webnovel

Chapter 32: This Is The Day

"Love is the most scary thing in the world. Because of how fast it makes you happy, it can make you sad too. When you make someone your world, one day---you will wake up to be in the air, as if you were a wind she never saw. And the worst part is, you're the enemy of the whole world. Until it destroys you."

Now playing: Malay mo tayo

Sarah

Pagkatapos ng apat na araw, ngayon, madalas wala si Lila. Abala kasi ito sa other projects ko na paparating, habang ako naman ay abala rin sa kaliwa't kana na aking photo shoot. Nagkikita lamang kami kapag nasa bahay na, pag uwi galing sa trabaho. Pero kahit na ganoon, bumabawi naman kami palagi sa isa't isa.

Sa loob ng apat na araw na iyon, abala man kami sa kanya-kanya naming trabaho, hindi parin namin nakakalimutan na bigyan ang isa't isa ng sapat na oras. Mas lalong pinagtitibay pa namin ang aming relasyon sa kabila ng pagiging busy sa araw-araw.

I mean, ganon naman talaga dapat diba? Quality time, ika nga nila, ang isa sa pinaka mahalagang bagay pagdating sa isang relasyon.

Sa ngayon, wala na kaming naririnig pa na balita mula sa mga magulang ni Lila. Marahil bumalik na ang mga ito sa Spain, habang si Michael naman ay marahil abala na ring muli sa kanyang negosyo. Ayaw na rin namin kasing alamin pa ang mga balita tungkol sa mga ito.

Mas maayos na kami ngayon ni Lila. Mas tahimik na rin ang pagsasama namin. Unti-unti ng bumabalik aa normal ang buhay namin.

Sana.

Sana nga ay malaya na kaming muli ni Lila at magpatuloy na iyon. Gusto ko na ng mapayapang relasyon kasama siya. At para narin maka usad na kami sa buhay na pinapangarap naming dalawa.

At ngayong araw nga, nagtataka man ay pilit na itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa paglilinis ng bahay. Kanselado kasi ang lahat ng appointments o schedules ko para sa ngayong araw. May biglaang lakad kasi si Lila at hindi naman nito nabanggit sa akin kanina kung saan.

Marahil mayroon silang lakad na magkakaibigan, ayaw ko naman na minu-minuto eh nagtetext ako sa kanya. Ayoko rin naman na isipin ng mga kaibigan nito na OA ako, ano? Tama lamang na bigyan ko rin ito ng sapat na oras para sa sarili niya at sa personal na buhay niya. Kahit naman girlfriend ko na siya, may free will para naman siyang magawa ang lahat ng mga gusto niya.

Isa pa, malaki ang tiwala ko sa kanya. Walang makakatibag noon kahit na sino.

Kaya lang kasi, matatapos na ang araw. Kahit isa man lamang na text o reply mula sa mga messages ko eh wala man lamang siyang ibinibigay. Nagsisimula na akong mag panic at mag-alala.

Kanina pa rin ang panay tawag ng mga kliyente sa akin, pero kahit na isa, wala akong sinasagot na tawag mula sa mga ito. Ang gusto ko lang ngayon ay malaman kung okay lang ba si Lila.

Ano kaya kung tawagan ko si Breeze? Tanong ko sa sarili. Pero....hays! Maghintay na muna siguro ako kahit na ilang minuto.

At makalipas nga ang ilang minuto, kusa na lamang tumunog ang aking cellphone. Mabilis na binuksan ko ang isang text na dumating lalo na noong mabasa ko na galing kay Lila ang message na iyon.

Sinabi nito na magkita kami sa address na ibinigay rin nito sa text. Sinabi rin niya na mayroon siyang surpresa para sa akin.

Dahil doon ay excited na nagbihis na ako at agad na umalis ng bahay. Walang humpay ang aking pag ngiti habang nagmamaneho ng sasakyan, napapakanta ako dahil sa sobrang saya na nararamdaman.

-------

Pagkaraan ng twenty minutes dumating na rin ako sa exact address na ibinigay nito sa akin. Sandali na naghanap muna ako ng space para mai-park ko ng maayos ang aking kotse. Inayos narin sandali ang sarili at nag perfume na rin bago tuluyang lumabas at pumasok na sa restaurant.

