webnovel

CHAPTER THIRTY-TWO

MALALIM NA ang gabi ng makauwi si Clara sa bahay nila ni Kurt. Madilim na ang buong bahay, she guesses that Jewel and Kurt are already resting. Hindi pumayag si Anna na umuwi siya ng hindi niya natitikman ang pagkain na niluto nito para daw sa kanya. Humingi din ito ng tawad sa kanya dahil sa inasal nito. Naintindihan din naman niya ito. Nasaktan din naman ito kahit sa maikling panahon na nakilala nito ang pamilya ni Cole. Anna is now Cole's private lawyer.

Pagkatapos niyang sabihin kay Cole na payag siyang ipakilala dito si Jewel ay napagkasunduan nila na sa susunod na linggo niya ipakilala ang anak dito. Of course, she will ask Kurt first as the father of her daughter. Hindi man ito ang tunay na anak si Jewel ay may karapatan naman ito bilang kinikilalang ama. Also, Kurt is the legal father of Jewel. Nang makasal siya rito ay agad nitong inampon si Jewel kaya naman Lopez ang ginagamit na apelyido ng anak. Kurt deserves all the respect. Kaya ipagpapaalam niya ang bata rito.

"Where have you been, Marie?" Isang malamig na boses ang nagpatigil kay Marie sa pag-akyat ng hagdan.

Napalingon siya sa may sofa at doon niya nakita si Kurt na nakaupo habang malamig ang mga matang nakatingin sa kanya. He was just there seating comfortable. Wala siyang nakitang kahit ano sa table. He is sober but he is mad. Napalunok siya bago lumapit dito.

"Good evening. Gising ka pa pala." Lumapit siya rito.

"I can't sleep thinking you are outside."

"I'm sorry if I make you worried. Kumain ka na ba?"

"Yes! I ate with Jewel." Malamig pa rin nitong sabi. "Saan ka galing?"

Hindi agad siya naka-imik. Nakita niyang lalong nandilim ang mukha ni Kurt. Huminga siya ng malalim bago sinabi dito ang totoo.

"I'm sorry. Nagkita kami ni C-Cole."

Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito pero agad din napalitan ng lungkot. "You talk to him?"

Tumungo siya. Alam niyang nasasaktan ito ng mga sandaling iyon. Kurt knows her feeling for Cole. Kung may isang bagay man siyang pinagpapasalamat sa sarili ay iyong katutuhanan na kahit kailan ay hindi siya nagtago o naglihim dito. Sinasabi niya kay Kurt kung ano ang nilalaman ng puso niya dahil iyon ang nais nilang dalawa. Masakit man iyon sa parti ni Kurt pero ayos lang daw sa binata, atleast, tapat daw siya sa sarili niya at sa relasyon nila. Kurt and she never shares room in U.S. Hanggang hindi daw bumabalik ang pag-ibig niya rito ay rerespetuhin daw siya nito. Kurt becomes her best friend. Mas naging magaan ang pagsasama nila dahil sa naging bukas sila sa nararamdaman para sa isa't-isa. Being honest is one for the best foundation for a better relationship.

"Yes! Pumunta siya ng cake shop. Kinausap ko siya para malinawan ako sa ibang bagay na gumugulo sa buhay ko. Pasensya na at hindi ko agad na sabi sa iyo." Yumuko siya.

Narinig niyang huminga ito ng malalim. Tumayo si Kurt at lumapit sa kanya. "Did all your question answer?"

Tumungo siya bilang sagot. Naging magaan ang dibdib niya dahil sa pag-uusap nilang iyon ni Cole pero kahit ganoon ay naruruon pa rin ang sakit dahil kahit kailan hindi na niya makakasama pa ang taong minamahal. She needs to sacrifice her happiness not to hurt this man in front of her who suffered too much.

"You still love him, right?" Kurt asks out of nowhere.

"Kurt..."

"Alam ko naman na siya pa rin ang nilalaman ng puso mo mula noon at pahanggang ngayon. Na Kahit kailan hindi ko na maagaw ang pagmamahal na iyon sa kanya. Napakaswerte ni Cole, sinaktan ka niya, dinungisan pero siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso mo." Puno ng sakit at pighati ang boses ng binata.

