webnovel

CHAPTER TWENTY-THREE

NAKANGITING pinagmasdan ni Marie si Cole na nagluluto ng pagkain. Maaga palang ay nasa bahay na ito ng kanyang mga magulang. Nang tanungin niya ang binata kung bakit ito na naruruon ay ngumiti lang ito at tumuloy ng bahay ng kanyang mga magulang. Pumunta agad ito ng kusina at sinumulan ilabas ang mga dalang ingredient na gagamitin nito sa pagkaing lulutuin.

"Ano ba iyang niluluto mo?" tanong niya habang kumakain ng mansanas na binalatan kanina.

Wala ang kanyang mga magulang ng mga sandaling iyon. Tanging mga katulong lang ang kasama niya.

"You told me last night that you are craving for spaghetti. So here I am cooking the food you like." Sagot ng binata. Lumingon ito at binigyan siya ng isang ngiti.

Nagwala ang puso niya dahil sa ngiting iyon. Hindi niya napigilan na hindi kiligin sa sinabi at gesture ni Cole. Naalala nga niyang sinabi dito kagabi na gusto niyang kumain ng spaghetti.

"You are really going to cook for me. Wala ka bang gagawin sa opisina mo?"

"I do have but I cancelled my appointment. I want to cook for my special girl."

Hindi niya napigilan ang pamumula ng mukha. Is it okay for her to blush like that? She is already in her twenties but here she is blushing like a teenager to her bestfriend. Yumuko siya at itinago ang pamumula ng kanyang pisngi. How could Cole do that to her? He makes her heart beat crazy, he makes her feel like a young fool girl and he makes her feel special. Hindi niya akalain na mararamdaman niya ang ganoong emosyon sa kanyang kaibigan.

Napaangat siya ng tingin ng maramdaman na may nakatayo sa kanyang harapan. Naatras siya ng magsalubong ang tingin nila ni Cole. Sobrang lapit nito sa kanya at muntik ng maglapat ang kanilang labi.

"Cole..." Bulong niya sa pangalan ng kaibigan.

"Stop blushing Clara. I might kiss you right now. Hindi ko matatapos ang niluluto ko kapag nagkataon."

Lalong namula ang mukha niya sa sinabi ng kaibigan. At dahil doon ay biglang hinawakan ni Cole ang kanyang batok at biglang hinatak siya palapit dito. Walang pag-alinlangan na inilapit nito ang labi sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng kaibigan. She saw Cole slowly close his eyes to savor the kiss they sharing. Nakita niya kung paano gumuhit ang saya sa mukha nito. Seeing her bestfriend like that makes her heart happy. She closed her eyes and kisses him back. She kisses him with same passion. Walang pag-alinlangan sa kanyang puso.

Naramdaman niya ang lumukob na kakaibang saya sa puso niya habang dinadama ang halik ng kaibigan. Napahawak siya sa balikat ni Cole ng lalo pa nitong pinalalim ang halik na pinagsasaluhan nila. Naramdaman niya ang dila nito na pilit na ipinapasok sa kanyang bibig. Without a second thought she opens her mouth and let his tongue envade her mouth. Napaungol siya ng marahang hinimas ni Cole ang kanyang leeg pababa sa kanyang balikat. She feels tingle sensation on her skin. Wala na silang pakialam kung nasaan sila ng mga sandaling iyon. Wala silang pakialam kung may katulong na pumasok at makita sila sa ganoong sitwasyon.

Marie put her hands at Cole hair and mess it up. Lalo niya pang-inilapit ang mga labi ni Cole. She encourages him to kiss her more. Hindi naman siya binigo ng kaibigan. Mas pinalalim pa nito ang paghalik sa kanya. Nang maramdaman niyang unti-unti na siyang kinakapos sa paghinga ay bahagyang iniwan ni Cole ang kanyang labi para pagapangin ang labi nito sa kanyang pisngi patungo sa kanyang kaliwang tainga. Isang malakas na ungol ang namutawi sa kanyang labi dahil sa ginawa nito. Nakaramdaman siya ng kakaibang sensasyon na patungo sa pagkababae niya. She feels hot. Hindi niya alam kung kaya niya bang pahintuin ang kaibigan sa ginagawa. Everything feels right. She wants more from him. Ngunit biglang tumigil si Cole.

