TRAVIS
Natapos ang aming klase, at kaming dalawa ni Benny ay nakatoka sa Misa ng 5 PM para maglead ng Rosario at Novena sa Ina ng Laging Saklolo, at siyempre, as usual, tambay na naman kami sa kalapit na mall para kumain sa Jollibee bago umuwi, alam namin na papunta si Godfrey na childhood bestfriends namin dahil nagmessage siya sa amin sa Messenger...at habang kami naglalakad, I made a stop over sa isang book store para bumili ng libro na gagamitin sa aming assignment sa Philippine History at ballpen na Pilot V5 RT. Medyo komplikado ang aking paghahanap dahil medyo di pa organized ang pagkakalagay per section at nakita ko na sa wakas ang hinahanap kong libro. Siyempre, mababa lang ang presyo, kala ko kalakihan. Nasalubong ko naman si Godfrey (alam nya yung tambayan ko) na childhood bestfriend namin na taga Naga City na nagbigay sa akin ng Estampita na may kapiraso ng manto ng Peñafrancia na namimili rin ng mga pang-engineer student na gamit...
Godfrey: "Travis! long time no see ahh, saan ka na napasok?"
Me: "Huy Godfrey, musta ka na, sa tabi lang ng Simbahan ung eskwelahan namin, medyo asensado ka na ngayon ahh"
Godfrey: "Medyo mahirap nga rin eh, pero meron akong scholarship at may sponsor ako sa allowance"
Me: "Buti ka pa"
Godfrey: "Ikaw nga dyan eh, marami kang pera pero di halata HAHAHAHA"
Me:"Weeehh HAHAHAHAHA, o siya, kain muna tayo, tapos ka na bumili?"
Godfrey: Oo, nagtingin lang ako ng mga technical pen kung ano ang maayos at maganda at Rotring na T-square, buti ang napili ko ung Pilot na drawing pen, ubos na kasi ung akin, High School pa lang ako nun eh meron pa pero na ubos na nga lang dati. Baka di mo alam, magkatabi lang tayo ng eskwelahan"
Me: "Ansinop mo rin pala sa gamit tol...hmmmmm...Ahh sa inyo sa Casa Maria Institute of Technology?! WEEEHHH!!! ngayon mo lang sinabi
Godfrey: "Well, pinabalik ako ni mama dahil sa tingin nya na ikakapayapa ng aking kalooban, binubully kasi ako doon sa Santa Isabel kesyo nerd daw ako. BTW si Benny, di sumama sa iyo sa pamimili ng gamit?"
Me: "Meron na raw siya nun, teacher kasi nanay nun, dala pa nya yan, btw sabay na tayo kumain, nag-aantay si Benny sa Jollibee, umorder ng pagkain natin...kaoorder lang nya kanina"
Godfrey: "Oo nga ih, galante rin pala tropa natin hahaha! o siya, intayin kita dyan sa pintuan, buti solo mo ung pila"
Me: "Buti na lang, kung hindi at mahaba yan, yari ako kay Nanay pag umuwi ako ng halos hatinggabi"
Alam nyo, medyo kinilig ako sa cashier dahil medyo cute siya at sweet ng boses nya, and tinanong ko name nya:
Her: "My name is KringKring, ikaw?
Me: "Travis, nice to meet you miss KringKring"
Her: Kring na lang hehe" (sabay ngiti ng sweet)...
Tapos na ako magbayad nun nang bigla naming napansin na nagkakagulo na sa labas ng store na may nagtatakbuhan, at tinanong ko ang isang nakaistambay, sabi nya na "may holdaper doon tapat ng Jollibee" and bigla akong tinanong:
Random stranger: "Kasama mo ba yang nakauniform?"
Me: "Oo, bakit po?"
Random stranger: "Hinahabol nya kasama ng gwardya ung holdaper, may dalang batuta"
Me: HALA!!! JUSKO!
Godfrey: Tignan natin...
Pagkalabas namin, biglang bumungad sa amin na may kakwentuhan si Benny na isang magandang babae na nakatayo sa estante ng sa binebentang high end subdivision, tapat ng Jollibee na may inaabot na something, nagtinginan ang mga tao sa kanila...
