webnovel

CHAPTER 3 – Chat On

V1. CHAPTER 3 – Chat On

ARIANNE'S POV

"Huh?"

Paulit-ulit kong pinindot ang mouse. Nakaupo ako sa may tapat ng study table ko at abalang nagsu-surf sa net nang magloko ang mouse na gamit ko.

"Argh! Pristine, next time nga palitan mo na 'tong mouse mo."

"Ayos ka lang? Nakikihiram ka na nga lang reklamador ka pa. Akin na nga 'yan."

Inilayo ko ang wireless mouse ni Pristine kaya hindi niya ito nakuha. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko pero sadyang pasaway ang mouse kaya't 'di ko naiwasang manggigil.

"Yah! Akin na nga 'yang mouse ko!" Hinila niya ang mouse sa kamay ko.

"Ayoko nga. Ayoko!" Pagmamatigas ko na naging dahilan para mauwi sa disgrasya ang mga pangyayari.

Oo, disgrasya talaga dahil aksidenteng napindot ng isa sa amin ang mouse at sa pagkakataong 'yon pa gumana ang walanghiya.

"Oops, hindi ako yun ah," Pristine said immediately after removing her hand away from her mouse.

Halos masubsob ang mukha ko sa laptop nang tignan ko ang nangyari.

"Just let it go, isa lang naman. Malay mo si "The One" pala 'yan," saad niya habang tumatawa. Piniksihan ko siya.

"Heh! Alam mo naman na hindi ako naga-accept ng di ko kilala."

ALDRED'S POV

Nagulat ako. Hindi dahil sa kaka-enter ko pa lang ay may reply na kaagad kundi dahil sa sagot na natanggap ko.

"Hi din po, hello po"

Iyon ang mga bagay na nasa imahinasyon ko na ire-reply ng babaeng katulad niya, saka dahil iyon ang nababagay sa mukha niya. Napatulala ako, napaatras at nasurpresa dahil sa unexpected na reaksyon niya.

Aldred : Hi... I'm Aldred. Salamat pala sa pag-accept ng friend request. Gusto ko lang malaman kung ikaw ba talaga si Arianne Fernandez?

Ni-try ko na lang na magpaka-humble dahil isa akong mabuting ehemplo ng kabataan. Iniisip ko nga kung re-replyan niya pa ba 'ko dahil sa sagot niya pa lamang ay mukhang ayaw niya na akong kausapin.

Arianne : Good! Ikaw si Aldred. Tapos? Ano namang pake ko? Saka binasa mo naman di ba yung sabi ko kanina?

Iyon ang sumunod niyang tugon. Magtitipa na sana kong muli nang may mag pop out pang mga words.

Arianne : No need to thank me. Sure ka, tinatanong mo kung ako si Arianne Fernandez? Gee... hindi ata obvious. Binasa mo naman siguro yung name ng profile ko bago mo ako i-add.

What?

Nga-nga. Can she just chill? Kung gaano ata ka anghel ang mukha ng babaeng 'to ay ganoon naman kinadamutan ng pang-unawa. Wala ata sa bokabularyo niya ang word na hinay-hinay.

I groaned out of frustration. Ito ba talaga yung Arianne na nasa pic? Napaka-dangerous. Dapat siguro ay sinabi ko na ito kay Carlo para nabigyan niya ko ng tips o BABALA. Hindi ako makapagisip ng ire-reply. Tumuktok ako sa computer desk para gumana ang kokote ko pero ang hirap talaga.

Nablangko na ang utak ko. BLACKOUT na para bang namatay lahat ng electrolytes sa buong pagkatao ko. Nag-isip ako ng mabuti kung sasagot pa ba ako o hindi pero dahil sa ako naman ang nagsimula ay minabuti ko na ituloy na lamang.

Nialog ko ng matindi ang aking ulo.

Aldred. Keep calm. Calm down. Keep calm. Inhale, exhale.

Aldred : Sige, naniniwala na ako. Pero thanks uli talaga, hindi ko kasi akalain na ia-accept mo ko eh.

Pa-humble effect pa rin syempre.

Arianne : Actually kuya hindi naman kita gustong i-accept. It's just an accident, sa totoo nga eto na oh iba-block na kita.

"WHAT?! OY! TEKA NAMAN, SANDALI!" Nagpa-panic kong naisigaw sa kwarto.

Anak ng kamote!

Halos masira ang aking keyboard at mouse dahil sa pagpa-panic habang nagre-reply sa kaniya.

Aldred: Wait! Don't!

Naiinis na ako ng konti at medyo nakaramdam ako ng lungkot. First time ko lang ma-experience ang mga bagay na 'to. Simula sa magmukha kong tanga sa daan, hindi gumawa ng mga homeworks, hindi maglaro, mag-add ng friend na di ko naman talaga kilala, mag-approach at makipag-chat sa net.

Gaano ba kasama ang isang araw na hindi pagsunod sa routine ko at ganito na lamang ako pasakitan? Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa aking sarili. Galing ba talaga 'tong babae na to sa cloud 9? Para makasigurado, nalaglag ba talaga o pinatapon?

"Ang sama niya," wala akong ibang masambit kundi iyon habang nakangising binabasa ang reply niya.

Ilang minuto rin ang lumipas at wala na akong natanggap na reply mula sa kaniya pero parang hindi pa rin naman ako block at iyon ang nakakatuwa.

Wait, may notification ba pag na-block? Hindi kasi talaga ako pamilyar sa mga social media.

Arianne: P-L-E-A-S-E

Nagulat ako nang may mag pop-out na message sa chatbox.

Aldred: Ano yan?