"Kurt, I'm sorry." Tanging nasabi niya.

"Are you going back to him?"

Natigilan siya sa tanong nito.

"Are you?" Nag-angat siya ng tingin. Kitang-kita niya ang lungkot at sakit sa mga mata ng asawa.

She wants to be selfish again and said yes. She wants to follow her heart but everyone will be hurt. Marami siyang masasaktan sa gagawin niyang desisyon. Isa na roon ang lalaking ibinigay sa kanya ang lahat. He sacrifices everything he had for her. Matagal na panahon din itong nagdusa dahil sa kanya. Iniwan nito ang pamilya nito para sa kanya. Kurt became a father to Jewel without thinking of exchange. Tapos ito ang igaganti niya, ang saktan at iwan ito dahil sa bumalik na si Cole.

Umiling siya. "I'm married to you, Kurt. I will stay at your side."

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Hinawakan niya ang kamay nito.

"I promise to stay at your side, Kurt. So, I stay and I choose you."

Nakita niya ang ningning sa mga mata ni Kurt. Mukhang masaya ito sa narinig mula sa kanya. "Are you sure?"

"Yes!" Ngumiti siya sa asawa.

"Did Cole accept it?"

Natigilan siya sa tanong nito. Biglang lumitaw sa alala niya ang mukha ni Cole ng sabihin niyang hindi na siya babalik sa buhay nito. Cole accepts her decision. Cole really did change. Hindi na nito pinipilin ang nais. Her forgiveness and seeing Jewel are all he asks. Mukhang na pansin ni Kurt ang pababago ng emosyon sa mukha niya dahil bigla nalang nito binitiwan ang kanyang kamay.

"He didn't accept it? He---"

"No! He accepted it. Cole let go of me and Jewel. Maluwang niyang tinanggap na ikaw ang pinili ko." Malungkot niyang sabi rito. She doesn't want to hide her emotion. Sobrang pagpapanggap na ang ginawa niya kanina sa harap ni Cole. Hindi na niya kaya pang magsinungaling na hindi siya nasasaktan sa tuluyan nilang paghihiwalay ng landas ni Cole.

"He let go of you like that? Cole is not like that? He fights for you especially now that Jewel is his child. Kukunin nito ang sa kanya."

"Sinabi niyang nirerespeto niya ang desisyon ko. Ayaw na niyang bigyan pa ako ng sama ng loob." Pumatak ang mga luha niya. "Tanging nais niya lang ay makitang muli si Jewel kahit mayakap niya lang ang anak namin at mapakilala kay Tita Ivy."

Hindi umimik si Kurt. Pinagmasdan lang nito ang mukha niyang may bahid ng mga luha. Nasasaktan siya sa kinalalabasan ng pagmamahalan nila ni Cole. Nasasaktan siya gayong siya naman ang nagdesisyon noon. Mali ba siya? Tama bang pinakawalan niya si Cole sa pangatlong pagkakataon nila? No! She did the right thing. Tama lang na pakawalan nila ni Cole ang isa't-isa, hindi sila ang nakatadhana.

Tuluyan siyang napaiyak ng malakas ng niyakap siya ni Kurt at sa muling pagkakataon sa mga balikat ni Kurt siya ulit umiyak. Sa taong walang ginawa sa kanya kung hindi ibigay ang kaligayan niya.

MARIE is going to pick up her daughter at her cake shop. Iniwan niya ito kanina dahil nagkaroon siya ng biglaang meeting sa bagong investor ng hotel ng kanyang mga magulang. Wala siyang nagawa dahil emergency iyon. She can't take her daughter there. Safe naman ang anak niya doon at saka ngayong araw niya ipakilala si Jewel sa totoo nitong ama at sa lola nito.

Nagkasundo sila ni Kurt na pumayag sa hiling ni Cole pero ipapakilala lang nila ang bata dito pero hindi nila sasabihin na ito ang totoong ama. They don't want Jewel to confuse. Ayaw niyang maguluhan ang anak kahit pa nga na bata pa lang ito at wala pang masyadong alam sa buhay.

Pagdating sa cake shop niya ay nagtaka siya kung bakit may mga pulis na naroroon. Agad siyang pumasok at hinahanap ang supervisor.

