Naglakad si Arnie sa ibabaw ng tubig ng batis patungo sa pinaka - sentro o gitna
ng batis sa pamamangha ng lahat ng naka - saksi.
Pagdating sa gitna, inayos ni Arnie ang mahabang laylayan ng suot na damit
naupo siya sa ibabaw ng tubig na magka - kuros ang dalawang paa at magka -
salikop ang mga palad na tila may planong mag yoga sa ibabaw ng tubig,
sa gitna ng batis .
Lumingon si Arnie sa mga kasamang nanatili sa gilid ng batis bago pasigaw na
muling nag - tanong....
ARNIE : mahal na hari... ... Ayos na po ba ang posisyon at lokasyon
ko???? Ano sa tingin ninyo???? Okay na po ba ang ganito????
Nahihiyang tumango ang hari bago palihim na sinulyapan ang mga kasama.
hindi niya akalaing may ganitong pag uugali si Arnie, ang labis na mapag biro
Ngayon lamang nila nasaksihan ang ugali nitong ganoon ngayon lamang na bilog
ang buwan.
dati rati ay nag bibiro rin ang dalaga, ngunit simple lamang, madalas ay tahimik ito at puro pag - kain lamang ang laman ng isip, sa tuwing matatapos mag sanay ng kanyang kapangyarihan.
Pagkatapos makitang tumango si Haring Boras ay ipinikit na ni Arnie ang kanyang
mga mata upang hintayin ang takdang pag sasanib ng liwanag.
Eksaktong alas dose ng hating - gabi.
Ng muling tila may maalala itong itanong
ARNIE : prinsipe Borjo!!!! dinala mo ba ang iyong cellphone na may camera??? huwag mong kalilimutang kunan ng video ang ritwal
huh!!!! ipapadala ko ang video kina inay at sa aking mga kaibigan.....
siguradong mamamangha sila kapag napanood nila ito....
malamang ay mag viral din sa facebook... ang pasigaw na sabi ni Arnie, na sa pagkaka - taong ito ay si Borjo naman ang napag diskitahang kulitin...
PRINSIPE BORJO : oo dinala ko, maging si Kabatao ay kukunan din ng video ang ritwal, ang sagot naman ni Borjo na tahimik at hindi kumikibo, sa pag aalalang siya ang mapagbalingan ni Arnie na biruin.
sinulyapan pa nito si Kabatao na tila ba nagbabanta upang ito ay agad sumang - ayon
ARNIE : ahhh.... ge... ge.... good.... ang sagot naman ni Arnie na maaliwalas ang ngiti, at muling ipinikit ang mga mata
Nakahinga naman ng maluwag si Prinsipe Borjo at ang lahat ng kanyang mga kasama sa gilid ng batis.....
ilang sandali pa ang lumipas at sumapit na ang takdang oras...