webnovel

Chapter 64 : Pagsasanib ng liwanag 8 ;

Dahan dahang nag mulat ng mga mata si Arnie. Bumuglaw sa kanyang

paningin sila haring Boras at mga kasama na nanatiling nakatayo sa gilid

ng mahiwagang batis, tila nanigas na ang kalamnan panga at leeg ng mga

ito na naka nga-nga habang nakatingala sa ere at nakatingin sa kanya.....

Nahihiyang muling ipinikit ni Arnie ang mga mata ng maalalang matagal

ng natapos ang ritwal at ang mga ito ay matagal na naghintay sa kanya sa

ganoong ayos.....

Muli ay dahan dahang nag mulat ng mata si Arnie, hangad ay gulatin ang mga

nilalang na tila nakatulog na ng nakatayo sa matiyagang paghihintay.

Biglang ibinuka ni Arnie ang kanyang mga braso at kamay, magkahiwalay ang

mga paa kasabay ng malakas na pag sigaw ng...

BULAGAAAAAAAAAAAAAA.....

ang malakas na sigaw ni Arnie, sukat sa ginawa niyang iyon ay may napaka lakas

na hangin mula sa kanyang bibig at mga kamay ang tumangay sa lahat ng naroroon

palayo mula sa mahiwagang batis, maging ang mga halaman sa paligid ng batis

ay dumapa sa lupa sanhi ng malakas na hangin.....

Isa isang bumagsak sa tubig sa ibaba ng talon sila haring Boras haring Usarin Reyna

Mareana Prinsipe Borjo prinsesa Usana Kabatao at Kabayuhan, ang ibang mga mas

mahinang tikbalang at enkantadong Usa ay napadpad sa mas malayong lugar at sumabit

sa mga matataas na puno ng ginintuang hardin.

ARNIE : ah?????? ah!!!! Ang nagulat na tili ni Arnie, hindi niya akalaing ganoon ang

mangyayari at kahihinatnan ng kanyang tangkang panggu - gulat. Mabilis na lumipad

si Arnie patungo sa talon upang saklolohan ang lahat na aksidenteng tinangay ng

malakas na hangin doon.

Unang nilapitan ni Arnie si reyna Mareana na noon ay hindi makagalaw upang

maglangoy patungo sa gilid ng talon dahil sa mabigat na kasuotan na sumipsip

ng tubig. Agad niyang hinila ang buhok na reyna at inilipad sa ganoong ayos

papunta sa gilid ng talon.

Next chapter