Crissa Harris' POV
"A-ate, yung matandang lalaki!" sigaw nung bata. Itinuro niya yung bodega sa may di kalayuan at tumabad nalang sa amin yung matandang lalaki na may dalang malaking itak.
Iniwanan niya ring nakabukas ang pintuan ng bodega na iyon kung kaya't bahagya naming nasilip yung kung anong nasa loob nun.
Sari-saring mga parte ng katawan ng tao ang nakasabit sa paligid ng dingding. Braso, hita, binti, paa, kamay. Umaalingasaw ang baho at lansa. Mas lalo pang nagngitngit ang panga ko nang may makita akong putol na ulo.
Putol na ulo ng isang batang babae.
Saglit akong lumingon kay Harriette na nakasandig sa may pintuan ng driver's seat. "Do everything to wake Christian up."
Ibinalik ko ang tingin ko dun sa matandang lalaki na ngayon ay naglalakad na papunta samin. Sumisipol-sipol pa siya at pinaglalaruan yung itak na hawak niya.
Magsaya ka na manong. Dahil pag nalingat ka, ikakawit ko yan sa leeg mo.
Ngumisi ako at hinayaan ko lang siyang insultuhin kami sa mga gestures na ipinapakita niya.
"Malakas kayo, ine. Nagawa ninyong magising agad. Kalahating araw kaya ang tagal nung pampatulog na ibinigay namin sa inyo. Tignan mo ang kapati mo, tumba pa rin hanggang ngayon." maangas na pagkakasabi niya.
"Alam mo manong, wala akong pake sa mga sinasabi mo dahil mas masahol pa kayo sa mga patay na buhay na nakapaligid sa atin ngayon." sabi ko nang mapansin kong may mangilan-ngilan nang undead ang nakapaligid sa bakod. Pare-parehas silang nakatusok sa mga bitag na nakapain.
Yung matandang lalaki naman ay nakangisi lang sa akin. Hindi ako nagpasindak sa malaking itak na hawak niya kahit na ba isang simpleng kutsilyo lang ang hawak ko.
Kung tutuusin, di hamak na may lamang din ako sa halimaw na to. Pagdating sa utak. At sa liksi.
"Yan na ang huling pangungusap na nasabi mo sa buhay mo dahil ngayon, mapupunta ka na sa loob ng tiyan ko!" sigaw niya at tumatakbong sumugod sa akin.
Hindi ako kaagad gumalaw at nang malapit na siya sa akin, mabilis akong yumuko para tadyakan yung binti niya. Napahandusay siya sa sahig at nabitawan yung itak na hawak niya. Tumalsik iyon sa parteng sobrang dilim.
Ako naman ngayon ang ngumiti ng nakakaloko. Ihinagis ko rin sa malayo yung kutsilyong hawak ko.
"Ngayon manong, tignan natin ang tapang mo. Ngayong wala na yang pinagmamalaki mong itak. Yan lang naman diba ang alas mo?" sigaw ko sabay tadyak sa likuran niya.
Umupo ako sa tabi niya at hinigit ang kwelyo niya. Binigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa kaliwang pisngi.
"Para yan sa kaliwang binti nung lalaki na kinain niyo!" binigyan ko pa siya ng isang malakas na suntok sa kanan. "Para naman iyan sa kanang."
Mas hinigpitan ko pa ang pagkwelyo sa kaniya at bumwelo ako ng buong lakas.
"At eto naman, para sa laman ng kaibigan ko na---"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang ang biglaang paghiga ng katawan ko sa lupa. Itinulak niya ako at saka inupuan sa may tiyan.
"Mautak ka bata. Pero kinulang lang ng kaunti." mapang-insulto niyang sabi. Nakita kong may binunot siya mula sa likuran niya.
Kutsilyo.
"Ngayon, isusunod na kita sa kakambal mong natutulog pa rin hanggang ngayon." itinaas niya yung kutsilyo at itinutok sa may bandang puso ko.
