♡ Dean Carson's POV ♡
Nagising na lang ako sa gitna ng isang madilim na kwarto habang pilit na inaalala lahat ng nangyari. Tanging iisang ilaw lang ang nakikita ko sa mismong tapat ko kung saan ako nakaupo.
And I finally realized...dinala ako dito ng mga guard ni dad at pagkatapos noon ay wala na akong matandaan. Sigurado namang dahil sa nalaman ko, hindi hahayaan ni dad na mabunyag ang pinakatatagong sikreto ng pamilya namin. Alam ko naman na gagawin niya ang lahat para itikom ko ang bibig ko.
Biglang bumukas ang pintuan kaya't doon nabaling ang atensyon ko. As expected, kasama niya ang dalawa kong kuya, James and Jeorge. Pagkapasok nila ay lumabas na ang mga guard ni dad at isinara ang pintuan kaya't kami na lang apat ang natira dito. So alam din nilang dalawa at tanging ako lang ang walang alam dito. I don't even know kung may kinalaman din si mom dito pero kung alam niya rin ang tungkol dito, I don't know what to do.
Lumapit silang tatlo sa tapat ko habang nakatingala akong nakatingin sa kanila, "Good to know that you're awake, brother" Jeorge said.
"Ano bang gagawin niyo sa akin? Papatayin niyo ba ako?" masama akong ngumiti kaya napangiti din siya.
"Come on Dean, we might have illegal businesses but we are not killers...like you" he said kaya inis na inis akong tumayo para lusubin siya pero nakatali ako gamit ang kadena kaya't hindi ako nakalapit sa kanya. What a devil in my sight! Sila ang gumawa sa 'kin nito!
Marami akong pinatay dahil sa paniniwalang para maprotektahan ko ang bwisit na pamilyang 'to pero mali pala ako. Ang mga taong pinapatay nila sa akin ay yung mga gusto nilang patahimikin para hindi magsalita tungkol sa ilegal na transakyon ng pamilya. F*ck them!
"You made me a killer! You made me believe all those lies kaya nagawa kong pumatay!!" I said angrily habang nakangisi itong nakatingin sa akin.
"Jeorge, stop it" sabi ni dad kaya't napatingin kami sa kanya.
"I asked many times kung bakit maraming threats ang pamilya natin. You told me na inggit sila kaya binabalak nilang patayin tayo! Pero ngayon alam ko na, na gusto nila tayong patayin because you were corrupting other companies just to get a lot of money for your illegal businesses"
"That's not true!" he shouted.
"Come on, dad. I've read it so don't deny it! Naniwala ako sa sinabi mo that's why I eliminated all threats pero mali pala ako. I shouldn't have eliminated our enemies, but your illegal businesses!!" as I said those words. He then again slapped me but I continued, "All people I've killed, were all innocent and wanted justice kaya binabalikan tayo because of your wrong doings. I ended up killing innocent people unaware that all along I was protecting what's wrong!!"
Bigla akong hinawakan sa damit ni James kaya't galit ko siyang tinignan, "You just used me!" I said. Maling-mali lahat ng ginawa ko because of wrong beliefs and I'm blaming myself for doing stupid things, for ruining my hands with blood just to protect what must not be protected.
"We did not use you, brother. Nagpagamit ka just to prove yourself to us!" sambit nito kaya't natahimik ako.
"Stop it!" saad ni dad at tinanggal ang pagkakahawak ni James sa akin, "We don't have to make this even worse. Let's talk about it" humarap sa akin si Dad kaya't tinignan ko siya, "We can still bring back everything, right? Why don't you just join us? Like your brothers" he asked kaya't hindi ako makapaniwalang napangiti ulit dahil sa sinabi niya.
"We can't bring back everything, dad. I won't join you and your d*mn stupid businesses!" saad ko na alam kong ikinagalit niya.
"Hanggang kailan ka ba magmamatigas?!"
"Kahit ano pang gawin niyo, hinding-hindi ako sasali sa inyo!"
"Then we'll have to force you" saad niya na ipinagtaka ko.
"What?!"
Napangiti ito ng masama at narinig ko ang muling pagbubukas ng pintuan kaya't napatingin ako doon. May isang lalaking pumasok na lubos kong ikinagulat, "W-what is he doing here?"
