♡ Author's POV ♡
Galit siyang pumasok sa isang kwarto at nadatnan niyang nakaupo ang isang babae habang nakatalikod sa kanya. Iniikot ng babae ang upuan nito dahilan upang magtama ang mata nilang dalawa, "Nagawa mo ba ang pinapagawa ko?" tanong niya na ngumiti ng masama.
"I did everything you said, Savannah. Tama na 'to!" galit na sabi ni Oliver ngunit hindi nagbago ang itsura ni Savannah.
"At sa tingin mo isang katulad mo ang makakapag-patigil sa akin?"
"Remember that this is my group we're dealing with. Blood Rebels, Savannah. Tinalikuran ko sila dahil sa kasunduang pakakawalan mo ang mga kaibigan ko. It's now your turn to pay me back."
And who exactly are you para sabihin sa akin ang dapat kong gawin, Oliver? Kahit pa balikan mo sila, huli na. Malalaman at malalaman rin nila ang kataksilan mo." pahayag nito kaya't napakuyom ang kamay ni Oliver. He didn't want to do it but he had no choice. Kontrolado siya ni Savannah dahil may pinanghahawakan ito laban kay Oliver.
"I will really kill you. Ikaw ang dahilan ng lahat ng 'to. Do you think I wasn't ready for that? Simula ng umanib ako sa'yo at sumunod ako sa gusto mo, handa na akong mamatay sa kamay ng sarili kong grupo...but before it happens I'm going to kill you first." kung alam ko lang, matagal ko na sana siyang pinatay noong hindi pa man niya nagagawang kontrolin si Dean. Saad nito na nanginginig na sa galit.
"Really, Oliver?" sarkastikong tanong ni Savannah na dahan-dahang tumayo. Lumapit siya kay Oliver at hinawakan ang baba nito gamit ang isa niyang kamay para magkatapatan silang dalawa habang nakangiti siya ng masama.
"I can't do this anymore. I'm going to tell them the truth..." at mas inilapit niya pa kay Savannah ang mukha niya habang nakatingin siya ng masama dito, "And I don't f*cking care kung ano man ang gawin mo! I'm sick of you!" saad nito na inilayo ang mukha kay Savannah at mas sinamaan ito ng tingin. Tinalikuran na niya ito at aktong lalabas siya sa pintuan ay bigla itong natigilan ng makaramdam siya ng sobrang panghihina at pagkahilo kaya't napahawak siya sa pinto na hindi na niya nagawang buksan pa.
Naramdaman niya ang isang matalim na bagay na nakatusok sa leeg nito hanggang sa mahawakan niya ito at tinanggal sa leeg niya. It was a syringe na itinusok sa kanya ni Savannah. Nanlalabo ang paningin niya at tila anumang oras ay babagsak siya sa sahig. Dahan-dahan niyang hinarapan si Savannah na nakakibit-balikat at masamang nakangiti, "Y-you bitch! You deceived me!" pagpupumilit niyang magsalita.
"I thought I couldn't deceive a viper like you but since I was able to control you, may kahinaan din pala kayo. So please, don't put the blame on me kung nagawa kitang kontrolin at lokohin dahil kasalanan mo na nagpaloko ka."
Dahil sa galit, kahit hinang-hina na si Oliver, kinuha niya ang kutsilyo sa bulsa niya at agad na nilusob si Savannah. Agad namang nakaiwas ito kay Oliver dahil sa lagay niya kahit na ilang beses nitong sinusubukan na atakihin si Savannah. Anumang oras ay babagsak na ito sa sahig kaya't nang hinihingal na ito ay si Savannah naman ang naglabas ng kutsilyo at nilaro-laro 'yon sa kamay niya habang malayo ang distansya nila sa isa't isa.
Dahil sa panlalabo ng paningin ni Oliver ay bigla na lang niyang nakita na nasa harapan na niya si Savannah at naramdaman ang pagsipa nito sa kanya kaya't napaluhod siya sa sahig. Pumunta si Savannah sa harapan nito habang patuloy pa rin sa paglalaro ng kutsilyo at masamang nakangiti, "Do you think I would let you do that?" tanong nito na nag-umpisang ikutan si Oliver.
"Pagbabayaran mo lahat ng 'to, soon they will come to kill you." saad ni Oliver na ngumiti din ng masama kahit hilung-hilo na siya.
