webnovel

Chapter 21: The call

"Little Bamblebie, kailan mo pala kukunin yung lisensya mo bilang isang arkitekto?.." tanong minsan sakin ni Kuya Mark. I was stunned that time. Di agad nakasagot at parang nabuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan. "Been almost a year sis..you need to get that thing.." dagdag pa nya. Kinarga nya si Knoa after magpalit ng pangduty nyang damit. Dito sya umuuwi dahil dito din lagi si Jacob. Actually silang dalawa ni ate Cindy.

"Hindi ba pwede dito?.." I asked out of curiosity. Nagkibit sya ng balikat. Mukhang di nya rin alam kung pwede nga.

"Pag nag one year old nalang si Knoa siguro.."

"Ano!?.. Naku sinasabi ko sa'yo little Bamblebie.. you need it here before you work.."

Aware naman ako doon. Sadyang, kinakabahan lang ako sa ideyang uuwi ako ng Pilipinas. Lugar kung saan nabuo si Knoa.

"I'll talk to mama later. Baka sakaling mapag-ispan nilang umuwi at doon magpasko't magbagong taon.." sa pagkasabi nyang ganun. Parang sigurado na syang mangyayari nga ang kanyang gusto. Ang mapauwi ako ng Pilipinas. Ang sabi nya. Para raw dual citizenship si Knoa. Eh di naman iyon ang habol ko. Ang paliwanag ko naman. Saka nalang pag nabinyagan na sya. Ang dami kong dahilan na binalewala nya lang.

"Sis, your reasons are too blunt. Sabihin mo nalang kasing may gusto kang taguan.." nauwi sa pang-aasar ang seryosong usapan namin.

Okay. Hands down!. Panalo na sya!

"Di pa ako handang umuwi.." Totoong di pa talaga ako handang umuwi sa ngayon. I don't describe my feelings. It's blurry at this moment.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Bakit naman?.."

Lalong di ko naman alam ngayon ang isasagot sa kanya. Ayaw ko pang unuwi kasi andun si Jaden isa sa pinakamatinding dahilan. Nanduon sya at of course si Veberly. Di ko yata matiis na makita silang dalawa na magkasama.

"Alam mo. Kung anuman ang naging ugat ng di mo pagpansin sa kanya. Malamang may kwento yun. Kailangan mo munang syempre, making sa kanya. Yun ang di mo ginagawa. Ang pakinggan ang kanyang paliwanag.." nag-iwas lamang ako ng tingin sa mata nyang nginingitian ako.

"Mahirap kuya.." mahina kong himig. Bahagyang huminto ang paghele nya kay Knoa at tinitigan yata ako. Di ko kita dahil sa sahig ako nakatingin. Ayaw makipagtitigan sa kanya.

"Pero mas mahirap ang magpanggap Bamby.." huminga sya ng malalim bago muling isinayaw si Knoa. "Mahirap ang magpanggap lalo na kung nagpapanggap ka lang na binabalewala mo lang sya. Hindi sinasagot ang tawag nya. Kahit ang chat o ang voice mail nya."

Natahimik ako. Bumabaon talaga sa puso ko ang mga pinagsasabi nya. Bahagya pang kumirot iyon ng marinig ang salitang nagpapanggap. Suskupo Bamby!. Stop pretending kasi!. Be true and it will set you free.

"Wag mong hintayin na sukuan ka nya. Dahil baka bumaliktad ang mundo at ikaw ang biglang maghabol naman sa kanya.."

Napipi ako ng tuluyan. Wala akong maisip na sabihin. Ang daming tumatakbo sa utak ko pero kahit ijsa sa mga iyon ay di kayang bigkasin ng aking labi dahil sa takot. Natatakot sa binigay nyang ideya.. Natatakot akong baka sa susunod na araw ay ganun na nga ang gawin nya. Ang sumuko sakin at iwan ako... ng tuluyan..

After that day. Umulan ng malakas. May kasabay pang hangin at kulog at kidlat. Di ako nabasa kung may bagyo ba o wala. Buong araw iyon. At buong araw lang ding nasa bahay ang lahat.

"Guys, may sasabihin ako.." anunsyo bigla ni papa ng nasa sala kaming lahat. Kaming tatlo nina ate Cindy at mama ang nasa mahabang sofa. Sa pang isahan prenteng nakaupo naman su kuya Lance at sa armrest ng sofa nakaupo si kuya. Akbay ng kanyang asawa. Si Jacob, nilalaro si Knoa na kandog ko.

