webnovel

Chapter 16

Crissa Harris' POV

"Waaa. Ako na pala next." kinikilig na sabi ni Renzy. Pero sumimangot sya nung ngitian sya ni Alessa.

Hmmm. Nag-aartehan pa rin sila hanggang ngayon?

"What makes you feel secure? Hmm.. Comforting words do make me feel secured. But a hug is exceptional."

"Sus. Gusto mo lang palang yakapin kita, lil sis e. Tara nga dito. Hug ka ni kuya." bago pa mahawakan ng dulo ng daliri ni Renzo si Renzy, mabilis nang nakaiwas si Renzy kaya si Harriette na yung nayakap nya.

*pak

"Bastos." gigil na sabi ni Harriette habang lumilipat ng pwesto.

"Aww. Masakit ah?" halos pumaling ata yung mukha ni Renzo sa sobrang lakas ng sampal na dumapo sa kanya.

"Buti lang sayo yan. Harriette, ikaw na pala sunod." inis na sabi ni Renzy.

Kumalma naman si Harriette tapos binasa yung nakalagay sa nabunot nyang papel.

"Who is your favorite cartoon character and why?" pagkatapos banggitin ni Harriette yun ay nagkatinginan kami. Maya-maya pa, parehas na kaming nakangiti.

"Actually, kaming dalawa ni Crissa ang may favorite dito. Di ko lang sure kung cartoon character sya pero since we're kids, favorite na talaga namin si Barbie."

"Yes. Kahit nga hanggang ngayon e." kinikilig na pagsang-ayon ko.

"Favorite mo si Barbie? Di bagay sayo. Parang si Incredible Hulk ang favorite mo e. Malakas kang manapak." bulong ni Renzo

"Ano!? May binubulong ka?" sigaw ni Harriette.

"Ha? Ako? Wala ah. Diba Sed, Ty?" nagpigili lang ng tawa yung dalawa.

Napatingin naman ako kay Alessa na pilit pa ring kinakausap si Renzy na nakasimangot pa rin.

"Uy, magbati na kayo. Pag may time mamaya, may ipapakita kami ni Harriette sa inyo. Hehe. Magugustuhan nyo for sure." tumango lang sila at ngumiti sa sinabi ko.

Ibinalik ko naman ang tingin ko dun sa lalaking nasa kaliwa ko.

"Ikaw na sunod Sed?" tanong ko kunwari. Pero alam ko namang sya talaga ang kasunod.

"Yep. Basahin ko na ba?"

"Sige lang. Wag mo nang pansinin sila Christian. Hindi titigil yang mga yan hanggat walang nasasaktan sa kanila. Hehe." sabi ko. Napansin ko kasi na parang nag-aalangan pa siya. Sila Christian kasi, ayun. Naghahabulan pa rin hanggang ngayon. Parang mga tanga.

"Okay. What is the one thing which makes you different? Hmm. Ang hirap neto ah." nagkakamot na sabi nya.

Nako. Kung alam mo lang Sedrick Hilton. Namumukod-tangi ka. Ibang-iba ka sa kanila. Kaya nga ikaw yung crush ko diba?

"Kung meron mang iba sakin, siguro hindi ako yung typical na lalaki. Pretty boy type daw ako e. Sabi nila. Sabi nila ha. Hahaha. Mabait daw kasi ako e." bulong nya.

Nadale mo Sed! Huhuhu!

"Sus! Mabait ka naman talaga e!" - Harriette

"Yes. Hindi tulad ng iba dyan. Jusko. Nakakasuka ang ugali." - Renzy

"Hala ka, Tyron. Pinaparinggan ka nung kapatid ko oh. Nakakasuka raw ugali mo? Halikan mo nga." - Renzo

Tinignan ko yung reaksyon ni Ty pero pokerface pa rin. Parang hangin lang ang kinausap ni Renzo e.

"Tinitingin-tingin mo babae?" halos mapatalon naman ako sa gulat nang magsalita sya bigla. Hindi sya nakatingin sakin kaya inirapan ko nalang sya.

Teka. Asan na yun nabunot kong papel? Hawak ko lang kanina ha? Di ko pa nababasa yung tanong dun.

"Sed? Nakita mo yung papel ko? Hehe."