"Don't regret your decision, son. If you can't keep your mouth shut, we have to hide you from everyone" saad nito na ipinagtaka ko pa, "Ano ba talagang balak niyong gawin?" tanong ko na hindi niya sinagot, bagkus ay tinignan nila ang lalaking nakatayo sa tapat ng pintuan, "Good thing you came on time, Augustus" my father said habang nakangiti sa kanya. It's Mr. Wilford.
What the hell is he doing here?
"Of course, when it comes to your family I couldn't refuse" he said habang papalapit sa direksyon namin at napatingin siya sa akin.
"So this is Dean Carson?"
"He's my third son. But unfortunately, he knew our dearest secret Augustus. We have to keep him hanggang sa magtanda siya" my father said.
"Fine, ipaubaya niyo na sa akin 'to" after Mr. Wilford said that, everything went black...again.
......
As I slowly opened my eyes, parang muling bumalik lahat ng nangyari sa akin. Muli kong natagpuan ang sarili ko na nakahiga sa isang madilim na kwarto at may iisang ilaw ang nasa tapat ko. Pinunasan ko ang mga mata ko na nanlalabo pa rin hanggang sa naging malinaw na sa akin ang paligid, "Are you sure about this, Arthur?" napatingin na lang ako sa isang lalaking nakatalikod sa akin habang may kausap siya sa telepono.
Agad ko itong nakilala dahil siya lang naman ang madalas na kasama ni dad mula noon hanggang ngayon. It's Augustus Wilford, owner of the newly built Heaven's Ward High.
Gusto akong pag-aralin ni dad doon pero hindi ako pumayag sa gusto niya lalo na't alam kong si Mr. Wilford ang may ari ng eskwelang 'yon at hindi maganda ang kutob ko ngayon lalo na't nalaman kong may ilegal silang negosyo. I'm really sure na agad niyang naipatayo ang eskwelang 'yon dahil sa mga perang ninakaw nila.
"Of course, huwag kang mag-alala. Ako ng bahala dito" saad nito sabay baba ng hawak niyang telepono at hinarapan ako, "Good to know you're awake" saad niya kaya't tinignan ko lang siya ng masama, "Your dad wants to give you one last chance, one more chance para hindi na namin ituloy ang binabalak naming gawin. Join us and you won't regret your decision" sambit nito kaya't masama akong napangiti.
"I won't ever regret my decision of taking down your offer Mr. Wilford because this is the most right thing na magagawa ko sa buhay ko" masama kong sabi dito. I'm tired of all these lies.
"Then we'll have to make you regret your decision and keep you away from everyone dahil magiging sagabal ka sa lahat ng mga plano namin. Ang buong akala namin, gagamitin mo lahat ng itinuro namin laban sa mga kalaban natin...pero laban din pala sa amin. I guess kami ang nagkamali ng desisyon" sagot niya sa akin. Muling pumasok sa kwartong kinalalagyan namin ang guard na palaging nakasunod sa kanya kaya't napatingin ako doon. Sapilitan nila akong hinila papatayo kaya't hindi na ako pumalag pa dahil alam kong wala naman akong takas sa kanila.
"Bakit ba hindi niyo na lang ako patayin?" saad ko habang hinihila nila ako papalabas ng madilim na kwarto. Napatingin ako kay Mr. Wilford kaya't tumigil sa paghila sa akin ang mga guard niya at nakatingin din naman siya sa akin.
"It is you who would kill yourself, Mr. Schulz" sagot niya na ipinagtaka ko. What the hell is he saying now? Is he planning to make me commit suicide?
"What are you talking about?"
"You'll know once you get there" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tuluyan na akong kinaladkad ng mga guard niya at nasa isa kaming hallway. Tinignan ko ang buong lugar at mukhang pamilyar ito sa akin. Pumunta na kami dito ng minsan ni dad dahil gusto niya akong pag-aralin dito but I disagreed with his decision. This is Heaven's Ward High and why am I even here?
