webnovel

CHAPTER 37 – Joint Foundation Event Commencement

 

V3. CHAPTER 3 – Joint Foundation Event Commencement

ARIANNE'S POV

Malakas na pagputok ng mga kwitis ang umagaw ng atensyon ng lahat pagkapatak ng alas syete ng umaga. Kakapasok ko pa lamang sa SNGS pero andami ng tao mula sa NIA, ibang schools pati civilians. Alas otso magsisimula ang opening ceremony at dito sa open ground ng SNGS gaganapin iyon.

"Yay! Arianne!"

Napalingon ako kay Bianca bago sa dala niyang maleta.

"Gosh, I'm so excited Arianne! Ang daming tao!" Bianca exclaimed. Halos mabingi naman ang tenga ko sa lakas ng boses niya.

"Oo nga, ako rin excited. Ano pala 'yang mga dala mo?"

Iniangat ni Bianca ang maleta.

"Oh, ito ba?" she laughed, "Nagtahi kasi ako ng costume for this special event.

Mamaya susuotin ko, picture-an mo ko ha," she winked.

"Wow, sa dami mong ginawang damit nagka-time ka pa rin para gumawa ng isusuot mo," mangha kong reaksyon. Si Bianca kasi ang president ng Dressmaking/ Clothing club. Super busy nila dahil marami silang ginawan ng costume para sa event na ito pero kahit ganoon ay naisingit niya pa ring gumawa ng isusuot niya.

Didiretso na sana kami papasok nang mapansin namin dalawa ang ilang tao na naglingunan sa may labas ng gate. Sinundan namin ang tinitignan nila hanggang sa isang itim na limousine ang nadatnan namin.

Lumabas ang chauffeur nito at umikot para pagbuksan ang isang pinto ng sasakyan.

Lumabas si Pristine mula sa passenger's seat pero mukhang may kinakausap pa siya. I glanced inside and saw her mom. Nagkasalubong ang mga mata namin and then she smiled at me. I awkwardly smiled back.

"Arianne! Bianca!" tawag ni Pristine. I noticed how her face went from gloomy to bright nang makita niya kami. Umalis naman na ang limousine na sinakyan niya.

"Pristy!" natutuwang sambit ni Bianca saka binitawan ang hawak niyang maleta para salubungin ng mahigpit na yakap si Pristine.

"Girl! Where have you been? Ang tagal mong nawala miss na miss ka na namin! Sira ka hindi ka man lang nagti-text or nagme-message," sunod-sunod na sabi ni Bianca.

"Oo nga, nitawag wala. Hindi tuloy namin alam kung anong nangyari sayo lalo na't nawala ka noong Sabado. Buti na lang nasabi samin ni Miss Irene na okay ka lang," sabi ko naman at nginitian siya. Umalis siya sa pagkakayakap kay Bianca at tumungo naman sa akin.

"Sorry guys, hindi na ko nakapag-communicate sa inyo kasi agad-agad kami umalis. Mom and I flew to Japan actually,' paliwanag ni Pristine pagka-alis niya ng akap sa akin.

Nang marinig naman ni Bianca ang word na Japan ay parang nakarinig siya ng sigaw dahilan para mabilis siyang lumapit kay Pristine at agawin ang atensyon nito.

"Japan! You said JAPAN! As in J-A-P-A-N! gosh, Pristy! Anong ginawa mo roon? How's the weather? Pumunta ka ba sa Akihabara? Anong sinuot mo? Did you wear harajuku fashion? Um-attend ka ba ng Japan Comiket? Did you eat sushi? Teppanyaki? Authentic takoyaki? Taiyaki?" sunod-sunod niyang tanong habang niyuyugyog ang balikat ni Pristine.

"And most of all may pasalubong ba ako?!" Mangiyak-ngiyak na dugtong niya. I rolled my eyes at her quirkiness.

Bianca is an avid Japanese fan kaya ganoon siya kung maka-react. Makarinig lamang siya ng word related to that country ay bigla na lang siyang susulpot sa tabi mo. Humanda ka na lang dahil makikilala mo bigla sina Oda Nobunaga, Ieyasu Tokugawa, Hachiko, Sadako, Sumikko Gurashi, One OK Rock at iba pang figures na nanggaling sa bansang Japan.

"Of course, may pasalubong ako," Pristine giggled kasabay ang pagkumpas ng kaliwa niyang kamay. Napatitig ako sa kamay niyang iyon dahil napansin kong may kakaiba rito. Pristine doesn't like to wear any accessories especially sa kamay kaya nanibago ako nang makita ko ang isang singsing na nakasuot sa left ring finger niya.

