webnovel

♥♡ CHAPTER 16 ♡♥

♡ Author's POV ♡

The whole Blood Rebel's group planned to have their breakfast at the cafeteria. Of course, sino ba namang makakatanggi sa kanila kapag ang nakakatakot nilang leader ang nagsabi sa kanila noon? All of the three groups including Bliss Syden and as usual, hindi naman sila mapaghihiwalay ni Dean Carson. Lahat sila nasa cafeteria at ang init ng presensya dahil sa pagdating ng buong grupo. As we all know, marami pa ring takot sa kanila at malabong hindi sila katakutan kaya ang ending....

Umalis lahat ng estudyante sa cafeteria dahil sa sobrang takot.

Nakaupo lahat ng Vipers including Roxanne and Clyde sa isang pabilog na lamesa together with Dean and Syden. They are all having their breakfast silently at tanging ang ingay lang ng mga kutsara at tinidor ang naririnig sa buong cafeteria. Yung lower members naman which is Redblades and Phantoms, nasa kabilang lamesa na malapit rin naman kung saan nakapwesto ang mga main members which is Vipers.

By the way, back to the real topic...

Dave Axelle's place is just beside Clyde and Dustin on his other side. Tahimik sila sa pagkain which is not normal for them dahil nasanay silang nagbibiruan habang kumakain. While on their way to the cafeteria, napansin na nilang hindi gaanong nagkikibuan sina Syden at Dean. They badly want to ask kung may problema ba pero nauunahan sila ng kaba that's why they prefer to just keep their mouth shout. They are just being careful against Dean Carson's madness. Sino ba namang magkakagusto na magalit ang isang Schulz sa'yo?

Dustin: What do you think is their problem?

(pabulong na tanong nito kay Dave)

Dave: How would I know? Eh pagkagising pa lang natin, hindi na sila nagkikibuan?

Dave Axelle has an idea about the reason kung bakit hindi magawang kausapin ni Dean si Syden just because of his conversation with his leader last night but he is not so sure if it's really the reason.

Roxanne: Guys?

(she asked habang tinitignan silang lahat and obviously, it made everyone looked at her at natigilan ang lahat sa pagkain)

Roxanne: Do we have a problem?

(tanong pa ulit niya)

Hindi nila maipaliwanag kung anong nangyayari just because obviously, kapag tahimik ang leader pati na rin ang girlfriend niya, there is really a problem.

Dean Carson: Do we need to have a problem?

The leader asked kaya nagkatinginan silang lahat but obviously, Bliss Syden never intended to look at his boyfriend. Pareho silang umiiwas sa tingin ng isa't-isa.

Roxanne: I was just askin-

(she stopped speaking ng biglang hawakan ni Clyde ang braso nito kaya napatingin siya dito)

Roxanne: What?!

Clyde: Roxanne, stop. Kung ayaw mong pareho tayong malintikan dito.

(bulong niya kay Roxanne at nagkatinginan silang dalawa)

Looks like Roxy got Clyde's point kaya inikot na lang nito ang mata niya at itinuloy ang pagkain.

Lately, napapansin din naman ng lahat na halatang may tinatago si Dean just because he is only using his left hand habang kumakain. He never showed his left hand na parang ayaw niyang ipakita and that's the first thing that Bliss Syden noticed. She finally managed to look at him ng mawala sa isip ni Dean ang pinakatatago niyang kamay. Inabot niya ang baso na nasa harapan niya using his left hand kaya napatingin si Syden sa kamay niya but he still didn't notice na nakita ng lahat ang kamay niyang nakabalot ng panyo ngunit may konting bahid ng dugo.

Syden: What happened to your hand?

(nag-aalalang tanong niya kaya napatingin na sa kanya si Dean at muling itinago nito ang kamay niya)

Dean: Nothing.

(diretsong sabi nito at nakatingin silang lahat sa kanya. Tinignan niya rin naman lahat ng kasama niya and he decided to continue his breakfast habang nakatingin pa rin sa kanya ang lahat)

Syden: May problema ba tayo?