"Pinagbigyan ako ng company na magbakasyon ng isang buwan.." patuloy nya. Kumalabog na ang dibdib ko. Mukhang alam ko na kung anong sasabihin nya. "At gusto kong umuwi muna tayong lahat sa Pilipinas para doon salubungin naman ang pasko at bagong taon.."

Oh great!!. Really really great!

"You okay with that?.." sa akin itinanong yan ni papa. Nagtaka ako. Awang ang labi kong lumingon kay Mark dahil baka sinabi nya ito sa kanya. Nagkibit lamang sya ng balikat ng pagtaasan ko ng kilay. "Isasabay na rin natin doon ang binyag ni Knoa.."

"Pa?.." angal ko na mabilis nyang ikinagulat. "What about Barb and tita Martha?. Why not here nalang po?.." umiling sya sakin.

"Ilalagay nalang ang name nila doon hija.. bakit?.."

"Baka po kasi.. may sabihin sila pag di ko sila inimbitahan.."

"Sa tingin mo magagalit sila sayo pag duon mo binigyan ng pangalan si Knoa?.." natigilan ako sa tanong nya. Holy cow!!. Mukhang wala na nga akong takas.. Uuwi nalang ako!. Bahala na!

Umiling ako. I know them well at di naman siguro sila magagalit.

"Okay. So we're settled here. Mark and Cindy, how about your scheds?.."

"We're cool Pa.." si ate Cindy ang sumagot para sa kanila ni kuya.

"Lance?.."

"May kailangan pa akong asikasuhin pa, pero sasama ako sa Inyo.." Ani kuya. Gusto kong magparesque sa kanyang di ako uuwi pero nanlumo na lamang ako ng taasan nya rin ako ng kilay at ngisihan. Di ko tuloy alam kung para saan ang ngising iginawad nya. Sarkastiko kasi ang dating para sakin.

Natapos ang anunsyo ni papa at sinabi sa huli na sa katapusan ng November ang uwi namin. Kailangan ayusin ang lahat bago umalis.

"You can't control everything. Sometimes you just need to relax and have faith, things will work out." mahinang bulong sakin nitong si kuya Lance ng daanan ako sa may sofa. Huli na ng suntukin kp sya dahil naglakad na ito palayo sa amin.

Kinagabihan. Umakyat ako ng kwarto dala ang bote ng gatas ni Knoa. Nagtimpla ako sa baba dahil di ako nakapag-init ng tubig kanina sa may kwarto.

Papasok na sana ako ng aming silid ng marinig ang boses ni papa. May kausap sya sa telepono.

"Hmmm.. okay lang sya.." Ani papa. Sinulyapan pa ako ng humakbang ako papasok at dumiretso kay Knoa na kanina pa naghihintay ng gatas. "Sure.. hija. Kausapin ka raw.." gusto kong pagalitan si papa sa ginagawa nya. Is he serious?. Aware naman siguro sya na di ko kinakausap si Jaden. What the hell happened?.

Pa?. I just mouthed para di marinig ng nasa kabilang linya. Tinakpan nya pa ang speaker ng phone ng pinagsabihan ako. "Just talk to him hija.. he's been calling you since.." inilingan ko ang kanyang sinabi. "Hija.." pagsusumamo nya kaya WALA akong ibang choice kundi GAWIN ANG REQUEST nya.

Hinawakan ko ang cellphone ko saka dahan dahang inilapit sa aking tainga.

"Hello.." yung boses na yun!. Suskupo Bamby!. Unang dinig ko palang sa malamig at pagod nyang boses ay nangilid na ang luha ko.

Tumingala ako para pigilan ang aking luha na gusto nang kumawala.

Si papa ang magbantay muna kay Knoa habang ako ay nakikipaglaban saking damdamin. Maingay ito ngayon at nakakabingi.

"Yes hello?.." Darn it!! Nautal pa ako!

"Babe?.." garalgal nyang sambit dito. Hinabol ko na ang aking hininga sa pagpipigil ng hikbi. "Mahal ko.." dinig kong dagdag nya at kumawala na sa kanya ang isang impit na hikbi. Kinagat ko ang labi sa narinig. Shit!. Babe!! "Where have you been?.." mabagal nya iyong binigkas na para bang sobra na ang pagod nya. Pagod kakahintay sakin. Damn it!! At sa puntong iyon. Parang unti unti ng nadurog ang galit ko at kung anumang sama ng loob ko sa kanya.

Oh my gosh!!. Babe!. Jaden ko!. Mahal ko!. Sigaw ng aking puso!

Isang ungol lamang ang naisagot ko. At duon na nag-unahan ang luha pababa. Binaha ang buo kong mukha sa kabila ng buhay pa ring linya.

Next chapter