"Cole..." Tawag niya sa kaibigan.

Napamulat siya at tinitigan ang kaibigan. Salubong ang kilay nito at nalukot ang mukha nito bigla.

"Shit!" narinig niyang mura ng kaibigan bago lumayo sa kanya at binalikan ang niluluto kanina.

Lalo itong napamura ng itinaas nito ang takip ng kawali. Bigla siyang nakaamoy ng pagkain na nasusunog.

"Shit! Shit! Shit!" Sigaw ni Cole habang hinahalo ang niluto nito. Pinatay na rin nito ang apoy.

Napangiwi naman siya sa sunod-sunod na mura ng kaibigan. "Cole, stop cursing. My baby heard you." Sigaw niya sa kaibigan.

Natigilan naman si Cole at napatingin sa kanya. Mukha naman itong natauhan sa ginawa. Nakita niya ang pagrehistro ng guilt sa mukha nito. "I'm sorry. The food is ruin. This is my entire fault."

Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan. Cole is Cole. "Stop saying sorry and save the food. I'm hungry."

Natigilan naman si Cole at napatingin sa kanya. She saw desire at his eyes.

"Stop thinking something..."

"I'm not thinking anything you don't like. Stop blushing or the food will be totally burning this time." Ibinalik ni Cole ang tingin sa niluluto.

Ngumiti naman siya. Tumahimik na lang siya at pinanood nalang itong magluto ng paborito niyang pagkain. Pagkalipas ng ilang sandali ay natapos din ito. Mukha naman na isalba nito ang sauce para sa spaghetti nito. Agad na inihain sa kanya ni Cole ang pagkain. Kumuha na din ito ng juice para sa kanya.

"I hope you like it."

"Thank you, Cole." Tumayo siya ng bahagya at hinalikan si Cole sa pisngi.

Nakita niyang natigilan ang kaibigan sa ginawa niya. Biglang namula ang pisngi ni Cole na ikinatawa niya.

"Common, Cole. It's just a kiss, why you blushing?" Tukso niya sa kaibigan.

Agad na lumayo sa kanya si Cole at itinago ang mukha. Lalo siyang natawa sa ginawa ng kaibigan. Cole is blushing and that's new to her. Ngayon niya lang nakita ang ganoong side ng kaibigan.

"Hey Cole. Look at me. Bakit mo ba tinatago ang mukha mo? Ang ganda mo kayang tingnan kapag namumula ang mukha mo. Your face is like a tomato. Para kang babae dahil nagbablush ka. This is something new to me. Common, look at me. Don't---"

Biglang humarap sa kanya si Cole at inilapit ang mukha sa kanya. "Stop teasing me, Clara. You won't like what I do if you won't stop teasing me. Alam mong pagdating sa'yo ay mahina ako. So, stop teasing me because I may do something I will regret later." May pagbabantang sabi ni Cole.

Ngunit imbis na matakot sa pagbabanta ng kaibigan ay lalo pa siya na excited. She is wondering what he will do if she won't stop. Hindi niya alam kung bakit nais niyang tuksuhin ang kaibigan? Kahit noong bata pa sila ay hindi niya iyon magawa dito. She is too formal towards Cole. Masyado siyang mahinhin noon kapag nasa tabi niya ito. Takot siya na baka biglang mag-iba ang tingin sa kanya ng kaibigan. Ngayon ay hindi na ganoon ang pakiramdam niya. She wants to be who she is when Cole is around. Nais niyang ipakita dito ang iba niyang pagkatao. She wants Cole to love her for whom she is.

"You can't scare me, Cole. What will you do to me if I won't stop? Are you going to kiss me again? Or are you going to punish me?"

