"MARIE?"
Napakurap si Marie ng marinig ang pangalan niya. Agad siyang napatingin sa unahan niya ng makita ang natatakang mukha at tingin ni Kurt. Nasa labas sila ng mga sandaling iyon.
"Are you okay?" naga-alalang tanong ni Kurt. Tatayo sana ito para tingnan ang kalagayan niya ng agad niya itong pigilan sa kamay.
"I'm fine, Kurt. May iniisip lang ako." Ngumiti siya kahit isang pilit na ngiti lang iyon.
Hidi umimik si Kurt. Nakatitig lang ito sa kanyang mga mata. Pagkalipas ng ilang sandali ay napabuntong hininga ito. "Are you still thinking about what we talk last night?"
Natigilan siya sa tanong ni Kurt. Hindi niya napigilan na hindi mapayuko. Hindi niya ba talaga maitago dito ang bagay na bumabagabag sa loob niya. Pagkatapos niyang sabihin kay Kurt na payag na siyang magpakasal dito ay bigla na lang nitong pinutol ang tawag at nagtext na mag-usap daw sila bukas. Nais daw nitong marinig ng personal na pumapayag na siyang magpakasal dito. Kaya heto sila ngayon dalawa.
"I'm sorry, Kurt. Let's..."
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Marie. Are you really going to marry me?"
Hindi siya agad nakaimik. Umiwas siya ng tingin kay Kurt. Papaano niya sasabihin dito na hindi pa talaga siya handa na magpakasal dito? Na ayaw niya lang makitang nasasaktan ang ina kaya siya pumayag. Ayaw niyang maging unfair kay Kurt at nais niyang maging totoo rito na kahit sa ganoong bagay lang ay makabawi siya sa taong walang ginawa kung hindi ang mahalin siya.
"It's okay."
"I'm sorry, Kurt." Yumuko siya at itinago ang mukha ng maramdaman ang pagbabanta ng kanyang mga luha. "Hindi ko na kayang makitang nasasaktan si Mommy. Alam kung nahihirapan at nasasaktan na din siya sa nangyari sa akin. Naririnig ko ang mga sinasabi nila patungkol sa akin at alam ko na masakit iyon kay mommy. Kaya nagdesisyon akong tanggapin ang inaalok mong kasal dahil sa tingin ko ay iyon ang tama. I'm sorry, Kurt kung gagamitin ko ang pagmamahal mo sa pansarili kong kapakanan. Sana patawarin mo ako at kung sakali mang magbago ang isip mo, na ayaw mo na akong pakasalan ay tatanggapin ko. Ayaw..."
"I will marry you, Marie." Putol ni Kurt sa iba niya pangsasabihin. Masuyong hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "Kahit anuman ang dahilan mo kung bakit ka pumayag sa inaalok kong kasal ay hindi na importante sa akin. Ang mahalaga ay tinanggap mo ang alok. Gagawin ko ang lahat bumalik lang ang matamis mong pag-ibig sa akin. Sisiguraduhin kong mamahalin mo ulit ako."
"Kurt..." Napaangat siya ng mukha at tinitigan ang mga mata nito.
Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito ngunit naruruon ang paga-aasam na magiging okay din ang lahat sa kanila. Ngumiti si Kurt, hindi man iyon kagaya ng dati ay nararamdaman niyang masaya talaga ito sa kanyang desisyon na pakasalan ito.
"You won't regret giving me a chance to be your husband, Marie. Iingatan kita at kayo ni baby. Magiging masayang pamilya tayo." Tumayo si Kurt at niyakap siya.
Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang umiyak. Gumanti siya ng yakap kay Kurt at sa mga bisig nito siya umiyak ng umiyak. Bakit napakahirap mabuhay sa mundo. Bakit kailangan maging ganito ang buhay? Tangging nais niya lang naman ay maging masaya sa buhay. Ang makasal sa taong minamahal at makasama ito sa buhay.
