webnovel

CHAPTER 48 - Crazy and Bizarre

CHAPTER 14 - Crazy and Bizarre

ALDRED'S POV

Gabi na at ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa campus ng SNGS ngunit di ko pa rin matagpuan si Arianne. Nakailang tawag na ako sa kaniya pero lagi na lang nauuwi ito sa unattended call. Tinawagan ko si Doreen upang tanungin kung nakita niya ba ito ngunit wala na pala siya sa school kaya hindi niya alam.

Kaninang lunch ay ni-text ko si Arianne. Excited pa naman sana akong makasama siya dahil wala akong gagawin pero hindi niya ako ni-reply-an. Ayon kay Doreen ay naka off duty ito sa booth nila. Noong malaman ko iyon ay di ko maiwasang maglungkot.

Hindi ako sure pero pakiramdam ko kasi ay iniiwasan niya ako.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Napabuga na lamang ako ng hininga dahil wala pa rin ni anino niya.

Tutungo sana ako papasok sa isang building nang maagaw naman ang aking atensyon nang pag-tinis ng mikropono. Lumingon ako sa open field ng SNGS at nakita kong nagsisimula nang mag-set up ng mga musical instruments sa stage kaya't kahit papaano ay na-lift up ang aking pakiramdam. Ngayon kasi sure na tutugtog ang Stray Catz na isa sa mga paborito kong banda.

Aalis na sana ako nang may dumaplis na chestnut colored hair sa aking paningin pagkagawi ng aking mga mata sa may isang van. Agad gumuhit ang ngiti sa aking labi. Papatakbo na sana ako papunta sa kaniya ng biglang may humarang sa aking babae na sinundan pa ng lupon nila.

"Kuya Aldred, pwede akong magpa-picture?"

"Ako rin, please! Please!"

"Kyaah!"

Kahit na gusto kong tumanggi noong mga sandaling iyon ay wala na akong nagawa nang dumugin nila ako.

Nagpwersa ako ng ngiti habang pasulyap-sulyap sa direksyon ni Arianne kapag mawawala ang pag-flash ng mga camera. Andami nila at halos mag-crook na ang labi ko sa inis kaya't bago pa nila makunan ang pagsimangot ng aking mukha ay nagpaumanhin na ako sa kanila.

"Pasensya na girls ah, may kailangan kasi akong habulin," ngiwi kong sabi saka nagmadali akong pumunta sa pwesto kung saan ko nakita si Arianne ngunit wala na siya.

"Oh, somebody's looking for her princess."

Pagkalingon ko sa nagsalita ay agad kong narinig ang pag-shutter ng camera. Hindi ko makilala ang babae dahil sa nakaharang na DSLR sa kaniyang mukha pero ng ibaba niya ito ay di ko pala talaga siya makikilala dahil di ko naman siya talaga kilala.

"Who are you?" tanong ko habang itinatatak sa aking utak ang kayumanggi niyang kulay, brown na buhok, almond shape na mga mata, maliit na ilong at manipis na labi. Napataas ako ng kilay. Para kasing may kilala ako na kamukha niya.

"Oh, I'm Noreen Imperial, SNGS' resident photojourn," nakangiti niyang tugon. "Apparently you are looking for Arianne, right?"

Tumango ako.

"Ofcourse you are, sadly she doesn't want to see you," sabi niya na nagpagulat sa akin.

"H—Huh? Ba—Bakit naman?"

Instead of responding, the girl just pouts and makes a face then laughs. I am irritated by her reaction but I chose to suppress myself to show emotion because it's obvious that this Noreen Imperial is just screwing at me.

"Because she is flirting with somebody else."

Agad nagdilim ang aking paningin noong marinig ko ang salitang iyon. As much as I want to maintain my cool, the imagination of Arianne flirting with somebody kills me.

"Come to think of it, if it's Jerome Alonzo then he's not somebody because he's your friend, right?"

"Where are they?" I asked aware of the cold tone I emit.

