webnovel

CHAPTER 34 – Today is Cloudy

 

CHAPTER 17 – Today is Cloudy

ALDRED'S POV

"Ito na ba yung langit?" tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang kumpol-kumpol na ulap na nakapaligid sa akin. Pink, blue, orange, yellow, etc. Iba-iba ang kulay nila at para silang mga cotton candy... malalambot.

Malambot parang katulad ng nakapatong sa puson ko…

Napamulat ako bigla at tumambad sa akin ang ulo ni Arianne na nakapatong sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit nakaganoon ang posisyon niya. Balak ko rin sanang magsalita upang maagaw ang kaniyang atensyon pero pinigilan ko ang aking sarili. Sa totoo kasi ay nage-enjoy ako.

Sinundan ko ang kaniyang mga kamay at nakaakap pala siya sa akin.

"Yas! Na-realized niya na kaya na mahal niya ako? Teka a! Baka panaginip nanaman 'to gaya nung malalambot na cotton candy?!"

Bigla akong naalarma. Iniangat ko ang aking kaliwang kamay at aktong hihimasin sana ang ulo niya ng biglang may pumasok sa utak ko.

"Sandali, kung yung ulo niya yung nasa dibdib ko ibig sabihin lang... ibig sabihin yung malalambot! WAHHH!"

Bigla ay hindi ako makahinga ng ma-realized ko kung ano pang parte ng katawan ni Arianne ang nakapatong sa akin. Marahan kong iniangat ang puson ko upang mas maramdaman ko pa ang dibdib niya. Dahil doon ay papunta na ata talaga ako sa langit. Malapit na ata kasi akong malagutan ng hininga!

Balak kong ituloy ang paghawak sa ulo niya. Ito lamang kasi ang paraan upang ma-check ko kung nasa panaginip pa ba ako o nasa realidad na. Hahawakan ko na sana siya ng biglang may lalaking sumulpot sa kaniyang likuran. Balak niyang hawakan si Arianne kaya napaigtad ako at biglang nasapak ang lalaki.

"A—Aldred," reaksyon ni Arianne habang may pagkabalisang nakatitig sa akin. Pansin ko ang luha sa kaniyang mga mata na lubos na nakapag-alala sa akin.

"It's okay now, don't worry. Stop crying," alo ko ng haltakin ko siya't itutok ang kaniyang mukha sa akin. Marahan naman siyang tumatango habang pinupunasan ko ng aking mga daliri ang luha niya. Niyakap ko si Arianne ng mahigpit at habang nasa mga braso ko siya ay ramdam ko ang kaba niya.

Napalingon ako sa paligid at naalala ko na kung bakit ako nakahandusay. Tinignan ko yung dalawang kakilala ni Arianne at pareho silang may kinakalaban. Napabaling ako ng tingin kay Natalie at ngayon ko lang nalaman na hindi lang pala fashion at make-ups ang alam niya. Napansin ko rin ang ilan sa mga gangster na nakahandusay at namimilipit sa sakit. Lahat sila ay masamang nakatingin kay Arianne.

"Arianne," sambit ko. Nang humarap siya sa akin ay medyo gumalaw ang buong katawan niya at doon ko lamang napansin kung ano ang posisyon namin.

Jusmiyo!

Nalunok ko ata lahat ng laway na nakaipon sa aking lalamunan. She is sitting on my lap at mukhang hindi niya iyon alintana.

"Ehem, ehem," reaksyon ko na lang upang mapalis kung ano mang kaberdehan ang mamuo sa aking utak. Inakay ko na siya patayo pero mukhang wala pa rin siya sa kaniyang sarili. Puno pa rin ng pag-aalala ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"Hey, I'm already okay na. Tignan mo," Ginalaw-galaw ko ang likod ko, "Wala nga akong nararamdaman na sakit o."

Kumagat siya sa kaniyang labi.

"It was just a lucky smash kaya bumulagta ako," paninigurado ko sa kaniya kasabay naman ang paggalaw-galaw ng aking ulo. Mukha namang gumana iyon dahil nabura na ang pag-aalala niya.

"Magtago ka na Arianne, ako na bahala dito. Ako na bahala kay Natalie," sabi ko ngunit mukhang huli na ang lahat. Nakita na lamang kasi namin na nasa harapan na ni Natalie yung lider ng mga gangster.