Arianne : Sadyang engot ka ba o engot ka talaga? Di ba ayaw mong i-block kita? Yan, pagbibigyan kita just say the magic word. HAHA.

"Engot? Ako? Siraulo ka lang! Magic word magic word ka pa."

Natawa ako bago sandaling tumanga sa PC para makapag-decide.

"Sige, dito lang naman sa chat," napangisi ako.

Aldred : PLEASE... ayan na masaya ka na? Huwag mo na kong i-block.

Arianne: Aba... Galit ka?

Aldred: Huh? Hindi a, mali lang siguro yung tono ng pagbasa mo.

Arianne : Meh, ano ba kasing kailangan mo?

"Ikaw," Iyon ang sagot na tumakbo sa isipan ko hehe. Pero siyempre ay joke lang iyon at hindi ko rin 'yon maaaring sabihin sa kaniya kung gusto ko pang magpatuloy ang usapan namin.

Aldred: Friends hehe.

Arianne : Lol, sinong niloko mo? Alam ko yung mga galawang 'yan. Di ako katulad mo.

Aldred : Tulad ko?

Arianne : Oo. Tulad mo. Hindi ako ENGOT!

Aba, loko 'tong babaeng 'to a. Naku, kung alam mo lang.

Aldred : Ok, friends nga siyempre, tapos gusto mo more than that pa 'pag nagtagal. Getting to know each other ba... hehe.

Arianne : Each other your face. E di lumabas din yung tunay mong pakay. Huwag ka na umasa, hindi kita type.

Aldred : Hindi mo ko type? Agad agad?! Eh hindi mo pa nga ko nakikita. Gwapo kaya ako.

Arianne : Aba, ano naman kung gwapo ka? Baliw. Kailangan ko na ba magsaya dahil gwapo ka?

Aldred : Huh?! Pero... ano, uy! Gwapo talaga ako, saka please, give me a chance. Ang ganda mo kasi e.

Arianne : Freak! Nakakakilabot ka. FYI, IDC kung gwapo ka ah. Tumingin ka naman sa profile ko di ba? May nakita ka ba do'n na WANTED: HANDSOME, CHARMING, APPEALING MAN NA PWEDE KONG MAGING BF?! Wala, kaya tigil-tigilan mo na ko. BYE!

Napangisi ako sa sagot niya. Oo, wala ngang nakalagay na ganoon sa profile niya pero huh! Kapag nakita mo ko sisiguraduhin kong hindi mo ko makakalimutan.

Aldred : Ok na, sige na basta friends na tayo. Huwag mo kong iba-block ah please.

Arianne : Huh? Asa ka. Sa'n mo pala kinulimbat e-add ko?

Aldred : Binigay lang sakin ng kaibigan ko. Baket?

Arianne : Wala. Sige na, maga-out na ko, huwag mo na ko kakausapin kahit kailan ah! Bwiset!

ARIANNE'S POV

"PATHETIC," I mumbled before turning off my laptop.

"Pathetic what? Mukhang kinareer mo nga makipagusap eh."

I saw Pristine smirked after talking kaya ginantihan ko siya ng tingin, masamang tingin, bago ako umalis sa tapat ng laptop.

"He's so pathetic that's why I decided to chat with him, OK?"

I heard a crunched and saw her munching a cookie. Sunod ay narinig ko ang halakhak niya. Nakakairita iyon pero mas nakakairita dahil humahalakhak siya kahit na puno ng cookie ang bibig niya.

"But still... he was lucky. Normally hindi mo na siya kakausapin then iba-block mo na lang siya. So, ano tumama dyan sa kokote mo?"

Nagtitigan kami saglit bago napabuga ako ng hininga. Hindi ko siya sinagot. Humiga ako sa aking kama. Sandali akong napatitig sa ceiling at napaisip kung bakit ko nga ba pinagaksayahan ng panahon yung kamote. Sa isip-isip ko ay mali na kinausap ko siya pero sa loob-loob ay hindi naman ako nagsisisi.

Iba pala talaga ang nagagawa ng boredom.

Wala akong balak pang matulog pero dahil sa pag-iisip ay tila napagod ang utak ko. Papikit na ang mga mata ko ng biglang makarinig ako ng ingay.

"Biskwet! Ang ingay mong kumain Pristine! Kahit papatulog na magigising pa," inis kong bulyaw.

Sa irita ko ay binato ko si Pristine ng unan, ngunit kahit tinamaan ko siya ay hindi niya ako pinansin sa halip ay...

"Aya! Ayos oh, ayii kaya pala in-entertain mo e. Ang gwapo pala nitong Aldred mo. Oh my, PATHETIC you said? No way! He's cute, pogi and cool. I think you're lucky with him."

Binato ko pa siya ng isang unan nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi niya na nga ako pinansin noong una tapos nagsalita pa siya ng kung ano-ano... and... and what the? LUCKY WITH HIM?!

"Are you an idiot? When did the world turn upside down? Like I care if gwapo yan!"

Yeah, of course looks is a plus. Pero... hindi naman ako ganoon eh... kaya it pisses me off kapag 'yon ang agad na sinasabi at pinagmamayabang nila sakin or kapag they go all high and mighty hitting on me because of their features.

I'm not a cheap girl who will easily fall just because of their looks.

"Siraulo," sambit ko.

Maya-maya ay pinihit ni Pristine ang ulo niya paharap sa'kin. Napakunot ang kilay ko ng makita ko ang nagniningning niyang mga mata.

"Pero ang gwapo talaga nito. Hindi mo ba ita-try?"

HUH?! Napanganga ako sa sinabi ni Pristine.

"TA-TRY WHAT? Ano yan audition? Nasisiraan ka na ba?"

♦♦♦

Next chapter