Bago niya pa ako masagot ay naaninag ko ang isang bunbunan na pamilyar sa akin. Dahil sa matangkad si Jerome ay madali lang siyang makita. Nasa madilim na gilid siya malapit sa stage. Pumunta ako patungo sa kaniya at habang papalapit ako ay tama nga si Noreen. Arianne is together with Jerome and they are happily chatting with each other.

"I told yah," pabulong na sabi ni Noreen sa tapat ng aking tenga. Nang mag-sink in sa akin kung gaano kasaya si Arianne na kausap si Jerome ay tuluyan ng nagbusangot ang mukha ko. Nakatitig lang ako sa magandang ngiti ni Arianne nang agawin ni Noreen ang aking atensyon sa pamamagitan ng pag-angkla sa aking braso.

"Halika doon na lang tayo kay Nat."

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya't hindi ako makapaniwalang napalingon sa kaniya.

Huh?

Mga limang inches lamang ang naging pagitan ng aming mukha kaya't na-conscious ako't agad napabalik ng tingin kay Arianne na nakatingin na pala sa direksyon namin. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Hey Al," nakangiting tawag ni Jerome. I shrugged Noreen's hands off me and glared at her which she again responded with a pout. I'm pissed.

Lumapit ako kina Jerome at binati siya. Pagkalingon ko naman kay Arianne ay tumambad sa akin ang matamlay na mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang aking sarili.

Is it because of me? Did I disturb her and Jerome?

Napadaop palad ako dahil sa inis.

"I—I'm sorry, mukhang naistorbo ko ata kayo ni Jerome," nasabi ko na lang habang nakatingin kay Arianne.

"Hindi naman bro," Jerome chuckled, "Wala kasing kasama si Arianne so I stayed with her. Paalis na rin ako kaya mabuti na lang dumating ka. Saan ka ba nagpupupunta?"

Sa halip na tumugon ay nagsimangot lang ako na tinawanan naman ni Jerome.

"Oya, sige na, kailangan ko na pumunta ng committee."

Tinapik ako ni Jerome sa balikat saka siya lumingon kay Arianne.

"Nice chatting with you Arianne. I hope you two enjoy the night."

Nakangiting nag-bye bye si Arianne sa kaniya.

Kainis.

Ilang minuto na ang nakalipas nang umalis si Jerome pero hindi pa rin kami nag-uusap ni Arianne. Hinanap ko yung photojourn pero para siyang bula na bigla na lang naglaho.

Sumulyap ako kay Arianne at kung nakangiti siyang nagpaalam kay Jerome kanina ay ngayon naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya. Nakakainis lang. Ano bang meron si Jerome na wala sa akin? Ano bang meron sa mga estudyante ng WES at parang iyon ang tipo ni Arianne?

Hindi ko maiwasang magnguso habang iniisip iyon pero naagaw ang aking atensyon nang biglang magtanong si Arianne.

"Al—Aldred? Ba—Bakit mo kasama si Noreen? Anong pinaguusapan niyo? Saka bakit siya naka-angkla sayo?"

Napatitig ako sa kaniya nang hindi siya sinasagot. Agad ay nabura lahat ng inis ko nang madatnan ko ang maganda niyang mukha.

I don't know if it's my imagination pero parang namula ang pisngi niya bago naglikot ang kaniyang mga mata saka nag-iwas ng mukha sa akin.

"Ah, hindi, ano hinahanap kasi kita then she noticed me? I don't know her pero para kasing alam niya kung nasaan ka kaya tinanong ko siya."

I paused for a while and stared at her.

"That photojourn said that you don't want to see me. Ayoko sanang maniwala hanggang sa makita kita na masayang nakikipag-usap kay Jerome. Tapos yung mukha mo noong naistorbo ko kayo. Siguro nga tama siya," malungkot kong sabi.

Pansin ko naman ang mabilis na paglingon ni Arianne sa akin.