"AYYY JUSKO SANTISIMA!!!!" natatawa kong sabi
At kami ay natawa dahil humo-hokage itong tropa namin HAHAHAHAHA
BENNY
Ayun, nagpaiwan ako dahil alam ko na meron na akong libro na tinutukoy ng prof namin na gagamitin for the class sa Philippine History, at sa hindi inaasahan, nung pumasok ako ng Jollibee, nakasabay ko ang isang magandang babae na mala-supervisor ang porma, nakahigh heels at nakaleather pants na kala mo mukhang Russian o Kana o Española sa pagkamestisa ang itsura at medyo classy...and nung tinawag na ako ng cashier, at siya din na tinawag ng cashier: halos magkapareho ng inorder:
"TATLONG TIG-2 PIECE OF CHICKENJOY, TAS 3 PEACH MANGO PIE, 3 COKE, AT 3 LARGE FRIES"
And tumigil ang mundo ko nang nagkatitigan at nagkangitian...
...at biglang tumigil ang mundo nung bumati siya ng "Hi" na may kasamang matamis na ngiti na nagmukha akong nilanggam na Leche Flan...and I responded "Hello miss" with plain smile...
And sabay kami umalis ng counter, dala ang mga order namin...
At sa pwesto na tig-4 na upuan, at nagulat ako na nandun katabi naming pwesto at kasama nya ang mga katrabaho nya...at lumabas siya para lang kunin ang kanyang papers...para bang may aayusin at imimeet na client (dunno, medyo di ko alam ung galaw nya)
Hanggang sa hindi inaasahan sa kalagitnaan ng pag-iintay ko kay Travis at sa tropa namin na matagal na kaming di nagkikita...Biglang pumasok ang isang holdapper at hinoldap sa sariling estante ang magandang dalaga...nakita ko siya na alalang-alala at nagsisigaw na lumapit sa guard at bigla naman akong tumakbong papalapit habang iniwan ko sa pwesto namin ang pagkain...
Me: "KUYAAAA GUARD! PAHIRAM NG BATUTA, HABULIN NATIN YANG HOLDAPER NA YAN!!!!"
pinahiram nya sa akin ang batuta at sabay kaming tumakbo at hinabol ang baliw na holdaper papunta sa exit ng mall, at sa bilis ng aking pagtakbo, sakto kong nahuli at binatuta ko sa ulo at kinuha ang wallet at pouch na pag-aari ng magandang dalaga sabay sermon:
"Dalawa lang kahahantungan mo, sementeryo o preso! Pumili ka sa dalawa ngayon..."
...at ang mga pulis ay nariyan kahit ang mga tambay sa labas ay nakisama na bugbugin ang holdaper, ngunit inawat nila ang mga tao na bumubugbog, pinosasan at dinala sa presinto.
Bumalik ako sa estanteng tapat ng Jollibee at nakita ko ung babaeng medyo nag-aalala...
Me: "Hi Miss, okay na, I'll return what was stolen sa iyo, nahuli na rin siya kanina..."
*sabay abot sa kanya ng mga narecover na gamit*
Sugar: "Thank you sir..."
And bigla nya akong niyakap...
...at tumigil ang mundo ko
TRAVIS
Habang nagtinginan ang mga tao, patakbo kaming lumapit sa estante tapat ng kakainan namin...pagkabitaw ng babae sa pagyakap kay Benny.
Me: "Ikaw pala Benny anong pinaggagawa mo, muntikan mo na kaming tuluyang tinakbuhan"
Benny: "Ah...ehh... tinulungan ko lang naman siya na mabawi gamit nya, ninakawan siya kanina eh"
And that beautiful girl interrupted:
"Benny pala pangalan mo, my name is Sugar, btw thank you Benny for saving my life and naibalik ng safe ang gamit ko, importante pa naman yan"
sabay ngiti ng sweet
Benny: "Benben na lang hehehe"
Me: "Nako mabait tong tropa namin hehe...so btw, I'm Travis"
Godfrey: "And I'm Godfrey Gainza"
Sugar: "Godfrey?
