Pagdating sa boundary o hangganan ng lupain na nasasakupan ng kaharian ng mga tikbalang at Enkantadong Usa agad silang nakita ng kawal ng kaharian ng enkantadong usa na isa sa nagpa patrol sa paligid at hangganan ng mga lupain.
USAWAL : Magandang hapon mahal na Prinsipe ng mga Tikbalang, ang agad na pagyukod nito at pagbati kay Borjo habang ang mga mata ay nag ni ningning na tumuon kay Arnie at sa kanyang ama at kapatid.
PRINSIPE BORJO : magandang hapon naman sa iyo ang tugon ni Borjo na lumingon kay Arnie upang ito ay ipakilala, ngunit naunahan ito ng pag sasalita ni Usawal.
USAWAL : tumuloy na kayo sa aming abang lupain mahal na prinsipe at mahal na itinakda, nagpadala na ako ng mensahe sa palasyo upang ipaalam ang inyong pagdating.
May sasalubong sa inyong tauhan ng palasyo dito upang hindi na kayo mahirapan pang maglakbay hanggang palasyo, marahil ay pagod na ang mahal na itinakda? ang tanong nito kay Arnie.
PRINSIPE BORJO : ganoon ba? Marahil nga ay pagod na ang mahal na itinakda, malayo ang aming nilakbay upang makarating dito. ang sagot ni Borjo kay Usawal bago muling sinulyapan si Arnie na tipid namang ngumiti sa kawal.
Maya-maya pa ay may mga dumating na kawal at mga taga -pag lingkod sa palasyo ng Enkantadong Usa na may dalang tila mga upuang may tabing na makulay na tela at may mahabang hawakan sa pag-buhat sa mag kabilang dulo.
USAWAL : maupo na kayo sa upuang panlakbay mahal na itinakda, ganon din ang iyong ama at kapatid
ARNIE : Dito sa upuang ito? ang tanong pa ni Arnie na tila nag aalangan pang umupo, habang si Jr ay nauna ng naupo sa isa sa mga upuang panlakbay....
Matapos umupo ni Arnie at ng kanyang ama sa upuan ,lumapit ang ilan sa mga kawal at tagapag lingkod upang buhatin ang tatlong upuang panlakbay na kina lululanan ng mag aama.
ARNIE : AH!?! ang mahinang pag gibik ni Arnie na nagulat ng umangat ang upuang panlakbay. dali dali niyang pinatigil ang mga nagbubuhat at bumaba.
Sila itay na lang ang buhatin ninyo, ang sabi ni Arnie.
Tila naman nag aatubili ang mga kawal at tagapag lingkod, ngumiti si Arnie sa mga ito at maya-maya pa ay unti unti itong lumutang sa ere sa panggigilalas ng lahat.
ARNIE : Pwede naman akong lumipad papunta sa palasyo, hindi ko lang ginawa kanina para ma enjoy ng kapatid ko ang paglalakbay.
Si jr na narinig ang sinabi ni Arnie ay agad na umasim ang ngiti sa labi, bago bumaling kay Arnie.
JR : ate !!! maloko ka talaga??? lagi mo akong pinag titripan!!! ang akusa pa nito kay Arnie bago mabilis na bumaba sa kanyang inuupuan at inabot ang paa ni Arnie.
ate!!! hawakan mo ako sa kamay, gusto kong maranasan ang lumipad ang sigaw ni Jr na nakahawak sa paa ni Arnie.
Natawa si Arnie at inabot ang mga kamay ni Jr , pagkatapos noon ay lumipad na sila patungo sa palasyo na natatanaw na ang tuktok ng tore mula sa kinaroroonan niya.