Noon kapag naiisip niya ang dulo ng buhay niya. Lagi niyang nakikita ang sarili na kasama si Kurt at ang kanilang magiging anak ngunit nitong huli, kahit sa panaginip ay hindi na niya nakita ang mga bagay na iyon. Napalitan ang mga panaginip niya ng mga alaala ng kabataan niya. Kabataan niya na kung saan ay ang lagi niyang kasama ay si Cole. At sa bawat panaginip niya, tanging nais niya ay hindi na magising. Nais niyang manatili sa panaginip at makita ang masayang ngiti at tawa ng kaibigan.
Ngunit sa tuwing magigising niya ay binabalot siya ng lungkot lalo na at hindi makagisnan ang kaibigan. Her heart break everytime she think that Cole will meet a girl that he truly deserve. Nais niyang manakit kapag naiisip iyon. She want to be selfish once in her life. Nais niyang ipagdamot sa iba ang kaibigan.
MALUNGKOT na nakatingin si Cole sa kalangitan. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang. Kaninang umaga ay nakatanggap siya ng text mula kay Clara at sinabi nito na wag siyang pupunta sa bahay ng magulang nito dahil lalabas ito kasama si Kurt. Nabuhay ang galit niya kanina ngunit pinilit niyang kinalma ang sarili. Nangako siya sa ina ni Clara na hindi na siya dapat atakihin ng sakit lalo na sa harap ni Clara.
Kaya heto siya at nasa taas ng roof top ng kompanyang pagmamay-ari ng magulang niya. Looking at the cloud about makes him calm. Hindi niya alam kung anong meron sa kalangitan at kumakalma siya kapag nakikita kung gaano ito kaaliwalas. Siguro ay dahil sa nakikita niya ang sarili na lumipilad. Napakataas ng pangarap niya noon, he wants to be the best man for Clara. Nais niyang maging sapat at nararapat sa kaibigan ngunit biglang nagbago ang lahat ng makilala nito si Kurt. He stole everything to him.
Naguho ang mundo niya ng pinili ito ni Clara at tinalikuran siya bilang kaibigan. Naging daan ang selos para lumabas ang tinatago niyang kasamaan. Kapag nakikita o naalala niya kung gaano minahal ni Clara si Kurt ay nais niyang manakit ng tao. He becomes an evil man because of love. At kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakabangon pa. Patuloy siyang magiging masama hanggang hindi naging kanya si Clara. He is willing to kill someone if he tried to get in his way.
Natigil siya sa ginagawang pagtingin sa langit ng lumapit ang kanyang sekretarya.
"Sir Cortez, Ma'am Trixie is here. Nais ka daw niyang maka-usap."
Napatingin siya sa lalaki. "Kanina pa ba siya?"
"Hindi po sir. Kakarating niya lang po."
Tumungo siya at naglakad na papasok ng building. Sumunod naman agad sa kanya ang kanyang sekretarya. Pagkabukas ng elevator ay nagkagulatan pa sila ng taong nakatayo doon. Pumasok ito ng elevator at hinawakan siyas sa balikat.
"Mr. Prado, please assist Tita Ivy and Trixie. Kailangan naming mag-usap ng kapatid ko."
"Masusunod, Sir Timothy." Yumuko ang kanyang sekretarya at lumabas ng elevator.
"Mom is here?" gulat niyang tanong sa kapatid.
Tumungo si Kuya Tim at pinindot ang parking at close botton. Nang sumara ang pinto ng elevator ay humarap sa kanya ang kapatid. "You can't face Tita with that face, Cole. Kapag nalaman ni Mommy ang ginawa natin kagabi ay siguradong magagalit iyon. Let's not face her like this."
Napasandal siya sa elevator. Alam niya ang ibig sabihin ng kanyang Kuya Timothy. Lumabas kasi kagabi ang Kuya niya para kalimutan ang kinakaharap na problema kay Ace. Ang problema ay napa-away ito ng wala sa oras at isa siya sa nadamay. May bahid pa ng nangyari kagabi ang mukha niya. Isang suntok lang naman iyon pero pansin ang pasa na na ibinigay ng lalaking sumuntok sa kanya.
"Bakit nandito si Mommy? Hindi man lang siya nagsabi sa akin na pupunta siya."