Napapikit na lang ako ng sobrang diin at ilang luha ang agad na tumulo mula sa mata ko. Sinubukan kong kabigin pa siya ngunit hindi na kinaya ng lakas ko. Inaasahan ko na ang masakit na pagturok ng kutsilyo na yun sa dibdib ko pero mas lalo lang akong napapikit ng madiin nang may isang putok ng baril na bigla na lang umalingawngaw sa paligid.
Biglang nawala ang bigat na nakapatong sa tiyan ko at sa susunod kong pagdilat, nakita ko nalang yung matandang lalaki na may tama ng bala sa lalamunan. Nakatihaya na to sa sahig at alam kong wala nang buhay.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng putok. At andun yung batang lalaki, nakatayo, may hawak na pistol. Nakatutok pa rin ito sa direksyon namin.
"A-ate, napatay ko sya? Hindi ko po s-sinasadya! S-saksakin ka kasi niya kaya po kinalabit ko to.." takot na sabi nung bata.
"San mo nakuha yan bata?" nakangiting tanong ko. Lumapit naman siya sakin at inabot yung baril.
"D-doon po sa ilalim ng upuan ni kuya. D-di pa rin po sya sa nagigising.."
Pinat ko yung uli ng bata. "Its okay, umalis na tayo para makahingi ng tulong sa ibang kasama namin. Para mabalikan agad ang papa mo."
Inakay ko yung bata papunta sa sasakyan. Inabutan ko naman dun si Harriette na pilit pa ring ginigising si Christian.
"H-harriette, pumasok ka na sa sasakyan.. Ako na ang magdadrive. Alis na tayo." sabi ko na inaalalayan sila nung bata papasok. "Pagpapagin niyo muna yung mga bubog sa upuan bago kayo umupo."
Napatingin ako sa nahihimbing pa rin na si Christian. Alam kong umeepekto pa rin sa kaniya hanggang ngayon yung kemikal na nalanghap niya. Pero knowing na humihinga pa rin siya, panatag na ang loob ko.
Pinagpag ko yung passengers seat, at buong lakas kong itinulak paupo dun ang kakambal ko. Luckily, nandun pa yung susi at nagstart pa yung makina.
"Bitiwan mo ko! Yung asawa ko! Binaril nila!"
Napalingon ako sa taas ng tree house at tumambad agad sakin yung matandang babae na hirap na hirap na nakatayo sa may pintuan. Nagwawala. Sa mga binti nito ay nakadapa at nakayakap ng mahigpit yung tatay nung bata.
"H-hija! Alisin mo yung hagdanan! N-natatanggal iyon!" sigaw nito.
Nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin. Mabilis akong pumunta sa ilalim ng tree house at tinulak ko ng malakas yung hagdanan. Natanggal iyon sa pagkakasandig sa puno at bumagsak sa lupa.
"U-umalis na kayo! Dalian niyo!" dagdag pa niya. Mabilis akong tumalikod at tumakbo papupunta sa sasakyan. Pero bigla nalang akong nakaramdam ng matinding sakit sa balikat ko.
Nang kapain ko yon, nakapa ko ang nakabaon na kutsilyo doon; na tiyak kong ang matandang babae ang naghagis. Hinugot ko iyon at ihinagis sa malayo.
Pinilit ko pa ring wag indahin yung matinding sakit na parang pumupunit sa balikat ko. Mabilis akong sumakay sa sasakyan at pinatakbo ko iyon. Nakita ko pa sa side mirror na tumalon yung matandang babae pababa mula sa tree house. At ang ikinagulat ko ng lubos ay matapos niyang lumagpak sa lupa, hinabol niya pa ring pilit yung sasakyan namin.
Mas binilisan ko na lang ang takbo namin. Sinadya kong wag siyang tapusin gamit itong pistol dahil nararamdaman kong hindi pa dito natatapos yung engkwentro na hinaharap namin. Lalo pa nung mapansin kong mauubusan na pala kami ng gas at sigurado akong hindi yun aabot sa pwesto namin sa open field.
By that time, alam kong kakailanganin naming maglakad at imposibleng wala kaming makakasalubong na undead sa daan. Mabuti pang ireserba ko nalang itong natitirang bala ng pistol para doon.