"Ha? Hindi e." ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya tapos hinanap ko na uli. Ako na kasi yung sunod e.

"Eto oh." tinignan kong mabuti yung papel na inabot sakin ni Tyron tapos dahan-dahan kong kinuha.

Hmm. Parang hindi ata ito yun e. Hindi naman ganito yung pagkakatupi nito kanina.

Sinamaan ko ng tingin si Tyron.

"Oy, ikaw na Crissa." nag-snap si Harriette sa harapan ko kaya napaiwas ako ng tingin kay Tyron.

Binuksan ko naman yung papel saka ko binasa yung tanong.

"Who is the person closest to you?"

Teka. Parang ang hirap naman ng tanong na to. Close ko sila Yaya Nerry, si Olga, pati na rin si Jackson at Bud. Pero close ko din si Marion, si Harriette, Elvis at Alex.

Sino ba sa kanila yung closest ko?

"Diba ako, Crissa?" sabi ni Renzo habang nakangiti at tumataas baba pa yung kilay.

Natawa ako dahil dun.

"Ikaw agad? E wala pa tayong apat na araw na magkakilala. Hahaha. Ngayon nga lang kita nakasama e."

"Eh sino?" tanong nya. Napangiti naman uli ako at hinabol ko ng tingin yung lalaking kanina pa tumatakbo.

"Ayun oh. Christian!" tawag ko. Tumigil naman agad sya at lumapit sakin.

"Bakit? Nagugutom ka nanaman siguro no? Ako din e." sabi nya habang nakahawak sa tyan. Mabilis naman akong tumayo at niyakap yung braso nya.

"See? Sa sobrang close naming dalawa, damang-dama namin kapag parehas na kaming nagugutom. Haha. E pano namang hindi? E hindi pa kami nakikita ng mga parents namin, magkasama na agad kami. At close na close talaga kami. Ang sikip kaya sa sinapupunan ni mommy. Hehehe." sabi ko sa kanila na ikinangiti naman nila.

"Oy, oy. Bakit ka nangyayakap? Para kang bakla." angal ni Christian. Mas lalo ko pa syang niyakap.

"Kunwari ka pa. E huli ngang pa-ultrasound ni mommy dati sa atin, halos patayin mo na ko sa higpit ng yakap mo."

"Tss. Sinungaling. Ako na ba sunod? Teka." bulong nya tapos kinuha nya yung papel na nabunot nya.

Napansin ko naman na parang biglang nagbago yung expression nya. At naramdaman ko rin sa loob ko na parang, bigla rin akong nalungkot at nasaktan.

"What song reminds you of an incident in your life?" tumigil sya saglit pero nagsalita rin uli.

"See you again." matipid na sabi nya tapos sabay umalis na sya at lumabas ng living room. Sumunod naman sa kanya si Alex at Elvis.

"Anung nangyari dun sa kakambal mo?"

"Ewan ko." patay malisyang sagot ko dun kay Renzo.

Alam kong gusto pa nyang magtanong kasi halata namang hindi sya naniniwala sa sinabi ko. Syempre naman. Kakambal ko yun kaya kung may nangyayari sa kanya, ako ang unang makakaalam. Sino namang tanga maniniwala na wala akong alam diba.

Oo. Alam na alam ko kung bakit bigla nalang nagbago yung itsura ni Christian. Sadyang ayoko lang ibunyag pa sa iba yun dahil bukod saming dalawa, sila Alex, Elvis at Harriette lang ang nakakaalam ng tungkol dun.

At halos ayaw ni Christian na mapag-uusapan pa yun.

"Oh Ty, diba ikaw na last? Dali." pagbabasag ni Harriette sa katahimikan. At thankful ako na ginawa nya yun. Alam ko kasi na ginawa nya yun para ma-divert yung atensyon namin sa iba.

"Who is the last person you would want to see before you die?"

Napatingin naman ako bigla kay Tyron. Ang ganda naman ng tanong na napunta sa kanya.

Pero teka. Bakit parang bigla naman akong kinabahan? Dahil ba to dun sa tanong? O dahil sa isasagot nya?

Ay shete. Ano ba tong naiisip ko. Nababaliw na ata ako.

"The woman I love the most.."

Nakabibinging katahimikan ang nangibabaw samin dahil sa sinabi nya. At maya-maya pa..