"Wh—What? No, wala akong sinabing ganoon. Sa—saka y—yung reaksyon ko kanina. Hi—Hindi 'yon s—sa dahil naistorbo mo kami kanina. A—Ano, ka—kasi, basta! Hindi 'yon dahil doon," Arianne explained. Worried is engraved all around her beautiful face.

Gusto kong intindihin ang sinabi niya pero kagaya kanina ay iba ang sinasabi ng pakiramdam ko.

"Ganoon ba? Pero pakiramdam ko kasi sinasadya mo talagang iwasan ako."

Diretso ko siyang tinitigan sa mata na para bang gusto kong bantayan lahat ng lalabas sa utak niya. Arianne bit her inner cheek. Her eyes became hollow and it made me confused.

"Did I made you feel that way? I'm sorry," sabi niya na nagpabigla sa akin. She said sorry but her expression became unreadable no matter how hard I stared into her eyes. Nawala ang kaninang worried niyang itsura at napalitan ito ng ekspresyong kasing lamig ng tigti-tres na yelo.

Gusto kong mag-enjoy kasama si Arianne pero ngayong nakita ko na siya at napakalapit na namin sa isa't isa ay tila ba hindi pa rin kami nagkakatagpo. Sa biglaang paglamig ng pakikitungo niya sa akin ay para bang may isang pader na sumulpot sa gitna namin. Hindi ako makahinga sa totoo lang. Nalilito ako at hindi ko siya maintindihan. Feeling ko ay hindi siya honest sa mga ikinikilos niya.

Nagsisimula nang dumugin ng mga estudyante ang open field. Nanatilii kami ni Arianne sa aming kinatatayuan at muli'y hindi nag-uusap. Kinuntento ko na lamang ang aking sarili sa pamamagitan nang panakaw na pag-sulyap sa kaniya.

Siguro ganito nga talaga ang mga babae. Bukod sa masakit sa puso ay masakit din sa utak. Gustuhin ko mang lumayo ngayon sa kaniya para kahit papaano'y makahinga ay hindi ko magawa lalo na't ang katumbas noon ay ang agarang pagkirot ng aking puso.

Gusto kong hawakan si Arianne kahit na tipong isang matinik na rosas siya ngayong gabi. Binaling ko ang aking mga mata sa stage at sa banda na magsisimula ng programa. Naghintay ako ng tyempo at saktong pagkahampas ng drummer sa cymbal ay hinuli ko ang malapit na kamay ni Arianne. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya sa aking peripheral vision at in-expect ko na pipiglas siya ngunit nanatiling relax ang kaniyang kamay at hinayaan ako. Ang sarap.

Ang sarap sa pakiramdam. Natawa ako hindi dahil sa aking nararamdaman kundi dahil sa kantang ginawang pang-opening ng banda.

Crazy for you rock version, for real?

Liningon ko si Arianne at tinitigan siya nang maigi.

What a timing, because yes, I'm really crazy for you indeed.

ARIANNE'S POV

Biglang nag-init ang pakiramdam ko nang magsimulang kumanta ang unang banda. Gusto kong magpakabingi upang hindi marinig ang lyrics ng kanta pero kahit ata takpan ko pa ang tenga ko ay wala na iyong magagawa lalo na't sa puso ko dumidiretso ang nais nitong iparating.

Kapag nagpatuloy kami ni Aldred sa ganitong posisyon ay baka tuluyan akong mabaliw. Gusto ko siyang bitawan pero nagi-guilty ako lalo na't nakita ko kanina kung paano siya masaktan.

Paano niya ba kasi ka agad naisip iyon? Ganoon ba talaga kapag genius? Pati hunch ng babae daig niya at nalaman niya agad na nilalayuan ko siya.

Nilingon ko si Aldred. Kumikislap ang mga mata niya habang nakatingin sa stage. Yung kaninang lungkot niya ay nawala na.

Nais ko sanang maglagay muna ng distansya sa pagitan namin dalawa para makapag-isip-isip pero mas mahirap pa pala iyon sa inaasahan. Hindi ko rin kasi maikakaila na na-miss ko siya kahit na saglit ko lang siya na hindi pinansin

Lumingon siya sa akin at naabutan niya akong nakatingin sa kaniya. Agad umakyat ang dugo sa mga pisngi ko. Ngumiti si Aldred at parang bigla akong naihi.

