webnovel

CHAPTER 11 – Open Sesame!

CHAPTER 11 – Open Sesame!

ALDRED'S POV

"So, Mr. Chairman, ikaw na ang bahalang makipagusap sa kanila."

Matapos sabihin ni Ryan iyon kay Jerome ay ini-dismiss na niya ang meeting. Unti-unting nag-alisan ang mga nakasama namin sa meeting room. Nang tumagal ay tanging si Jerome at ako na lamang ang natira sa loob.

Kakatapos lamang ng pagpupulong para sa botohan kung sino ang uupong chairman para sa gaganaping joint foundation event next month. Hindi ako active sa mga ganitong bagay pero bilang vice president ng klase namin ay kailangan kong samahan ang aming president, si Jerome.

Nang umalis na ang mga nasa tabi ni Jerome ay agad akong lumapit sa kaniya. Medyo busy siya at maraming papel na inaayos. Siya kasi ang napili na maging chairman para sa event.

Maraming babae sa committee, gwapo si Jerome, matalino at mabait pa pero hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit siya napili. Kilala siya sa school bilang masipag at responsable, disiplinado, good listener – masasabi kong qualities ng isang good leader. Marami siyang fans hindi lamang dito sa school pati na rin sa bahay namin. Gustong-gusto siya ni mama pati na rin ni Monique, ang kapatid ko. Kung ikukumpara nga raw ayon kay Monique ay kabaligtaran namin ni Carlo si Jerome. Gentleman at responsible raw kasi ito.

"Bale pupunta pala ngayon dito yung council ng St.North," pahaging ko. Sumandal ako sa table kung saan nakalagay ang mga papel na inaayos ni Jerome.

"Yup, ayon kay Pres," tugon ni Jerome.

Marahan akong napatango. Sunod ay umupo ako sa table. Napaisip ako saglit at pagkalingon ko kay Jerome ay nakahinto siya sa kaniyang ginagawa at nakatitig sa akin.

"Bakit Al?" tanong niya sabay ngiti. Maloko niya kong tinignan bago siya nagsalita, "Malay mo kasama siya," nakangiti niyang dugtong.

Pfft. Napanguso ako. Tumawa siya bago bumalik sa kaniyang ginagawa.

Ayokong istorbohin si Jerome kaya nilibang ko na lamang ang aking sarili. Humugot ako sa bulsa at kinuha ang isang pakete ng nerds. Hinagis ko ang bawat piraso nito sa ere para sunod namang saluhin ng aking bibig. Nakailang ulit ko 'yon ginawa hanggang sa ma-out of focus ako nang biglang mag-pop out sa aking diwa ang galit na mukha ni Arianne.

Anak ng tokwa!

Napasinga ako ng ilang ulit bago ko nailabas ang pesteng nerd na 'yon sa ilong ko.

"Anong ginagawa mo?" nakangising tanong sa akin ni Jerome. Tinitignan niya ako na para bang nanunuod ng isang live na gag show.

"Naisip ko na ang normal kung kakainin ko 'tong nerds ng ganun-gano'n lang kaya naisipan kong bigyan ng twist," proud kong tugon sabay irap. Nahagip ng mata ko ang pagbungisngis ni Jerome. Umiling pa siya ng ilang ulit.

"Well Al, kahit anong twist gawin mo bibig pa rin ang ginagamit sa pagkain o baka naman..." Masinsinan akong tinignan ni Jerome, "Nag e-eksperemento ka ng bagong flavor," sabi niya sabay halakhak.

Agad ay na-imagine ko ang ibig niyang sabihin.

"Yuck! Pwe! Pwe! Hell, I'll do that!" depensa ko.

Nitong nakaraang araw ay gulong-gulo ang utak ko. Para bang minumulto ako ng aking konsensya dahilan para mag-search pa ako sa net at sumangguni sa mga advice doon kung paano hihingi ng tawad. Ayon sa nabasa kong article at kagaya ng nisabi nila Carlo at Jerome ay ang importante ay sincere at galing sa puso.

Nagmuni-muni ako, inobserbahan ang paligid at nag-isip.