Nakarating kami sa may pinakadulong hallway at ng makalabas kami ay ito na ang pinakadulo ng eskwelang 'to, "Why the hell did you bring me here- " hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ay napahawak na ako sa sikmura ako ng suntukin ako ng isang guard kaya't nakaramdam ako ng labis na panghihina. Ngunit hindi agad natapos 'yon ng tuluy-tuloy nila akong pagsusuntukin kaya't hindi ako nakalaban dahil hindi ako naging handa hanggang sa muli akong maglabas ng maraming dugo mula sa bibig ko. Unti-unti akong napaupo sa sahig hanggang sa maramdaman kong nanghina na ng tuluyan ang katawan ko. Hindi rin naman ako makalaban dahil nanghihina ako.
Nang hindi na ako makagalaw ay sapilitan nila akong pinatayo kaya't wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanila kahit na ayaw ko. Dinala nila ako sa harapan ng isang mataas na wall. Sa lahat ng wall nakapaligid sa eskwelang 'to, ang wall na 'yon ang pinaka-kakaiba at pinaka-mataas sa lahat kaya't nakakapagtaka. Nakita kong hinawakan ito ng isang guard at nabigla ako ng makitang nag-ground ito kaya't agad rin siyang lumayo doon. What's the meaning of this?!!
Habang nanghihina akong nakatingin doon ay nakita ko ang unti-unting pagkawala ng electric barrier na nakapalibot sa wall na 'yon at unti-unti itong nagbukas na lubos kong ikinagulat. Muli nila akong hinawakan at sapilitang hinila kaya't pumalag na ako ng masaksihan ko ang kung ano ang nakatago sa likod ng wall na 'yon lalo na't nabasa ko ang dalawang salitang, "CHAINED SCHOOL" na nakasabit sa isang napakataas na building. Nakita kong puno ng dugo ang buong lugar at...hindi lang ito basta lugar, isa rin itong paaralan pero bakit ganito?!
Pumalag ako at sinubukang makawala sa kanila dahil ayaw kong mapunta sa ganitong lugar. Walang katao-tao ngunit halatang nagkakasakitan ang mga taong nandito, "Pakawalan niyo 'ko!!" sigaw ko sa kanila habang hinihila nila ako papasok sa loob.
"Ito ang utos ng iyong ama, kaya wala kang magagawa kundi tumira sa lugar na 'to!" sambit ng humahawak sa akin at hinila nila ako papunta sa pinakasulok. Itinulak nila ako ng malakas kaya't sumakit ang likuran ko na dahilan para hindi ako agad na makatayo lalo pa't binugbog nila ako kaya tumingala na lang ako para tignan sila, "Eto ba ang ibig niyang sabihin na pagsisisihan ko? This is totally absurd!!" muli kong tinignan ang buong lugar at hindi ako makapaniwala, "Don't tell me na isa rin ang eskwelang 'to sa plano nila?!" nang muli ko silang tignan ay wala na sila sa harapan ko at nakita ko na lang na muling nagsara ang wall na pinasukan namin kanina. Hindi ko alam pero sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko rin alam kung bakit walang katao-tao ngayon.
Pinilit kong tumayo kahit mahirap at masakit. Hinawakan ko ng paulit-ulit ang wall na 'yon kahit na na-graground ako sa pag-asang muli akong makakalabas at palalabasin pero hindi 'yon nangyari bagkus....
After 3 days,
"HAHAHAHAHA! ANO WALA KANG LABAN?!"
"SUCH A WEAKLING AND A NERD YUCKKKK!"
"OMG WHAT DID YOU DO?!"
"LOOK AT YOURSELF, YOU LOOK LIKE A TRASH BRO!"
"COULD YOU PLEASE GET US SOME WATER!"
"ANO BA! TATANGA-TANGA KASI EH! APAT NA NGA 'YANG MATA MO HINDI MO PA AKO NAKITA! TABI NGA DIYAN!"
"SEEING YOUR FACE RUINS MY DAY, ALIS NGA DYAN!"
Criticisms and judgements of the students here in Chained school had not been eliminated. Naging utusan ako ng iba't-ibang grupo, isang pagkakamali, bugbog at pasakit ang mararanasan ko. I used to be a strong person but not now, nabigla ako sa lahat ng nangyari kaya't wala akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko. I couldn't even do something to defend myself. Walang awa ang mga tao dito at 'yon lang ang paulit-ulit na pumapasok sa utak ko.