"Jasmine, what's happening?" tanong niya ng makalapit. Kausap nito ang isa sa mga pulis na naruruon.

"Ma'am Marie." Namutla ito ng makita siya.

"Anong problema? Bakit may mga pulis?"

"Ma'am Marie kasi po may mga lalaking dumating dito kanina tapos si J-Jewel po...." Bumuhos ang luha sa mga mata nito.

Bigla siyang binundol ng kakaibang kaba ng banggitin nito ang pangalan ng anak niya.

"A-anong nangyari sa anak ko?" May pag-aalalang tanong niya.

"Ma'am Marie, kinuha po nila si Ms. Jewel."

Umiling siya at nanghihinang napahawak sa mesa na malapit sa kanya. Agad naman na hinawakan ni Jasmine ang mga braso niya. "Ma'am Marie..."

"Ang anak ko." Pumatak ang mga luha niya.

Hindi pwede ito. May kumuha sa anak niya. Sino naman ang kukuha sa anak niya? Hindi kaya kidnap for ransom? Pero hindi naman sila ganoon kayaman. Her parents own a hotel ngunit iisa lang ang branch noon at hindi ganoon kalaki ang share niya. Her cake shop doesn't earn a lot since she goes to U.S. Kaya sino naman ang magkakainterest sa anak niya.

"Ma'am, may idea ka ba kung sino ang kumuha sa anak niyo?" tanong ng pulis.

Umiling siya. Wala siyang idea dahil wala naman siyang taong kagalit. She been leaving in U.S.

"Ma'am if the kidnapper calls you, we are here to coordinate. Mas mabuti po na eh tap niyo sa amin ang phone niya para matrack po natin ang kidnaper once they call you."

Tumingin siya sa mga pulis. "I will coordinate, just please, help me get back my baby." Pumatak ang mga luha niya.

Tumungo ang mga pulis bago sininyasan ang mga kasama nito. Ang mga staff naman niya ay agad siyang inalalayan para makaupo. Binigyan din siya ng tubig para kahit papaano ay kumalma siya pero hindi niya iyon ininum. Her mind is black. Hindi niya alam kung anong gagawin. Her baby is missing. Kung saan ipapakilala niya na ito sa ama at lola nito. Bakit ba nangyayari ito sa kanya?

"Clara, are you okay?"

Napakurap siya ng marinig ang boses na iyon. Napataas siya ng makita ang mukha ng taong minamahal. Biglang nagsink-in sa kanya ang nangyayari. Tumayo siya at patakbong yumakap kay Cole. Umiyak siya sa balikat nito. Cole seems confuse but still, he hugs her back.

"Hey! What happen? Bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong ni Cole.

"Si Jewel, Cole. A-ang a-anak natin," sabi niya sa pagitan ng pag-iyak.

"What happen to our daughter?" Panic got him also.

"Nawawala si Jewel, Cole. May kumidnap sa anak natin."

Naramdaman niyang nanigas si Cole sa pagkakatayo. Lalo niya itong niyakap ng mahigpit. Nararamdaman niya ang tensyon sa katawan ng binata. She hugs him tight to calm down. Nais niyang pakalmahin ang binata kahit ang sarili niya ay hindi niya mapakalma. Natatakot siya sa kaligtasan ng anak niya. Hindi niya kakayanin kapag nawala ito sa kanyang buhay. Jewel is everything for her. Ito ang buhay niya. Ang anak lang ang tangi niyang kinapitan sa panahon na nais na niyang sumuko. Isang ngiti lang ng anak niya at nagiging okay na ang lahat sa kanya.

"Makikita din natin si Jewel. Hindi ako makakapayag na mapahamak ang anak natin ng hindi ko siya nahahawakan." May puot na sabi ni Cole.

Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tinitigan ang mukha ng binata. Madilim ang mukha nito at anumang oras ay maari itong pumatay ng tao. Nakaramdam siya ng takot ngunit agad din niyang na-isip na si Cole ang nasa harap niya. Ang lalaking mahal na mahal siya. Kung may tao man itong sasaktan ay sigurado siyang deserve nito iyon.