*kruu kruuu

Ay putik! Kaninong tiyan yun?

"Sorry." nakayukong sabi ni Renzo.

"Panira ka ng moment kuya! Arggghhh!!" sigaw ni Renzy habang sinasakal ang kuya nya.

"Bakit Ty, may gf ka na ba?"

Nabaling naman ang atensyon ko kay Harriette dahil sa pagtatanong nyang yun. Nag-intay kami ng sagot pero nabigo kami dahil pokerface lang ni Tyron ang nakita namin.

Ay teka! Bakit ko inaantay ang sagot nya? Pake ko ba sa kanya!? Hmp!

"Ahhh!! Sarap ng ganitong game. Akala ko, pang-isip bata lang tong mga ganito e!" tumayo si Renzo at nag-inat. Sumunod naman sila Renzy at Harriette na kapwa masama nanaman ang tingin sa kanya.

Napatingin naman ako kay Alessa na malungkot ang mukha. Grabe naman. Hindi pa rin pala sila nag-uusap ngayon ni Renzy.

Tumayo ako ng unti-unti pero napaupo uli ako dahil nakaramdam ako ng ngalay sa binti ko. Nung tumingala ako, may nakita nalang akong dalawang kamay na nakalahad sa akin.

Kay batman at kay superman.

OH! JOKE LANG!

Kay Sedrick at Tyron.

Teka. Kanino kukunin ko dito? Pwede ba both? Pero dapat isa lang. Kasi ganon naman diba kapag nagmahal? Dapat isa lang---

PWE! Ano nanaman ba tong iniisip ko!? Nag-offer lang ng tulong yung dalawa!

Bago ko pa mapagpasyahan kung kaninong kamay ang kukunin ko, nagulat nalang ako nang mawala na yung isa. At ayun, naglalakad na pala palayo si Tyron.

Kahit kelan talaga, napakabastos! Paano nalang kung kukunin ko na pala yung kamay nya tapos sabay alis naman sya? Edi napahiya ako? Nasubsob? Una mukha? Tss.

Kinuha ko nalang ang kamay ni Sed tapos tumayo nako.

"Thanks Sed! Hehe."

"Anytime." sabi nya sabay ngiti.

Biglang bumukas yung pinto ng living room kaya pare-parehas kaming napatingin. At doon, nakatayo si Elvis na pawis na pawis at parang hingal na hingal pa.

"May good news guys!"

Good news? Yun ba yung sa channel 11? Yung palabas? Edi may media pala dito?

Bago pa may makapagreact samin, pare-parehas nalang kaming nagulat nang biglang bumukas yung ilaw sa buong living room pati na rin yung dalawang aircon.

"May mga generator pala kayo Crissa? Nakita namin sa isa nyong stock room. Mga lima siguro. So ayun, nagbutingting sandali si Alex at voila. May kuryente na tayo!" sigaw nya. Nagsisigaw din naman si Renzo na parang baliw dun sa may gilid.

"Yes!! Makakanood nako ng porn! Crissa, anong password ng wifi nyo?" dalawang palad kaagad ang dumapo sa pisngi nya pagkatapos nyang sabihin yun.

Napatalon din ako sa isip isip ko. Ang galing naman talaga ni Alex! Future Electrical Engineer talaga! Well, kung hindi lang sana nangyari yung apocalypse. Pero wala na e. Nangyari na. Di na maibabalik.

But well, nakakatuwa lang ngayon at may kuryente na kami dito. Marami na kaming magagawa. Nakakaexcite. Ano kayang uunahin ko? Hehehe. Manonood ng tv? Magcheck ng instagram at twitter?

Hmmm... Nako! Nakakaexcite talaga..

**meanwhile..

7:00 pm

Lahat kami nakahiga na. Yung iba, kaharap yung mga phone nila at naglalaro. Yung iba soundtrip. Wala na kaming ibang nagawa dahil bagsak pala lahat ng means ng communication. Walang signal. Walang tv. Walang internet. At kahit na pati radyo at telepono wala rin.

Spell BWISET. Panira ng kaligayahan. Nakakaiyak. Excited pa naman kaming lahat.

E ano pa nga bang magagawa ko? Edi matutulog na!! BWISET!

Next chapter