webnovel

Chapter 26

A/N:

    Hi everyone? How are you this days? Sana ay okay lang kayo. Pasensya na sa super late update ni Author ha. Naging busy lang talaga lalo na ngayong may online class na din ako. Sana po ay maintindihan niyo. (^ω^)

    At gusto ko lang din po sanang sabihin sa inyo na every Sunday nalang po ako mag-uupdate (2-3 chapters po siya). Nang sa gan'on ay makabawi naman po ako sa inyo.(๑・ω-)~♥"

    At sa mga patuloy pong sumusuporta at susuporta po sa story na ito ay taos puso po akong nagpapasalamat. You guys are my motivation to finish this story. Sana ay makasama ko parin po kayo hanggang sa huling kabanata nito.

    Love lots guys and God bless us all! ♡♡♡

**********

Xaiyi Point of View:

Napadako ang atensyon ko sa dalawang taong papalabas ng venue. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang pakiramdam ko. Namumuo ang pagkakainterisado ko sa lalaking iyon sa tuwing nakikita ko siya.

'Why don't you tell her that I am her husband?'

Pumasok na naman sa isipan ko ang katagang binitawan niya.

Husband huh?

"Do you want some drinks, Xaiyi?" Biglang tanong ni Kean, dahilan para bumalik ako na reyalidad.

Tumingin ako rito at saka ngumiti at tumungo bilang tugon. "Yes please."

"Okay. I'll go get you some wine." He just said bago pumunta sa table ng may mga wine.

Nang makaalis ito ay tiningnan kong muli ang pwesto kung saan ko huling nakita ang dalawang iyon pero wala na ang mga ito. Kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.

Makalipas ang maikling oras ay bumalik kaagad si Kean, bitbit ang dalawang baso ng alak.

"Here." Wika nito habang iniaabot sa akin ang wine glass.

"Thank you." I just said and accepted it.

Hindi ko pa man ito nailalapag ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ko.

Dali-dali ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag ngunit numero lang ang nakarehistro.

"Who's calling you?" Kunot noong tanong ni Kean.

"I don't know. Number lang e." Nagtataka ko ding sagot rito. Dahil aside kila Kean, Hyden at Dr. Ally ay wala nang ibang tumatawag sa akin mula noong nagising ako.

Sinagot ko ang tawag at inilagay ang telepono sa tainga. "Hello?" Patanong kong sagot pero walang sumasagot sa kabilang linya kaya nagsalita akong muli. "Hello? Is anybody there?" Tanong ko pa. Pero ilang segundo pa ay di parin ito sumasagot. I heavily sighed because of this strange phone call and mysterious silentness. Kaya dala ng pagkairita ay medyo naiinis ko itong pinagsabihan. "If you don't want to answer, please, don't call me--"

"Princess." Pagputol nito sa pagsasalita ko.

Kapagkuwan ay napakunot ako ng noo at nagtataka sa itinawag nito sa akin.

"Princess?" Pag-uulit ko sa sinabi niya.

"Yes. Our Princess."

Nangilabot ako sa seryoso at malamig nitong boses. I don't know why but I feel uneasy while talking to this man voice.

"Who are you?" I bravely and seriously asked.

"It doesn't matter who I am. The real matter here is we finally found you."

"What do you mean? Who are you and what do you want from me?" Seryoso kong tanong dito at biglang napatingin sa gawi ni Kean.

Nagtataka at sersoyo lang itong nakatingin sa akin. Inuobserbahan ang bawat galaw ko.

"Xaiyi Villaranda. The granddaughter of Duke and Sophia Villaranda. The perfect heir and personally selected by your own grandfather to take over the position of our late Leader. We will meet soon." Natulala ako sa hindi maintindihang pakiramdam. Ramdam ko ang paninindig ng balahibo ko na batok dahil sa mga impormasyong narinig mula sa kausap.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Pakiramdam ko ay hindi basta-basta ang taong iyon.

Pinatay nito ang tawag nang hindi manlang ako nakapagsalita pa.

Dahan-dahan kong naibaba ang telepono habang nakatulala sa kawalan.

Napaisip ako ng malalim kung sino ang mesteryosong tao na tumawag sa akin. His voice is deep and cold. I can also sense the seriousness on him.

"Are you okay?" Nagkakunot noong tanong ni Kean.

"Y-Yes, I'm fine." Sagot ko naman dito.