(she asked kaya muling napatingin si Dean sa kanya)

Dean: Wala naman.

(he asnwered na muling itinuloy ang pagkain pero halatang wala siyang ganang kumain)

Syden: Hindi ka naman ganyan ah?

Dean: What?

(pagtatakang tanong nito na muling tinignan si Syden)

..............

♡ Carson's POV ♡

I can't even talk and look at her properly dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko ginusto 'yon pero may kasalanan pa rin ako sa nangyari. Magmula kaninang umaga, sinundo ko siya sa kwarto niya. I badly want to tell her the truth at naghahanap ako ng tamang oras para sabihin sa kanya. I tried and I am trying pero hindi ako mahanap ng tamang timing. Sa tuwing gusto kong magsalita, walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Dumaan ang ilang minuto, magmula kaninang pagkasundo ko sa kanya hanggang ngayon na kumakain kami, hindi pa rin ako makapagsalita at hindi ko siya matignan. Alam kong lahat sila, nagtataka kung bakit hindi kami nagkikibuan. She was trying to talk to me earlier pero kung ano lang ang tanong niya, 'yon lang ang sinasagot ko kaya nga siguro nanahimik na lang din siya dahil sa ikinikilos ko.

I am badly trying to hide my left hand dahil ayaw kong makita niya 'to dahil siguradong itatanong niya sa akin kung saan ko galing ang sugat na 'to and I can't tell her the truth yet. I punched the f*ckin mirror kaya nasugatan ang kamay ko and I expected it.

Habang kumakain ako, nakaramdam ako ng uhaw kaya kinuha ko yung tubig na nasa harapan ko at kahit hindi ako nakatingin sa kanya, napansin kong tinitignan niya ako habang kumakain kami.

"What happened to your hand?" nag-aalalang tanong nito kaya napatingin ako sa kanya at muli kong itinago ang kamay ko. I was supposed to hide it pero nawala sa isip ko.

"Nothing" diretsong sabi ko knowing na lahat sila natigilan sa pagkain habang nakatingin sa aming dalawa. Tinignan ko silang lahat and I decided to continue having my breakfast even though, their eyes are locked up on me.

"May problema ba tayo?" dinig kong tanong niya kaya muli akong napatingin sa kanya.

"Wala naman" saad ko habang kumakain. This whole d*mn place is already filled up with total silence.

Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya ng marinig namin ang upuan niya. Tumayo siya at inihagis ang hawak niyang panyo sa may lamesa at sinamaan ako ng tingin, "Fine" sambit niya na halatang naiinis sa akin, "Wala na akong gana" saad pa niya bago tuluyang umalis.

"Seriously? Ano ba talagang pinag-awayan niyo?" tanong ni Roxanne na nakasandal sa upuan niya kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya at tumayo na rin ako para sundan siya. Iniwan ko silang lahat at lumabas ako sa cafeteria para hanapin siya. Hindi ko na nga masabi sa kanya ang totoo, nagalit ko pa siya. F*ck this life!

Nagmadali ako sa paglalakad ng makita ko siya sa hindi kalayuan kaya tumakbo ako papalapit sa kanya. When I finally reached her, hinawakan ko ang braso niya at iniharap siya sa akin. Kitang-kita ko sa itsura niya na inis na inis siya sa akin pero hindi siya nagsasalita, "Sweetie, can we talk?" tanong ko.

"So pagkatapos mo akong hindi pansinin, 'yan ang sasabihin mo sa akin? Kanina pa kita kinakausap tapos kung sagutin mo ako parang hindi ka interesado, ni hindi mo nga ako magawang tignan eh. Tell me Dean Carson, is there something bothering you?" tanong nito at nagkibit-balikat.

Napayuko muna ako at huminga ng malalim bago siya ulit tinignan, "I-i need to tell you something" saad ko sa kanya na ipinagtaka niya.

"What is it?"