They used to call me nerd. I love reading books such as novels, historicals...as well as science fictions. Madalas na rin manlabo ang mata ko dahil noong dinala nila ako dito, wala yung salamin ko kaya nahihirapan ako minsan. Good to know na nakakita ako ng salamin dati sa isang abandonadong classroom. Kapareho nito ang grado ng mata ko kaya 'yon na ang ginamit ko magmula noon.
Walang awa...
Walang awa...
Walang awa...
I have no friends, I have nothing kaya't pumayag akong maging utusan ng iba't-ibang grupo in exchange for my room at sa pangaraw-araw na pagkain but this is too much that I couldn't endure it anymore. Sinubukan kong manlaban pero sa huli, talo pa rin ako. They were all groups at ano namang laban ko sa kanila eh ni isa nga wala akong kaibigan dito sa lugar na 'to.
They did it again and again...and again.
A nonstop pain, I could say.
Pinahiya nanaman nila ako sa harapan ng marami. Here in the cafeteria, mukha akong isang basura na inaapak-apakan ng lahat at habang nahihirapan ako ay patuloy pa rin sila sa pagtawa at natutuwa sa sitwasyon ko. They slowly poured a black liquid on me kaya't nakita ko rin na nahulog ang salamin na suot ko at nabasag ito. Habang ginagawa nila 'yon sa akin ay patuloy sila sa pagtawa ng malakas at wala akong nagawa kundi manatili sa kinatatayuan ko. Dahil sa patuloy na pagbato nila sa akin ng mga mapanglait at masasakit na salita, natulala na ako na tila wala na ako sa sarili ko.
Pagkatapos nila akong pagtawanan ay umalis na silang lahat at natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo pa rin sa cafeteria ng mag-isa. I immediately took my broken glass at tumakbo ng mabilis para pumunta sa isang lugar na kung saan walang makakakita sa akin. I am a man but yes I cried without letting anyone see me like this dahil siguradong mas pagtatawanan ako. Umiyak ako ng umiyak habang nakatingin sa salamin ko na ngayon ay sira-sira na.
Why do I have to suffer like this? Is it because I killed innocent lives who were just seeking justice because of what my dad did? Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng nagawa ko? Not even one, tried to help me. They are all demons. Lahat ng nandito ay demonyo at walang awa. They don't just kill, they torture innocent lives.
After how many days, my 40 days of hell occurred and finally, I managed to escape from the most notorious group. Sila ang mga taong kinatatakutan ng lahat but I killed them, ang taong kinatatakutan ko ngayon ay walang iba kundi...ang sarili ko. Ako ang pumalit sa posisyon ng mga demonyong nagpahirap sa akin and I couldn't do anything to stop myself. I had to stand and fight alone. I had to show them that even though I am just alone, I can do anything for myself. I can defend myself.
Pagkalabas ko sa lugar na 'yon kung saan ako pinahirapan ay nabalita sa lahat ang nangyari kaya't doon na rin ako kinatakutan ng lahat. Napatigil ako sa isang sulok habang naglalakad ako ng maalala ko kung paano ako pagtawanan ng lahat noon at sa sulok na 'yon kung saan ako tumigil ay ang lugar kung saan ako huling umiyak at naging mahina until I heard a recorder kaya nilapitan ko 'yon at pinlay ko, "I know that you took a glimpse of the list son. We'll protect you don't worry. Basta sundin mo lang ang gusto ko. I'm your father after all. I know na gustung-gusto mo ng makalabas diyan. Kill all the people that you've seen in the list. Once you're done, you can finally get out there. Good luck and don't get yourself killed. Your sisters are waiting for you. Remember, sabay sabay mo silang patayin ng hindi nila nalalaman" my father said. I knew dahil boses niya 'yon. So lahat ng nakasulat sa Target Heirs ang gusto niyang ipapatay sa akin at kapag nagawa ko 'yon ay makakalabas na ako dito? Fine, father. If that's what you want. Don't underestimate what I can do. I will prove to you who I really am.
"Need help?" dinig kong may nagsalita sa likuran ko kaya napatingin ako doon at nabitawan ko ang hawak kong recorder.