Hindi nakasagot si Cole. Mukhang nagulat ito sa bigla niyang pagtanong dito. "You are naughty woman now, Clara. You should be punished."

Akala niya ay muli siyang hahalikan ni Cole bilang parusa sa pagiging makulit ngunit nagulat siya ng bigla nalang ito tumayo ng tuwid. Napuno ng pagtataka ang kanyang mukha. She realize what her punishment when Cole started to fix the plate and the food.

"What are you doing?" tanong niya.

Natigil si Cole sa ginagawa. "Punishing you and this is how I punish a naughty woman like you."

"No!" Kukunin sana nito ang plato niya ng hinawakan niya ito sa braso para pigilan.

Nagtagpo ang tingin nila. Nakita niya ang kislap ng saya sa mga mata ni Cole. He is happy. At sapat na iyon para lukubin ng saya ang puso niya. "I be a good girl, so don't take away my food."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Cole. "Okay. Madali naman akong kausap, Clara."

Inilapag muli ni Cole ang plato na may lamang spaghetti. Napangiti siya at agad na kinuha ang tinidor at nagsimula ng kumain. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na ibinalik ni Cole ang ibang pagkain at nagsimula na rin itong kumain. Tahimik lang silang dalawa ni Cole. She really likes Cole cooked foods. Sobrang sarap kasi noon. Hindi niya akalain na marunong itong magluto. Wala na yata siya mapipintas sa kaibigan. Maliban sa matalino ito ay gwapo, mayaman, mabait at maasahan na kaibigan. She is indeed lucky to have him as her friend.

Natigil siya sa pagsubo ng pagkain ng maramdaman ang hintuturo ni Cole na lumapat sa gilid ng labi niya.

"You are still like that Clara. Napakarungis mong kumain para kang hindi babae," sabi nito. Pagkatapos nitong tanggalin ang sauce na kumalat sa gilid ng labi niya ay isinubo nito ang hintuturo na ikinalaki ng kanyang mga mata.

Mukhang baliwala lang kay Cole ang ginawa nito dahil muli itong bumalik sa pagkain ngunit siya ay gulat na gulat pa rin sa ginawa ng kaibigan. Nakakagulat ang pinanggagawa nito. And those weird things he doing is slowly keeping inside of her. Her heart is in great danger but she likes what she feels. She is falling slowly to her bestfriend. At mukhang wala siyang takas sa nararamdaman dito.

NASA ROOM si Marie kung saan siya na confine. Today, she is going to give birth to her angel. Hindi siya pwedeng magnormal labor dahil sa sobrang laki ng baby niya. The doctor suggests to her to do a CI. Nais niya sana magnormal labor ngunit tinutulan iyon ni Cole. Mas okay na daw ang CI para hindi siya mahirapan.

"Are you alright, Clara?" tanong ni Cole.

Napatingin siya sa kaibigan. "I'm scared, Cole. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko na ang baby ko. Paano kung kamukha siya ng ama niya? Paano..."

Hinawakan ni Cole ang kanyang kamay. "Stop thinking negative okay. Ano ngayon kung kamukha siya ng ama nito? She is still your baby Clara. Anak mo pa rin siya. Pinagbuntis mo siya ng siyam na buwan. She comes from you and that's all matters." Marahang pinisil ni Cole ang kanyang kamay.

"Takot lang ako, Cole. Maraming scenario ang pumapasok sa isip ko ngayon. Maraming ---"

Muli siyang napatigil sa pagsasalita ng biglang tumayo si Cole mula sa pagkakaupo at marahang hinalikan siya sa noo. "I'm here, Clara. Hindi kita iiwan sa laban mong ito. Mahal na mahal kita. Kapag nakalimut ka at bigla kang magalit sa bata, narito ako para ipaalala sa iyo kung gaano kita kamahal. Ipaalala ko sa iyo na nandito lang ako para sa iyo at sa anak mo. Ipaalala ko sa iyo na isang angel ang anak mo na hindi mo dapat kamuhian."