"MGA PESTE KAYO! MGA TANGA BA KAYO? MGA LAMPA! LIMANG BATA LANG MGA KALABAN AT HALOS BABAE PA TAPOS DI NIYO MATALO-TALO," bulyaw ng lalaking may bukol saka iniharap ang nanggigigil na mukha kay Natalie.

"Ikaw blondie, ngayon wala akong pakialam kung babae ka. Matapang ka at mahusay dahil napataob mo yung ilan sa mga alaga ko kaya ikaw babae ang ipapakita ko sa mga lampang 'yan para matuto sila at malaman nila na wala kaming sinisino!"

Mabilis akong tumakbo kay Natalie upang maiiwas sana siya sa malaking palad na sasampal sa kaniya pero mukhang hindi na ako makakaabot. Akala ko ay tuluyan na siyang aabutan noon pero parang may himala ng dumating ang isang lalaki at pinigilan ang gang leader sa kaniyang balak.

NO ONE'S POV

Na-stun si Natalie at tipong napako sa kaniyang kinatatayuan nang ang gang leader na ng kaaway nila ang humarap sa kaniya. Akala niya'y masisira na ang pinakaiingatan niyang mukha pero isang lalaki ang sumulpot sa kaniyang harapan at mariing hinawakan at pinilipit ang braso ng lalaking mananakit sa kaniya.

"AAAAHH! PUTANG-INA!" Namimilipit na daing ng gang leader, "Si—sino ka naman at—" Biglang nahinto ang lalaki at namutla noong magtama ang paningin nila ng lalaking biglaan na lamang na sumulpot. Lahat ng mga kasama niya ay nanginginig na nagsipaglayuan at agad nagtakbuhan.

"Cob-Cob!" galak na bati ni Felicity at agad na lumapit sa lalaki. Binitawan ng lalaki ang gang leader at tinignan ito ng masama. Nanginginig itong humingi ng tawad at agad ding tumakbo paalis.

"Are you alright, Miss?" tanong ng lalaki. Nanaig ang malalim nitong boses sa pandinig ni Natalie kaya't hindi siya naka-react kagad. Tinignan niya ng maigi ang lalaki at napataas ang kilay niya sa itsura nito.

Tall and lanky, pale skin, black mohawk hair and black orbs. Nakadagdag pa sa pagiging weirdo niya ay ang pormahang itim, tadtad na piercings sa tenga at labi. Hindi rin nakaligtas kay Natalie ang piercing nito sa dila. Para siyang bampirang punkista sa isip-isip niya.

"Yes, t—thank you so much," aniya sabay lingon kay Arianne ng lumapit ito.

"Are you really okay, Nat?" nagaalalang tanong ni Arianne na agad niyang tinanguan.

"Yay! Buti na lang dumating si Cob-Cob namin. Tignan niyo nagtakbuhan lahat sila. Mukha pa lang kasi nito mangmu-murder na e," ani ni Felice saka inakbayan ang tinawag niyang Cob-Cob. Hindi naman ito umimik.

WANG!WANG!WANG!

Napalingon sila sa isa't-isa noong makarinig ng sirena. Napabuga naman ng hangin si Felicity, "Hay, kung kailan tapos na," bulong niya.

"Miss Arianne, Miss Natalie and Aldred, pasensya na kung nadamay kayo sa gulo namin. Humihingi kami ng tawad," pagpapaumanhin ni Enrico sabay hinatak si Felicity at iniyuko rin ang ulo nito.

"Kung magkaroon ng problema lalo na sa iyo Aldred, kontakin niyo lang ang student council namin. Tutulong siya ka agad sa inyo," pahayag ni Enrico sabay turo kay Felicity.

"Hoy, bakit ako?" naka-pout na tanong ni Felicity na agad namang pinatamaan ni Enrico ng matalim na tingin.

"Mabuti pa mauna na kayo Miss Arianne, ikaw din Jacoby, kami na ang bahala na sumagot sa lahat ng tanong nila dito."

♦♦♦

Ala-sais na ng lumabas ng Central Amusement Park sina Arianne. Pasakay na sila ng jeep nang makaramdam naman si Aldred ng matinding uhaw. Hindi na rin kasi nila nagawang inumin ang mga binili ni Arianne at nagsilbi na lang itong debri ng pangyayari kanina.

