Xaiyi Point of View:
"Tapos ka na po ba ma'am?" Tanong sa akin ni Felicity.
"Oo. Gusto mo bang pumunta sa park? Gusto ko kasi sanang makasama ka pa dahil bukas na din ako aalis. After our announcement, I'll leave in a the evening." Nakangiti kong balita dito kahit na medyo masakit sa akin na di ko na makakasama pa ang taong nagparamdam sa akin na may pamilya pa ako. Kung pupwede ko lang talaga siyang isama sa akin.
Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya. Nakatitig lang ito ng mabuti sa akin na tila'y binabasa ang bawat emosyon sa aking mga mata. I smiled bitterly.
"I will miss you, Fel." Bagaman ayaw kong ipakita sa kanya ang nararamdaman ko ngayon ay 'di ko din nagawa. Talagang mamimiss ko ang babaeng 'to.
"A-ate." Nagulat ako sa salitang binigkas niya kasabay n'on ang pagpatak ng mga luha niya. "Pwede po ba kitang tawaging a-ate?" Sumisinghot niya pang tanong.
Medyo natatawa ako na nasasayahan sa tanong niyang iyon. Damn it! I love this child. "Yeah. Oo naman, Fel." Pagkabigkas ko nun ay agad akong tumayo at lumapit sa kanya. I wiped her tears and hug her. "Thank you. Thank you for being with me all this time, Fel." I sincerely said.
She wrapped her hands around my waist. "Mamimiss po kita, ate... Subra." She warmly said.
"Thank you, Fel." I sincerely thanked her bago kumalas sa pagkakayakap.
Medyo natawa pa ako dahil ang cute niya talagang umiyak. I held her both cheeks and smiled genuinely. "Hey. Stop crying na. Pupunta pa tayong Park kung saan lagi akong tumatambay noong bata pa ako. I want to go there for the last time I think." Paliwanag ko dito.
Pinunasan niya ang mga luha niya at saka tumungo.
Di na kami nagsayang pa ng oras at umalis na agad pagkatapos kong magbayad.
Nakarating kami sa lugar kung saan kami dati ni Jayzi naglalaro at laging magkasama. Lumapit ako sa isang seesaw na ngayon ay iba na ang kulay. Inayos ata nila.
"Tara maupo muna tayo." Wika ko rito.
Nagkuwentuhan lang kami ni Felicity nang biglang may lalaking lumapit sa amin at bigla akong hinila.
"What the are you doing here?" He asked.
"J-Jayzi?" Gulat ko pang bigkas ng pangalan niya.
"I'm asking you, woman. What the are you doing here?" Kunot-noo ulit nitong tanong.
"N-Napadaan lang kami." Sagot ko.
"Why?" Masuring tanong nito.
"Just let me go first, Jayzi." Nakaiwas tingin kong sabi.
"Tsk. Let's go home. Pupunta ngayon sa bahay sila Mommy." Walang ano-ano ay hinila niya ako pero pinigilan ko ito at inalis ang braso ko na hawak niya.
"Stop pulling me over and over again, Jayzi. I'm not a dog okay." I angrily said at binalikan si Felicity. "Tara." Aya ko dito.
"Naku po ate. Wag nalang po baka makakaabala lang po ako sa inyo d'on." Magalang na ani nito.
"No. I insist. Please." Pagpipilit ko dito.
"S-sige po." Pagpayag niya at tumingin sa kinaruruunan ni Jayzi.
I heavily sighed bago humarap ulit sa kanya. "I have my car with me." I just said pero hindi ito nagsalita bagkos ay inilahad niya ang kanyang kamay.
Nagtaka ako sa ginawa niya. "What?" Naguguluhan kong tanong.
"Give me the key." He just said.
"I can drive. You can go first. We will follow you."
"No. Mang Diego will drive your car. Sakin kayo sasakay." Pagpipilit nito.
Di na ako nagkipagtalo pa at ibinigay nalang ang susi. Kilala ko si Jayzi. Lahat ng gusto niya ay dapat masusunod.
