Hindi niya alam ang gagawin kaya naman ipinikit na lamang niya nang mariin ang mga mata at hinintay ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya. Ngunit nang ilang segundo na ang nakakalipas at hindi pa rin iyon nangyayari ay dahan dahan na niyang iminulat ang mga mata para lamang salubungin nang magagandang mga mata rin nito. He was smiling playfully. Was he just teasing her?
"What crazy thoughts are running in that beautiful head of yours, huh?" ang nakangising tanong nito sa kanya.
"N-nothing! 'Wag kang assuming." Nakangusong balik niya rito.
Bumunghalit ito ng tawa na siya namang nagpahaba pang lalo sa pagkakanguso niya. He was really making fun of her now. Ang sarap sana nitong batukan kung hindi lang namiss niya ang pagtawa nito at nakakagaan ng pakiramdam makita itong ganoon kasaya.
"Cute..." sabi nito habang kumikislap pa rin ang mga mata. He was still laughing inside.
"Stop laughing." Nanlalaki ang mga matang utos niya rito.
"I'm not laughing anymore." Sagot naman nito bagaman hindi pa rin napapalis ang nakakalokong ngiti sa mga labi.
"Ahhh nakakainis ka---!" hindi na niya natatapos ang paghihimutok niya nang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. Saglit lamang siyang natigilan at unti unti ring naipikit ang mga mata. Mabuti na lamang pala at nakahiga siya dahil kung nagkataong nakatayo siya nang mga oras na iyon ay malamang na tumumba na siya. She just felt her knees and insides weaken. Ganoon ang epekto ng halik na iyon sa kanya.
"That was even better than breakfast." Nakangising sabi nito nang sa wakas ay maghiwalay sila. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Wala sa loob na nahampas niya ito.
"Baliw!" sabi niya. "Tignan mo, magkakasakit ka na rin. Mahahawaan na kita." Nakasimangot na dugtong niya.
"It's fine. Hindi naman mahina ang katawan ko." Kibit-balikat na sabi nito. "At mas mabuti nang ako ang may sakit kaysa ikaw. Maranasan ko man lang na maalagaan mo."
"Ah so iyon pala ang dahilan?" akusa niya rito.
"That and of course I don't want you getting sick." Sabi nito. "I need to get myself busy bago pa kung anong magawa 'ko sa'yo ngayong nasa iisang kwarto tayo. And you, you should really rest." Sabi nito.
"Okay." Sagot na lamang niya.
Akala niya ay basta na lamang siyang iiwan nito roon. Wala naman na siyang balak na kulitin pa ito. She was already contented with that kiss and those sweet words. Parang magandang idea na rin na matulog siya. That way she would be able to dream about that kiss and especially about him.
Pipikit na lamang siya nang iangat nitong muli ang kumot hanggang sa ilalim ng baba niya. Kasunod niyon ay ang pagdukwang nito sa kanya. He then soflty planted a kiss on her forehead. Napapikit-pikit pa siya nang muling magtama ang tingin nila. Ngumiti ito ng malawak bago muling bumulong.
"Dream of me, alright?" bulong nito bago tuluyang nilisan ang kuwarto niya.