Tumigil si Savannah sa harapan nito at bahagyang yumuko. Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ni Oliver at iniharap sa kanya, "Iyon ay kung magkakaroon pa kayo ng pagkakataon na magkausap ulit. Any last wish, Oliver?"
Pinilit na buksan ni Oliver ang mata niya at nginitian ulit ng masama si Savannah, "I wish for you to die." saad nito kaya mas nilapitan pa siya ni Savannah, "That would be sweet but too impossible. Don't worry dahil hahayaan kong paglamayan at iyakan ka ng mga kaibigan mo without even knowing that you were a traitor." and she immediately stabbed him.
Nakaramdam ng kirot si Oliver sa bandang gilid nito ng salubungin ng nanghihina nitong katawan ang matalim na kutsilyo ni Savannah ngunit napansin ni Savannah na hindi niya pa talaga ito naisasaksak kay Oliver. Napatingin siya sa kamay niya ng maramdaman niyang may mahigpit na nakahawak dito. Bahagyang nakasaksak kay Oliver ang kutsilyo habang may nakahawak naman sa kamay ni Savannah kaya napatingin siya dito, "W-what are you doing here?" gulat na tanong niya kay Dean na seryosong nakatingin sa kanya.
Nakita niyang may kasama rin si Dean na dalawang lalaking nakaitim at nakamaskara na paniguradong kabilang sa grupong hinahawakan niya. Sinenyasan niya ang mga 'yon para kunin si Oliver kaya't ganon din naman ang ginawa nila. Sapilitan nilang ipinatayo si Oliver kaya napatayo at napaatras si Savannah. Nang mailabas nila ito ay sumunod rin si Dean sa kanila ngunit bago siya lumabas ay tumingin ito sa gilid niya habang nakatingin sa kanya si Savannah, "Don't worry..." ngumiti si Dean ng masama, "I'll finish him off." saad niya at tuluyan ng lumabas.
Dinala nila si Oliver sa isa pang kwarto at sapilitang ipinaupo sa isang upuan. Itinali rin nila ang kamay at paa nito bago sila pinaalis ni Dean kaya't sila na lang dalawa ang natira sa loob, "Just finish me, Dean Carson." mahinang sambit nito. Nilapitan siya ni Dean at ipinatong ang dalawang kamay nito sa may arm chair ng inuupuan ni Oliver kaya't nagkatapatan silang dalawa, "Do you really think I can do that?" tanong ni Dean na ipinagtaka ni Oliver at kahit nanlalabo ang paningin nito ay naaaninag niya pa rin si Dean.
"I am not like you, traitor." dagdag pa nito na nakakaramdam ng galit.
"Then why didn't you tell them the truth? Matagal mo ng alam dba? Bakit nanahimik ka?" tanong ni Oliver na nanghihina pa rin.
"You know what will happen kapag sinabi ko sa kanila ang totoo. In fact, I just gave them a hint." bigla na lang nagtaka si Oliver sa sinabi ni Dean ng sumilay ang ngisi sa mga labi nito, "What?"
"We left a note on your bed. I'm sure right now na hinahanap ka na nila especially Dustin, at ano sa tingin mo ang gagawin nila sa'yo kapag nalaman nilang ikaw ang traydor?" sarkastikong tanong nito.
"I was ready for that." maikling sagot ni Oliver na mas ikinangiti pa ni Dean, "That's my viper." saad nito na sandaling ginulo ang buhok ni Oliver, "You should know the consequences of your actions."
"So you were just pretending all this time?" tanong niya kay Dean, "It was all part of the plan." sagot nito.
"Kailan mo pa nalaman na ako ang traydor sa grupo?"
"Since you killed Leigh." mapait na napangiti si Oliver nang maalala niyang nagawa niya 'yon at hindi siya makapaniwala. He felt guilty. Alam ni Dean na si Oliver ang naghagis ng kutsilyo kay Leigh pero inako niya ang kasalanan nito.
"You also knew that I was the one who killed Stephen and Caleb. Then why did you save me?"
"So you could still be able to do what is right." sagot ni Dean na nakapagpatigil kay Oliver. Why is he acting this way? Hindi ba siya nagagalit sa lahat ng ginawa ko?
"Aren't you mad?"
"Of course I am."
"Then why don't you just kill me?"