"Bakit pala biglaan yung naging pagpunta niyo do'n and what did you do there?" tanong ko habang nakatingin sa singsing. Sa tingin ko'y purong ruby iyon kaya unique.

Pristine smiled at me, a gloomy smile before she answered my question, "Ah, it's a long story. Ikikwento ko na lang sa inyo mamaya."

Pagkatapos ng usapan naming iyon ay pinatawag si Pristine ng JFE Committee. Though matagal na namang napagplanuhan kung ano ang mga gagawin ay kailangan pa rin i-clear sa kaniya ang ilang bagay para maging smooth ang flow ng gaganaping event. Samantala ay pumunta muna kami ni Bianca sa classroom namin. Pinamahagi niya ang ilang costume na natahi niya para sa horror booth namin.

"O ito sayo Aya."

Inabutan niya ako ng hair band na may patalim at hawakan ng kutsilyo sa magkabilang dulo. Binigyan rin ako ni Bianca ng apat na pangil na sinusuot sa ngipin.

"Ano 'to? Sabi ko di ba di na ako magko-costume kasi sa may entrance lang naman ako," reklamo ko at mahina niya akong tinapik sa balikat.

"Ano ka ba girl, alam ko namang alam mo sa sarili mo na nakakatakot ka talaga minsan pero magpaka-discreet ka naman uy! I'll do you a favor na nga o, binigay ko 'yan sayo para kahit papa'no may dahilan kung bakit ka magiging nakakatakot talaga," saad niya sabay halakhak. Sinamaan ko siya ng tingin para tumigil siya.

"See? So scary haha!"

Lumabas ako ng room upang dumalaw muna sa Art Club na nasa 1st floor. May apat na academic building sa eskwelahan namin. Para sa elementary ang dalawa, habang para sa middle at senior high naman ang natira. Lahat ng club rooms ay nasa 1st floor ng bawat building at mga classrooms naman per level ang mga nasa sumunod na floor. Sa pinakahuling floor ay makikita naman ang faculty, at headmaster's office.

Habang pababa ako mula 4th floor ay nagkasalubong kami ni Natalie. Hawak-hawak niya ang isang prince costume. Sa pagkakaalam ko'y isang play ang ipi-present ng section nila at siya ang gaganap na prince ni sleeping beauty.

Nagkatinginan kaming dalawa pero walang reaksyon na nabuo sa mukha niya. Inalis niya ang tingin sa akin habang ako nama'y napayuko at nagpatuloy na lang maglakad.

ALDRED'S POV

Maaga akong umalis ng bahay. Hindi ko na nihintay pa si Arianne dahil ayoko namang pagmadaliin siya. Kailangan ko kasing tumulong mag-set up ng café ng klase namin na itatayo sa street na nidaraanan namin palagi ni Arianne.

Nitong nagdaang sabado at linggo ay wala akong ginawa kundi tumitig lang sa aking cellphone. Hindi kasi ako makapaniwala na ni-text at nitawagan ako ni Arianne kaya't paulit-ulit kong binabasa ang message niya at inulit-ulit pakinggan ang ni-record ko na tawag niya.

Hindi ako pala-labas ng kwarto pero dahil sa palaging nasa sala si Arianne ay madalas na rin akong nandoon. Gusto ko sana siyang kausapin, tanungin kung anong favorite color niya, favorite music, favorite food, favorite fruit, favorite show etc. pero hindi ko magawa dahil busy siya sa pagbabasa ng mga libro. Kinuha ko na lamang ang aking 3ds para maglaro sa tapat niya upang kahit papaano'y makasulyap ako sa maganda niyang mukha.

Si Arianne ang nagluto ng tanghalian noong sabado at nakita ko ang gulat sa parehong mata ni Mama at Monique ng kainin ko ang pinakbet na ginawa ni Arianne.

"May problema po ba?" tanong ko na nagpangiti kay Mama. Nagdududang mga mata naman ni Monique ang sumagot sa akin pero hindi naman na nila ko nikwestyon pa sa biglaang pagkain ko ng gulay. Nginitian ko si Arianne at lumihis naman siya ng tingin.

Noong linggo naman ay nagsimba kaming apat. Sinuot ko ang isa sa pinaka-cool ko na damit at inayos ng maigi ang aking sarili upang maging presentable ako sa paningin ni Arianne… at syempre ni God! Pagkalabas ko ng kwarto ay sakto naman na lumabas rin siya sa kanyang silid at nagkatinginan kaming dalawa.