Unang beses na makita ko pa lang sila, nakita ko na ang sarili ko sa kanilang dalawa. They were both wearing a glass at base sa pagkakakita ko, they love books just like me dahil nakita kong may hawak silang libro. Ang isa ay babae at ang isa naman ay lalaki.
"It's Dean Carson who ended the worst group here in Chained School"
Nagtaka ako kung paano nalaman ng babaeng 'yon ang pangalan ko kaya't maayos ko siyang tinignan, "How did you know my name?"
"Simple. Usap-usapan ka sa campus ngayon and everyone is afraid of you" sambit nito kaya napatingin ako sa ibang direksyon at natawa ako, "Pathetic. The hell I care" pagkatapos kong sabihin 'yon ay nag-umpisa na akong maglakad para iwanan silang dalawa.
"Roxanne Vergara and Owen Clyde Lewis?" nang marinig ko ang pangalan na 'yon ay napatingin ako sa dalawang taong kausap ko kanina at ngayon ay pinalilibutan sila ng isang grupo. Naalala ko na lang ang sinabi ng ama ko sa recorder kanina, Roxanne Vergara and Owen Clyde Lewis? Their names are written in the target heirs. It only means I need to kill both of them. Nagtago ako mula sa kinatatayuan ko para tignan kung anong klasing gulo ang mangyayari.
"Please, tigilan niyo na kami" Clyde said habang hinaharangan niya si Roxanne. They look so innocent and let me guess, ang dalawang 'to ay katulad rin ng iba...mahina ang loob at hindi marunong lumaban. The way they stand, the way they look at that group, I could sense that they are fragile.
"Dito, walang maawain. Kung sa mga bahay-bahay at mansyon niyo, prinsesa at prinsipe ang turing sa inyo...dito, laruan lang kayo" sabi ng lalaking namumuno sa grupong nakapalibot sa kanila. Inikutan niya silang dalawa na sinasabi 'yon habang may hawak itong kutsilyo na punung-puno ng dugo. Napansin nito ang hawak na libro ni Clyde kaya't kinuha niya 'yon.
"Ano bang gusto niyo?" inosenteng tanong ni Clyde.
Binuksan ng lalaking 'yon ang libro at tinignan ito habang nakangiti siya ng masama, "Blood party of Enzo Hymes?" tinignan nito si Clyde at mukhang natutuwa, "You're reading something like this?"
"Tell me, poor boy" tinapatan nito si Clyde kaya't napayuko na lang ito habang nanginginig ang mga kamay niya.
"Some of the stories are fiction right? This contains brutality..." saad nito na tinignan muli ang hawak niyang libro bago ibinalik kay Clyde ang tingin niya.
"We can turn this fiction story into reality right now, right?" saad pa nito. Of course I'd know the content of that book because I read it once. They are planning to torture both of them using those tortures contained in that book that's why he just said they can turn stories into real ones.
"Pwede ba tigilan niyo na kami!" sigaw ni Roxanne na halatang takot na takot.
"Shut up, will you?" sigaw naman ng lalaki. Bigla nitong hinila si Roxanne pero humarang si Clyde para pigilan sila ngunit hindi niya na nagawa 'yon ng hawakan din siya ng mga lalaki.
"Smells good" saad ng lalaki ng amuyin niya si Roxanne sa bandang leeg nito.
"Please, stop it!" umiiyak na pakiusap ni Roxanne at sobrang nanginginig na ito.
"I know gusto mo rin naman, so what's the point of resisting me?" sarcastikong sabi nito.
F*ck those kind of people!
"Tigilan niyo siya!!" sigaw ni Clyde habang pumapalag pero wala siyang magawa. Itinulak ng lalaking 'yon si Roxanne against the wall of the building at biglang pinunit ang damit niya, "PLEASE, TAMA NA!!" sigaw nito habang umiiyak at unti-unti siyang hinahalikan pababa habang si Clyde ay binubugbog.
"Boss, pagkatapos mo diyan kami naman ah?" saad ng isang nambubugbog kay Clyde.
"Wala ng lasa 'to mamaya kasi lalawayan ko na" tuwang-tuwa na sabi ng lalaki. Pagkatapos noon ay nagtawanan silang lahat.
