webnovel

PROLOGUE

PROLOGUE

"Arianne, I would like you to meet Aldred. He's your Tita Cecil's son. Come on, don't be shy... Say hi to him."

Sumilip ang batang babae na kanina pa nagtatago sa likod ng kaniyang ina. Nahihiya, ay panakaw siya kung sumulyap sa batang ngiting-ngiti na nasa harapan nila.

"Go on," 

Lumingon ang batang babae sa kaniyang ina. Marahan siyang umalis sa likod ng kaniyang ina. Humakbang paabante para harapin ang batang maihahalintulad ang ngiti sa liwanag ng araw.

"Hi I'm Aldred," masayang pagpapakilala ng batang lalaki. Nakaguhit ang malaking ngiti sa mga labi niya at para bang galak na galak na makilala ang batang babae sa kaniyang harapan.

Nagulat ang batang si Arianne sa sigasig ng kapwa niya bata na si Aldred kaya't bigla siyang namula. Mahigpit siyang napahawak sa laylayan ng kaniyang pink na bistida saka napayuko bago mahinang tumugon.

"H-Hi, uhm I'm Arianne... N-Nice to m-meet you," pagpapakilala niya sabay tingin sa ibang direksyon. Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi pagkatapos magsalita saka naglikot ang tingin sa paligid.

Napakurap ang mga mata ni Aldred dahil sa pagtataka sa aksyon ni Arianne. Tinitigan niya ang batang babae ng maigi. Makalipas ang saglit ay para bang nakakita siya ng isang makulay na bagay, katulad ng isang bahaghari na nakakapagpasiya sa katulad niyang paslit. Umawang ang bibig ni Aldred dahil sa pagkamangha.

"Mama, she's so pretty, like a doll. Can I be friends with her?" tanong ni Aldred sa kaniyang ina na ikinamangha naman nito.

"Oh? Ikaw bata ka ah," natatawang sabi ng nanay ni Aldred bago nangingiting nilingon ang nanay ni Arianne. "Hindi dapat ako ang tanungin mo niyan kundi si Arianne."

Nagkikislap ang mga mata ni Aldred na nilingon ang punto ng kaniyang pagkawili.

"Arianne, pwede tayo mag-friends?" masiglang tanong ni Aldred saka inilahad ang kaniyang kamay. Napatingin naman dito si Arianne bago lumingon sa kaniyang ina.

"Are you shy?" tanong ni Aldred.

Tumango si Arianne.

"Don't you have any friends?"

Tumango uli ito.

"Then good para ako ang maging very first friend mo," saad ni Aldred saka kinuha ang kamay ng kausap niya.

Noong una ay nahihiya si Arianne hanggang sa higpitan ni Aldred ang hawak sa kamay niya. Nabigla siya kaya't napatingin siya sa kaniyang bagong kaibigan na sinuklian naman siya ng magandang ngiti.

"Mama, Tita Shan mag-play lang po kami ni Arianne ah," paalam ng paslit at hinila papuntang garden si Arianne. Natutuwa namang tumugon ang kanilang mga ina.

"Mag-ingat kayo ha, 'wag maglilikot," paalala ng mama ni Aldred.

Tumungo ang dalawang ina sa may sala kung saan tanaw pa rin nila ang kanilang mga anak. Kakakilala lamang ng dalawang bata sa isa't-isa pero tila mabilis silang nagkasundo. Tawanan dito, tawanan doon, laro rito, laro roon. Nakakatuwa para sa isang magulang kaya mas pinili ng kanilang mga ina na pagmasdan at pakinggan ang kanilang mga inosenteng tinig at halakhak na pampa-relax kesa sa nakasanayang mga klasikong tugtugin.

"Cecil, do you think we should continue?" tanong ni Shan sa mama ni Aldred pagkatapos humigop ng tsaa. Napalingon naman si Cecil sa dalawang bata na masaya ng naglalaro.

"Is it okay for you kung 'wag na?" balik na tanong naman ni Cecil. "We don't know what arrange marriage can do. It did well for me but not with you. Natatakot ako sa magiging epekto nito sa anak ko at syempre sa anak mo rin."

Napasinghap si Shan saka sumandal sa malambot na couch, "Ouch," Natawa siya, "Pero tama ka, as much as we like them for each other it is not for us to decide their future." Lumingon si Shan sa dalawang bata at gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. "May sarili silang utak para mag-isip then pagtagal yung emosyon na nila ang kausap natin."

Ngumiti rin si Cecil habang nakatingin sa kaniyang anak. Pareho sila ay inabot ang kani-kanilang mga tasa. Sabay nilang nilanghap ang samyo ng earl grey bago hinigop ito.

"Nakakanerbyos pero ano bang magagawa natin? Ayoko mang tanggapin pero dadating at dadating ang panahon na tanging paggabay na lamang yung mabibigay natin sa kanila," saad ni Cecil.

"Nakakapanabik at the same time kung saan sila dadalhin ng mga puso nila hanggang sa paglaki nila," saad ni Shan, "Pero syempre... mas maganda pa rin kung mga anak natin ang magkatuluyan." 

Nagtawanan ang dalawa.

"Oo nga, ipapanalangin ko yan kay Lord," reaksyon ni Cecil.