"Kasama ni Tita Ivy na dumating si Trixie kanina. Nakita ko silang dalawa kaya nga hindi na ako umalis pa." Kagaya niya ay sumandal din si Kuya Tim sa elevator.
Napatingin siya sa kapatid. "Bakit magkasama sila?"
"Hindi ko din alam. Alam mo naman di ko malapitan si Tita kapag kasama niya si Trixie."
Napatingin siya sa salamin ng elevator. "Kailangan ng mawala si Trixie sa buhay ko."
"Bakit ba kasi nandito siya? Akala ko ba ay wala na kayong dalawa at may bago na siyang boyfriend."
Hindi siya nagsalita. Napatingin lang siya sa kapatid bago umiwas ng tingin. Kahit siya ay hindi din alam kung bakit nandito si Trixie at ginugulo pa siya. Tapos kasama pa nito ang kanyang ina. Nag-usap na sila at sinabi niyang tapos na talaga sila.
"Bakit hindi mo kasi gawin din kay Trixie ang ginawa mo kay Rowena noon? I mean, kagaya ko ay ginawan ka din niya ng masama. She cheated on you and her brother give the company a hard time. Kung hindi agad natin napansin ay baka nasa malaking problema ang kompanya ngayon." Inis na sabi ng Kuya Timothy niya.
Napatingin siya sa kapatid. Hidni pa rin siya nagsalita. Hindi niya kayang sabihin dito ang totoo. Trixie past will remain past for him. Wala siyang balak na sabihin iyon kahit kanino. Yes. Walang siyang nararamdaman sa dalaga pero hindi ibig sabihin noon ay wala siyang paki-alam dito. He cares for her. Kasama niya ito sa mga panahon na kailangan niya ng taong masasandalan. Hindi naman dahil ganoon siya ay wala na siyang puso para sa iba. Kaya nga kahit na ganoon ang dalaga ay inaalala pa rin niya ito. Hindi niya lang masikmura ang ginawa nitong panluluko sa kanya. Cheating will never be okay to him. Malaki ang epekto noon sa kanya mula pa noon.
"I talk to her." Kinuha niya ang kanyang phone.
Hinawakan ni Kuya Tim ang kamay niya na may hawak ng phone. "Tita Ivy is with her."
"I know. Kaka-usapin ko siya ng wala si Mommy. You go talk to mom, Kuya. Distract her for a while."
"With this face." Tinuro nito ang mukha na may pasa.
Umiling siya. Lahat sila ay takot sa Mommy niya. Siguradong mag-aalala ito kapag nakita na ganoon ang ayos ng Kuya Timothy niya. The last thing they want to do is to make her Mom worried over them. Ibinalik niya ang atensyon sa phone na hawak at may hinanap na number sa phone book. Nang makita ang hinahanap ay agad niya iyon tinawagan.
"Hello, Alex." Bati niya sa pinsan ng sagutin nito ang tawag niya.
"Yes, Cole. Need something?"
"Tita Ivy at the building. I want you to distract her. Hindi niya kami pwedeng makita ni Kuya sa ganitong ayos." Tumingin siya sa kapatid.
"What happen? Bakit lumuwas ng Maynila si Tita?" Narinig niyang may inaayos ang pinsan.
"Trixie happened."
Tumahimik ang sa kabilang linya ng ilang minuto. "Give me five minutes."
"Thanks." Binaba na niya ang tawag at hindi na nagpaalam sa pinsan.
Tumingin siya sa Kuya niya. Nasisigurado niyang magagawang alisin ni Alex ang Mommy niya.
NAMUTLA si Trixie ng makita siyang pumasok ng kanyang opisina. Naka-upo ito sa mahabang sofa. Wala na doon si Mommy dahil sinundo ito ni Alex para tingnan ang isa sa mga bagong project ng kompanya. Naiwan ito dahil sinabihan ito ni Mr. Prado na hintayin siya. Ngumisi siya sa dating kasintahan.
"Hi. What brings you here?" Umupo siya sa swivel chair.
"I need to talk to you." Pinatapang ni Trixie ang mukha. Lumapit ito sa kanyang mesa.