Hindi ko na pinili na panoorin pa sila kaya't nilusob ko ang buong grupo at sinuntok ko ang lalaking nakahawak kay Roxanne, "Who the hell- " saad nito na pinunasan ang labi niyang dinudugo at napatingin sa akin kaya natigilan siya.
"D-d-dean...C-carson?" nagulat silang lahat kaya't hindi natuloy ang paglusob nila.
"Good to know you know me" pagkatapos kong sabihin 'yon ay bigla ko siyang sinuntok kaya napahawak ito sa sikmura niya at muli siyang naglabas ng dugo, "I will make this even clearer..." nilapitan ko siya para hawakan ng mahigpit ang buhok niya para matignan ko siya ng diretso, "I don't like people who don't make agreements with me. I will just say this once kaya makinig ka. Don't ever touch these two people or else I won't hesitate to end your life here. Nagkakaintindihan ba tayo?" seryoso kong tanong kaya tumango siya.
"I-i will!" saad nito kaya muli ko siyang sinikmurahan. Nagsitakbuhan naman ang mga kasama niya kaya't kahit nahihirapan siya, tumakbo na rin ito papalayo.
Hinarapan ko ang dalawa at nakitang pareho silang nakaupo sa sahig. Nanginginig pa rin si Roxanne at yakap-yakap ang sarili niya habang umiiyak. Si Clyde naman ay namamaga at duguan ang buong mukha.
"I can't blame you because I was once in your position" sambit ko kaya napatingin sila sa akin.
"But you're strong now. Kinatatakutan ka na not like us, kahit anong gawin namin mahina pa rin kami" saad ni Clyde kaya napailing ako.
"You should thank the people who have made you suffer. Who made you realize that this world is full of mysery, agony, imperfections, judgements and criticisms" dahil sa sinabi ko ay tila nabigla sila at parang hindi makapaniwala.
"What do you mean?" -R
"Because I was tortured for 40 days, I became who I am today. The monster they made me to be. I became weak, isang taong mahina at hindi marunong lumaban. Pero dahil sa mga pagpapahirap at pasakit na naranasan ko, eto ako ngayon. Halos hindi na makatingin sa akin ang lahat dahil sa takot. What happened between the two of you should be the reason para magpalakas kayo. Huwag kayong manatili sa posisyon kung nasaan kayo, you should stand up not for others but for yourself. What's the use of your feet and hands kung hindi kayo lalaban at babangon. Will you just let them na pahirapan kayo? Will you just let them be satisfied by proving them that they are stronger than you? Wake up and stand up, discover the cruelty of the world and embrace the darkness. You need to be cruel and become selfish sometimes. Truth hurts but this is the truth and you need to accept it" kinuha ko ang salamin nilang dalawa na nasa sahig. Basag na ito at inapakan ko pa 'yon kaya't nagulat sila sa ginawa ko kaya muli ko silang tinignan, "It's time for you to become the person they don't expect you to be"
...
Days passed by, I felt so irritated about Roxanne and Clyde's presence beside me. I was the one who taught them how to defend and fight for their life. Para silang buntot ko na sunud ng sunod sa akin magmula noon. Hindi lumipas ang araw na hindi ako nairita sa kanilang dalawa dahil panay ang sunod nila sa akin until one day I unexpectedly became friends with them. We used to go to the library to read books all day at wala ng nagbanta na guluhin ang tahimik naming buhay just because of my presence.
I met Dave Axelle Davenport Andrada and witnessed how they badly tortured him. His name was also written in the target heirs. It only means I also need to befriend him. And these two beside me, kasama rin sila sa mga target ko. Right, kinaibigan ko sila just because I need to kill them one day but not too soon.
"Why don't you build your own group?" tanong ni Roxanne kaya't natawa ako.
"Pathetic! Who would want to stay with me until the end? I don't even know how to be a leader, and how to gain members"
"You're already a leader and you have members" saad ni Clyde kaya napatingin ako sa kanya.
"At sino naman?"
"Us. We're not just your friends. We are your members"
After I saved Dave from his torturers, he also joined me as to show his appreciation and we became close unexpectedly na naging right hand ko na siya.
I just realized, I had to befriend them all and aim for their trust, once they fully trust me, I will surely kill them all at makakalabas na ako dito. Just like what my father said.
