupu!!! lagot na!!! ang kinakabahang sambit ni Borjo sa sarili bago dali daling binunggo ng kanyang ulo si Kabatao at Kabayuhan.

Next chapter