webnovel

Chapter 108

Crissa's POV

Hindi ko na napigilan at napaluhod nalang ako sa lupa. Hindi ko na kinaya yung biglaang panlalambot ng tuhod ko kung kaya't tuluyan na akong bumigay. Bumuhos na rin nang tuluyan yung mga luha na naipon sa likod ng mga mata ko. Hindi na rin halos maproseso ng isipan ko ang lahat ng mga nagaganap.

Totoo ba 'to? Wala na ang kakambal ko?

Nang hindi tumitingala ay idinilat ko ang mga mata ko. Naririnig ko na nagkakagulo ang paligid at umaalingawngaw sa ere ang sunod-sunod na malalakas na putok ng baril. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Nararamdaman kong may nagtatakbuhan sa gilid ko. May mga nagtutumbahang katawan. May kulay pulang likido.

Pero ako? Nanatili nalang doon na nakaluhod at nakayuko.

Ayaw kong tumingala.

Wala na akong pakialam.

Mas mabuti pa sigurong tamaan nalang ako ng mga baril na nagsisiputukan ngayon.

Kasi para saan pang mabubuhay ako? E wala na ang kakambal ko?

"Crissa! Umalis ka na d'yan!" unti-unti akong napatingala sa pamilyar na boses na iyon. Pero hindi ko na nasundan lahat ng mga nangyari dahil bigla ko nalang naramdaman na may sumunggab sa akin at niyakap ako.

Nagpagulong-gulong kami ng ilang dipa mula sa kinaroroonan namin at napapikit nalang ako nang madiin dahil masyadong nalagyan ng pressure yung sugatang balikat ko. Sa muling pagdilat ko ay gayon nalang ang pagkagulat ko nang tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ng isa sa lalaking pinakamamahal ko.

Na kani-kanina lang ay inakala kong wala na talaga.

"C-christian?" 'di makapaniwalang sabi ko at nang ibaling ko ang paningin ko sa lugar kung saan huli ko s'yang nakita, doon ko nakitang nakahandusay ang wala nang buhay na tauhan ni Jade. Yung lalaking inakala ko na nagpaputok ng baril para tapusin ang pinakamamahal kong kakambal.

Pero paanong nangyari na s'ya ang nakahandusay doon?

Sinong may gawa non?

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi na mahagilap ng mga mata ko ang demonyong si Jade. Maraming mga nakahandusay din sa lupa na alam kong mga tauhan n'ya. Duguan at puro wala nang buhay. Pero may iba naman na nananatiling nakatayo ngayon at nakikipagpalitan ng putok. Sa ilang mga lalaki mula doon sa direksyon na opposite nung lungga nila.

Pero teka, sino 'tong mga kabarilan nila?

"Hindi ito ang time para maghanap ng sagot sa mga tanong sa isip mo. Tara na." nahihirapang bulong sa akin ng kakambal ko. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko yung dahilan kung bakit s'ya napapangiwi.

May daplis s'ya ng bala sa braso n'ya.

Na nakuha n'ya siguro nung sunggaban n'ya ako at yakapin. Dahil ako dapat ang tatamaan.

Pero kahit ganon ang hirap n'ya ay inakay n'ya pa rin ako patayo. Damang-dama ko rin ang kagustuhan n'yang 'wag akong makasapo ng mga nagliliparang bala dahil yakap-yakap n'ya ako ngayon na pilit itinatago. Alam kong nahihirapan talaga s'ya dahil doon pero kita ko pa rin sa mga mata n'ya na hindi n'ya hahayaan na may mangyari pa ulit na masama sa akin. Patuloy n'ya akong inaakay papunta doon sa lugar kung saan nagtatago sa likod ng ilang mga puno yung mga nakikipagbarilan sa tauhan ni Jade.

Laking gulat naman namin nang biglang sumulpot sa harapan namin yung medyo may edad nang tauhan ni Jade.

"Tatakas pa? Tapos na kayo ngayon." nakangisi n'yang iniumang yung baril n'ya. Pero bago pa n'ya tuluyang makalabit ang gatilyo para paputukan kami, mas nauna nang may tumamang bala na asintadong-asintado sa kanang sentido n'ya.

"Oh, sinong tapos ngayon?"

Gulat na gulat kaming napatingin doon sa pamilyar na lalaking bigla nalang lumabas mula sa kung saan. Inasinta n'ya muli sa ulo yung lalaking nakahandusay na sa sahig at muling pinaputukan ng tatlo. Para siguradong tapos na tapos na.

Matapos non ay nakangisi s'yang naglakad papalapit sa amin.

"M-marion?" 'di makapaniwalang tanong ko.

Totoo ba 'tong nakikita ng mga mata namin ngayon? Nandito sa harapan namin yung panganay namin kapatid at iniligtas kami? Mga kasama n'ya 'tong tumutulong sa amin?

"Nakakuha ako ng tip mula sa ilang concerned citizens na may nambubully raw sa mga kapatid ko e. Syempre hindi papayag ang pogi at sexy nilang kuya na ganon." maangas na sabi n'ya at mabilis n'ya kaming hinaltak ni Christian papunta doon sa direksyon na pinanggalingan n'ya. "Pero mamaya na ang reunion, ha? Sa ngayon, magliligpit muna tayo ng kalat."

Nang makapagtago kami sa likod ng isang malaking puno ay doon ko nakita yung iba pang mga kasama nilang patuloy na nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Jade. Siguro ay hindi bababa sa sampu ang bilang nila at karamihan sa kanila ay mga lalaki at hindi pamilyar sa akin.

Pero yung iba ay namumukhaan ko, at yung ilan talaga ay kilalang-kilala ko.