Pumasok sila sa isang convenience store at binigyan ni Arianne si Aldred ng pambili. Habang hinihintay ito ay umupo muna sila ni Natalie.

Napabuntong hininga si Arianne, parehas silang tatlo ay pagod na pagod. Maraming masasayang nangyari noong umaga at di naman nila inaasahan ang nangyari kanina.

"Is he really that scary for them to just run away?" nagtatakang tanong ni Natalie.

Saglit namang napatitig lang sa kaniya si Arianne bago ito marahang tumango, "Scary not, weird, yes?"

"Hey a, ang cool niya kaya! Petmalu kaya ng piercings niya. Siguro member siya ng banda," sabi ni Aldred saka inilapag sa table yung binili niya para kay Arianne at Natalie - orange juice at yogurt juice. Kahit na maluwag sa tabi ng dalawa ay humila si Aldred ng upuan at umupo sa harapan nila.

Saglit na nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Parehong kinuha ni Aldred at Arianne ang kani-kanilang cellphone habang seryoso namang nakapangalumbaba si Natalie na tila may iniisip.

"Are you okay Nat? Did you not enjoy the day?" worried na tanong ni Arianne nang mapansin ang pananahimik ni Natalie. Agad naman itong napalingon sa kaniya at ngumiti.

"Pasensya na Arianne, hindi ko lang kasi makuha kung bakit sila natakot doon sa tinawag ni Felicity na Cob-Cob," tugon ni Natalie.

"Sabagay, pero kasi di ba parang ang unusual niya? Malay mo, may hidden personality pala siya like anak pala siya ng maimpluwensiyang pamilya, underground fighter, mafia prince, agent o..."

"Or he is really the leader of the Dragon Fang Gang like those in novels and dramas!" Pagdugtong ni Aldred. Natatawa namang tumango si Arianne.

Napangisi si Natalie sa idea, "Siguro nga," pagsang-ayon niya, "Anyway, I really enjoy this day. Parang rollercoaster ride yung bawat pangyayari. One of the most memorable days, thanks to the both of you."

Balak lang sana nilang ubusin ang mga inumin nila at aalis na pero malakas na tumunog ang tiyan ni Aldred. Nahihiya itong ngumiti ng tumingin kay Arianne na sinuklian naman siya ng paniningkit ng mata.

"Oh! Isang siopao lang a," sabi niya pagkaabot ng singkwenta.

Masaya itong kinuha ni Aldred.

Lumabas ang dalawa ng convenience store habang naiwang bumibili si Aldred. May nais sanang itanong si Arianne kay Natalie pero naagaw ang atensyon nito nang tumunog ang kaniyang cellphone.

"Hello? Irene, what is it?"

"Miss, do you know where Miss Pristine is?" nagaalalang tanong galing sa kabilang linya.

"Wha—What? I don't know. Wait! She is supposed to be just there, right?!"

Napansin ni Arianne ang pagkabigla sa reaksyon ni Natalie. Kilala niya si Miss Irene na head bodyguard ni Pristine kaya't nakaramdam siya ng pag-alala sa kung anong dahilan kung bakit ito napatawag.

"Apparently... but she managed to escape us. Huli na noong malaman namin at ngayon hindi pa siya umuuwi. Ayaw ng komosyon ni Madam Veronica kaya't si Mang Lino at Kuya Robert lang yung naghahanap ngayon. Huli siyang nakita sa Central Mall na naglalaro kasama ang isang lalaki. Hindi rin namin siya ma-contact."

"With some guy? Are you kidding? Hindi ba nakilala kung sino 'yon and... and," Namutla bigla ang kulay ni Natalie, "you mentioned her, is she already there?"

Napuno ng pag-alala si Arianne nang mapagtanto niya na nawawala si Pristine at may kasama raw itong isang lalaki. Kinabahan siya ng makita niya kung paano biglang mabalot ng takot si Natalie.

"Yes Miss, kaya pakiusap umuwi na po kayo para kahit papaano mahimasmasan si Madam."

Napakagat ng labi si Natalie.

"Don't make fun of me Irene, tell her uuwi ako kung anong oras at kailan ko gusto. Anyway, I will try my best to reach Pristy, bye."