"Cole--" Nanubig ang kanyang mga mata sa sinabi ng kaibigan. Naramdaman niya ang pagmamahal nito para sa kanya.

"I'm here, Clara. Narito lang ako para sa iyo. Mahal na mahal kita."

Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya. She can't take it anymore. Sobrang nasasayahan ang puso niya ng mga sandaling iyon. Nais ng kumawala ng sayang nararamdaman niya. Walang pagdadalawang isip na sinapo niya ang magkabilang pisngi ni Cole at hinatak ito para gawaran ng isang masuyong halik sa labi. Mukhang nagulat naman si Cole sa ginawa niya pero agad din nakabawi dahil tinugon nito ng mas mapusok na halik ang mga halik niya. Those kiss their sharing give her life. Nagbigay iyon ng kakaibigang kaligayahan sa kanya. At ng maghiwalay ang kanilang mga labi tuluyan na siyang nakalimot sa mga pangaral ng kanyang ina na wag na wag mamahalin si Cole.

"I love you too, Cole." Puno ng pagsuyong sabi niya. "Mahal na mahal din kita."

Bumadha ang pagkagulat sa mga mata ni Cole. Para itong nakakita ng ahas dahil hindi ito natitinag sa pagkakayuko sa kanya. Ang mga mata nito ay walang ka kurap-kurap. Cole looks so shock. Ganoon ba ka impossible rito na matutunan niya itong mahalin. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng kaibigan.

"Hey, Cole. Here I am saying what I feel to you but look at you. Ganoon ba ka imposible para sa iyo na magustuhan din kita." Hindi niya mapigilan na hindi malungkot.

Mukha naman natauhan si Cole sa sinabi niya. "A-a-are you sure?"

Tumawa siya. "Yes, Cole. Mahal na kita. Gusto kong sabihin iyon sa iyo bago ko mailabas si Jewel. I want---"

Natigil siya sa sasabihin ng bigla siyang niyakap ng mahigpit ni Cole. "Oh, my Clara. Thank you! Thank you."

"Cole..." Pumatak muli ang kanyang mga luha. Hearing Cole saying thank you to her as if he really didn't expect her to love him back touch her heart.

Kumalas si Cole sa pagkakayakap sa kanya. "I will take care of your heart, Clara. I will love you tell my last breath. Oh! Thank you so much for loving this fool." Muli siyang niyakap ni Cole.

Hindi niya napigilan ang mahinang pagtawa. Natigil lang siya sa pagtawa ng bigla siyang hinalikan ni Cole. She closed her eyes and savior the moment. Nais niyang malasap ang langit sa piling ng kaibigan na ngayon ay kanyang nobyo.

Natigil ang halikan nila ng bigla siyang nakaramdam ng pananakit sa kanyang tiyan. Kumalas siya sa pagkakayakap sa kaibigan at napatingin sa kumot na tumatakip sa kalahati ng kanyang katawan. Nanlaki ang kanyang mga mata ng may nakitang marka doon. Mukhang nakita din iyon ni Cole kaya agad nitong tinanggal ang kumot. Pareho kaming nagulat ng makitang basang-basa ang suot niyang hospital gown.

"C-Cole..." Humawak siya sa braso ng nobyo. "A-ang baby ko." Pumatak ang mga luha niya. Kasabay noon ang pagsalakay ng isang nakakangilong sakit. Napahawak siya ng mahigpit kay Cole.

"Clara, are you okay?"

"C-Cole, ang sakit," sabi niya. "Ahhh... Cole, ang sakit."

"Shit! I call your doctor." Aalis sana sa tabi niya si Cole ng agad niya itong pinigilan.

"Don't leave me." Muli siyang namilipit sa sakit. Nais niyang magmura at sumigaw ngunit pinigilan niya ang sarili.

"Clara, I need to call your doctor. Manganganak ka na." Masuyong hinawakan ni Cole ang kamay niya na mahigpit na nakahawak dito. "I'll be back, okay. Hindi kita iiwan sa laban mong ito. Nandito lang ako sa tabi mo, Clara." Ginawaran ng mabilis na halik ni Cole sa noo si Clara bago lumabas.