"Cole, calm down. Kailangan lang natin hintayin k---"

"Alex." Tawag ni Cole sa pinsan nito. Hindi nito pinansin ang sinabi niya.

Sumulpot sa harap nila ang pinsan nito na puno din ng pag-aalala ang mukha. "Cole, I already called Asher and Patrick. Sinabi nilang ipapakalat nila ang lahat ng kanilang tauhan para mahanap si Jewel. They called me for an update," sagot ni Alex.

Napanganga siya sa narinig. Tumungo lang si Cole at tumingin sa kanya. "They will find Jewel soon. Don't worry too much, my Queen. Mahahanap din natin ang ating munting prinsesa." Muli siyang niyakap ni Cole.

Hindi siya umimik. Hahayaan niyang si Cole ang gumalaw dahil alam niyang gagawin nito ang lahat para maibalik sa kanya ang anak. Mahal na mahal ni Cole si Jewel at hindi ito makakapayag na mapahamak ang prinsesa nila. At sa pagkakataong ito ay buong puso siyang magtitiwala kay Cole.

NASA SALA silang lahat sa bahay nila ni Kurt. Pagkatapos maayos ang lahat sa cake shop ay sinamahan siya ni Cole na makauwi sa bahay nila ni Kurt. Nag-aalala siya kanina na isama ito dahil nga sa nararamdaman ni Kurt. Sinabi niya kay Kurt ang nangyari kay Jewel kaya agad nitong sinabi na umuwi siya at hintayin sa bahay ang tawag na kidnaper. Mas mabuti daw na nasa bahay siya para mapanatag ito. Nagpaalam din siya na nais na sumama ni Cole. Nagulat siya na walang pagdalawang isip na pumayag si Kurt.

They even do a brother hand-sake na ikinagulat niyang talaga. Seeing them both do such thing makes her wonder. Nais niyang tanungin ang dalawa ngunit isinantabi niya dahil mas nakataon ang atensyon nila sa paghahanap sa anak nila.

"Cole!" tawag niya sa binata ng makitang inaayos nito ang gamit na nakapatong sa mesa.

Kababa lang niya mula sa second floor para kunan ng kumot at unan. Kurt is upstairs talking to his parents about what happen to Jewel.

Napatingin sa kanya si Cole at ngumiti ito bago muling ibinalik ang atensyon sa ginawa.

"Aalis ka?" tanong niya.

"Yes! May pupuntahan lang ako." Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa baywang.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Gahibla nalang ang layo ng mukha nito sa kanya at anuman sandali ay maari na siya nitong halikan. She is about to push him when Cole suddenly smile. Parang biglang nagliwanag ang paligid niya. Bumilis ang pintig ng puso niya. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang ngumiti ng totoo sa kanya si Cole simula ng magkita siya.

"I love you so much, Clara. Ibabalik ko sa piling mo ang anak natin. Hindi ko hahayaan na mapahamak siya." Hinalikan siya ni Cole sa noo.

Tatanggalin na sana ni Cole ang braso nito sa baywang niya ng pigilan niya ito. "Saan ka sabi pupunta?"

"I told you, I need to go somewhere."

Tuluyang inalis ni Cole ang kamay nito sa baywang niya. Hahakbang na sana ito palayo sa kanya ng muli siyang nagsalita. "Bakit pakiramdam ko ay hindi na kita muling makikita pa?" pumatak ang mga luha niya.

Tumitig ang mga mata ni Cole at puno ng pagsuyong pinunasan nito ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. "Babalik ako, Clara. At sa pagbalik ko kasama ko na si Jewel."

"Ha!" Gulat niyang sabi. "Kung ganoon ay alam mo na kung nasaaan ang anak natin?"

Biglang nagbago ang emosyon sa mukha nito. He caught on guard. Mukhang hindi nito sinasadyang sabihin iyon sa kanya. Hinawakan niya ito sa braso. "Sasama ako sa iyo. Kung alam mo kung nasaan ang anak natin. Sasama ako. Gusto kong iligtas din ang anak natin."

"Clara, mapanganib. Dito ka lang at hintayin mo kami ni Jewel. Iuuwi ko ang anak natin nang ligtas."

