webnovel

Armored Gorillas

Ang apat na armored Gorilya na nauuna sa harapan ay lumilipad sa mga puno ng kagubatan habang sinusundan ang ruta nila Ye Song at ng kanyang mga kasama. nang mapagtanto ng mga ito na mayroong higit sa limampung tao at isang god level monster ang nasa pangkat, hindi agad sila umatake. ang ginawa nila ay binuntutan lamang ang mga ito habang naghihintay ng kanilang pagkakataon para umatake.

Ang mga armored gorilya na ito ay masyadong maiingat!

Kumunot ang noo ni Ye Song dahil dito. dahil ang mga gorilyang ito ay hindi sila inaatake, wala rin sila magawa upang aksyunan ang mga ito.

Habang tumatakbo sila ay parami ng parami ang mga armored gorilya na nagtipon-tipon sa kanilang paligid. napagtanto niya na sa sandaling dumami ang ng mga ito, sila ay handa na upang salakayin sila!

Nang mapansin ni Ye Song ang ginagawa ng mga armored gorilya, naisip niya na hindi sila makakatakas kapag walang gumambala sa mga halimaw na ito!

Dahil doon ay nagpasya na siya at sinabi sa mga tao sa kanyang harapan.

"Mauna na kayo, bilisan niyong tumakbo!"

Si Kuchi at ang mga alipin ay napahinto nang bahagya nang marinig nila ang sigaw ni Ye Song at lumingon sa kanilang likuran ng may isang kumplikadong ekspresyon.

Nang dumami na ang mga armored gorilya ay napansin na Kuchi ang mga ito ngunit hindi niya ito ipinakita sa kanyang mukha dahil ayaw niyang magpanic ang kanilang mga kasama.

Sa kabilang banda naman, ang mga alipin ay nakaramdam na rin ng panganib simula pa kanina pero hindi nila alam kung anong uri ng panganib ito. dahil matagal silang naging alipin at nag dusa ng mga paghihirap, madali silang nakakaramdam kapag ang kanilang buhay ay nasa panganib.

Pero sa mapanganib na sitwasyong ito, hindi inisip ni Ye Song ang kanyang sarili at nagpasya siyang magpaiwan upang protektahan ang mga alipin.

Dahil dito ay mas lalong naantig ang kanilang mga puso sa ginawa ni Ye Song.

Hindi nila ito kilala ng personal ngunit handa pa rin siyang isakripisyo ang kanyang sarili upang sila ay makatakas!

"Bilisan niyo at huwag na kayong tumayo pa diyan! huwag kayong magalala sa akin dahil may naisip akong paraan para makatakas!" sigaw ni Ye Song.

"Kuchi, siguraduhin mong magiging ligtas sila at sabihin mo sa iba na pumunta dito!" tinutukoy ni Ye Song ay iba pa niyang mga alaga.

Kinagat ni Kuchi ang kanyang labi habang may luhang bahagyang kumikislap sa kanyang mga mata.

Nag dalawang isip siya sandali ngunit nagpasyang gawin ang sinabi ni Ye Song dahil kapag nagpaiwan rin siya ay mas lalo silang malalagay sa panganib dahil dalawa lamang silang may kakayahang labanan ang mga gorilyang ito.

Ginamit ni Ye Song ang cloaking at inobserbahan ang mga paggalaw ng mga armored gorilya mula sa malayo.

Habang nagmamasid ay binuksan niya ang heaven gift box na nakuha niya kanina.

[Gusto mo bang buksan ang Heaven Gift Box?]

"Yes!"

Opening 10%

30%

70%

*DING*

[Kumpleto na ang pagbubukas!]

[Binabati kita dahil nakakuha ka ng isang item!]

[Nakuha mo ang Overlord's War Bow!]

[Overlord's War Bow]

A rapid fire crossbow that can shoot many arrows in a short span of time.

Weapon Range + 4

DEX + 5

AGI + 5

Armor Penetration: 85

SPD is increased by 8%

ACC +10%

Every attack has a 5% chance of passing through Multiple Dimensions, which deals bonus damage.

CRIT DMG against Monsters +25%

DMG dealt to Monsters +10%

-

Nang makita ni Ye Song ang item na kanyang nakuha ay medyo nadismaya siya dahil nais niyang makakuha ng isa pang dagger para magamit niya ang [Dual Wield Mastery] na kanyang nakuha.

Ngunit pagkatapos niyang makita ang description ng bow ay nakadama siya ng kasiyahan. pwede na niyang atakihin ang mga armored gorilya mula sa malayo gamit ang sandatang ito. ang heaven gift box ay nag-aadopt sa kanyang sitwasyon. sinusuri nito kung ano ang pinaka kailangan niya sa oras na iyon at ibabase ito sa gamit o kasanayan na kanyang makukuha.

Umakyat si Ye Song sa isang puno at kaagad na kinuha ang kanyang crossbow mula sa kanyang storage at ipinatong ito sa kanyang balikat. pagkatapos niyang lagyan ito ng arrow ay maingat niyang pinagmasdan ang mga paggalaw ng armored gorilya sa pamamagitan ng front sight(telescope ng crossbow).

Ang ekspresyon sa kanyang mukha ay bukod-tangi. napakaseryoso at sobrang nakatuon sa mga halimaw!

Itinuon niya ang front sight sa armored gorilya habang tumutulo ang butil ng pawis sa kanyang noo!

Ang presyur at kaba sa kanyang isipan ay umabot sa tuktok sapagkat sa sandaling iyon, ang buhay ng lahat ng mga alipin ay nakasalalay sa kanyang mga kamay!

Habang ang crossbow ay nasa kanyang balikat, nanatiling motionless si Ye Song sa tuktok ng puno na tila ba tumigil ang oras.

Sa pamamagitan crossbow sight, ang mga mata ni Ye Song ay nakatuon sa isa sa mga armored gorilya sa di kalayuan.

Habang tumataas ang tension sa kanyang kapaligiran, unti-unting naitunaw ni Ye Song ang mga nakakagambala sa kanyang paligid hanggang sa ang natitira na lamang ay ang crossbow sa kanyang kamay at ang target na nasa kanyang front sight.

Matiyaga niyang hinintay ang kanyang pagkakataon na umatake!

"Sa napakalaking target na yan, mahirap ba tamaan yan?" naisip ni Ye Song habang hinihila niya ang gatilyo habang di niya namamalayang nanginginig ang kanyang kamay.

"Swoosh!

Swoosh!

Swoosh!"

Tatlong bolts ang kumawala mula sa crossbow. habang ang mga bolts na ito ay lumilipad sa hangin, ang mga arrow ay lumusot sa mga puwang ng sangay sa isang napakahirap na anggulo at nagtungo sa kinaroroonan ng armored gorilya!

"Bang!"

Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa kagubatan. ang mga arrow ay tumama sa isa sa mga gorilya.

Ang armored gorilya na iyon ay humagulhol at nahulog sa puno. bumagsak ito ng malakas sa lupa na naging sanhi ng pagkalat ng makapal na alikabok na pumalibot sa lugar.

Ang armored gorilya na iyon ay nagpumiglas sa lupa ngunit hindi ito makabangon!

Nang makita ito ni Ye Song ay nakaramdam siya ng pananabik sa kanyang puso at sinabi sa sarili.

"I can do this!"

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts
Next chapter