Si Nate at Chuck na kaibigan ni Axel.

Si Sedrick na sa pagkakaalam ko ay iniwan ni Christian at Tyron doon sa pinuntahan nila kahapon.

At pati ang babaeng sa unang pagkikita namin ay takot na takot sa amin, pati na rin sa baril na hawak namin. Pero ngayon naman ay may hawak nang mataas na kalibre ng shotgun at mukhang malaki na ang pinagbago.

"You saved me back then. Kaya ito yung pormal kong pasasalamat." lumapit s'ya sa akin at binigyan ako ng magaang yakap. "You're safe now, Crissa."

"D-danna.."

Buhay s'ya..

Si Marion din ba ang nagligtas dati sa kanya?

Niyakap ko si Danna pabalik at nagulat nalang ako nang nag-abot s'ya sa akin ng isang UZI submachine gun.

Hinawakan ko yun gamit ang kanang kamay ko. Napabalik naman ang tingin ko sa kakambal ko dahil nakita kong inabutan din s'ya ni Marion ng baril na katulad nitong binigay ni Danna sa akin.

"Makikipagbarilan na rin ba kami ni kambal?" pagsabat ko sa usapan ni Marion at ni Christian. Syempre, ano ba namang gagawin ko dito sa baril kung hindi ako makikipagbarilan diba?

"Oo. Pero iba babarilin mo." sagot ni Marion at inginuso yung bandang likuran namin. May iilang na undead na palang nabulabog namin dahil sa mga putukan ng baril. "Kayo na ni Dinna ang bahala d'yan."

Tinignan ko nang masama si Marion. "Danna. Hindi Dinna."

Napangiti rin ako sa isip-isip ko saglit dahil bigla kong naalala ang bestfriend Renzo ko. Si Marion kasi yung parang older version ng isang Renzo Tiangco. Feeling pogi palagi, machix, at malaswa. Hindi na tuloy ako makapaghintay na mameet nila ang isa't-isa.

Pero iniwas ko muna ang tingin ko kay Christian at Marion dahil may sarili kaming goal ni Danna ngayon.

"We'll keep their backs covered. Habang sila naman ang bahala sa likod natin. Tao ang kalaban nila, undead naman sa atin." humarap ako kay Danna at binigyan s'ya ng matipid na ngiti.

"Pero Crissa, yung tama sa braso mo?" alalang tanong n'ya.

Napatingin naman ako sa braso kong sugatan pati na rin sa kaliwang pulso ko na may bali naman.

"Oo, medyo masakit. Pero yung kanang parte ko malakas pa naman. Kaya 'to. Promise." pangungumbinsi ko na mukhang effective naman.

Ngumiti si Danna at napailing. "Alright. Let's keep this going. Ayaw kong mapahiya sa'yo, samantalang parehas na malakas ang kanan at kaliwa ko."

Iyon nalang ang sinabi n'ya at medyo lumayo na sa akin. Palipat-lipat s'ya ng pwesto habang binabaril yung ilang mga undead na nakakapuslit na papalapit sa amin.

Sa loob ko ay nakaramdam ako nang kaunting kasiyahan. Muli ring nabuhay ang nagliliyab na kagustuhan sa puso ko dahil sa tulong na hindi namin inaasahang dadating. Tama talagang 'wag muna akong mag-isip kung bakit o paano. At tama rin na 'wag muna akong magalak nang lubos dahil andito sila at nagkakasama-sama ulit kami.

Dahil ang mas tamang gawin ngayon ay makipagtulungan sa mga kasama namin para maexecute yung bagay na kanina ko pa talaga gustong gawin.

Ang maghiganti at patumbahin lahat ng may utang sa amin.

Pero teka, may kulang.

"Asan si Tyron?"

Nagpalinga-linga ako sa paligid at nang hindi ko s'ya agad mamataan ay bigla nalang akong binalot nang matinding kaba.

"Oh, 'wag kang iiyak. Andito lang ako."

Mabilis akong lumingon para sana harapin yung pamilyar na boses na 'yonpero nagulat nalang ako nang bigla nalang ding may dumapong marahang halik sa labi ko. Mabilis na mabilis lang 'yon pero damang-dama ko pa rin sa loob ko 'yung kapanatagan na buhay 'yung taong hinahanap ko. Mainit at masigla.

Ngumiti s'ya nang malawak sakin at doon ko naman napansin 'yung isa pang lalaki na nakatayo sa likuran n'ya. Ngumiti rin 'yon nang matipid sa akin at tumango.

"Axel.."

Sinundan ko nalang sila ng tingin dahil parehas na rin silang sumama sa pakikipagbarilan. Sa nakikita ko, mukhang marami pang nagtatago na tauhan si Jade doon sa lungga nila. May mga reserba sila na naghihintay doon sa loob at ngayon ay isa-isa na ring naglalabasan. Nakikipagbarilan sa ibang mga kasama nito ni Axel at Marion.

Nakita ko rin na may ilan nang kasama namin ang may daplis nang bala. May ilan ding nakahandusay na sa lupa. Pare-parehas silang nakipaglaban sa abot ng makakaya nila. Kahit pa ikamatay nila.

Pumikit ako nang madiin pero muling dumilat din.

Hindi ko hahayaan na yung lakas at pagod ng mga taong tumutulong samin ngayon at nagbubuwis din ng buhay nila ay masasayang lang. Kailangan kong tumulong. Kailangang may gawin din ako para sa kanila. Hindi pwedeng habambuhay nalang na may nagtatanggol para sakin. Dapat magawa ko ring magtanggol at magbuwis ng buhay para sa iba.

Yun ang tunay na lider.

Handang mamatay para sa mga kasama n'ya.

Next chapter