Bago lamang ako nakarating sa lugar na ito, mukhang isa itong exclusive place para sa mga kilala at malalaki lamang na tao. Hindi man gaano karami ang customer, mahahalata mo parin na elegante at mamahalin ang buong restaurant.

Even though I was still far away, I could see the beautiful figure of Lila's back facing me. She was talking to a man, but I could not tell who he was because his face was covered with plants where they were standing.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang akong kinabahan habang papalapit sa kanila. Ngunit pilit na pinakakalma ko parin ang aking sarili atsaka tuluyan ng napa hakbang papalapit sa mga ito.

Ganoon na lamang ang aking gulat ng magtama ang aking paningin sa mukha ng lalaki na kausap ni Lila. Tila ba nagtatalo sila at hindi ko madinig ang kanilang pinag-uusapan, dahil medyo may kalayuan pa ako mula sa kanila. Kaya mas binilisan ko pa ang aking mga hakbang, kusa na lamang din sumiklab ang inis at pagseselos sa aking dibdib. At may pag-aalala rin para sa girlfriend ko.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang halatang pagsulyap ni Michael sa aking direksyon bago napa ngisi ng nakaka pangilabot. Agad na napa singhap ako bago napalunok at sandali ring napahinto ng makita iyon. Mabilis naman niyang binawi ang kanyang mga mata at ibinalik kay Lila na ngayon ay naka ngiti na.

Sa isang iglap lamang, kusa na lamang nanginig ang aking katawan, nanlambot ang aking mga tuhod at nag-unahan sa pag patak ang aking mga luha noong makita ko kung paano hawakan ni Lila si Michael sa kanyang mukha at basta na lamang itong hinalikan.

Hindi iyon isang halik na sandali lamang, matagal nilang pinagsaluhan ang kanilang mga labi. Awtomatikong napayuko ako at mabilis na naglakad pabalik, papalabas ng restaurant na iyon.

Patakbo akong naglalakad pabalik sa parking area, sa aking kotse habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Nasa tapat na ako ng aking kotse nang siya namang muling pagtunog ng aking cellphone. Agad na kinuha ko iyon mula sa loob ng aking pouch at tinignan ang laman ng mensahe.

Isa iyong video. Muli, ay natigilan na naman ako. Pumasok muna ako sa loob ng aking kotse, sinubukan muna ring kalmahin ang sarili pero ayaw kumalma ng aking puso. Napaka lakas talaga ng kabog nito at ayaw papigil.

Nanginginig ang mga kamay at pati na rin ang aking buong katawan nang pinindot ko ang button ng aking cellphone. Kitang kita ng dalawang mata ko, rinig na rinig ng dalawang tenga ko. Halos mandilim ang aking paningin noong oras na mag play na ang video.

It's a sex video of Lila and Michael.

Parang pinupunit ang puso ko sa sobrang kirot at sakit na nararamdaman habang pinapanood ang video. Para akong tinu-torture ng buhay sa mga sandaling ito.

Mas na naisin ko pa ang iwanan niya. Mas na naisin ko pa na pagsalitaan ng masasakit mula kay Lila. Pero iyong ganito? Ano ito?! Para saan itong video na ito?!

Hindi ko na iyon nakayanan pang patapusin nang pinaghahampas ko na ang manobela ng aking kotse habang sumisigaw. Dahil sa galit, mas nanginginig na ang buo kong katawan ngayon.

"Why?! Why?! Why?!" Paulit-ulit ko iyong itinatanong sa aking sarili at binabanggit. Habang bumabaha na ang aking pisnge sa sariling luha. Galit na galit ako sa mundo! Sa lahat! Ang sakit-sakit! Bakit niya ito nagawa sa akin?!

Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta rito? Ito ba ang surpresa niya para sa akin? Ang saktan ako? Ang wasakin ako?! Ang ipamukha sa akin na maling pinanindigan ko siya?

Kaya ba maaga siyang umalis sa bahay kanina at wala man lamang sinabi kung saan pupunta?!