"Pero gusto ko din siyang makita. Hindi ako uupo dito at maghihintay sa pag-uwi niyo. Ina ako, Cole. At mababaliw ako sa pag-aalala kapag iniwan mo ako dito. Kaya sasama ako sa iyo."

Huminga ng malalim si Cole. "Look, Clara. Trixie is dangerous woman. Gusto niyang ikaw ang kumuha sa anak natin dahil nais ka niyang patayin. So, stay here and let me handle this situation." Matigas na sabi ni Cole.

Aalis na sana si Cole ng muli niya itong pinigilan sa braso. "Sasama ako, Cole lalo ngayong nalaman ko na si Trixie pala ang dumukot sa anak natin. Hindi ako makakapayag na saktan niya ang angel ko. Puny*ta siya. Pagkatapos ng ginawa niya sa buhay ko, anak ko naman ang idadamay niya." Galit na galit niyang sabi. Nabuhay ang puot niya sa babaing may kagagawan ng paghihirap niya.

"Clara, Trixie---"

"Tumahimik ka Cole. Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo. Anak natin ang pinag-uusapan dito. Hindi ako magtatago sa likuran mo habang nililigtas mo ang anak natin. Anak ko din si Jewel handa ko din itaya ang buhay ko para sa kanya." Sigaw niya sa binata at nilampasan ito.

Lumabas siya ng bahay. Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Cole. Madilim pa rin ang mukha na sumakay siya sa kotse nitong nakaparada sa harap ng bahay ni Kurt. Hindi na rin umimik si Cole ng sumakay ito ng kotse. Si Cole ang nagmamaneho. Walang kahit anong salitang lumabas sa bibig nilang dalawa. Nais niyang magalit sa binata ngunit na intindihan din naman niya ang dahilan nito sadyang ina lang siya at mas uunahin niya ang kabutihan ng anak.

Sa isang pier sa Batanggas sila ni Cole pumunta. Inihinto nito sa isang nakadaong na barko ang sasakyan. Nang makitang inalis ni Cole ang seatbelt nito ay sumunod siya. Lumabas siya ng kotse at pinagmasdan ang barko. Maayos naman tingnan ang barkong nakadaong di kalayuan sa kinatatayuan nila. Hindi iyon kagaya ng mga barko na hindi na ginagamit at dinadaong nalang sa pier.

"Thank you, Alex. We wait for you here." Narinig niyang sabi ni Cole. Nakita niya itong pinatay ang phone. Tumingin sa kanya si Cole at malungkot ang mga mata na nakatingin sa kanya. "I go inside. Dito ka lang at hintayin si Alex at si Kuya Tim. Papunta na sila dito kasama ang mga tauhan ni Patrick."

"NO!" malakas niyang tutol.

"Clara, please! Wag matigas ang ulo. Alam kung ina ka at gagawin mo ang lahat para kay Jewel pero please isipin mo naman ako. I don't want bad things happen to you. Ikaw ang sadya ni Trixie. Kaya hayaan muna ako na iligtas ang anak natin." Cole said in frustration voice. Mukhang napuno na ito sa kanya.

"Alam kung ikaw din ang habol ni Trixie. She wants you and I can't let her have you."

Nakita niya ang pagguhit ng saya sa mukha ni Cole. Malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya si Cole at walang babalang sinakop ang mga labi niya. Nanlaki ang kanyang mga mata. He kisses her like there's no tomorrow. Napakasarap ng halik na iginawad sa kanya ni Cole. Napapikit siya at gumanti ng yakap dito. Kissing Cole is like home. Pakiramdam niya ay muli siyang nasa isang paraiso at kasama niya ang dalawang taong importante sa buhay niya. She puts her shoulder at his neck and kisses Cole will all she has. Kinalimutan niya na may asawa siyang tao. She lost to her heart.

"I'm sorry, Kurt." She said at the back of her mind.

Alam niyang mali pero anong magagawa niya, mahal na mahal niya ang taong naging kaibigan niya noong bata siya. Puno ng pagsuyo at pagmamahal ang halik na pinagsaluhan nila. Parang binabawi nila sa mga halik na iyon ang mga panahon na nawala sa kanya.

Call her stupid but that what people in-love did. Sabi nga nila, nagiging tanga tayo kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan.

Next chapter