webnovel

♥♡ CHAPTER 32 ♡♥

♡ Phoenix's POV ♡

Pagkatapos kong puntahan si Syden para kamustahin dahil sa lahat ng masasakit na salitang sinabi sa kanya ng council, papunta ako ngayon sa secret room. Yes, I like her at handa naman akong makinig sa kanya if ever she needs someone to listen to her. Tingin ko nga, this is the right time para mapalapit pa ako sa kanya habang wala si Dean.

I am not even sure kung makakabalik pa siya, it's already 10:30 pm at sa oras na pumatak ang alas-dose, kung wala pa siya hindi na siya makakapasok. Well, goodluck to him!

Pupuntahan ko lang naman si Fortune para ipaalam sa kanya ang karumal-dumal na nangyayari sa Prison building. Hindi na normal ang mga estudyante doon. Kung anu-ano ang kinakain nila dahil sa gutom.

Pagkarating ko sa tapat ng secret room, naghintay ako ng ilang segundo bago bumukas 'yon. Mayroon kasing camera dito kaya nakikita ni Fortune kung sino ang tao sa labas ng secret room. Hindi ko nga alam kung secret pa ba ang room na 'to dahil marami ng nakakaalam na nandito si ms. president.

Nang tuluyang bumukas ang pinto, pumasok na rin ako agad at umupo sa  harapan niya. As usual, hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil sa maskara nito. Ano ba kasing meron? Ni kaming mga officers, hindi alam ang itsura niya. Weird, right?

Napatingin ako sa pintuan ng magsara ito hanggang sa magsalita si Fortune kaya sa kanya nabaling ang atensyon ko, "What do you need?" tanong nito kaya bumuntong hininga ako.

"Prison building"

"What happened?"

"I think you need to go there and see by yourself what's happening. Wala na sa sariling pag-iisip ang mga estudyante. Hindi na sila normal."

"At paano mo nasabing hindi sila normal?"

"It's hard to explain..." natigilan ako at sandaling nag-isip kung paano ipapaliwanag sa kanya pero sadyang mahirap, "Kung anu-ano kinakain nila. If you want, I'll go with you. Mas maganda kung ikaw mismo ang makakakita...iniimagine ko pa lang kasi nasusuka na ako" pahayag ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito bago siya nagsalita, "Fine, let's check. Gusto ko rin makita ang isang bagay na hindi mo maipaliwanag, Finn" katapos niyang sabihin 'yon, tumayo siya at agad dumiretso sa pintuan palabas ng building kaya sumunod na rin ako sa kanya.

Hindi naman ganon ang sitwasyon sa Prison building, pero hindi ko alam kung bakit nagkaganon. Bahala na si Fortune kung anong magiging reaksyon at desisyon niya kapag nakita niya ang kababalaghan na nangyayari doon.

As usual, iniwasan namin ang mga spikes na nakaabang sa paligid ng building. Isang maling galaw, pwede kaming masaksak. Good to know na may pattern 'to kung paano kami makakadaan ng buhay at council lang ang nakakaalam. Kapag may mga estudyante kaming hinahatid o sinusundo sa iba't ibang building, we're guiding them para makalagpas din ng buhay sa mga spikes na nakaabang. Ewan ko ba kay Mr. Wilford kung bakit niya pa to naisip.

Pagdating namin sa harap ng Prison building, nakakatakot na ang mga sigawan na naririnig namin. Sa apat na building na natira dito sa Curse Academy, itong Prison school ang pinaka-kakaiba. Why? Like hell, ang mga pinto ay katulad lang din ng mga taong naka-preso, may rehas. As in literally, parang preso ang building na 'to.

Kahit na hindi maganda sa pakiramdam na pumasok sa ganitong klasing lugar, walang takot na kinuha ni Fortune ang maraming susi sa bulsa niya. Naka-kadena ang pinto kaya binuksan niya 'yon at walang alinlangan na pumasok. Kahit kailan talaga, wala siyang kinatakutan.

Diretso kaming pumasok sa loob kaya mas lumakas pa ang sigawan ng maglakad kami sa hallway. Lahat ng classroom, may mga estudyanteng nakakulong doon. Hindi mo man makikilalang estudyante sila dahil sa mga itsura nilang naliliguan ng dugo. Ang iba tahimik lang na nakaupo habang pinagmamasdan kami dahil na rin katulad ng sinabi ko kanina, ang bawat classroom ay naging selda na, para sa kanila. Hindi sila makalabas at hindi rin kami makakapasok sa mga classroom na 'yon lalo na't naka-kadena at imbes na pinto, rehas ang nakalagay.

