Galit na galit si haring Usarin sa mga itim na nilalang at balakyot sa ginawang pagsugod sa lupain ng mga enkantado, sa isang banda nasisiyahan siya na malaman ang mabilis na paglakas ng kapangyarihan ni Arnie.
Dahil sa paglakas ng kapangyarihan ng itinakda, maging ang taglay na kapangyarihan at mahika ng mga enkantadong nilalang ay lumalakas din.....
HARING USARIN : mahal na iti..... ahem....
Arnie... ipag paumanhin mo kung nalagay sa panganib ang buhay mo at ng iyong ama at kapatid habang naglalakbay patungo dito sa aming lupain.
Ikinalulungkot ko na wala kaming nagawa at nalingid sa aming kaalaman ang ginawa ni Prinsipe Matuling.
ARNIE : wala kang dapat ihingi ng paumanhin mahal na hari, wala namang nasaktan sa amin, ang ikinalulungkot ko lamang ay may mga nasawing itim na nilalang at balakyot sa aking mga kamay. Ang sagot ni Arnie sa hari.
HARING USARIN : hindi ka dapat malungkot Arnie, Kung Hindi sila ang nasawi maaaring isa sa inyo ang nasaktan.
hindi tama ang ginawa nilang pananambang sa inyo ang buhay ng mga itim na nilalang at balakyot na nasawi ang naging kabayaran, ang sagot namang pagpapa alala ng Hari.
ARNIE : marahil ay tama ka mahal na hari, mabuti pa siguro ay magpapahinga na rin kami, kailangan naming muling mag lakbay pabalik sa kaharian nila prinsipe Borjo.....
kailangan na rin muling bumalik sa mundo ng mga tao ang aking ama at kapatid, lubhang delikado para sa kanila ang manatili dito, isa pa siguradong nag aalala na rin ang aking ina at mga kapatid.
ang mahabang pahayag pa ni Arnie ,pagkatapos ay may tila naalalang muli itong bumaling sa hari
Iniabot ni Arnie sa Hari at Prinsesa ang dalawang cellphone at dalawang pockect Wi-Fi na kinuha niya mula sa bulsa ng back pack na kanyang dala dala...
ARNIE : oo nga pala mahal na hari at mahal na prinsesa tanggapin ninyo ang munting ala ala na aking nakayanan bilang pasasalamat sa inyong inbitasyon .....
Maaari kayong turuan ni Prinsipe Borjo kung paano gamitin ang mga iyan . Ang pahabol pa ni Arnie.
Malugod na tinanggap ng hari ang cellphone at pocket Wi-Fi, maluha luha ang kanyang mga mata na tumitig sa screen ng cellphone.
Sa kanyang pagkagulat nakita niya ang repleksyon ng kanyang mukha
HARING USARIN : ah!!! may tao sa loob ng munting kahon na ito!!! at kamukha ko ang taong namamahay dito!!! ang nagulat na sigaw ni Haring Usarin, na muntik pang ibato ang cellphone....
Napahagikhik naman si Borjo at Kabatao sa nakitang reaksyon ng hari, agad na lumapit si Borjo upang ituro sa hari kung paano gamitin ang kanyang bagong cellphone, habang si Arnie at mga kasama ay pigil ang sarili na tumawa ng malakas