Chapter 2. Attracted
MATAPOS ang semester na iyon ay hindi na naging magkaklase sina Jasel at Vince, pero higit na naging malapit sila sa isa't isakaysa sa iba pa nilang mga kaibigan. Hanggang sa mga sumunod na taon ay nanatili sila sa ganoong sitwasyon. She never asked him about what kind of relationship did they have. Basta ang alam niya ay malapit sila sa isa't isa at mas komportable na rin kaysa noong una.
Vince was done taking his pre-med course that's why they weren't classmates anymore. Masaya siyang naipasa na nito ang ilang back subjects. While she shifted from Nursing to Business-related course. At nang semestreng iyon ay naging kaklase niya si Stone sa lahat ng subjects at si Sinned nama'y sa ilang minor subjects. Ahead ng dalawang taon sa kanila ang huli. Jave transferred in PMA but they still kept in touch. Bobby stopped studying and she's not communicating him anymore unlike the others.
Girls at her age judged her. Lalo na iyong mga kaklase niya dahil lang sa ang mga kaibigan niya ay mga lalaki. Not that she wanted or planned it to be that way. It was just that, during her freshman year, she tried to befriend some of the girls in her class but she ended up being alone because they always talked behind her back. Si Chelin lang ang naging malapit sa kanya pero hindi kasi nito itinuloy ang pag-aaral kaya nawalan na rin sila ng komunikasyon.
Now, she's left with these crazy guys, but she wasn't complaining at all. They may be asshole sometimes but they never treated her as one of their flings. Sa katunayan nga ay totoo ang ipinakikita ng mga ito sa kanya, ibang-iba ang ugali ng mga ito kapag siya ang kasama kaysa sa mga dine-date ng mga ito. Kaya nga ba ay hinayaan na niyang mapalapit siya sa mga ito dahil ligtas namang maging kaibigan. May instant bodyguards pa siya tuwing nagna-night's out!
"Jase," Stone got her attention.
"Ano?"
"What are your thoughts about security agencies affiliated with different government bureaus?" biglaang tanong nito nang minsang maging magka-partner sila sa isang research. Pumayag siya nang sabihin nitong sa bahay ng mga ito na lang sila gumawa ng research at kasalukuyan silang nasa study sa bahay ng mga ito.
"What do you mean?"
"Like, intelligence agencies. I want to continue what I did."
"Ano bang ginawa mo noon?" takang-tanong niya pero nanahimik ito. Nagpatuloy naman siya at sinabing, "Isang taon na lang naman, tapos na tayo. You can do whatever you want."
"Or maybe, I should just join the bureau."
"Seryoso ka?" she asked surprisingly. She even blinked twice since she initially thought that he would join the military. But she's not sure if those were connected, though. Parang hindi.
Tumango ito na nagpagulo lalo sa kanya.
"Bakit bigla mo naman yatang naisip? Ano ba iyan? Magsusundalo ka?"
"Not in the military. It's different. Do you know intelligence agencies?" he asked as if that would explain everything.
Kanina pa nito iyon nabanggit pero hindi niya gaanong naintindihan. So, she asked, "Buti naisipan mo ngayon?"
"I got inspired by someone when I traveled to the US." And he started telling her more details about that while she started searching on her phone.
"Wow, that's... cool! Is that the same with security agencies?"
Natahimik ito at parang may napagtanto. Nang tingnan niya ang mukha ni Stone ay parang naliwanagan ito sa ilang mga bagay-bagay.
Sa totoo lang ay wala siyang ideya roon. Ang alam lang niya, kung kailangan mo ng bodyguards, pwede kang mag-hire from security agencies. Pero hindi niya alam ang exact job descriptions ng mga ito kaya niya natanong kung katulad ba ng isang private intelligence agency ang sa security.
"Wait, I'll search private intelligence agency on Google. Naguluhan ako, ah." Tumipa siya sa cellphone.
"Kahit huwag na. Let's just focus on this resear—"
"Oh, here! It says it is a quasi-non-government organization devoted to the collection, analysis, and exploitation of information, through the evaluation of public sources and cooperation with other institutions. Some private intelligence agencies obtain information deceptively or through on-the-ground activities for clients..." Nangunot lalo ang noo niya at itinigil ang pagbabasa. "Mas lalo yata akong naguluhan," biro na lamang niya.
Pero seryoso pa rin ito na parang napaisip. "To put it simple, it's an investigative agency."
"I see." Napatango siya kahit halatang may mahaba pang kasunod dapat ang sinabi nito. His eyes were blazing in passion about the topic. "So, are you planning to put up one? Parang mahirap naman?"