Tumungo na kami sa sasakyan niya at iniabot niya kay Mang Diego ang susi ng sasakyan ko.
Pumasok na kami sa kotse ni Jayzi at tumungo agad sa Mansyon.
Nang makarating ay agad din kaming pumasok at laking gulat ko nang bigla nalang may nagpaputok ng confetti at may sumigaw nang 'HAPPY BIRTHDAY'.
"Happy Birthday, Iha." Biglang lapit at bati ni Mommy Ziah tsaka ako hinalikan sa pisngi.
"Ahm.. Thank you po." Malugod kong pagpapasalamat dito. "B-bakit po pala kayo nandito? Hindi po ba kayo pupunta sa Birthday Party ni Xaira?" Medyo nagtataka at nahihiya ko pang tanong.
"We are here because we want to celebrate your birthday. Matagal na din mula noong nakasama kita sa Birthday mo. Kaya gusto ko sanang i-celebrate ang kaarawan mo tulad lang din ng dati." Nakangiting saad nito.
"P-po?" Medyo naguguluhan kong usal.
"Happy Birthday, Xaixai." I was stunned when a guy in my back suddenly hug me.
"J-Jayzi." Ilang beses na ba akong nagulat ngayong araw.
"Alam ko na ang lahat, Xaiyi. Bakit ka naglihim." I was speechless and shock.
Napatingin ako sa mga taong nanunuod sa akin. Lahat sila nakangiti at hindi maitago ang tuwa sa mga mata nila.
"J-Jayzi." Tanging ang pangalan niya lang ang kaya kong maibigkas.
Masyado akong nagulat sa lahat na nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin.
"Xaiyi." Malambing niyang tawag sa pangalan ko.
Inalis ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at lakas-loob na hinarap siya.
"Hindi ko alam kung papaano mo nalaman ang totoo pero Jayzi.." Napabuntong hininga ako at nasapo nalang ang sentido ko. "Tapos na ang lahat nang 'yon. Wala na ding dahilan pa para magsama pa tayo. Mahal ka ng kapatid ko, Jayzi." Pilit kong nilalakasan ang loob ko at pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
"Anong ibig mong sabihin?" Bagaman naguguluhan niyang tanong.
"Ahm.. Xaiyi, Iha--." Di ko na pinatapos pang magsalita si Mommy Ziah at sinagot ang tanong na iyon ni Jayzi.
"I'm sorry, Jayzi pero hanggang dito nalang talaga. Mula nung namatay ang anak natin, napag-isipan kong mali na binalikan pa kita at pumayag na magpakasal sayo. I-I'm sorry." Di ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Napalingon ako sa pwesto kung saan nakatayo si Felicity na sakalukuyang nakatayo at nagulat sa mga nangyayari. Gusto kong magsisi kung bakit ko ba siya isinama dito at makita ang lahat nang ito.
Pinunasan ko ang luha ko at tumingin ulit kay Jayzi. "Please. Don't make it too hard for me again, Jayz. Bukas na ako announcement ng paghihiwalay natin at bukas na din ang alis ko papuntang ibang bansa and as much as possible. Sana maging maayos ang hiwalayan natin. Ayaw ko ng gulo." Mapait akong ngumiti at nanatili lang din itong tahimik na nakakatitig sa akin.
"Do you really want to leave me again that much, Xaiyi? Do you really hate me that much?" Napatitig ako sa mga mata niya dahil sa tanong niyang iyon. Wala akong mabasa na kahit anong emosyon na nanggagaling d'on.
Di ko sinagot ang tanong niya bagkos umiling nalang habang humihingi ng tawad. "I'm really sorry."
Umalis ako sa harapan niya at tumungo sa kotse ko. Kinuha ko ang susi kay Mang Diego at pumasok sa loob. Nakita kong sumunod naman si Felicity sa akin kaya pinapasok ko nalang ito ng kotse.
Walang sali-salita ay pinaharurot ko ang kotse.
****************
A/N: I just want to say hello to those new reader of this story. Maraming salamat po sa suporta at sana ay patuloy niyo itong susuportahan. God bless you all. ๐๐
07/23/2020