May mga tahimik lang na nakaupo, halatang nanghihina na sa gutom. May mga nababaliw na at halatang nasisiraan ng ulo. Napatakip na lang ako ng ilong at bibig ng salubungin kami ng napaka-lansang amoy. Pero hindi pa rin ito ang dahilan kung bakit ko gustong papuntahin si Fortune dito...dahil mayroon pang mas grabe sa nakikita namin ngayon.

Natigilan si Fortune sa paglalakad at napatingin sa isang classroom kaya doon rin nabaling ang atensyon ko. May isang babaeng nakaluhod at ng tignan ko ang ginagawa niya, bigla ko na lang inalis ang tingin ko doon dahil hindi ko makayanang panuorin ang ginagawa niya. May babaeng nakahiga sa harapan nito ang halatang pinagsasaksak dahil halos lumabas na ang bituka nito. What's worst? She's eating the intestine of that girl na nasa harapan niya kaya nakakadiri. Halatang gutom na gutom na siya.

Habang seryoso ito sa pagnguya, unti-unti siyang napatingin sa direksyon namin at puno ang bibig nito, bukod doon ay duguan pa siya at ang kinakain niyang bituka. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit sa amin. Wala naman kaming dapat problemahin dahil nasa selda siya pero napansin kong hindi naka-kadena 'yon kaya kinabahan ako. Nang tumakbo na siya papalapit sa amin, bago ko pa man mahila si Fortune palabas, naihagis na niya agad sa babaeng 'yon ang isang kutsilyo kaya tumama 'yon sa ulo nito. Natigilan ito at unti-unti ring bumagsak. Well, ganon talaga kabilis ang presidente pagdating sa ganitong labanan. That's why no one dares to fight her even us, the officers.

"Paano nangyari lahat ng 'to?" nagtataka kong tanong kaya hinarapan niya ako.

"If they are eating one another, it only means gutom na gutom na sila kaya nila nagagawa 'to. Their foods must had been stopped kaya wala silang makain." seryosong sabi nito.

"And do you think Mr. Wilford was the one who did this?" tanong ko.

"Where's Sylvester and Myrtle?" tanong niya sa akin. I could only say na umiinit na ulo niya.

"I don't know" pagkatapos kong sabihin 'yon, bigla niya akong nilagpasan at mabilis na naglakad palabas kaya sinundan ko siya. Pabalik na sana kami ng secret room ng mapansin namin sina Savannah, Sylvester at Myrtle na papasok din sa secret room.

Bigla na lang napahawak si Sylvester sa pisngi nito at halos mapaluhod na, lalo na ng mapansin namin na dumudugo ang pisngi niya kaya natigilan kaming lahat.

"What's wrong with you?!" galit na sabi nito kay Fortune kaya sa kanya naman kami tumingin. Halatang siya yung naghagis ng kutsilyo kay Sylvester dahil maayos itong tumayo.

Agad itong lumapit kay Sylvester at mahigpit na pinisil ang magkabilang pisngi nito gamit ang isa niyang kamay, "What did you do? Ano bang pumasok sa isip mo?" pagpupumigil ng presidente habang galit na galit na nakatingin kay Sylvester.

"What the hell is your problem?!" sagot naman niya which is not good dahil presidente ang kausap niya kaya mas lalo pang pinisil ni Fortune ang pagkakahawak niya sa magkabilang pisngi ni Sylvester.

"Akala mo ba hindi ko alam? You made it stop, yung pagpapadala ng pagkain sa Prison building kaya wala silang makain!"

"Fortune, stop it- "

"DON'T YOU DARE TRY TO SPEAK, SAVANNAH! HINDI IKAW ANG KAUSAP KO!" putol niya sa sinasabi ni Savannah kaya natahimik na lang kami.

Muli siyang tumingin kay Sylvester, "What did I tell you?! Huwag kayong gagawa ng hakbang ng hindi ko alam!" and with that, rinig na rinig ang lakas ng pagkakasampal niya kay Sylvester para mapasalampak ito sa sahig. Lahat kami, hindi makagalaw. Ito ang dahilan kung bakit kami takot sa kanya at kung bakit kami sumusunod sa gusto niya. Tinopak si Sylvester para gumawa ng hakbang without asking for the president's permission.