Bago pa man ako makapagsalita, napatingin ako sa likuran niya and I started to panic. Hindi ko ipinahalata sa kanya dahil ayaw kong maabutan pa kami ng babaeng 'yon. Savannah's way is here kung nasaan kami ngayon pero hindi niya pa kami nakikita kaya agad kong hinawakan ang kamay ni Syden at hinila siya, "Akala ko bang may sasabihin ka? Bakit ngayon hinihila-hila mo ako?" tanong niya habang nagpapanic ako at naghahanap ng mapagtataguan.

"We need to talk sa tamang lugar at hindi dito" nagkatinginan kaming dalawa at parang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya nag-umpisa kaming maglakad ulit. Lumiko kami pero mas kinabahan ako ng mapansin ko naman ang lalaking 'yon na papunta sa direksyon namin kaya napaatras ako, "Why do I feel like you're nervous, muffin? May humahabol ba sa atin?" tanong pa niya na nag-aalala na kaya napatingin ako sa kanya.

"Nilalamig yung kamay mo. Ano ba talagang nangyayari sa'yo?" dagdag pa niya kaya napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa kanya. Those two are really getting into my nerves. Ni isa sa kanila, hindi kami pwedeng maabutan dito. Baka tanungin ulit ako ni Phoenix tungkol sa ginawa ko kay Savannah kahapon at hindi pwedeng maunahan niya ako sa pag-amin ko kay Syden.

Muli kaming lumiko pero natigilan ako sa paglalakad ng makita ko ang pagmumukha ni Savannah. F*ck! Tinignan niya kaming dalawa at napatingin sa magkahawak naming kamay. Napangiti siya ng masama habang tinitignan si Syden mula ulo hanggang paa. Pagkatapos niyang titigan ito, ako naman ang tinignan niya at mas ikinainis ko pa ng magkagat-labi ito. I know what she's planning to say.

"Let's go!" my girlfriend said at nakita kong sinamaan niya ng tingin si Savannah. This time, siya naman ang humila sa akin.

"About what happened last night, thank you Dean Carson!" sambit niya na ikinatigil naming dalawa. Sh*t! The moment I saw this girl, hindi ko nanaman magawang magsalita. Feels like I would explode any moment kaya sinamaan ko siya ng tingin, "What did you just say?" tanong ni Syden ng may pagtataka.

"Oh sorry! Did he not mention na nagkita kami kagabi..." she sarcastically looked at me at itinuloy ang pagsasalita, "Sa isang kwarto?" dagdag pa nito kaya kumuyom ang kamay ko.

"Tumigil ka" saad ko sa kanya na sinamaan siya ng tingin.

"What? Is that true?" tanong ni Syden kaya napatingin kami sa kanya. Napansin rin namin na biglang dumating ang buong grupo na napansin na rin ang mainit na presensya sa aming tatlo. Surely, sumunod sila sa amin.

Nakatingin siya sa akin na parang hinihintay ang sagot ko, "Tell me, she's lying" sambit niya sa akin at alam kong 'yon din ang iniisip niya, na nagsisinungaling lang ang babaeng 'to.

"She's right pero hindi ko gi- "

"Come on, why don't you just tell her that we kissed passionately" harang ni Savannah habang nagsasalita ako. Bakit pagdating kay Syden, napuputulan ako ng dila to defend myself?

I saw her reaction even the whole group ng marinig nila 'yon kaya nagsalita na ako, "Totoong magkasama kami kagabi just because this girl..." sabay turo ko sa kanya, "suddenly pulled me into that room and let me clarify this to you..." masama ko siyang tinignan habang natutuwa siya sa ginagawa niya, "Hindi ko ginusto ang halik mo...kahit kailan"

"Really? Instead na inaaway mo ako, why don't you just comfort your girlfriend. Surely, gustung-gusto na niyang sumabog ngayon- " this time, siya naman ang hindi ko pinatapos.

"Shut the fuck up!" hahawakan ko sana ng mahigpit ang bibig niya kagaya ng ginawa ko kagabi but Syden suddenly held my hand kaya napatingin ako sa kanya.