Hinanap ko lahat ng nasa target heirs, and good to know na nakapasok sila sa Chained School at pinlano talaga 'yon ni dad. Heirs sila so it means kailangan nilang mamatay para mabawasan ang kalaban ng pamilya namin sa negosyo. All my members were tortured badly, I saved them knowing that they would join me and it all happened.
And that's how Blood Rebels was built and most of my members are the target heirs of my family.
(...End of flashback...)
.......................
Back to the present.
That was my plan pero hindi na ngayon.
I was aiming for their trust.
Ngayon....
I had to befriend them because I want to protect them from my dad. Dati, gusto ko silang isali sa grupo para mapatay ko sila pero ngayon, gusto ko sila sa grupo ko in order to protect them from my family. Honestly, I secretly kill students just to protect my members, my friends. Ang akala ng lahat, pumapatay ako ng inosente pero walang nakakaalam na pinapatay ko ang mga taong nagnanais na patayin ang mga kaibigan ko. I killed people who were pretending innocent kahit hindi naman talaga. IMukha silang inosente pero ang totoo, gusto nilang patayin ang mga kaibigan ko kaya inuunahan ko na sila. I'm actually finding a way for my friends to escape pero sadyang mahirap.
That's how I came here. Hindi ako naframe-up and I did nothing. I found out the truth about my family, and that truth brought me here knowing that my own father planned to do this to me kaya hindi ko magagawang magtagumpay siya sa plano niya na patayin ko ang mga target heirs ng pamilya namin.
I will protect them no matter what.
Nasa isang classroom ako ngayon habang nakatanaw sa labas ng bintana recalling how I came here. Walang nakakaalam at wala akong pinagsabihan.
Napatingin na lang ako sa pintuan ng marinig kong magbukas ito, "Boss!" nagtaka na lang ako sa inaasal ni Sean ngayon kaya nagsalubong ang kilay ko, "What are you doing here?" nakita kong kasama rin nito si Dustin.
Lumapit pa siya sa akin at nawala ang ngiti niya na parang ang bigat ng dinadala niya, "What happened to you?"
"Dean kasi....m-magpapatulong sana ako" saad niya kaya't mas nagtaka pa ako.
"Saan?" hindi na siya nakapagsalita pa kaya inilagay ko na lang ang dalawa kong kamay sa bulsa ko dahil nakatayo lang naman ako, "Can't you speak directly?" tanong ko.
"Sabihin mo na kasi tol! Napaka-torpe talaga!" harang ni Dustin at sinamaan siya ng tingin ni Sean.
"Tumigil kang gago ka!"
"Tsk mas gago ka! Pakipot ka pa kasi, si Dean Carson lang 'yang kaharap mo, torpe ka pa rin!" pang-aasar nito kaya natawa ako at hindi pinahalata.
"Gago! Palibhasang ikaw, walang love life!" then, siya naman ang sinamaan ng tingin ni Dustin.
"May love life ako, wala lang siya dito! At least ako marunong umamin, eh ikaw? Anong tawag sa'yo? Torpe!" mukhang nagkakainisan na rin silang dalawa at natatawa na lang ako.
"Hindi ako torpe!"
"Walang mangyayari kung mag-aaway kayo, ano bang sasabihin mo Sean?" pagsasalita ko kaya tumigil na rin sila.
Humarap ng maayos si Sean sa akin. Napayuko ito at napahaplos sa batok niya na parang kumukuha ng lakas ng loob "Dean, paano ba manligaw?" saad nito kaya ako naman ang natigilan. What does he meant by that?
Ilang segundo akong natulala sa tanong niya kaya napatingala na siya at tumingin sa akin. Sh*t!
"Tulungan mo naman ako, boss. Sige na. Paano mo ba niligawan ang kakambal ko?" tanong niya which turned me speechless even more. How the hell will I supposed to answer that? I didn't even court my sweetie.
The time I confessed to Roxanne, gusto niya rin ako kaya naging kami agad. Same thing happened to my sweetie kaya never pa akong nanligaw. F*ck this is hard to answer!