Tumayo siya at nilapitan ang dating nobya. Nakita niyang umatras si Trixie ngunit nabangga lang ito sa kanyang mesa. Pinilit nitong magtapang-tapangan sa harap niya. Alam nito na galit na galit siya ng mga sandaling iyon.
"Hindi ako natatakot sa iyon, Aries." Pinatapang nito ang boses pero hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang takot sa mga mata nito.
Ngumisi siya. He can smell blood and flesh now. Nais na niyang hawakan si Trixie at palipitin ang leeg nito ngunit kailangan niyang kontrolin ang sarili. Wala siyang ligtas sa pamilya nito kapag may nangyari ditong masama. Makapangyarihan ang pamilya ng dalaga. Kung sila ay kinakatakotan pagdating sa negosyo, mas nakakatakot ang pamilya ni Trixie dahil madumi sila gumanti.
"That's good to hear, Trixie."
"Stay away from her." Malakas na sigaw ni Trixie, mukhang nakabawi na ito sa takot na nararamdaman.
"I won't." Ganting sigaw niya.
Hindi siya makakapayag na mawala sa kanya si Clara. Malapit na, malapit na maging kanya ang babaeng minamahal. Hindi siya makakapayag na may humadlang sa mga plano niya. Magiging masayang pamilya sila ni Clara. Hindi siya makakapayag na ikasal ang kaibigan sa lalaking iyon. Gagawa siya ng paraan.
"Ako ang magsasabi sa kanya kapag hindi mo siya nilayuan, Aries." Sigaw ni Trixie.
Hinawakan niya ng mahigpit ang baba nito at iniharap ang mukha sa kanya. May nagbabantang luha na papatak sa mga mata nito. Ngunit wala siyang pakialam sa mga luha at kung babae man ito.
"Subukan mo lang Trixie. Alam mo kung paano ako magalit." Banta niya rito.
"Isa kang demonyo Aries." sigaw ni Trixie at pilit na tinatanggal ang kanyang kamay sa pagkakahawak dito.
"Alam mo palang demonyo ako kaya wag kang makialam sa mga plano ko, Trixie." Isang ngisi ang ibinigay niya rito bago ubod lakas na binitawan ang babae.
Walang sinuman ang makakapigil sa kanya kahit pa si Kurt o Trixie. Iniwan niya si Trixie na nakaupo sa sahig ng kanyang opisina. Tapos na ang parte nito sa buhay niya. Hindi na niya kailangan ang babae.
"Lincoln Aries Saavadra." Sigaw ni Trixie.
Binalingan niya ang dalaga. "Stay away from my mother and Marie. Hindi mo na magugustuhan ang mangyayari kapag ako ang nagalit, Trixie." Tuluyan siyang lumabas ng kanyang opisina.
Hindi isang tulad lang ni Trixie ang sisira ng kanyang mga plano. Hindi siya makakapayag na mawalang muli sa kanya ang kasayahan. Babawiin niya kay Kurt ang dapat ay noon pang para sa kanya.
PABABA ng hagdan si Marie ng mapansin niya ang kanyang mga magulang. Inaayos na rin nila ni Kurt ang kanilang kasal sa kahilingan ng kanyang ina kahit pa nga ayaw ng ina't ama ni Kurt. Hindi nalang pinapansin ni Kurt ang galit ng mga magulang nito. Mahal na mahal pa rin daw siya nito kaya nais siya itong pakasalan at maging ama ng anak niya. Hindi na niya alam kung ano ba ang dapat nararamdaman para dito. Masaya siya na naririyan si Kurt pero hindi niya makapa ang dating pag-ibig sa nobyo. Tanging kaibigan lang ang nakikita niya dito.
"Anong pinapanood niyo mommy?" tanong niya at umupo sa tabi ng kanyang mga magulang.