Bwiset.

Kinagat ko ang pang-ibaba na labi ko.

Ngayon lang ako nalandian sa sarili ko. Hindi ito tama sa isip-isip ko pero kakaiba ang nararamdaman ngayon ng puso ko. Sobrang kakaiba kaya kailangan ko itong pigilan.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at yumuko ako.

"Tama, I will become an ideal daughter," out of nowhere kong nasabi sa sarili ko.

Nasisiraan na ako. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko para lang malihis ang nararamdaman ko.

Hindi ako pwedeng ma-inlove dahil kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi ako pwedeng ma-inlove kasi bata pa ako. Hindi ako pwedeng ma-inlove kasi ayokong ma-disappoint yung parents ko.

Huminga ako ng malalim. Sa pag-aakalang nakalma ko na ang pag-iisip ko ay nilingon kong muli si Aldred. Medyo ayos na sana pero bigla niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko dahilan para mag alburoto naman ang puso ko.

Shit!

Again, kung ano-ano nanaman ang dinahilan ko sa utak ko.

Hindi ako pwedeng ma-inlove dahil ayokong mahalikan uli ni Aldred. Ayokong hawakan niya ako lagi. Ayokong marinig lagi yung childish niyang boses na nagta-transit bigla to manly voice. Ayokong makipag- the heck Arianne what are you thinking?! Pero never akong makikipag-make love sa kaniya. Ayokong mabuntis niya. Ayoko kay Aldred! Ayoko sa kaniya. Ayoko dapat sa kaniya.

Nadiin ko bigla ang pagkagat sa labi ko.

"Hindi ako pwedeng ma-inlove sa kaniya dahil nangako ako. Nangako ako kay Natalie," mahina kong sabi sa sarili ko.

"Arianne, are you okay? Do I made you feel uncomfortable?" nag-aalalang tanong ni Aldred.

Binalak niyang alisin ang kaniyang kamay na humahawak sa akin pero hindi ko iyon pinahintulutan. Nagulat siya at kahit ako ay nagulat rin sa sarili ko.

Nahihiya ako at the same time natatawa sa loob-loob ko. Ilang beses ko man kasing i-chant sa utak ko na hindi dapat ako mai-inlove sa kaniya ay nabura iyong lahat noong ngumiti siya at sabayan ang kanta.

This is insane. Paanong gwapo na siya, matalino, mapagmahal sa magulang, athletic tapos magaling pang kumanta? I've never wished for a perfect someone na magpaparamdam sa akin ng ganito pero may nag-iisang tao dito kaharap ko na halos nasa kaniya na ang lahat.

This is a big problem. Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya at napalibot ng tingin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na oo nga pala't napapaligiran kami ng maraming tao. Binalik ko ang tingin ko kay Aldred dahil wala akong pakealam ngayon sa kanila.

I'm starting to lose my mind. Kailangan ko ng sabihin sa kaniya.

"Aldred, I— I think I— I think I like—"

"Arianne!"

Maingay ang paligid pero narinig kong may tumawag sa akin kaya napatigil ako. Lumingon kami ni Aldred sa pinanggalingan ng boses at tumambad sa paningin ko ang nakatawang si Noreen kasama si Natalie.

"Arianne," nakangiting sambit ni Natalie pagkalapit niya sa amin.

NO ONE'S POV

"Ano ba 'yan?!" Halos matumba si Bianca sa Academic Hallway nang makasalubong niya at mabangga siya ng mga nagtatakbuhang estudyante na patungo sa open field. Inis niyang sinundan ng tingin ang mga ito kaya't nalaman niya ang dahilan kung bakit parang may mga kukuyugin ito kung tumakbo.

Bumuga siya ng hininga.