Godfrey: " Sugar??!!...pamilyar ka sa akin ah, ikaw ung kalaro ko dati sa Plaza ah"
Sugar: "yep...grabe tumatanda na rin tayo"....
Benny: "So, tara kain na na, medyo malamig na ung Chickenjoy natin"
Sugar: "Sabayan ko na kayo" natutuwang paanyaya nya.
And dumating ang 2 pang kasama nya, at sumabay na kami ng kain...
At may inabot na something si Godfrey sa amin at kila Sugar: isang estampita ng Birhen ng Peñafrancia...
"Galing pa ako ng Bicol bago pa ako lumuwas uli ng Maynila, kaya bumili muna ako ng mga pasalubong mula sa Basilica ng Peñafrancia. bata pa lang ako, nagdedebosyon na ako kay Ina. Anlaki ng naitulong nya sa buhay ko" kanyang kwento
Sugar: "Bigla ko naalala ang kwento sa akin ni mama, deboto family namin kay Ina. Tsaka may bahay kami malapit lang sa Basilica, doon nga kami nagjajogging at magsisimba pagkatapos pag nauwi kami sa Naga tuwing Peñafrancia season."
Godfrey: "Medyo malapit lang kami sa Old Peñafrancia Shrine, meron kasi kaming ancestral house"
Benny: "Edi magkapitbahay tayo Godfrey?!"
Godfrey: "Oo, sa may patio ng Old Peñafrancia Church pa nga tayo naglalaro noon sa Plaza Covarrubias"
Benny: "Kaya pala eh, Naaalala ko na, ikaw pala nakalaro ko noon... sana maulit yan, pasyal tayo uli doon"
Sa kalagitnaan ng kainan, may inabot si Sugar na 3 sobre:
"Ipinaabot ko ito sa inyo ang sobre na ito, mamaya nyo na buksan okay? salamat ulit sa inyo sa pagligtas mo sa buhay ko at naibalik ang mga mahahalagang gamit ko."
Benny: "Salamat po Miss Sugar"
Sugar: "Sugar na lang hehe, btw pakikilala ko sa inyo mga kasamahan namin: sina Moisha and Chanel...mga high end property consultants and marketing directors kami ng isang itinatayong subdivision."
Benny: "kami naman mga estudyante lang kami sa Cervantes Academy, tapat lang ng simbahan namin...nagseserve kami minsan: tagalead ng Rosary at Novena sa kung sinong Santo sa isang designated na araw."
Sugar: "Anong year nyo na?"
Travis: "Pareho kaming 1st year college, pero si Godfrey iba lang siya ng school at course."
Godfrey: "Sa Casa Maria Institute ako"
Sugar: "Aaaaahhhh... BTW anong kinuha mong course Godfrey?"
Godfrey: "Architecture kinuha ko"
Sugar: "Wow may future architect na pala sa inyo hehe"
Travis: "Kami naman mga future teachers"
Tinuloy namin ang aming kainan hanggang sa...
*rrrriiiiiiiiiiiingggggg*
Benny: "Uy Travs, tumawag si nanay Mena"
Travis: "Teka, ano oras na?"
Benny: "6:45 na"
Travis: "Omsim! sige..."
....
Nanay Mena: "Nak, bumisita si Fr. Eugene, hinahanap kayo nun, may sasabihin pa naman yun sa iyo..."
Me: "Sige nay, pauwi na po kami, nakain pa po muna kami sa Jollibee, sama ko na rin si Benny at si Godfrey"
Nanay Mena: "Nandyan na pala yung kalaro mo dati"
Me: "Opo nay, magkatabi kami ng eskwelahan...sa Casa Maria po siya nay"
Nanay Mena: "Sige nak, uwi na kayo...iniintay ka ni Fr. Eugene"
Me: "Sige po"
Pagkatapos ng tawagan namin ni nanay:
Sugar: "Travs, Benny, Godfrey, gusto mo bisita kami sa inyo? since tapos na ung duty namin"
"Sure, why not?!" natutuwa naming sagot.
