webnovel

Akala Ko Siya Na #4

.Ito yung isa sa sandaling pag ibig din na ibinahagi nung isang nakakachat ko noon. Wala naman kaming ugnayan sa isa't-isa kaya hindi ko masabi kung kaibigan ko siya. Ang mahalaga mabait siya at saka nag share nitong maikling istorya niya.

Isa siyang lalaki, abala siya non sa pagrereview sa isang naturang asignatura. Yung mismong araw na yun isang babae ang bumihag sa kanyang mga mata tila may kung anong naramdaman siya. Hindi niya naman gusto na panoorin ang performance na ginagawa nang babae sa isa rin na naturang subject pero sadyang napukaw siya nito.

Natulala siya sandali. As usual ito yung sinasabi ng iba na bahagyang tumigil ang pag ikot ng mundo. Parang isang camera ang kanyang mga mata na tila naka focus ang lens nito sa babaeng iyon na hindi niya sa akin tinukoy kung anong saktong pisikal na kaanyuan nito.

Ayos nga talaga dahil isa sa kanyang mga kaklase ang nakakakilala sa babae. Hindi siya nag atubiling tanungin agad kung ano ang pangalan ng babaeng nakabihag sa kanya. Cliché man, pero ito yung madalas mangyari sa buhay nang karamihan.

Para sa iba nabilis ang ikot ng mundo kapag nakita nila ang taong gusto nila , 'di kaya naman nabagal o humihinto sandali ang paligid. In-accept naman ng dalaga pagkatapos ng dalawang araw ang kanyang friend request.

Pagkauwi niya sa kanila. In-add niya na agad ang dalaga.

Kahit sa chat ko lang kausap ang lalaki. Ramdam ko ang saya niya. Magkalayo kami sa isa't-isa pero parang kita ko yung ngiti niya. Yung ngiti ng taong parang nagsasabi na "Parang siya na yon. Yung matagal ko ng hinihintay. Yung matagal ko ng hinahanap."

Minsan kasi sa buhay nang karamihan sa atin. Saglit lamang natin na kita ang isang tao parang mayroong bahagi sa isip natin na nararamdaman natin na "Parang siya na to'. Bakit hindi ko subukan? Wala namang mawawala?"

Ito na nga. Simula nung araw na nagkachat sila. Kwento niya sa akin, nagsesend ng picture yung babae na para bang matagal na silang magkakilala kaya sobrang galak yung puso niya. Kahit na inaantok na siya nilalabanan niya iyon para makausap ng matagal yung babae.

Nagkaroon ng isang event sa school nila, acquintance party. Nagkaroon yung babae, syempre itong nakausap ko, bumili ng isang pack ng napkin tapos binigay dun sa babae.

Nagsine din sila. Yakap ng babae yung bag niya. Nasa isip niya non sana siya na lang yung bag. Minsan naisip ko din yung naiisip ng kausap ko dito. Sana ako na lang yung towel pamunas sa mukha ng taong gusto ko o madalas pa sana ako na lang yung bote. Mga ganong kaharutan sa buhay.

Wala namang masama na mag imagine sa isang bagay na pag aari ng taong gusto mo. Wala namang masama na maging masaya sa mababaw na bagay.

Ayun nga, sabi niya rin sa akin. Hindi na siya nasama sa gala ng tropa niya para intayin ang uwian ng babae. Alas syete ang uwian nito. Meron pang nangyari na sinabi niya sa mga tropa ng babae na uuwi na siya. Pero nung naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay. Bumalik din siya.

Ito yung isa sa parte na pinaka gusto ko. Ramdam talaga yung care nung lalaki sa babae. Bibihira na lang kasi yung ganto. Yung tipong uwi-uwi na yung lalaki pero maiisip niya na dapat pala intayin ko siya. Hindi lang para makita siya kundi para malaman na safe siya.

Nung buwan ng Oktubre, hindi ko na sasabihin kung anong araw. Midterms nila. May lagnat yung babae. Bumili siya ng malteser at sterilized milk para sa babae kasi iyon yung paborito nito.

Parte na isa sa nakakakilig. Sana meron din akong ganyan. Kaso wala. I mean wala na.

Tapos yung buwan na din iyon sinabi ng babae sa kanya na wag na silang magtext o magchat. Hindi sinabi sa kanya kung anong dahilan. Kujg may mali siyang ginawa.

Ang dami niyang plano sa isip niya para sa babae. Pero yung plano na yung bula na lang. Wala na. Naglaho na.

Meron talaga tayong makilala sa buhay natin na sobrang sandali lang. Kaya siguro karamihan sa atin hindi na masyadong nagseseryoso kasi ito nga. Ang hirap nung magtatanong ka ano bang naging mali. Kung walang naging mali bakit hindi na tayo pwedeng mag usap?

Ikaw naranasan mo na ba ang panandaliang pag ibig kagaya ng ibang mga kwentong nandito?

Mapapakanta na lang ng Isang Linggong Pag Ibig.

Next chapter