Patuloy na nagkakatuwaan ang dalawang magulang habang pinaguusapan ang mga kinabukasan ng kanilang mga anak. Kung ano ang mga gusto nila kapag lumaki ang mga ito, na sana maging maayos ang mga buhay nito. Gusto man nila sanang makialam pero napagkasunduan na nila na hayaan ang mga bata sa mga magiging desisyon nila pag laki dahil alam nila at naranasan din nila kung gaano kahirap ang panghimasukan ng magulang.

"Mama!" Napalingon si Shan at Cecil nang marinig ang boses ni Aldred. Parehas sila ay dagliang lumapit sa lalaking paslit.

"Mama, mama!" Nakangiting tawag ni Aldred. Labas na labas ang kaniyang mga ngipin at para bang sabik na sabik sa kaniyang nais na sabihin.

"O, bakit Aldred?" Nakasalubong ang kilay ni Cecil dahil sa naunang emosyon pero kalauna'y nabura ang kaniyang pag-aalala't napalitan ito nang pagtataka.

"Mama, mama." Kinuha ni Aldred ang braso ng kaniyang ina at nagliliwanag ang mukha na nakatingala rito, "I asked Arianne if she can be my wife in the future and she answered yes to me." Inosente at natutuwang kwento ni Aldred. Agad naman itong naging sanhi ng pagkagulat at pagtawanan ng mga nakakatanda sa kanilang harapan.

"Aba'y itong bata na 'to talaga oo. Ang bata bata mo pa't iyan na ang iniisip mo agad," sabi ni Cecil. Isang malapad na ngiti naman ang naging tugon sa kaniya ng anak. Umi-squat siya para pantayan si Aldred saka hinimas-himas ang tuktok ng ulo nito.

Madali naman ay pinuntahan ni Aldred ang kanina pang nahihiya na si Arianne.

"Sabi ko sayo secret lang natin 'yon kaya dapat di mo sinabi," medyo may pagkainis na sabi ni Arianne. Naiinis siya dahil sa pagbunyag ng kanilang lihim at namumula dahil sa hiya.

Napatanga na lamang at natawa sina Cecil at Shan dahil sa kainosentehan ng kanilang mga anak habang sinasabi ang mga ganoong bagay.

"It's just alright, parehas naman natin silang mama e," katwiran ni Aldred.

"Hmmph!"

Bumungisngis si Aldred dahil sa pagsusungit ng kausap niya. Kinuha niya ang kamay ni Arianne saka hinila ito patungo sa mama niya.

"Mama, mama, Arianne is so pretty, she's also kind and good-hearted. I was going to kill the ant because it bit her, but she said not to because it is our fault for disturbing their home. I promise to be a good boy too so that I can marry Arianne in the future. Can I marry her?" tanong ni Aldred sa kaniyang ina bago lumingon naman kay Shan.

"Can I marry Arianne, Tita Shan?"

Nangiti si Shan sa ka-cute-an ng bata at sa katanungan nito sa kaniya. Liningon niya ang nanay ni Aldred bago siya lumuhod sa harap ng bata at kausapin ito.

"I know naman na you will become a good boy baby Aldred," natutuwang sabi ni Shan bago kunin ang parehong freehand na kamay ng dalawang bata. Sinipat niya pareho ng tingin ang dalawa bago siya nagsalita sa marahan na paraan.

"Someday in the future, kapag parehas na kayong malaki ni Arianne ay marami kayong makakasalamuha na mga tao. Some will be good; some will be bad. All will take part of your lives, but only some can be a part of what you will become..."

Hinawakan ni Shan ang magkabilang pisngi ni Aldred at pinisil ito. Samantala ay pareho namang tumatango ang dalawang bata kahit na hindi ganoon kalinaw sa kanila ang nais ipahatid ng nakakatanda.

"And in that "some", one will become special," Nangiti si Shan at pinindot ang ilong ni Aldred bago siya tumayo, "That special someone is the person you should marry."

"Mama?" nagtatakang nilingon ni Aldred ang kaniyang ina dahil sa hindi niya maintindihan ang sinabi ng kaniyang tita.

"Ang ibig sabihin ng Tita Shan mo ay pwede mong pakasalan si Arianne kung mananatili siyang special sayo hanggang sa paglaki niyo at syempre dapat ganoon din siya sayo."

Kahit na ipinaliwanag na ng simple ng kaniyang ina ay nagtaka pa rin at naguluhan ang batang Aldred sa mga matalinghagang salita na kaniyang narinig. Napakamot siya sa kaniyang ulo at napatingin kay Arianne.

"Did you not get it?" tanong ni Arianne. Nakanguso namang tumango si Aldred.

"Kawawa ka naman." Nakangiting saad ni Arianne.

"Ang daya, bakit ikaw naintindihan mo tapos ako hindi?" Tila magsisimula ng mag-tantrums si Aldred. Nakatulis ang nguso niya habang nakakunot ang kilay na nakatingin kay Arianne.

"Kasi baby boy ka pa," paliwanag ni Arianne. Wala na ang kaniyang hiya at komportable ng kausap si Aldred, "Okay lang basta promise ko hanggang paglaki ko special pa rin ikaw sa akin."

Next chapter