webnovel

LOVE CONNECTION VOLUME II

Dahil sa naganap na lindol at ang naging epekto nito sa kanilang mga gusali, minabuti ng pamunuan ng St. North Girls School na paalisin muna sa kanilang mga dormitoryo ang kanilang mga estudyante. Si Arianne Mari Fernandez, isang graduating senior high student sa naturang paaralan ay agad ipinagbigay alam ang pangyayari sa kaniyang ina. Makailang araw ay nakatanggap siya ng suhestyon mula rito na tumira muna siya sa matalik nitong kaibigan. Dahil sa wala namang mapagpipilian ay sumunod si Arianne.

Sabado ng gabi, kasama si Pristine Noelle Vicereal na kaniyang bestfriend at ang mga bodyguards nito ay tumungo sila sa pamamahay ng nagngangalang Cecilia Cuzon, ang kaibigan na tinutukoy ng kaniyang ina. Hindi man napagtanto noong unang marinig ang ngalan ay agad nangwestyon si Arianne nang makarinig ng pamilyar na tinig sa gate ng pamamahay nito.

Imposible sa isip-isip niya pero hindi siya maaring magkamali ayon sa utak niya. Mabilis na tumibok ang puso ni Arianne. Kinabahan siya at lumunok ng matindi. Saglit ang lumipas at lumitaw sa kaniyang harapan ang kasalukuyang tao na kinasusuklaman niya. 

Next chapter