Mas lumapit pa si Dean kay Oliver at mahinang nagsalita, "Listen to me, I am doing this in order to save all of you. You killed Leigh, Stephen and Caleb but it should not be a reason for me to kill you although I really want to."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay kusa na lang tumulo ang luha ni Oliver. He was so guilty at alam niyang hindi na maibabalik pa ang mga buhay na kinuha niya.
"I'm sorry, Dean. I had no choice." pakiusap nito, "Don't say that to me. I want you to apologize to them dahil sila ang niloko mo at hindi ako." saad ni Dean, "Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang pagpapanggap ko?" tanong naman niya kay Oliver.
"Because making them mad at you was an advantage to my plan of killing them kagaya ng gusto ni Savannah. I knew that they wouldn't believe you anymore." pahayag niya na ikinatango ni Dean.
Biglang kinuha ni Dean ang kutsilyo nito sa bulsa niya at nagsalita habang kinakalasan si Oliver, "I will tell that bitch that I've killed you. Hide somewhere at huwag kang magpapakita kahit kanino. She won't be able to control you now dahil alam niyang patay ka na. So please Oliver, make things right this time." pakiusap niya ng maputol niya na ang mga tali.
May kinuha si Oliver sa bulsa niya at iniabot 'yon kay Dean na kinuha naman nito. Nakita niyang isa itong sulat hanggang sa nagsalita si Oliver, "Can you please send it to them. I wasn't able to tell Bliss Syden the truth." napatingin si Dean kay Oliver na puno ng pagtataka, "Truth?" napayuko si Oliver at pinilit na tumingala para tignan si Dean, "A-alam kong may mangyayaring hindi maganda sa kanya sa club...but I didn't tell you."
"What?!" galit na tanong ni Dean nang sabihin 'yon ni Oliver.
"Let me tell you everything Dean dahil pagod na pagod na akong itago ang totoo." matagal na tinignan ni Dean si Oliver at kitang-kita nito ang lungkot sa mga mata niya kaya tumango ito habang seryoso ang tingin kay Oliver, "Speak."
"The reason I joined your group was because I wanted to avenge my friends dahil pinatay sila ng Phatoms noon. Honestly, hindi ko nagustuhan na naging isang grupo nanaman ang Blood Rebels. I-i couldn't forgive them for what they did kaya...n-nag-umpisa akong magalit sa kanila, sa'yo at sa buong grupo na parang ganon na lang kadali sa inyo na kalimutan ang lahat ng ginawa nila. Savannah secretly told me na kung gusto ko daw talagang maghiganti sa Phantoms, sundin ko daw ang gusto niya that's why I was the one who killed most of the Phantoms. Until Leigh was also killed and I was the one who did all of that and I felt guilty."
"Then?" tanong ni Dean.
"Pagkatapos kong gawin 'yon, nalaman ko na lang na buhay pa pala ang dalawa kong kaibigan at hawak sila ni Savannah. Phantoms didn't really kill them at kung maaga ko sanang nalaman ang totoo, hindi maiipon ang galit na nararamdaman ko. Ginamit ni Savannah ang Phantoms in order to deceive me. So for the second time, kung hindi ko raw papatayin sina Stephen at Caleb, papatayin niya ang mga kaibigan ko."
"That's why you took two lives in exchange of the two?" tanong ni Dean na ikinatango ni Oliver.
"Pero kahit nagawa ko na 'yon, ayaw niya pa rin silang pakawalan. She told me to kill Dustin pero hindi ko na kaya. Sinabi ko sa kanya na aamin na ako sa grupo kaya binalak na niya akong patayin. Before your girlfriend was raped, nagkasundo na kami ni Savannah na kung gusto kong makaganti sa Phantoms, hahayaan kong magkagulo ang grupo at mag-uumpisa 'yon sa club kung saan nila ginawan ng masama si Syden. He deceived me twice and I am so guilty about it."
"So tell me..." kitang-kita ni Oliver na kumuyom ang kamay ni Dean habang masama ang tingin sa kanya, "Were they able to do it?"
"If you really want to know what happened to her that night, kailangan mong kausapin ang mga lalaking nakasama niya noong gabing 'yon. Hindi pa rin sila pinapakawalan ng grupo hanggang ngayon at inilipat sila sa ibang kwarto. I can show you the way if you want." pahayag nito na napapayag naman si Dean.
End of part 1...