Saglit lang ay narinig niya na ang ilang sunod-sunod na pag-strum ng gitara. Naghiyawan ang mga manunuod at nang kumanta na ang nasa stage ay nanahimik ang lahat upang magbigay daan sa isang maganda at malamig na tinig.

Bianca was never a fan of the band Stray Catz but she admits that they're really good, especially the band's vocalist. It is easy to say that Bianca is currently mesmerized by how the band performs New Order's Bizarre Love Triangle, by the way, her eyes land on them.

Inalis ni Bianca ang kanyang tingin ngunit saktong paglinga niya sa kanyang pupuntahan ay nasurpresa siya ng isang taong ayaw at iniiwasan niyang makita.

Agad ay yumuko si Bianca. Lumapit naman ang lalaki sa kaniya.

"Good evening, pwede ko bang malaman kung nasaan ang kapatid mo?" Sato asked with bore eyes.

Parang naging isang bara sa lalamunan ni Bianca ang pagtutukoy ni Sato kay Jerome.

Napalunok si Bianca bago sagutin si Sato nang hindi tinitignan, "Sa pagkakaalam ko nasa JFE Committee siya." Manatili man siyang nakayuko ay nararamdaman niya kung paano siya tignan ng binata.

Sato may appear to be chill but he really is irritated inside. MU, iyon ang namamagitan sa kanila ni Bianca pagdating sa pagka-ayaw nilang makita ang isa't-isa. Sa tuwing nakikita ni Sato si Bianca ay pakiramdam niya na pinagnakawan siya nito. Nais niya mang maalis ang poot sa kanyang damdamin lalo na't nagpa-practice siyang mag-pari ay hindi pa ganoon kalawak ang pang-unawa niya katulad ng iniidolo niyang si Jerome.

"How are you and brother Jerome? Pareho na kayong nakatira sa iisang bahay di ba?" tanong ni Sato sa nananatiling nakayuko na si Bianca. Dahil nasa may Academic hallway sila ay di maiwasan na pagtinginan sila ng ilang mga civiillian at estudyante lalo na't pareho silang agaw pansin.

"We're fine. Yeah, magkasama na kami. Naapektuhan kasi ng lindol yung dorm na tinutuluyan ko kaya kinailangan kong umuwi," Bianca answered lifting all her courage to face Sato. Pagkatapos ng sagot na iyon ni Bianca ay saglit silang nanahimik at nagtitigan.

"How convenient," Sato expressed, "Step-siblings living in the same roof?" sarkastikong lumabas sa bibig niya.

Tinitigan ni Sato si Bianca ng masama.

"You already lead him to a stray path. I know you are intelligent to not understand what happened to both of you is some sort of Karma. You and Jerome are siblings now. Don't let him do things that will hurt both of your parents. Please don't stain him further."

Napadaop palad si Bianca. Nais niya mang ipagtanggol ang sarili ay nablangko ang utak niya sa tila pang-iinsultong natanggap. Natameme siya at nang mapansin ito ni Sato ay nakaramdam ito ng guilt. Ayaw niyang makapanakit ng kahit sinong damdamin pero sa tuwing nakikita niya si Bianca ay tanging iyon lamang ang gusto niyang gawin dito.

Pumihit si Sato at tinalikuran si Bianca. Pinili niyang umalis upang wala na siyang masabi pa.

♦♦♦

Bianca Jeanne Lim behind those cheerful and charming smiles, is always a lonely girl. She used to spend her childhood days at the hospital where her mother was confined. Listening to those painful cries and piercing screams that her mother made was really hard but Bianca Jeanne Lim was always a tough girl. Unlike her father, Bianca never let her tears shed in front of her mom. Bianca started cosplaying when she was in middle school but unknown to herself, she has cosplayed ever since she was a child.

One day while crying to herself on the rooftop of the hospital, Bianca was interrupted by a poke of a finger on her shoulders. She looked and then her eyes met a beautiful smile surrounded by a ray of sunshine. Her tearful eyes couldn't help but blink because of the brightness and when her eyes were used to it, she was surprised to see an angel beside her.