Nasaksihan ni Arianne kung paano maglungkot bigla si Natalie nang banggitin nito ang huling pangungusap.

"May problema ba?" tanong ni Aldred pagkalabas niya ng convenience store at ng maabutan ang reaksyon dalawa. Sakto naman na ibaba na ni Natalie ang kaniyang cellphone. Nahihiya siyang lumingon kay Aldred.

"Y—Yes, A—Aldred pwede bang makitulog muna sa inyo?"

♦♦♦

"Did we manage to lost them?" tanong ni Pristine habang nakayuko at humahangos ng hininga. Lumingon siya sa kaniyang likod at nasalubong niya ang seryoso na tingin ni Charles.

"Why are you hiding from them?" tanong ni Charles.

Tumindig si Pristine.

Balak sana ni Charles na dalhin si Pristine sa Central Amusement Park nang mapansin niya na tila may nakasunod sa kanila. Agad nakilala ni Pristine ang kaniyang mga bodyguards kaya't madali siyang tumakbo na sinundan naman ni Charles. Tumigil sila nang makarating sa may parking lot ng Central Mall.

Hindi sumagot si Pristine sa halip ay iniba lang nito ang usapan.

"I bet you're already done with me, right? Siguro naman pwede mo na akong iwan," saad ni Pristine.

Katulad ng nalalapit na pagtakipsilim ang puminta sa mukha ni Charles noong marinig niya ang sinabi ni Pristine.

"Are you not going to tell me the truth?"

Hindi natinag si Pristine. Siningkitan lamang niya ng tingin si Charles bago magbalak na umalis na pero agad din siya nitong napigilan.

"At saan mo naman balak pumunta?"

Mahigpit na hinawakan ni Charles ang pulso ni Pristine saka hinaltak niya ito palapit sa kaniya.

Tumawa si Charles, "Huh, you have nowhere to go. You're a sheltered bitch afterall, wala ka namang kaibigan maliban kina Arianne at Bianca."

Sinubukang kumawala ni Pristine kay Charles pero mas lalo lang siya nitong pinahirapan. Nagngitngit siya dahil sa inis at bigla na lang naluha dahil sa katotohanang sinabi ni Charles.

"Then I will go to Bianca."

"You won't, you don't want to disturb her."

"Then I will, to Arianne."

"You will not, you don't want her to know. You don't want her to get involved," saad ni Charles ng may blangkong ekspresyon. Inilapat niya ang isang kamay niya sa pisngi ni Pristine saka marahan itong hinawakan.

"You might be surrounded by a lot of people— socialites, bodyguards, maids, fans, friends, and family yet you will always be alone. How pitiful," humagikgik si Charles.

Hindi na-control ni Pristine ang emosyon niya. Bigla na lamang siyang napaluhod nang pumasok sa utak niya ang mga sinabi ni Charles. Hinayaan naman siya ni Charles na bumagsak at mapaupo sa sahig ng hindi parin binibitawan ang kaniyang pulso. Lumuhod si Charles gamit ang isang tuhod niya't inilipat ang kamay na kaninang nasa pisngi ni Pristine patungo sa baba nito para iangat ang mukha niya.

"You'll come with me or I will make you caught here?"

Napalunok si Pristine sa madilim na tingin ni Charles.

"Why are you doing this to me? Hindi kita maintindihan. I am the reason why you're hurt; I am the reason why you lost your dad and her. I know that you hate me so much. You want to hurt me, right? You want to punish me? Hindi pa ba sapat yung pagbasahan mo sa akin noon? Hindi ka pa ba masaya sa kakahinatnan ko ngayon?"

"Hindi pa," tanging tugon ni Charles bago ilapat ang labi niya sa labi ni Pristine.

Nagulat si Pristine pero mabilis niya ring naalis ang labi niya sa labi ni Charles. Lumayo siya kay Charles na nakapagpa-irita naman dito. Sa inis niya ay bigla na lamang nandilim ang paningin niya. Nakita na lamang ni Charles ang sarili na nagamit niya ang kamao niya patungo sa puson ni Pristine. Nakita ni Pristine ang biglaang pagkabalisa ni Charles bago siya mawalan ng malay.

END OF VOLUME II

♦♦♦ 

Next chapter