"Ano... Je, sa tingin mo... sasama kaya siya?" Hindi ko na napigilang itanong, "Pero kung pupunta man siya ngayon parang hindi ko alam yung gagawin ko. Parang ang kapal naman ng mukha ko na magpakita sa kaniya."

Pagkatapos kong magsalita ay saka ko na lamang napansin na nakapangalumbaba na ako at naka-pout pa. Agad akong umayos dahil ayokong bigyan ng meaning ni Jerome ang expression ko.

Tinapik ako ni Jerome sa balikat at nginisian ng matapos siya sa kaniyang nigagawa.

Shit.

Lumabas na kami ni Jerome. Patungo na kami sa aming classroom nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko. Naagaw ang atensyon namin. Agad kong dinukot sa aking bulsa ang cellphone saka sinagot ang tawag.

"Hello, Sir Roel, Ok po. Sige po, pupunta ako."

Si Sir Roel ang tumawag at pinapapunta niya ako sa agency para sa isang bagong project. Wrong timing dahil gusto ko sana makita si Arianne kung sakali, pero siguro mabuti na rin na umalis. Gaya ng sabi ko ay di ko rin naman alam pa ang gagawin kung sakaling magkita kami.

ARIANNE'S POV

"So Pristine... what was that? Epekto raw ba 'yon ng lindol?"

"Probably, that's what they said. Anyway, we are not yet allowed to go to the dorms right now. Ba't di ka na lang kaya sumama sa'min? Wala rin naman kayong club meeting di ba?" Pristine asked with a smile on her face, expecting to get a positive answer.

"Nah, ayoko," mabilis kong sagot.

Kakatapos lamang ng klase namin at kasalukuyan kaming naglalakad ni Pristine sa may hallway. Maraming estudyante ang nakakalat sa school kahit oras na ng uwian. Kasalukuyan din kasing may inspection sa bawat dorms.

Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang mapayuko. Nararamdaman ko kasi ang titig ng ilang mga mata sa'kin at alam ko ang dahilan.

Pagpasok namin ni Pristine ng school kanina ay madali kaming sinalubong ni Bianca. Alalang-alala niyang sinabi sa'kin na alam na ng buong school na ako yung bida sa rumor. Hindi namin alam kung paano pero siguro nga, meron talagang estudyante na nakakita sa amin ni Aldred.

Kinuha ni Pristine ang kanang kamay ko, "Don't mind them," aniya habang nakatingin sa akin ng maigi. Her eyes show comfort.

I sighed, "Hindi naman sa totoo yung rumor or what pero ano na lang iisipin nila kapag pumunta ako sa school ng guy na 'yon? Si Bianca na lang isama mo," I insist.

Binitawan ni Pristine ang kamay ko at bigla na lamang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Alam ko na nagpapaawa lang siya para mapilit ako kaya hindi ko siya binigyan ng pansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang naiwan siyang nakatigil.

Makailang hakbang ay tumigil ako ng wala akong maramdaman na sumusunod sa'kin. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Pristine na kinakausap ang pader habang pumipindot-pindot doon.

One of her childish acts again.

"Hoy Pristine! Ang arte ah. Bilisan mo kaya, naghihintay mga kasama mo."

Parang wala lamang ang pagtawag ko dahil hindi man lang siya lumingon sa'kin.

Ayaw mo ko pansinin ah. Bahala ka dyan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Arianne!" Nagiinarteng tawag ni Pristine.

Hindi ko siya pinansin.

"Arianne! I never thought that that you could do this to me! Porket, porket NAGKA BOYFR— "

Parang kidlat na tumakbo ako agad patungo sa kaniya nang marinig ko ang balak niyang sabihin.

"Sasama na ako. Sasama na ako Pristine! HAHA. NILOLOKO KA LANG EH. Bwiset ka," Tinakpan ko ang bibig ni Pristine. Mabuti na lamang din at walang tao.

Pristine wins. She dragged me to the student council room and together with the other council members, we went to NIA.

Both NIA and our school are owned by the Vicereal family. Both schools are well known around the city, especially here in the Northern District. Mainly because these are the only schools established here.

Unlike SNGS, NIA is a coed school.

"Arianne, alam mo bang hinihintay ko yung pagkakataon na 'to," sabi ni Pristine habang papasok kami ng gate ng NIA. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya hanggang sa mapatingin ako sa kamay niya. Ilang pagtunog ng buto ang narinig ko.