Sugar: "Ngayon na?"
Benny: "Weeeeeehhhh!!!! Seryoso ka dyan???"
Sugar: "Ayaw mo ba?"
Travis: "Welcome ka sa amin Sugar"
Godfrey: "So tara na?"
GO!! sagot naming lahat
Sabay sabay kaming umuwi at sumama si Sugar at ang mga katrabaho nya: at si Benny ay inangkas sa motor niyang big bike:
Sugar: "angkas ka sa akin Benben, start ko lang ung motor", medyo sweet nyang paanyaya
Benny: "Neheheye eke eeehhhh" (nahihiya ako ihh)
Travis: "Wag ka na mahiya dyan HAHAHAHAHAHAHA"
Godfrey: "HAHAHAHAHAHA TROPA NAMIN YAN!!!"
Benny: "Bahala kayo dyan HAHAHAHAHAHA"
Nakita pa nga namin na nagsuot ng black na leather jacket at gloves pangmotor si Sugar at sinuotan nya si Bennie ng helmet, medyo kinikilig pa nga: kinantsawan ni Godfrey
"Uy cheezy kayo dyan aaaaahh"
At natatawa naman sumagot si Godfrey: "Baliw HAHAHAHAHAHA"
Nakauwi na rin kami bandang 7:30 PM na naglalakad kasama namin si Moisha at Chanel na friend ni Sugar, at nauna na sila Sugar and Benny...at dumungaw sa bintana si Nanay Mena habang nagpapahinga si Fr. Eugene at binuksan nya ang pinto para sa aming mga bisitang di inaasahan na darating din
Nanay Mena: "Mga anak, si Fr Eugene...galing sa Parokya namin"
"Good evening po Father Eugene" bati naming lahat at sabay kami nagmano...
"Magandang gabi rin nga anak, Naparito ako para kay Benny at Travis para kausapin sila, I'll let you know na tumaas na po ang scholarship and allowance grants nyo sa dating scholarship package na inyong kinuha."
Pagbabahagi niya.
At medyo natuwa kami sa balitang iyon
Benny: "So magkano na po ung allowance grants namin?"
Fr. Eugene: "Dati P15k, ang matatanggap nyo na is P20k dahil nga, lumaki ang bigay ng foundation sa amin for scholarship grants...and lalo na perks na yan sa inyo dahil ang gaganda ng mga records nyo and your performance in school and you two also maintain them."
"WOOOOWWWW!!! Salamats po pads!!" natutuwa naming pagpapasalamat.
Ngunit nag-iba ang lahat sa kanyang susunod na sasabihin...
Fr. Eugene: "Pero mga iho, may sasabihin lang sana ako sa inyo na importante, yan din ang dahilan kung bakit ako naparito..."
Benny: "Ano po yun pads?"
Fr. Eugene: "Ikinalulungkot ko po na ipaalam sa inyo na ang ninong nyo na pari nung kinumpilan kayo na ka batch ko nung kami'y naordinahan, pinatay ng mga hitman sa isang Bisita sa katabing barangay lang natin"
Travis: "Si Fr Luigi po ba pads?! Bakit po pads, sino may gawa??!!! hindi namin inaasahan ito" sabi ko
Benny: "at tsaka wala naman po siyang nakakaaway eh, at sa debate naman talaga laban sa ibang sekta na karaniwan hinaharap nya at nagtatagumpay naman yun pads"
At biglang tumahimik ang paligid...at sa mga sandaling iyon, naiyak ang nanay Mena dahil sa nasabing malungkot na balita, habang ako at si Benny, halos di namin mapigilang umiyak.
FR EUGENE
Habang ako'y nagliligpit ng ilang gamit sa aking opisina bago ako mag-umpisa magmisa ng alas-dose ng tanghali, may isang di inaasahang bisita na biglang kumatok sa pinto ng Parish Office:
MSG Camora: "Sir, good afternoon, kayo po ba si Fr Eugene Mariano?"