Bakit? Paulit-ulit ko iyong itinatanong sa aking sarili.

Kahit hindi alam kung saan patungo o saan pupunta, mas ninais ko parin na lisanin na ang lugar na iyon. Habang nagmamaneho, patuloy parin ako sa pag-iyak.

Ang sakit-sakit. Mas masakit pa ito sa masasakit na pinagdaanan ko sa buhay. Walang katulad.

Bakit naman ganon Lord? Bakit ito nangyayari sa akin? Akala ko magiging okay na ang lahat, pero bakit sa tuwang inaasahan kong mangyari iyon bakit nauuwi palagi sa pagkabigo at sa pighati? Bakit?!

Of all people, why Lila? Why did you let her ruin me like this? All my life, pain and suffering have been my experience. Mas madami na ang paghihirap ko na nararanasan kaysa sa ginhawa, bakit naman ganoon?

Itinabi ko sandali ang aking sasakyan at doon nagpatuloy sa pag-iyak. Nawawalan na ako ng lakas, ng pag-asa.

Mahal na mahal ko si Lila. Hindi ko matanggap ang lahat ng ito. Paano ko ito matatanggap? Please, tulungan niyo naman ako Lord. Paulit-ulit at taimtim akong nananalangin. Na sa kabila ng lahat ng nakita at nasaksihan ko, umaasa parin ako na hindi totoo ang lahat ng iyon.

Pagkaraan ng ilang sandali, hindi ko inaasahan na dadalhin ako sa isang lugar na hindi ko aakalain na pupuntahan ko. Kailangan ko ng taong makaka intindi sa akin ngayon. Bukod kay Alice, siya lang din ang isa sa tanging nakakaalam ng pagkatao ko. Ang taong pwede kong malapitan sa mga oras na ito. I know, Breeze wouldn't mind.

Ayaw ko rin kasi na maipit pa sa sitwasyon si Alice. Dahil best friend rin nito si Lila. At alam kong kakailanganin din siya nito.

Pagbukas pa lamang ng pinto, bumungad na kaagad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Catherine.

"Oh my God, Sarah! What happened?---" Hindi pa man nito natatapos ang kanyang sinasabi ng niyakap ko na siya at doon umiyak ng umiyak sa kanyang mga balikat.

Sandali niya akong inalalayan papasok hanggang sa may garden sa likod ng bahay nila. Patuloy lamang ito sa paghagod ng aking likod at walang itinatanong na kahit na ano.

"Mahal na mahal ko siya, Cath..." Humihikbi na sambit ko.

"How could she do this to me? I made her my world, she is my life. But why is this happening? I don't understand...ang sakit-sakit na...C-Cath." Parang tanga na umiiyak ako sa harapan ng ex-girlfriend ko, na asawa ng ex-girlfriend ng babaeng dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon.

"Sshhhh.." Pagpapatahan at kalma nito sa akin.

Nakakatawa lang kasi, bakit ang komplekado ng mundo? Bakit sa tuwing masaya ako, hindi lang sarili ko ang nakakalaban ko? Bakit pati buong mundo? Ganon ba kagalit ang mundo sa akin? Pati ang nag-iisang tao na kailangan ko sa buhay ko, binabawi na niya ngayon?

Hindi ba pweding kahit sandali hayaan naman ako ng universe na maging masaya? Hindi iyong agad-agad niya akong minamadali. Gusto ko lang naman na maging masaya!

I'm really hurt right now.

That video popped into my mind over and over again, every single thing they did in that fcking video, every time Michael touched Lila's body. And in every Lila's response to Michael's actions....it's killing me.

Ngayon paano ko pa iyon maaalis at matatanggal sa aking isipan? Gustuhin ko man na huminge ng magandang dahilan mula kay Lila, kung bakit niya nagawa iyon. Hindi ko magawa....hindi ko siya magawang tignan ngayon sa kanyang mukha at mga mata. Nadudurog ako ng sobra.

This is the day, I want to disappear into the world without anyone knowing. But it was also the day I had to get up, and hope everything was just a dream. Even deep inside, I knew that when I woke up the next day, Lila would be gone in my life.

Next chapter