"Huwag ka mag-alala Aya. Ipaghihiganti kita, pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sa'yo." Drama ni Pristine matapos niyang kunin at hawakan ang dalawang kamay ko.

"Heh, tumigil ka nga. Subukan mo lang magkalat dito at idawit ang pangalan ko ikaw ang lagot sa'kin," sabi ko matapos kong itulak ang mga kamay niya.

Itinulak ko si Pristine upang magpatuloy na siya sa paglalakad at para makapagtago na rin ako sa likod niya. Masyado kasi siyang pansinin kaya siguradong maglilingunan ang mga tao sa kaniya.

Time to turn on my NINJA MODE.

"Wow, siya ba yung president ng St. North? Ang ganda niya naman, para siyang manika." Marahil bagong estudyante ang nagsabi nito.

"Ang ganda niya talaga. Dapat dito na lang siya nag-aral, sayang," dagdag pa ng isang lalaking estudyante.

Pag-apak namin ng vicinity ng NIA ay pinagtinginan ka'gad ang grupo namin or should I say pinagtinginan ka agad si Pristine. Naalala ko tuloy yung unang eeting namin, halos katulad ang reaksyon ng mga nasa paligid.

Nabalik ang atensyon ko kay Pristine at sa paligid bago yumukong muli.

Pristine is no doubt a beauty. Her face only can draw a lot of attention. Though I'm glad and thankful for that advantage, it's also the reason why I'm having a hard time.

"Fernandez, may pinagtataguan ka ba ha?" Eunice, our SC vice president asked. Nang magsalita siya ay para bang nabasag nito ang spell ng pagni-ninja ko. Naglingunan sa akin ang mga tao sa paligid.

"Wait, is that Arianne Mari Fernandez"

"Why didn't I notice her? She's Cuzon's rumored GF, right?"

"Gosh, kung tao tayo sa lagay nating 'to then ano siya? Omo, gorgeousness at its finest. Is she even real?"

"Fuck Cuzon, I hate him. He always gets the good things."

Isang malalim na paglunok ang ginawa ko nang tumagos na sa laman ko ang tinginan ng mga tao sa paligid. Hindi ko alam kung anong mga nasa isip nila pero kahit ano pa iyon ay nagsisimula na akong mabalisa. Naninikip na ang dibdib ko.

"Aya, fix yourself. Be confident baka ma-misinterpret nila 'yang actions mo," Pristine whispered. Kinuha niya ang kamay ko.

"Alam ko. I just can't stand their eyes. Masyado ka kasing attention grabbing," tugon ko. Hinigpitan ni Pristine ang hawak sa akin at dahil doon ay nawala ang tensyon sa katawan at utak ko.

"Oh, akalain mong pati dito 'yon din pala ang pinaguusapan. So, Fernandez, totoo ba kaya ka nagtatago?" Eunice asked in an unpleasant tone. Dahil doon ay di ko maiwasang mairita sa kaniya.

"That rumor is not true. I don't have a boyfriend and more importantly, I'M NOT HIDING," I clarified.

Nawala ang mga bulung-bulungan matapos kong magsalita. Hindi na rin nagsalita si Eunice at inialis na niya ang tingin sa'kin na para bang walang nangyari.

NO ONE'S POV

"Hey guys narinig ko nandito raw yung student council ng St. North saka yung rumored gf ni Cuzon ah,"

"Oo nakita ko. Nandoon kaya ko kanina sa may gate. Ang gaganda ng mga members ng council nila. Ang ganda ng President, pero mas type ko yung ganda ng gf ni Cuzon. Parang ang sungit nga lang."

Kasalukuyang nagpapahinga si Charles kasama ang teammate niyang si Benedict matapos ang kanilang swimming practice. Habang hinahabol ang kaniyang hininga at abalang nagpupunas ay napatingin siya sa labas. Mabilis na naagaw ang atensyon ni Charles ng ilang estudyanteng nagdaraan.

"Hey Charles, since close kayo ni Aldred... totoo bang chick niya na si Arianne?" tanong ni Benedict na agad namang tinawanan at inilingan ni Charles.