"Maybe I should ask the others guys, too."
"Yeah, especially Sinned. Sa tingin ko, bagay sa kaniyang maging bodyguard kung gugustuhin niya. Even Jave, but he's a PMAer now so I think he will decline."
Naningkit ang mata ni Stone. "Bodyguard ang nasa isip mo?"
Tumango siya at napailing na lamang ito.
"How about Vince, then?" Ngumisi pa ito pagkabanggit sa pangalan ng lalaki.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi pagkabanggit sa ngalan ng lalaki. "Huwag siya. Busy iyon."
"Bakit mo alam? Kayo ba?"
Ngumuso siya. Ang lakas mang-asar nito, ah.
"Hindi. We're just... ano."
"Ano?"
"Basta, ano!" Umiiling na tumayo siya at nagpanggap na may hinahanap na libro.
Stone laughed at her when she tiptoed but still couldn't reach the book. Tumayo ito at pumwesto sa likuran niya para kunin ang libro. Saktong nasa ganoon silang posisyon nang bumukas ang pinto ng study room.
"Vince?" takang-tanong niya nang makita ang huli. "What are you doing here?"
Tumiim ang bagang nitong bumaling kay Stone."Hinahanap ka ni Tita."
Tumawa nang malakas ang kaibigan at umatras. "I was just getting that book, no need to look at me as if you're about to throw darts to me." Tumuro pa ito sa taas ng shelf.
Pero hindi pa rin mawala ang pagkakakunot-noo ni Vince.
"Sige na, uuwi na ako," awat ni Stone.
"Uuwi?"
"I'm sorry, Jasel. Bahala nang magpaliwanag si Vincent sa iyo." Bumaling ito kay Vince. "Babalikan ko na lang ang mga gamit ko bukas!"
"Wait—" Hindi na ito lumingon pa at tuloy-tuloy na lumbas sa study; Leaving her with Vince alone.
Saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.
"Let's go to the dining? Baka nagugutom ka na," basag ni Vince sa katahimikan.
"Ano'ng ibig sabihin nito?"
"Kumain muna tayo. Baka nagugutom—"
"Hindi ako nagugutom." She wanted to hear explanations first. She's confused.
Sumandal siya sa bookshelf at hinintay itong magsalita. Lumapit ito sa kanya at nasa harapan na niya at hinanap ang kanyang mga titig.
"Let's go to the dining. Doon na tayo mag-usap."
"Bakit hindi pa rito?"
"You think we could talk properly in here?"
Napakurap-kurap siya sa kaseryosohan ng tinig nito. "Bakit hindi?"
"It's just the two of us. And the door is locked. Nasa pamamahay ka namin at sa tingin mo'y kaya ko pang labanan ang nararamdaman ko sa iyo?"
Her eyes widened. Nararamdaman!
"Yes, Jasel, I've been attracted to you since the time we first met.You're so bubbly, was so confident when you introduced yourself to me, and the way you smiled at me during that time, you didn't know how mesmerized I was..."
Napalunok siya. Mukhang marami pa itong gustong sabihin. Pero, paano niyang tatakasan ang usaping ito? At bakit ngayon pa nito napiling ihayag ang damdamin? Action speaks louder than words 'ika nga, kaya okay lang sa kanya kung hindi nito sinabi iyon. Sa huli ay nagpasya siyang lusutan na muna iyon. "Bahay n'yo pala ito? Ang ganda, ah! Akala ko, nagdo-dorm ka kasi taga-probinsya ka, sabi mo noon."
Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Vince at sumilay ang ngisi sa labi.
"I just confessed to you and that's all what you've got to say?"
"Well, uh..." She's still not ready. Ano ba ang dapat sabihin?
"Can I kiss you?"
"Huh?!" Nagulat siya sa tanong nito. Wala sa sariling napatingin siya sa labi nito at saktong pinasadahan nito ng dila. Napalunok siya. "W-why would you want to kiss me? Agad-agad? Kasasabi mo lang na gusto mo ako."
"Your lips are inviting," namamaos nitong usal.
Parang baliktad yata? Parang ang labi ng lalaki ang nang-aakit na halikan niya.
"K-kumain na lang tayo."
Vince grunted, yet, he stepped back a bit. Just enough for her to breathe normally. "Let's go, then," he said.
Tahimik na sumunod siya sa dining room at nakitang nakahapag na ang mga pagkain doon. Natakam siya nang husto dahil isa sa mga paborito niya ang ulam na nakahain: adobong manok na may sili na walang gaanong sabaw. May sushi rin na nandoon.