"Kaya pala" saad nito at tumango na parang naiintindihan na niya ang kilos ko magmula kaninang umaga.

Masama ang tingin niya sa akin at bimitawan niya ang kamay ko, pumunta siya sa harapan kaya ngayon, silang dalawa ni Savannah ang magkatapat. We were shocked to witness about what she did. She slapped Savannah twice using her right hand sa magkabilang-pisngi nito. We were not expecting that kaya napahawak si Savannah sa pader dahil sa lakas ng pagsampal ni Syden sa kanya. It was my first time to see Syden's face turned like a demon. Her eyes could kill Savannah right away.

I was about to stop her pero may humawak sa braso ko kaya napatingin ako at nakita ko si Roxanne, "If I were you, I won't stop her. For sure, hindi mo gugustuhing mas lalong magalit si Syden sa'yo dahil sa gagawin mong pagpigil sa kanya na gantihan ang babaeng 'yan" saad niya kaya tinignan ko siya na sinundan naman ni Clyde, "Kung ako sa'yo, manonood lang ako. Can't you see this is becoming more interesting?"

"I'd love seeing my sister always like that" dagdag pa ni Sean. Sh*t bahala na nga!

........

♡ Syden's POV ♡

Alam ko naman na nabigla silang lahat sa ginawa ko well who cares? I don't care at all. I slapped her badly twice sa magkabilang-pisngi kaya bukod sa napahawak siya sa pisngi niya, napahawak din siya sa pader dahil kulang na lang matumba na siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya and the whole Blood Rebel's group ang saksi sa nangyari.

"I can always be like you, Bliss Syden. Hindi ko siya titigilan at magiging akin din siya" saad niya.

Habang nakatingin siya sa akin, kitang-kita ko ang pagkapula ng mga pisngi niya kaya mas lalo ko pa siyang nilapitan at tinapatan para siguraduhing walang makakarinig sa lahat ng sasabihin ko bukod sa kanya. Hinawakan ko ng mahigpit ang buhok niya bago nagsalita ng mahina, "Sa susunod na hahawakan mo ang boyfriend ko, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin" masama kong sabi sa kanya pero nginitian niya lang ako ng masama.

"Really, Bliss Syden?" sagot niya kaya mas lalo pa akong lumapit sa tainga niya para bumulong.

"Kapag akin, akin lang. Ito ang tatandaan mo, huwag na huwag mo akong susubukan. Don't try me, I can always go beyond the boundaries...cause I am the Viper's Queen"

I never used this name before pero kung ang taong pinakamamahal ko ang involve dito, I wouldn't hesitate to use it no matter how bad or brutal it is.

"Is that a threat?" tanong niya.

"Do I need to use the whole Blood Rebel's group to teach you a lesson?" tanong ko na halatang ikinatigil niya. I could feel na unti-unti na rin siyang naninigas kung nasaan siya.

"Y-you can't do that" saad nito kaya nginitian ko siya ng masama. Nanlalaki ang mata nito at nag-uumpisang manginig kaya muli akong bumulong, "I can always do that kung gugustuhin ko and because I have the permission to. Next time, kilalanin mo kung sinong binabangga mo. Don't ever try to steal what's already mine. I have a king and a throne" pahayag ko.

Sinamaan ko muna siya ng tingin bago binitawan ang buhok niya at tinalikuran ko na siya dahil baka hindi pa ako makapagpigil sa kanya. I held my muffin's hand at hinila siya papalayo sa lugar na 'yon pero tumigil ako sa paglalakad at hinarapan ang buong grupo habang nasa likod nila si Savannah, "Blood Rebels, watch that girl closely. Once you see her na dinidikit-dikitan ang boyfriend ko, don't hesitate to kill her" I said to them using an authoritative voice.

"Kami ng bahala sa kanya" sagot ni Roxanne na nakangiti ng masama kaya hinila ko na 'tong lalaking 'to papalayo sa lugar na 'yon.

Tayo naman ang magtutuos, my Viper King.

To be continued....

Sorry po sa errors and mistakes...

Next chapter