"Poporma pa nga lang dapat, nagulat kami may kumalat ng ganyan," paliwanag ni Charles. Umupo siya sa may kiosk at sumunod naman sa kaniya ang natatawang si Benedict.

"Ganon ba? Sabagay ganyan talaga. Alam mo namang maraming nagbabantay dyan sa bff mo eh."

Ngumiti si Charles. Kausap niya si Benedict pero tila hati ang atensyon niya.

"Oo nga... Hey Ben, sige pala mauuna na ako. Pupuntahan ko pa nga pala si Jerome," pagpapaalam ni Charles kahit na kakaupo niya pa lamang. Nagmamadali siyang umalis at tumungo sa shower room. Habang naglalakad ay napatigil siya. Napatingin siya sa grupo ng mga naglalakad na babae. Kahit malayo ay inusisa niya ang mga ito hanggang sa makita niya kung sino ang hinahanap niya.

♦♦♦

"May gusto ka bang sabihin Pristy?" Habang naglalakad papunta ng student council ng NIA ay ito ang masungit na tanong na sumalubong kay Pristine. Napansin kasi ni Arianne na kanina pa si Pristine nakatingin sa kaniya. Hindi naman sumagot si Pristine sa halip ay nginitian lang niya si Arianne.

"Kung wala kang sasabihin pwes ako meron," bulong ni Arianne pagkatabi niya kay Pristine. Bago ang kaniyang tanong ay lumingon-lingon muna siya sa paligid, "Ba't ba ayaw ni Bianca pumunta rito?" dugtong na tanong ni Arianne. Nang oras na iyon ay nasa tapat na sila ng pinto ng student council room ng NIA.

"Hindi ko alam. Baka iniiwasan niya yung step sibling niya?"

Napa "hmm" na lang si Arianne bago mapalingon siya sa nagbubukas na pinto. Pagkatapos kasi ng sagot na iyon ni Pristine ay parang nagsalita si Alibaba. Biglang bumukas ang pinto sa kanilang harapan at isang matangkad na lalaking estudyante ang nakangiting humarap sa kanila.

Masyadong naging maliwanag ang ngiti ng lalaki sa paningin ni Arianne kaya't parang bigla siyang nasilaw. Nagawa siyang mai-stun ng taong nasa harapan kahit na wala pa itong ginagawa.

"Ah! Good afternoon. Sakto andito na kayo," magiliw na bati ni Jerome, "I'm Jerome, our school's chairman for the upcoming event. Pasok kayo," pagpapakilala ni Jerome at saka inilahad ang kanang kamay niya para mag-anyaya.

"Thanks, and nice to meet you, Jerome. I'm Pristine, St. North's student council president, and here are my council members."

"I'm Eunice de Luna, our council's vice president." Pagpapakilala ng isang may katangkaran at maihahalintulad sa isang nyebe ang kaputian na dalaga. Mayroon siyang mahabang itim na buhok at mapulang labi. Sa mga mata niya ay makikita ang kumpyansa sa sarili.

"I'm Charlotte Francisco, secretary." Nagbigay galang naman ang isang maliit na estudyante. Nakasuot siya ng salamin at may curly brown na buhok. Walang ekspresyon sa kaniyang mukha. Maihahalintulad siya sa isang manika na kadalasang binibigay sa mga batang babae.

Pagkatapos batiin ni Jerome ang nagpakilalang dalawa ay napatingin siya sa taong nasa likod ni Pristine. Umusog si Pristine upang ipakilala si Arianne na bigla na lamang parang naging isang dahon ng makahiya.

"Also, this is Arianne."

Binati ni Jerome si Arianne matapos siyang ipakilala ni Pristine pero parang wala ata itong narinig. Hindi man lamang kasi siya nag-react kaya sa ikalawang pagkakataon ay binati muli siya ni Jerome.

"Hi, Arianne, nice to meet you."

Sa pagkakataong ito ay natauhan na si Arianne.

"Na— Nice to meet you," natatarantang balik ni Arianne. Lumunok siya bago abutin ang kamay na nakalahad sa kaniya. Nang magkadaupang palad sila ni Jerome ay agad namula ang normal na pinkish cheeks niya.

♦♦♦

Next chapter