"Oo nga Dean, paano mo niligawan si Syden eh halos dati magpatayan kayo sa tingin dba?" dagdag pa ni Dave. This guy is really pissing me off! Sabagay kahit kailan, nasa kultura niya ang maging pakielamero!
"I-it's just simple" sagot ko na napatingin ulit sa bintana. Gusto kong umiwas sa tanong na 'to.
"Simple lang pala, paano nga?" tanong ni Dustin. Pagkalabas namin dito, uupakan ko talaga 'to. You wait Dustin!
"Just ask Dave. He's kinda pro pagdating sa mga ganyan. Can't you see I want time alone?" saad ko. This is the only way to get rid of him. Hindi ko man nga alam kung paano siya sasagutin.
"But- " itinuro ko na ang pintuan kaya natigilan siya at napabuntong-hininga, "Fine"
"He's right, just ask Dave" -Dustin.
"You go with him, Dustin" saad ko na ikinatigil ni Dustin habang papalabas si Sean na parang problemado.
"Ha? Bakit pa? Malaki na naman 'yang si Sean- " sinamaan ko na din ng tingin kaya natigilan at tumango, "Sige, sabi ko nga sasamahan ko siya" tapos sumunod na siya doon kay Sean na parang batang nagtampo. Tsk! so kasalanan ko pa ngayon?
Lumabas na sila at saktong pagpasok naman ni Syden that's why I smiled.
Seeing her relieves my stress.
Nakita niyang nakasimangot ang kakambal niya kaya nagsalubong din ang kilay nito. Pagkalabas ni Sean na parang lantang gulay na nakayuko at ni Dustin, tuluyan namang pumasok si Syden at nilapitan ako.
"Anong nangyari don? Parang pasan niya ang mundo?" tanong nito kaya napangiti na lang ako.
"Forget about him, sweetie. Come on" saad ko at inilahad ko ang kamay ko sa kanya kaya napangiti siya. Hinawakan niya rin ang kamay ko kaya hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit. She's the woman of my dreams. Wala sa katangian niya ang gusto ko sa isang babae but isn't it absurd to tell that she's my everything?
"So, why are we doing this?" tanong niya habang magkayakap kami. Niyakap niya rin naman ako ng mahigpit.
"I just missed you" saad ko na lalo pang napangiti.
"I missed you too, muffin. Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala" tinignan ako nito habang magkayakap kami, "Ano ba kasing ginagawa mo dito? You should have just went in my room para doon na lang tayo mag-usap dba? Come on, tell me. Ano nanamang iniisip mo?" tanong niya kaya napangiti ako and I pinched her right cheek.
"Bakit sa room mo pa kung pwede naman sa kwarto ko?" saad ko at napangiti ng mapanloko kaya sinabunutan niya ako.
"Hoy Dean Carson, ano nanamang iniisip mo dyan?" saad niya.
"What? Ikaw nga yung may ibang iniisip dyan"
"Tsk, kahit kailan talaga! Nakakatakot ka pero ang totoo may tinatagong kalokohan. Good to know na ako lang ang nakakaalam ng kalokohan mo. Your secret is safe with me" sambit niya kaya mas napangiti pa ako.
"Mukha kang inosente pero ang totoo green-minded ka naman pala, am I right sweetie?" sagot ko at halos boses lang naming dalawa ang naririnig sa buong classroom.
"Tsk! Bahala ka diyan! By the way..." napatingin ako sa kanya na parang may naalala siya, "What?" tanong ko.
"May naalala lang ako. Have you ever heard kung paano ako napunta dito?" tanong niya at hinihintay ang sagot ko.
"Actually...no. Tell me then" sambit ko sa kanya.
"Fine but before I tell you mine, you go first" natutuwang sambit niya.
Natahimik na lang ako at unti-unti kong naibaba ang kamay ko.
"Paano ka na-frame up ng council para maipasok dito?" alam kong hinihintay niya ang sagot ko but I became so speechless and felt my body becoming so cold that time.
There are so many things that are not yet revealed about me. Secrets that must not be revealed.
My Bliss Syden accepted me for who I am. And I'm afraid na hindi niya na ako matanggap kapag nalaman niya ang lahat tungkol sa akin at ang buong pagkatao ko. Even my little secrets.
To be continued...
Sorry for this long chaptie again...😅