Nang makalabas si Cole ay pinilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya pwedeng magpanic. Huminga siya ng malalim at pilit na inaalala ang mga session kung saan pinag-aralan niya kung anong gagawin sa araw ng panganganak. Humawak siya sa unan at muling huminga ng malalim. She breath in and breath out to control herself. Nararamdaman niya ang sakit sa kaibuturan ng katawan niya. Walang pansidhan ang sakit na nararamdaman niya.

Lumipas ang ilang minuto ng bumalik si Cole kasama ang kanyang doctor at dalawang nurse. Binuhat siya ni Cole para mailipat sa stretcher na dala nila. Nang maayos siyang mailipat ay agad siyang isinugod sa labor room. Papasok sana sa labor room si Cole ng pigilan ito ng nurse.

"I'm sorry, sir pero hanggang dito na lang kayo. Bawal po kayo sa loob."

Nakita niyang nanlamu si Cole. Sisigawan na sana nito ang nurse ng agad niyang inagaw ang atensyon nito.

"Cole, call Mom and Dad. Don't worry too much. I'll be fine." Isang ngiti ang binigay niya sa nobyo.

Nakita niya ang pagtutol sa mga mata ni Cole ngunit wala itong nagawa ng tuluyan ng isinara ng nurse ang pinto. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan na lang ang mga nurse sa ginagawa nito. She wants to see her baby. At ilang sandali na lang ay makikita na niya ito.

HINDI MAPALAGAY si Cole habang nakatingin sa pinto ng labor room. Clara is going to get birth to their first child. Ang alam niya ay sa susunod pa na araw manganganak ang nobya ngunit nagulat nalang siya ng pumutok ang panubigan nito. Ngayon lang siya kinabahan ng ganoon. Seeing Clara's face written with so much pain is shaking his whole being. He hates seeing his girlfriend at that state. Kung maari lang na kunin niya ang sakit na nararamdaman nito ng mga sandaling iyon ay ginawa na niya.

"Where's Marie?" Sigaw ng ina ni Clara na kakarating lang.

"Nasa loob po, Tita." Sagot niya. Napatingin siya sa ama ni Clara. Hindi ito ngumingiti sa kanya.

Nilampasan siya ng ina ni Clara at lumapit ito sa pinto. Ganoon din ang ginawa ng ama ni Clara.

"She will be alright. Palaban si Marie, kakayanin niya ito." Narinig niyang sabi ng ama ni Clara.

Napatingin siya sa magulang ng babaeng mahal niya. Kahit noon pa man ay hindi na maganda ang trato sa kanya ng magulang ni Clara. Oo nga at magkaibigan ang kanilang pamilya ngunit kahit ganoon ay hindi magawang tanggapin siya bilang kaibigan ng nag-iisang anak na babae. Tinanggap na lang niya na ganoon ang tingin sa kanya ng mga magulang ni Clara.

"Alam kung kakayanin ito ng angel natin. Hindi ko lang maiwasan na hindi mag-alala."

Napabuntong hininga siya at lalapitan na sana ang mga ito ng bigla niyang narinig ang sinabi ng ina ni Clara.

"Hindi mangyayari ito sa angel natin kung hindi dahil sa hayop na iyon. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa dalaga natin." Puno ng galit na sabi ng ina ni Clara.

"Patay na ang gumawa ng masama sa anak natin. Marie already accept her faith. Ngayon ay pilit nitong bumabangon. Let's just pray for her safety and the baby." Inakbayan ni Tito at giniya ang asawa paupo sa upuan na naruruon.

Naiwan naman siyang nakasunod ang tingin sa dalawa. Sa nakikita niya ay tanggap n ani Tito ang nangyari kay Clara ngunit hindi si Titao. Mukhang hindi sapat ang kamatayan ng driver na iyon para matanggap nito ang nangyari sa anak. Nandoon pa rin ang puot at pagkamuhi sa kaloob-looban nito.