"What did Augustus tell us?! To make them kill one another! And that's exactly what I did, Miss President!" sagot ni Sylvester na dumugo na ang labi at nasa sahig pa rin.

"But you should have asked me! One wrong move, Mister Treasurer...isang pagkakamali, he'll be dissappointed! Gusto niyo bang madissappoint siya sa atin! We could make the situation even worse kung sinabihan mo ako!!"

everybody might say na concern siya sa mga students kaya niya sinaktan si Sylvester but totally not...she wants the situation to be harder than that. Na kung humingi ng pahintulot si Syl sa kanya, mas malala pa sana ang sitwasyon ngayon sa Prison building. 

"Get yourself locked in that building" sabi ni Fortune na itinuro yung Prison building habang nakatingin kay Syl kaya nabigla kaming lahat.

"What?!" harang ni Savannah.

"Kapag nga naman minamalas" mapang-inis na sabi ni Myrtle habang nakangiti ng masama at nakatingin kay Syl. Isama mo pa yung kinakain niyang lollipop. Kabata-bata.

"You can't do this to me- " saad ni Syl na hinarangan ni Fortune.

"Of course I can! Huwag niyong kuwestyonin ang mga desisyon ko! I am the president here and you will follow my rules and my commands!! Kung ayaw niyong sumunod sa akin, leave the student council para wala tayong problema! Again, locked yourself in that building" pahayag niya.

Dahan-dahang tumayo si Syl. Tinignan niya kaming lahat, obvious na humihingi siya ng tulong but we can't do anything against the president. Naglakad ito papunta sa Prison building kagaya ng utos ni Fortune.

"Fortune, we can talk about this- "

"Whoever dares to help that guy, ikukulong ko rin sa building na 'yan kasama siya. So don't ever try to contradict my decisions" pagputol niya ulit kay Savannah kaya nanahimik na lang ulit kami. Naglakad na siya papasok ng secret room kaya sumunod ako sa kanya. Why did they say? If you can't beat them, join them. Kaya nga nakabuntot ako palagi sa presidente.

"It's already 11:21 pm" tinignan ko ang relo ko bago umupo sa harap ng table niya. Isinara niya yung pinto at umupo din naman sa harap ko.

"So?" tanong nito na nagkibit-balikat.

Napakaganda niyang kausap, right?

"Supposed to be, pabalik na si Dean Carson ngayon, right? But we both know that it won't happen" at ngumiti ako ng masama.

"What happened to your conversation with him bago siya pumasok sa Curse building?" curious na tanong niya.

Tumango ako bago nagsalita, "It's good. As planned"

"That's great. Sigurado akong pagbalik niya dito, hindi na siya yung dating kilala nila" kahit na naka-maskara siya, halata sa boses nito ang tuwa.

"How about the medicine? Did you make sure na habang nandon siya sa building na yon, hindi niya maiinom yung gamot?" pangalawang tanong niya kaya tumango ulit ako. Sa ngayon, walang nakakaalam ng plano namin, even the officers.

"Yup. Hindi niya nadala yung gamot niya and that's better. I don't think makakayanan niya dahil lately, sobrang sakit ng ulo niya. He can't even stand or fight"

"Then start convincing Bliss Syden. Kailangan mong makuha ang tiwala niya. Walang nakakaalam sa epekto ng drugs na binigay sa kanya when she was raped kaya nga nawala siya sa sarili niya"

"Hindi mo ba papagalitan si Savannah?" I asked. Actually, wala kaming kinalaman sa nangyari kay Syden pero alam naming si Savannah

ang nagplano noon.

"No. We have different goals. Hayaan mong si Dean mismo ang makaalam" saad naman niya. Kalmado lang itong nakaupo at hindi ko siya masisisi kung paano niya ito nagagawa eh planado na ang lahat.

"About Felicity and Xyrone. May alam ka ba?" bigla kong naalala kaya na-curious ako.

"Felicity is in the other building...finding her lost brother"

sagot niya na ikinagulat ko.

"What?! Pero ayon sa kwento, anak sila ni Mr. Wilford na ipinadala dito to secretly kill, right?" dahil sa naging sagot ni Fortune,  nag-umpisa na akong maguluhan.

"You heard it right from me. Felicity came here para hanapin ang nawawala niyang kuya. We both know na walang anak si Mr. Wilford. Lahat ng narinig mo, pawang kasinungalingan. Gumagalaw na ang lahat, Finn. That's why we need to show them what it's like to declare a true war"

To be continued....

Next chapter