Napa-korteng O ang bibig ko noong makita ko ang simple pero malakas ang dating na ayos ni Arianne. Naka-white longsleeved shirt lang siya tucked in to high-waisted jeans at saka pair of sneakers. Napansin ko naman ang pagtitig niya sa akin bago lumikot ang mga mata niya sa ibang direksyon.

Iniwasan kong tabihan si Arianne sa loob ng simbahan. Baka kasi kung anu-ano pang maisip ko at nakakahiya iyon dahil nasa pook dasalan kami. Nagdasal na lang ako sa Panginoon na sana ay maintindihan na ni Arianne ang pag-ibig ko sa kaniya.

♦♦♦

Ilang hikab na ang nagagawa ko habang naglalakad. Mag-aalasais pa lang pero napakarami ng tao sa paligid. Pagdating ko sa booth namin ay naroon na si Carlo.

"Good morning, Al," bati niya sabay taas ng palad. Inapiran ko siya bilang tugon.

"Good morning din, Carlo," tugon ko sabay upo sa bakanteng upuan. Yumuko ako at pumikit pero di ko na rin magawang umidlip dahil sa ingay. Marami na rin kasing estudyanteng nag-aayos kahit sobrang aga pa.

"O costume mo."

Humihikab ako ng saktong batuhin ako ni Carlo ng plastic sa mukha.

Anak ng!

I darted him a look before turning my eyes on the plastic bag. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang itim na tela.

"Café Prince" ang theme ng booth namin. Lahat ng klase ng prince mula sa European Prince, Arabian Prince, Korean Prince, Little Prince at Frog Prince ay makikita mo sa café na ginawa namin.

Inilabas ko ang itim na tela at isa pala itong kapa. Kinuha ko pa ang mga nasa loob at may medallion, shirt, vest at pants pa.

Oo nga pala, ako nga pala ang Vampire Prince...

Tumayo ako at sinimulan na namin ang pagtatayo ng booth. Mga isang oras din ang ginugol namin dito. Dahil sa pagod ay nagpahinga muna ang lahat ng kaklase ko pati ako. Pumunta ako sa isang sulok at doon humiga.

Nakatulog ako at nagising nang aking marinig ang isang malakas na tunog ng bell. Pagbangon ko ay gising na rin pala ang aking mga kaklase. Nakaramdam ako ng tapik mula kay Carlo.

"Wake up sleepyhead," aniya. Napakusot ako ng mata.

"Uy yung laway din," dagdag niya dahilan upang madali kong pinunasan ang aking bibig. Biglang tumawa si Carlo.

"Just kidding," sabi niya kaya't nisingkitan ko siya ng tingin.

Inaya niya na akong pumunta ng SNGS. Doon kasi gaganapin ang opening ceremony ng event.

NO ONE'S POV

Lahat ng estudyante at staff ng St. North Girl School at Northern Integrated Academy ay pumunta sa open grounds ng SNGS matapos marinig ang pag-tunog ng bell pagpatak ng alas-otso ng umaga. Malaki ang open ground ng SNGS kaya't dito ang napiling ganapin ang panimula ng event. Maswerte nga sila dahil natakpan ng mga ulap ang pagsikat ng araw at naging malilim ang paligid.

Kagaya ng normal na panimulain ay tumugtog ang Lupang Hinirang at sinambit ang mga panata. Naging mataimtim naman ang panalangin at sinundan ito ng doxology. Matapos ang mga pagtatanghal ay tinawag si Pristine na representative ng SNGS para sa isang speech.

  "...I hope that as we cherish this moment, each of us will also learn the meaning of cooperation created by joining hands with one another. May this event be a door for each of us to open up to new, unforgettable experiences, friendships, and learning opportunities,"  bahagi ng speech ni Pristine. Halos lahat naman ng estudyante ay di maika-ila ang paghanga hindi lamang sa angking ganda niya kundi pati na rin sa kilos, postura at laman ng kaniyang sinabi.

Kasabay ng palakpakan ay bumaba na ng stage si Pristine. Tumungo siya sa unang row kung saan nakapwesto ang mga magiging punong abala sa event na galing sa SNGS at nakitayo roon. Katabi ni Pristine si Charlotte at Eunice habang kalinya naman nila si Bianca na president ng Clothing club, Natalie na representative ng Music club, Noreen na isa mga representative ng Journalism club at iba pa.

Sunod na umakyat si Jerome at kasabay nang pag-akyat niya ay ang mga impit na tili ng mga kababaihang estudyante.