"Anak!"

Napakurap siya at napatingin sa kanyang likuran. Nakita niyang nakatayo ang kanyang ina di kalayuan. Nasa mukha nito ang pag-aalala. Lumapit siya sa ina at mahigpit itong niyakap. Hindi niya alam kung bakit kay bigat ng dibdib niya ng mga sandaling iyon. Parang may sumasakal doon. He wanted acceptance from Clara's family ngunit mukhang hindi na iyon mangyayari pa.

"Is Clara, alright?" tanong ng kanyang ina.

Kasama nito ng mga sandaling iyon si Kuya Tim at Ashley. Wala si Alex. Busy ito ngayon sa pagpoprotekta sa babaeng minamahal. Nalaman niya kahapon kay Ashley na kailangan lumipad ni Alex papuntang sa Isla Pilar para isama si Anna.

"She is on labor right now, mom." Sagot niya.

Marahang kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya ang ina. "Clara will be alright, Cole anak." Pinunasan ng kanyang ina ang mga luha sa dumaloy sa kanyang mukha.

He always allowed his self being weak when he was in his mother arms. Dito hindi niya kailangan magpanggap na matapang.

"I know, mom. Pero hindi ko pa rin mapigilan na mag-alala."

Hinimas ni Mommy ang kanyang braso at bigyan siya ng magaang ngiti. "Trust, Clara. She can survive this." Hinawakan siya ng ina sa braso at giniya paupo sa isang sulok.

Malayo sila ng ina sa mga magulang ni Clara. Nakita niya lang na bahagyang tumingin ang ina sa mga magulang ng kanyang nobya. His mom surely is glad if he told her that Clara is his girlfriend now. Matagal na nitong gusto si Clara para sa kanya. Tumigil lang ang ina ng malaman nitong may nobyo na si Clara.

"Cole, nasaan ang mga gamit ng bata?" tanong ni Kuya Tim.

Tumingin siya sa kapatid. Seryuso ang mukha nito.

"Nasa sasakyan. Hindi ko pa napapasok sa kwarto ni Clara dahil hindi pa naman siya na nganganak." Sagot niya.

Inilahad ni Kuya Tim ang kamay nito. "Akin na ang susi ng kotse mo. Kukunin ko para sa iyo. Kailangan nila iyon mamaya."

Tumungo siya sa kapatid. Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa at ibinigay dito.

"Tita, babalik po ako." Paalam ni Kuya Tim kay Mommy.

Ngumiti ang kanyang ina at ngumiti.

"Tita, samahan ko lang po si Kuya Tim," wika ni Ashley.

Sabay na umalis ang dalawa para kunin ang gamit ng bata sa kanyang sasakyan. Naiwan sila ng kanyang ina. Humigpit ang hawak ng kanyang ina sa kanyang kamay. Wari bang pinapalakas nito ang kanyang loob. Hindi nila alam kung ilang oras silang nakaupo doon ng lumabas ang doctora mula sa labor room. Agad silang lumapit dito.

"Doc, kamusta si Marie at anak niya?" Tanong agad ng ina ni Marie.

"Ligtas po siyang nanganak, madam. The baby is also healthy. Pwede niyo ng makita ang pasyente. Si baby naman ay pwede niyo na din makita." Sagot ng doctora. Tumingin ito sa kanya. "You need to go to nursing area for the name registration of your baby. Congratulations, Mr. Cortez."

Para siyang nabununtan ng tinik. Saka palang siya nakahinga ng maluwag ng marinig ang sinabi ng doctora. "Thank you so much, doctora."

"You're welcome." Tumingin ito sa mga magulang ni Clara bago sila iniwan.

Clara is safe and also the baby. The new chapter of his life is now started. Sisiguraduhin niya na mauuwi sila sa simbahan ni Clara at magiging anak niyang tunay si Jewel Angela Alonzo-Saavadra.

Next chapter