webnovel

Sino

Chapter 11. Sino

          

              

MAGMULA nang araw na makilala ni Nami si Stone ay naging malapit siya rito. She admitted it, she had a huge crush towards him. Lalo siyang humanga rito nang malaman niya ito ang nagpa-admit sa kaniya sa VIP room ng ospital. Hindi naman sila magkaano-ano pero sinigurado nitong maaalagaan siya nang husto. He also had the means since his family owned the Romualdez Medical Center o RM Center. Mag-iisang buwan na rin ang nakalipas mula noong engkwentrong iyon at naghilom na ang namulang bumakas sa leeg niya dahil sa pananakal.

She called him to ask if could she use that empty room in the Security Agency that he owned.

"Two to four hours lang naman," aniya. "Kulob kasi roon kaya magandang mag-practice."

Now, she's in the park near their dormitory to practice her acting skills. Matutuloy kasi ang pagpa-participate niya sa drama club sa darating na Foundation Day. Pero dahil nasa parke nga ay hindi niya ma-practice nang maayos ang mga linya.

"Pero wala ako roon ngayon. Wala kang makakasama," sagot ng nasa kabilang linya.

"Ganoon ba? Sayang naman." Hindi maipagkakaila ang pagkadismaya sa tinig niya.

Stone sighed on the other line. "Sige na, pumunta ka na roon. I'll be there right after this meeting."

"Talaga?"

"Oo. Kung mauna ka roon, just tell the guards to bring you in my office. Huwag kang gagala-gala roon, baka pormahan ka pa, halos lalaki pa naman—"

"Oo na. Maliligo na lang muna ako para medyo magtagal ako. See you in a bit!" Pinatay na niya kaagad ang tawag. Baka mamaya ay mag-iba pa ang isip nito, e.

She was humming a lively song as she entered their dorm. Ang dormitory kasi ay isang Spanish style na bahay at may anim na kwarto. Nangibang-bansa na ang pamilyang nakatira roon, at para may pagkakitaan pa rin sa Pinas ay ginawang girls' dormitory ang bahay. Pwede namang magkaroon ng bisitang lalaki basta't hindi makikitulog doon.

Naabutan niya sina Romano at Glaze na nasa sala, mukhang nagkukwentuhan habang nagme-merienda.

Bumati siya sa mga ito saka nagpaalam nang papanhik siya sa taas pero pinigilan siya ni Glaze.

"Aalis ka?"

Tumango siya. "Magkikita kami ni Stone."

Napaangat ng tingin si Romano, nagtatanong ang mga titig.

"Manliligaw mo ba iyon?" diretsong tanong nito.

Hindi siya sigurado kung siya lang ba pero parang mabigat ang dugo nito sa bago niyang kaibigan. Nagkibit-balikat na lang siya. Iniisip siguro ni Romano na pinagpalit na niya ito kay Stone.

Pero wala namang ipagpapalit. Hindi naman talaga siya ang kaibigan nito kundi si Glaze. Kumbaga, sabit lang siya. Hindi katulad kay Stone na nakilala niya talaga at naging kaibigan.

Malakas din ang kutob niyang magkakilala ang dalawa. Posible iyon lalo pa't magkakilala rin sina Kieffer at Stone. One of these days, she would ask him about it. And she would ask if was he working as a secret agent, too.

"Lumipad naman kaagad ang utak nito," nanunuksong bulalas ni Glaze na nagpabalik sa atensyon niya sa mga ito. "Hoy, tinatanong ni Romano kung manliligaw mo ba."

"Hindi nga. Magkaibigan lang kami."

"Sus, diyan kami nag-umpisa nito." Bahagya nitong tinampal ang balikat ng lalaki.

Napanguso siya. "Bakit hindi mo pa sagutin iyang si Rome, kung ganoon?" pag-iiba niya sa usapan.

Hindi ito sumagot at sinabing huwag niyang inililigaw ang usapan.

She just shrugged and told them she's in a rush even if she was not. Hindi kasi niya matagalan ang paraan ng pagtitig ni Romano sa kaniya. It was as if he was throwing daggers towards her.

"Ano namang ginawa ko roon?" takang-bulong niya sa sarili nang nasa banyo na para makapag-shower.

Thirty minutes after, she was done showering and took her time to fix herself. Lagpas isang oras din siyang nag-ayos dahil papalit-palit siya ng isusuot na damit. She did that on purpose so she'd kill some time. Siguro naman ay sapat na iyon para hindi siya mauna kay Stone sa Phoenix.

Pagkababa niya ay nandoon pa rin ang dalawang love birds.

"Natapos ka rin," pansin ni Glaze.

Ngising aso ang isinagot niya sa kakambal.

"Paalis na si Romano, sabi ko, ihatid ka na niya para hindi ka na mamasahe pa."

"Huwag na, baka makaistorbo pa ako sa inyo," katwiran niya.

"Paalis na nga siya," ulit nito. "Hinihintay ka lang naming matapos."

Kung naghintay pala ito, nakakahiya na tanggihan niya. "O, sige."

Hinatid sila ni Glaze sa labas ng dorm at tinanaw hanggang sa makalayo ang sasakyan.

"Salamat pala," panimula niya sa usapan. May kutob kasi siyang hindi sila magkikibuan kung walang magsasalita.

Tumango lang ito.

"Sa Phoenix Security Agency tayo." Sinabi niya ang eksaktong lokasyon.

"Why would you go there?" he asked suspisciously.

"Magpa-paractice ako ng acting for the play."

"Bakit doon? Hindi mo ba alam na halos lalaki ang mga nagtatrabaho roon?"

"Sabi nga ni Stone." Nagtaka siya. "Ano naman ngayon kung mga lalaki? Hindi naman ako makikihalubilo. I won't flirt, too, if that's what you are thinking."

He defensively denied. Then, he asked, "Magpa-practice ka lang ba talaga?"

Naningkit ang kaniyang mga mata. Hindi raw nito iniisip ng bagay na iyon pero ang dating ng tanong nito ay parang may hidden agenda siya sa pagpunta roon.

"Don't you want to practice at MI Ent. instead?"

Napakurap-kurap siya. "Is that even possible? I don't belong there."

Aminado siyang nasabik siya sa narinig. Bakit hindi? Eh, ang ganda ng facilities ng MI Ent.

But she declined. May usapan na kasi sila ni Stone. Nakakahiya na ica-cancel niya iyon lalo pa't inistorbo na niya ang lalaki.

Bumuntong-hininga lang si Romano saka na siya hinatid sa Phoenix.

Wala pa rin si Stone nang dumating siya, pero nahabilin naman na raw ang pagdating niya kaya iginiya siya sa opisina nito. Nagpasalamat na rin siya kay Romano sa paghatid nito sa kaniya.

Pagkarating niya sa opisina ay mag-isa lang siya, hindi na siya nag-aksaya ng oras at inilabas na ang script niya. Pero itinago niya rin dahil gusto niyang subukan kung kabisado na nga ba niya iyon.

There was a crying scene on the middle part and she guessed that she pulled it off effortlessly. Talent na 'ata talaga niya ang pag-arte dahil hindi siya nahihirapan sa mga eksena.

Iyon nga lang ay naistorbo siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at nang pumihit para tingnan kung sino iyon ay kitang-kita niya ang biglaang pagkunot ng noo ng bagong dating, saka diretsong lumakad papalapit kung saan siya nakatayo—malapit lamang sa office table.

"Bakit ka umiiyak? Sino'ng nanakit sa iyo?" he vehemently asked.

Next chapter