Bianca and Jerome first met when they were just fifteen years old. Both had the same faith when it came to their parents and it was the reason why they became close to each other. The two will spend their time on the hospital's rooftop. They will talk about a bunch of things, play a lot of games and share a lot of secrets.

Bianca knew that Jerome was practicing to become a priest but she didn't know when she started to have feelings for him. She was young and taught herself that it was just a phase. She restrained herself but it was really difficult and when she was about to confess it, Bianca's lips were stopped by Jerome's. It turned out that they both have the same feelings for each other.

Being young and both of their families facing a problem, the two hide their relationship from their parents. Jerome's enthusiasm for his study path declined and Sato noticed it. Bianca and Jerome hide their kisses, their hugs, their comforts, and also sorrows when both of their parents died. They were about to confess their relationship to their remaining parents but they didn't realize they were hiding so much they didn't notice a surprise ready for them.

Like them, both of their sorrowful parents found comfort with each other and decided to get married.

♦♦♦

"Psst." Napalingon ang nakatulalang si Bianca sa direksyon ng sitsit na narinig niya. It was Jerome hiding beside a wall. Napalingon si Bianca sa paligid at lahat ay busy na nakikinig sa Stray Catz. Kinumpas ni Jerome ang kaniyang kamay upang palapitin si Bianca na sinunod naman nito.

"What are you doing there?" nakangiting tanong ni Jerome.

"What are you doing here? I thought you were at the committee?" balik na tanong naman ni Bianca. Nakasimangot ang mukha niya.

Jerome giggled, which made Bianca's face more annoyed and her heart flutter at the same time.

"Well, the whole committee suggested that we should also enjoy ourselves that's why I'm here."

"Okay." Pumilig ng ulo si Bianca. Wala na siyang masabi pero gusto niyang usisain pa si Jerome. "You were with Arianne kanina, right?" Napakagat si Bianca sa labi niya. Hindi niya alam kung bakit iyon ang pinili niyang pag-usapan.

Jerome's eyes reacted, "Yup, why?" He asked innocently even though a conclusion was already made in his mind.

"Nothing," sagot ni Bianca na nagpangiti kay Jerome.

"Are you jealous?" tanong ni Jerome na tinapunan ng masamang tingin ni Bianca. Bianca groaned out of irritation. Aalis na sana siya pero napigilan siya nang sinabi ni Jerome.

"I found a vacant room."

Napataas ang kilay ni Bianca, "Ano naman?" yamot niyang tanong.

Jerome looks at the open field, glimpses at a couple of people who were enjoying their time then returned his brown eyes at Bianca's hard to not notice black orbs.

"We're having a beautiful night and there's beautiful music. I don't want to waste this moment." Jerome passionately gazed at Bianca.

"Can the star at least spend his time with his moon?" He smiled.

Bianca was surprised to the point that she couldn't express herself. Her blood rose to her face and Jerome noticed it. At that moment Jerome didn't need any oral confirmation because Bianca's reaction was enough to convey her answer.

Kinuha ni Jerome ang kamay ni Bianca at dinala ito sa silid na tinutukoy niya. Bianca was both happy and shocked. She knows that what they're going to do is wrong so she tried to at least stop Jerome to make herself feel right.

"Je-Jerome this is not right, we should not be doing this anymore..." sabi ni Bianca ng hindi tinitignan si Jerome.

Jerome didn't mind Bianca's words. Pinisil niya ang kamay ni Bianca na hawak niya saka hinila ito palapit sa kaniya upang yakapin. Kahit anong pilit pa ni Bianca na panatiliin ang kanyang huwisyo ay nagkandagulo na ito dahil sa pagalburoto ng puso niya.

"Je-"Bianca tried to communicate Jerome's name.

I don't know if it's because she wanted to stop him or maybe encourage him. Well, we will never know now because Jerome didn't let her finish and just sealed Bianca's lips with his.

The two again, after a long time shared a kiss emerging and syncing themselves to the music that is currently playing outside and also inside their hearts.

♦♦♦

Next chapter