"What the hell is wrong with these girls?" naiirita na tanong ni Natalie nang mapansin ang reaksyon ng ilan, lalo na ang reaksyon ng mga schoolmates niya.

"Gwapo kasi siya Nat, in fact he was dubbed as NIA's Prince Charming di ba Bianca?" Parang nabigla na napalingon si Bianca kay Noreen at wala sa sariling napatango.

"Hayaan mo na Nat, minsan lang kasi makakita yung mga ka-schoolmates natin ng gwapo..." sabi ni Noreen saka ini-adjust ang lens ng mamahalin niyang professional camera.

"Tsk," reaksyon naman ni Natalie dahilan para mapabungisngis si Noreen. Sunod ay iinutok niya ang kaniyang camera sa stage saka pinindot ang shutter button.

"Baka nga kung si Aldred ang umakyat dyan e maging isa ka rin sa kanila," saad ni

Noreen dahilan para bahagyang mamula ang pisngi ng kausap niya. Pinanlisikan siya ng tingin ni Natalie.

"Huh, ang bababaw... I hate both of them, Jerome and that Aldred. I despised them. They're both trying to steal Arianne away from me," bagot na sabi naman ni Pristine dahilan para lumingon ang lima sa kaniya. Pagkatapos nila siyang tignan ay hinagilap nila kung nasaan si Arianne kaya't nakita nila at kitang-kita nila sa mukha nito ang saya at ngiti habang nakatingin kay Jerome.

"May we all have a prosperous day ahead as we celebrate this moment of cooperation, teamwork, and friendship. Thank you." Huling mensahe ni Jerome bago siya bumaba sa stage.

Nagpalakpakan ang lahat at nakita rin nila Pristine kung paano makapalakpak si Arianne kay Jerome.

"Is this for real?" Hindi makapaniwalang tanong ni Noreen. Nabitawan niya pa ang kaniyang camera. Mabuti na lamang ay nakakwintas ang tali nito sa leeg niya.

"Does Arianne like that Jerome?" tanong ni Natalie na umagaw ng atensyon ni Noreen at Bianca.

"She has a crush on him," pagkumpirma ni Bianca. Pansin ni Noreen ang paghigpit ng ekspresyon niya.

Naklangisi si Noreen dahil sa reaksyon ni Bianca hanggang sa mapabuntong hininga naman siya nang magsalita muli si Natalie.

"I see,"

Napalingon si Noreen sa kaniyang kaibigan. Matipid kung tutuusin ang reaksyon ni Natalie ngunit makikita sa mata niya ang kalakip nitong emosyon.

Binaling ni Noreen ang kaniyang atensyon sa direksyon ni Arianne. Iniangat niya ang kaniyang camera saka tinutok ang kaniyang mata sa view finder bago pumindot sa shutter button.

"Ah, the girl who is unintentionally making hearts confused."

Pagkatapos titigan sa kaniyang camera ang larawang kaniyang kinuha ay maloko niyang tinignan si Bianca.

"How about you Biancs? Do you hate Jerome - I mean your step-brother too?" tanong ni Noreen na parang may nais ipahiwatig.

Nainis si Bianca sa tanong dahilan para magsimangot siya, "Sira, ano naman ang dahilan para magalit ako sa kaniya?"

Tumawa si Noreen, "How about si Arianne? Hindi ka ba magagalit sa kaniya?"

Mula sa inis ay nagdilim agad ang mukha ni Bianca. Yung singkit niyang mga mata ay naghatid ng malamig na atmospera kay Noreen.

"May gusto ka bang sabihin Noreen?" Tanong ni Bianca, wala ang kaniyang usual na masaya na tono.

"Woah, easy girl! Di ka naman mabiro," natatawang sambit ni Noreen nang masaksihan kung paano ang naging reaksyon ni Bianca. It's rare for Bianca to lose her cool.

Sunod ay tumungo na sa stage ang nagmamay-ari ng parehong eskwelahan, si Madam Victoria Vicereal, ang lola ni Pristine at Natalie. Naging sobrang tahimik habang umaandar ang electrical wheelchair nito papunta sa gitna at nang magsimula na siyang magbigay ng speech ay tila ang hangin ay di rin naka-ihip.

Saglit lamang ang naging speech ng dating CEO ng Vicereal Group of Companies at pagkatapos na pagkatapos nito ay isa-isa muling nagputukan ang mga kwitis. Hudyat na opisyal ng simula ang Joint Foundation Event ng St. North Girls School at Northern Integrated Academy.

♦♦♦ 

Next chapter