webnovel

The Game 2

Pinasok sa isang kwadradong salamin si Elvin, kasama ang lalaki at babae. Nakita sa mata ng babae ang takot nang makita ang allien na kumuha sa kanila.

Dahil sa mahilig sa mga palabas patungkol sa mga allien iniisip niyang baka insperimentuhan sila o di kayang gawing pagkain. Ang lalake naman ay tahimik lamang, ang mga matang tulala na tila may malalim na iniisip.

Pagkapasok ni Elvin ay tinanong siya kung ayos lang ba siya at sinagot niya ito na maayos. Nag-uusap lamang ang babae at si Elvin patungkol sa buhay-buhay. Sumaya ang loob ni Elvin sapagkat may ate na siyang ituturing na may paki-alam sa kanya. Di tulad ng mga ate at kuya niyang sarili lang ang tanging iniisip.

Nalaman ni Elvin na malupit pala ang tiyahin ng babae, pina-patrabaho ng sobrang dami sa bahay at di pinapakain. Minamaltrato at sinasaktan kaya't noong di na kayanan ng babae ay lumayas nang palihim.

Habang nag lalakad raw ang babae sa di alam ang patutunguhan ay biglang kinuha siya ng allien.Habang nag-uusap ang dalawa ay pumasok ang isang allien at inilapag ang platong may laman na tatsulok na parang tsokolate.

Kinuha ni Elvin ang isa at kinain kaya ganoon nalang pag-alala ng babae baka iyon ay isang lason. Himalang kumuha rin ang lalaki na siya ikina-galit ikinagalit ng babae, paano raw kung malason sila at siya na lamang ang matitira.

Pero kinumbinsi ni Elvin ang babae at sinabi niyang masarap at nakaka-busog kahit ganoon kaliit iyon. Sinabi niya ring di naman bumubula ang knyang bibig kaya't nakumbinsi rin ang babae.

Di nagtagal biglang yumanig ang kulungang pinaglagyan at bigla na lamang itong puma-ibaba na parang isang Elevator.Pagkababa ay nakita niya ang allien na nakasakay sa Flying soucer, Sa kilid ng allien ay mayroong parang Flat Screen Tv,Sa harap naman ng Flat Screen Tv ay may tatloong upuan.

Bumukas ang glass jail at umunang lumabas ang lalaki na sinundan naman nila Elvin. Nang nakarating na sila sa Allien ay doon kinabahan ang babae, di maikaila na takot nga talaga siya sa allien.

Pina-upo sila at pinasuot ng 3D Eye Glasses at doon pinanood na ang palabas. Nagsimula na ang parang trailer ng laro, tungkol sa laro ito at ano pa.

" The people who want to scape to their lives" panimula ng palabas at nakita ang isang babaeng minaltrato ng tiyahin, sunod ang batang nakaranas panlulupit ng ama, then ang lalaking naka kulong sa braso ng magulang o sasabihin nating kontrolado ng magulang.

Atsyaka nahati sa tatloo ang screen at pinakita ang tumatakbong nakapaa na bata, babaeng naglalakad na di malaman ang mapupuntahan, lalaking tumalon sa pader ng mansion at tumakbo ng mabilis at paghagip Ng liwanag na nagmula sa spaceship.

Then lumabas sa screen ang imahe ng Earth at lumabas ang Spaceship. Parang kidlat ang bilis ng Spaceship at nakita rin doon ang mga galaxy na dinaanan.

Kaya't masasabi mong kay layo nga nila at imposibleng makabalik pa sa mundong pinang-galingan.

" we give them the power of supernatural"

lumabas sa screen ang mga tao na nasa iba't ibang machine, may mga kung anong aparatos na nakasabit sa katawan, at ano-anong operasyon ang ginawa ng mga allien.

Saka pinakita ang DNA nito at may kung anong device na nakalagay sa katawan. Isa iyong device na nakaprogram para sa system ng laro.

" a warm wellcome to the newbies" Ang eksena naman ay napunta sa lugar na puro bakal, sa gilid nito ay umaapoy at sa malayo matatanaw mo ang portal. Sa ceiling ay makita ang coundown timer na nakaset ang oras 25 minutes.

Makikita sa palabas ang paglipad ng tatloong anime character sakay ang Mind Control Transportation or MCT. Ito yong sasakyan na isip lang gagamitinPara aandar ang sasakyan at pupuntahan ang direction ng isip.

Ang bata sa palabas ay umuna na sakay ang Genie's Carpet. Ang dalawa naman ay sumakay sa expandable Flying Metal Plate at ang takbo nito ay pazigzag kaya't nagpanic ang dalawang character anime.

Sinabihan ng batang lalaking anime na dapat parehas nang direction ng isip nila para di malito ang sasakyan.Sinunod naman ng dalawa ang sabi ng bata kaya't umayos na ang takbo ng sasakyan.

" you just have 1 minute to scape or else you be burn out" -notificational voice.

Nagpanic ang babae dahil baka silay di maka-abot kaya't gumulo ang isip nito kaya't ang nanyari ay di na naman umayos ang takbo.

10 second left na lang ay nakalabas na ang batang anime at ang babae at lalaki ay medyo malapit na.

Sinabihan ng lalaki na wag mag panic at silay maka-abot kaya't umayos na ang takbo at mabuting nakalabas pa subalit natamaan ang kanilang likod.Noong natapos na ang time ay naabutan ang dalawa ng apoy.

" a user card and its level" Umiba naman ang eksena kung saan kaharap ng tatloo ang isang monster. Kinalaban ng tatlo at nag palabas ito ng tablet, by saying " Tablet" ay lalabas ito at kapag sinabi namang " Hide" at mawawala ito.

Nagpalabas ng mga card ang player, by saying the name of card ay lalabas ang Item o ano pa man doon.Nagpalabas ng card ang tatloong player by weakest to stronggest card.

Biglang bumilis ang movement ang palabas.

Pinakita ang eksenang paghahunt ng monster para ibinta ang maaaring maibinta. Pag-accomplish sa mga missions, solving mystery, fighting some player and joining a guild.

" Gather more information, Discover more mystery, Collect more money, collect more card and most important is to stay allive.e

At doon natapos ang palabas kaya't tinanggal na ng tatlo ang 3D glasses. Ngumiti ang tatlo, ibigsabihin noon ay interesado na sila laro.

ITUTULOY.

Next chapter