"Harriette, please hold on.." pakiusap ko at sinilip ko siya sa rear view mirror. "Bata, okay lang ba kung huhubarin mo yang shirt mo? Give it to ate Harriette. Kailangang malagyan ng pressure yung sugat niya."
Sumang ayon yung bata at sinunod yung instructions na binigay ko. Binalot niya yung sugat ni Harriette ng sobrang higpit at itinali niya yung shirt. Nakita kong napapangiwi si Harriette sa sobrang sakit pero tinitiis niya lang dahil alam niyang yun ang tamang gawin.
"K-kung makapag apply ka ng first aid sakin Crissa, p-parang akala mo, wala kang sugat.." hirap pero tumatawang saad ni Harriette.
Napangiwi naman ako dahil sa saktong pagsabi niya non, kumirot bigla yung kaliwang balikat ko. Damang-dama ko rin yung pag-agos ng dugo mula sa balikat ko hanggang sa ibabang parte ng likod ko.
Ibinalik ko nalang ang paningin ko sa daan at ilang metro na lang ang nalagpasan namin dahil bigla nang tumirik yung sasakyan.
Shit. Eto na nga ang sinasabi ko. Naubos na yung gas at mukhang malayo-layo pa kami sa pwesto namin, although nasa open field na rin kami.
Nilingon ko si Christian na tulog pa rin hanggang ngayon. I guess, wala na akong ibang choice kung hindi gawin yung technique na ginagawa ko para magising siya sa pagkakatulog. Lalo na pag sobrang himbing talaga na kahit sigawan mo sa tenga, hindi pa rin magigising.
Huminga ako ng malalim at bumilang ako ng tatalo.
Isa..
Dalawa..
Tatlo..
Isang napakalakas na utot ang pinakawalan ko. Narinig ko ang pagtawa ni Harriette sa likuran at ang pag yuck nung bata.
Ang utot kong to ang alarm clock ni Christian. At alam kong mas matindi pa ang kamandag nito kaysa doon sa matapang na kemikal na nalanghap namin kanina.
At alam kong ito lang ang makakapagpagising sa kaniya ngayon.
"F-fuck, Crissa.. That bomb again? Haven't smelled that for quiet a long time.."
See? I told you.
Unti-unti siyang umayos ng upo at pinagmasdan ang paligid.
"S-shit. Where are we? What happened?"
Inirapan ko nalang siya at saka ibinigay yung pistol.
"Tsk. You just missed some crucial situations na ako lang ang sumapo." inginuso ko sa kaniya si Harriette sa likod pati na rin yung bata.
Nakuha niya agad yung ibig kong sabihin lalo pa nung mapansin niya yung dumudugo kong balikat. Biglang nagngalit ang panga niya at sumeryoso ang itsura.
"Okay, ako naman ngayon." matigas na sabi niya at lumabas ng sasakyan. Sinundan ko siya palabas at inakay ko si Harriette. Pumwesto siya sa kanan ko at kumuha ng alalay sa kanang braso ko. Habang yung bata naman ay nakakapit sa kaliwang baywang ko at nagsusumiksik.
Pano ba namang hindi siya magsusumiksik? E may nakikita na kaming mga undead na papalapit sa amin ngayon. Si Christian, nag umipsa nang magpaputok sa mga nakakalapit na sa amin.
"We have no other choice but to leave the car here. C'mon Harriette, ako aalalay sa iyo." Inilipat ni Christian yung pagkakahawak ni Harriette.
Gumaan yung bigat na sinasapo ko dahil dun. Yung balikat ko na lang ang inintindi ko at yung bata na mahigpit na nakayakap sa baywang ko. Halata ko sa kaniyang takot na takot siya sa mga halimaw na nakikita niya.
Mabilis na naglalakad si Christian habang hindi pa rin tumitigil sa pagpapaputok. Si Harriette naman ay nakaakbay sa kaniya habang pinipilit ding maglakad ng mabilis.
Napatingin ulit ako sa bata. Hinihingal na siya. At sa itsura pa lang ng paghahabol niya ng hininga, alam kong may hika siya.