Alam ko na hindi lang iyon ang gustong tanungin ni Kean pero hindi na niya iyon tinuloy pa dahil umiwas na kaagad ako ng paningin at ininom ang wine na iniabot niya kanina.

Ilang minuto at oras pa ang lumipas nang nagyaya na akong umuwi kay Kean. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko dahil sa kakaisip sa tawag na iyon.

Pumayag naman si Kean at hindi na nagtanong pa. Lumapit kami sa pwesto ni Hyden na kung saan ay kasama niya ang mga magulang niya.

"Hyd." Kean called out his name. Nakatalikod kasi siya sa amin habang kausap ang parents niya.

Napabaling siya sa amin at napangiti maging ang mga magulang niya ay nasa amin na din ang atensyon. "Oww hey. Need something?" Walang ano-ano ay tanong nito.

"Magpapaalam lang sana kami. Xaiyi don't feel good right now and we just want you to know before we go." Paliwanag nito kaya naman ay napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ni Hyden.

"Why? What's the matter? What do you feel?" Sunod-sinks na tanong nito at bahagyang lumapit sa akin.

"Ahem.." Pag-aagaw atensyon ng ama ni Hyden. Magalak itong nakangiti sa amin maging ang asawa nito. Hindi alintana ang hindi pagpapakilala ng anak sa amin. "You must be the girl that my son oftenly talking about." Nakangiti nitong wika.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya naman ngumiti lang ako at binato nang nagtatanong na tingin kay Hyden.

"Oww. My bad." Medyo natatawa pa nitong tawa. "Yes dad. She is Xaiyi Villaranda. The girl that I've oftenly mentioned to you guys. And Xaiyi, this is my dad. He is kinda talkative unlike my mom." May halong pang-aasar nitong wika na ikinatawa na lamang ng ama. "And I guess you already know his name. The one and only Simon Ry and my mother Jeah Ry." Proud na proud pa nitong pakilala. Gosh! Parang bumalik na agad iyong childish na Hyden.

Mr. Ry laughed because of how his son's acted, just a moment ago and extended his right hand to me and I immediately accepted it. "It's so nice to finally meet you, Xaiyi." Wika nito habang nakikipagkamayan.

Lumapit naman sa akin na nakangiti ang Mommy ni Hyden at nakipagbeso. "Nice meeting you, iha." She just said.

"It's nice to meet you din po." Sagot ko din sa kanila.

"And you guys already know Kean Madrigal, right?" Dagdag pa ni Hyden at umakbay sa kaibigan.

"Of course! How can't I ever forget the kid who made you fly back to the Philippines everytime he visited there." Tatawa-tawa pa nitong wika sabay yakap kay Kean. "It's been a long time, iho." Pagbati nito bago kumalas sa yakap. "I can't believe to you've grown up this handsome, iho. Haha." Dagdag pa nito.

"Thank you, Tito." Tatawa-tawa ring saad ni Kean.

"Hello, Kean." Paglapit na bati ni Mrs. Ry tsaka hinalikan sa pisngi si Kean.

"Kamusta po, Tita?" Magalang na tanong ni Kean.

"Perfectly fine, iho. How about you?" She answered and asked back.

"Fine also, Tita. Especially now." Sagot nito sabay tingin sa akin.

I don't know why but my heart stop for a moment. His gaze makes me feel special even just for moment.

"Oww.. I see." Pagsasalita ni Mrs. Ry kaya agad akong napaiwas.

"Yes, Tita. And I forgot, magpapaalam na din po pala kami. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ni Xaiyi kanina e." Paalam nito at saka ako hinawakan sa ulo kaya sinamaan ko siya ng tingin. He just laughed at me and put his hand on my shoulder.

"Gan'on ba, iha? Kung gayon ay mas makakabuting magpahinga ka nga muna. Beside, it's been just months when you woke up, right?" Nag-aalalang sabi ni Mrs. Ry.

Magtataka pa sana ako kung bakit napaka-updated ni Mrs. Ry sa akin but knowing Hyden.. Di na ako magtataka pa.

"Opo. Salamat po sa pag-aalala." And I sincerely smiled.

"Hatid ko na kayo." Pagvo-volunteer  ni Hyden.

Hindi na kami tumanggi pa at nagpaalam na sa parents niya.

***********

09/10/2020

Next chapter