Fr Eugene: "Yes po, bakit po madam"
MSG Camora: "Ako po si Chief Master Sergeant Ronielynne Camora ng Malabon City Police, ipinahahatid ko po sa inyo ang isang malungkot na balita." kanyang bungad
Fr Eugene: "sige po madam"
MSG Camora: "Father, si Fr Luigi Moran, nabaril sa kalagitnaan ng Misa sa kapilya ng Santisimo Rosario sa kabilang barangay." kanyang malungkot na paglalahad.
Halos pumanglaw ang aking mundo nung binigkas nya ang napakasamang balitang ito at dumurog sa puso ko, na sa isang iglap ay mawawala na ang aking matalik na kaibigan.
Fr Eugene: "Madam, nasaan po siya ngayon???!!!
MSG Camora: "Nasa ICU ngayon, critical ang lagay...few chances of survival na siya sa mga oras na ito, grabe yung bleeding sa kanyang katawan, at sabi pa ng mga doktor, napakarami ng tama ng bala sa katawan nya." kanyang paglalahad.
Fr Eugene: "Sige po mam, tutungo na ako ng ospital."
Tinawag ko ang aking assistant na pari na si Fr Bien na 5:45 PM pa ang skedyul ng Misa nya, na siya muna ang magmisa kapalit ko sa nabanggit na oras para lamang siya mabisita, dala ang mga gagamitin sa huling sakramento na ibibigay para sa kanya.
Dumating ako sa ospital ng 11:30 AM at pumasok sa ER na kung saan nariyan si Among Gi (nickname ko sa kanya). At sinimulan ko na ang pagbibigay ng huling sakramento para sa kanya. Sobra akong naiyak at nasabi ko na lamang sa kanya: "Among Gi!!!! bakit ganito ang ginawa sa iyo!!!"...
Nanatili ako sa tabi nya hanggang sa naging tuwid na ang linya...senyales na ito na namaalam na si Among Gi, kahit na sinubukan ng mga doktor na gumawa pa ng paraan para madugtungan pa ang kanyang buhay, ngunit hindi na ito nangyari.
At sinabi ng doktor sa akin:
"Time of death - 4:39 ng hapon; I'm sorry father, pumanaw na po ang kaibigan mo po"
...at tila ako'y pinagsakluban ng langit at lupa na abot langit ang aking pag-iyak...na tila nawalan ako ng gabay sa aking buhay - at yayakap sa panahon ng aking mga kalungkutan, at hanggang sa ngayon, palaiaipan pa sa ngayon kung sino ang pumaslang, at bakit ginawa nya ito sa kanya...
Napahagulgol na lamang ako tabi nya ng kanyang kama sa ospital...at masakit din na mawalan ng kaibigan na nakatuwang simula pa nung pagkabata hanggang sa naordinahan na kaming pari.
BENNY
Ang lahat ay nababalot ng kalungkutan, si Travis ay talagang naluluha na, habang ako, tinapik ako ni Sugar sa likod: sabi nya
Sugar: "time will tell, makakamit rin ang hustisya. kung tutuusin nga ang swerte mo dahil may ninong ka na pari na tumutulong sa inyo."
Me: Hopefully, but for now, masakit rin sa amin dahil nawalan kami ng tatay-tatayan sa hindi inaasahang pangyayari"
I felt comforted to what she did to me - sabay abot ng kanyang bimpo at pinunas sa aking mga luha.
And naluluha akong niyakap ni Travis:
"Benny, ako man eh nawala man ang taong handang tumulong sa akin sa anumang kulang, siya na din ang tumayong tatay ko simula nung namatay siya..."
Alam nyo, para akong nawalan ng tatay nang nabalitaan ko na pinaslang si Fr Gene. And also, I felt something na may kulang na sa akin, everything faded away...dumidilim man ang paligid, pumapanglaw naman ang aking mundo
Katatapos lamang ni nanay Mena magluto at nag-aya na para sa salu-salo.
Nanay Mena: "Handa na ang hapunan mga anak"
Fr. Eugene, Travis, Sugar, Benny, Moisha, Chanel: "Sige po"