"Come, kargahin kita. Pero dito ka sa kanang balikat ko kumapit. Okay lang na higpitan mo, basta wag ka lang malalaglag." kinarga ko yung bata at kahit nakadagdag yun sa bigat na nararamdaman ko, pinilit ko na lang na hindi indahin.
Konti nalang. Alam kong konti nalang. Malapit na kami.
Dinig na dinig ko yung mga ungol ng undead na naiipon na sa paligid namin. Alam kong wrong move ang pagpapaputok ng baril dahil mas nakukuha namin ang intensyon nila. Pero ano pa bang magagawa namin? Wala na kaming ibang armas. Miski na kutsilyo.
Mas binilisan ko pa ang lakad-takbo ko habang nakasunod kela Christian. Pero dahil na rin siguro sa madilim na dinadaanan namin na tanging liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw, hindi ko napansin yung bato sa harapan ko at natalisod ako doon.
Alam ko na ang susunod na mangyayari kung kaya niyakap ko na ng sobrang higpit yung bata at pinilit kong ipihit ang sarili ko para hindi kami sumubsob. Nagpagulong gulong kami sa damuhan. Sa sobrang sakit ng balikat ko na mas lalo pang lumala dahil sa paggulong ko, nabitawan ko yung bata at gumulong pa siya ng ilang dipa palayo sa akin.
"CHRISTIAN! YUNG BATA!!!"
Gayon na lang yung lakas ng sigaw na pinakawalan ko nang makita kong padamba na yung isang undead sa bata. Pinilit kong tumayo pero nasubsob ulit ako.
Magkakasunod na putok ng matataas na kalibre ng baril ang sumunod na narinig ng tainga ko. Kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha, pinilit ko pa ring idilat ang mata ko para tignan yung nangyayari.
Silhouette ng isang babae at dalawang lalaki ang nakikita kong katulong ni Christian sa pagpapaputok sa mga undead. Sa may hindi kalayuan naman, nakita ko si Harriette na nakaupo sa lapag habang nakayakap sa kaniya yung umiiyak na bata.
Unti-unting nawala yung maiingay na putok at lumapit agad yung babae at isang lalaki kay Harriette; na base sa tingin ko ay si Fionna at Elvis.
"Ayos lang ba kayo? Shit.. Buhatin mo agad si Harriette! Ang laki ng sugat niya! Ako na bahala dito sa bata." utos ni Fionna kay Elvis. Samantalang siya ay binuhat yung bata kasunod si Elvis na buhat na rin si Harriette.
Saglit ko munang pinukulan ng tingin yung kakambal ko na nakaupo sa damuhan. Hingal na hingal. Napatihaya ako sa sobrang pagod at sakit na nararamdaman ko. Unti-unti ring gumuhit pababa ng pisngi ko yung mainit na luha.
Luha ng nakatagong takot at kaba na kani-kanina lang, sumampal sa mukha ko yung katotohanan na kamuntikan na yung bata..
Kamuntikan na si Christian..
Si Harriette..
Lalo na ako..
Kamuntikan na kaming lahat na mamatay. Dahil na rin sa sariling kagagawan ko. Sariling kapabayaan ko.
Napatakip ako sa mukha ko at tuluyan nang pinakawalan lahat nang naipong luha. Sobrang sakit ng sugat ko sa balikat ko pero di hamak naman na mas masakit yung katotohanan na ako ang dahilan ng lahat ng to.
Ako ang dahilan kung bakit nangyari ito.
"Sshhh. Crissa. You are safe now. Its okay.. Its okay.."
Biglang nanlambot ang puso ko nang marinig ko yung pamilyar na tinig na yon na animo isang mainam na haranang yumakap bigla sa loob ko. Lalo pa nang alalayan niya akong makaupo at binigyan ng napakainit na yapos.
Mas lalong lumakas ang pagiyak ko dahil doon. Sinuklian ko ang yakap na ibinigay niya sa akin. At bago pa ako tuluyang mawalan ng malay dahil sa sakit at pagod na nararamdaman kong isinisigaw ng buong katawan ko, nagawa ko pang banggitin ang pangalan niya.
"T-tyron.."