Masaya siya na tinanggap pa rin siya ng mga magulang sa kabila ng lahat. Nariyan naman kasi ang bestfriend niyang si Lincoln na hindi siya iniwan. Bumalik ang bestfriend niyang masasandalan niya. Nagkaroon lang sila ng kunting sagutan noong isang araw ng sabihin niya rito na magpapakasal na siya kay Kurt. Alam niyang ayaw nito ngunit sa huli ay hindi kumibo si Cole. Napansin din niya na kinukontrol nito ang sariling emosyon upang hindi ito atakihin ng sakit. Alam niyang pinag-aaralan na nitong kontrolin ang galit dahil sa nangako ito sa kanyang ina.
"Ito may inaabangang balita." Niyakap siya ni Mommy. "Kamusta ang baby sa tummy ni mommy?" Hinawakan nito ang kanyang tiyan na hindi naman ganoon kalaki.
"Okay naman po siya, mommy. Hindi na niya ako pinapahirapan," sagot niya.
"Buti naman para hindi ka mahirapan sa pag-aasikaso ng kasal niyo ni Kurt."
Hindi siya sumagot. Yumuko na lang siya at nag-iwas ng tingin. Hanggang ngayon ay hindi niya parin akalain na ikakasal na siya sa dating nobyo. Kung maari lang sana ay hindi na siya magpakasal dito ay ginawa na niya. Ayaw niyang maging mesirable ang buhay nito ng dahil sa kanya.
"Hello," narinig nilang bati mula sa taong kakarating lang.
Lumapit ang bagong dating sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti siya dito ng makita ang masayang mukha nito. Lincoln always comes to her house. Lagi itong may dalang pagkain para sa kanya at sa mga magulang niya. Walang araw yata itong hindi pumupunta sa bahay ng kanyang mga magulang. Pinag-awayan din nila iyon minsan ni Kurt pero sinabi niyang nangako din kasi si Lincoln na aalagaan siya at si baby. Walang nagawa si Kurt ng sabihin niyang hayaan na lang ang best friend niya, na bumabawi lang naman sa kanya. Noon pa man ay hindi na magkasundo ang dalawa. Ngayon nga ay pilit nilang maging civil sa isa't-isa para sa kanyang magulang at para na rin sa kanya.
"Hello, Clara. Kamusta si baby?" Hinaplos nito ang tiyan niya. She suddenly feels butterflies in her stomach. Pag-ito ang humahawak sa tiyan niya ay nagrereact din si baby.
"Okay lang daw si baby, Tito Lincoln," sagot niya rito.
Nakita niyang natigilan si Lincoln. May nakita din siyang lungkot sa mga mata nito pero agad din nitong itinago. "Really? That's good to hear. Ibig sabihin ay okay din si mommy."
Ngumiti siya sa kaibigan. "Yes. Okay din si mommy."
"Kailan next check up mo?"
"Next week na, Cole. Bakit?" Nagtatakang tumingin siya sa kaibigan.
"Sasama sana ako kung okay lang sa inyo ni Kurt." Paalam nito.
Bigla sumaya ang puso niya sa narinig. "Oo naman--"
"Tanungin mo muna si Kurt kung papayag siya, Marie. Dapat nagpapaalam ka muna sa mapapangasawa mo," sabi ng kanyang ina na may halong inis ang boses.
Yumuko siya dahil para itago ang pamumula ng kanyang pisngi. Tama naman ang kanyang ina, ikakasal na siya kay Kurt at dapat ay nagpapaalam siya rito. Hinawakan ni Lincoln ang kamay niya at ngumiti. He assured her that he is alright.
"Tama po kayo, tita. I will ask Kurt permission first."
Hindi umimik si Mommy. Tumayo lang ito at iniwan na sila. Mommy is really against with Cole. Hindi daw nito gusto na naruruon si Cole at labas-masok sa pamamahay nila. Si daddy naman ay pinagpatuloy ang pagbabasa ng diyaryo. Ganoon naman si Daddy, ayaw nitong paki-alaman ang desisyon niya dahil nga sa tamang edad na daw siya. Ilang saglit pa ay tumayo na din si daddy at iniwan sila doon ni Lincoln.
"Pupunta ba ngayon si Kurt dito?" Umayos nang upo si Lincoln at nanood na rin ng T.V.
Tumungo siya bilang tugon. Hindi niya alam kung nakita nito ang pagtungo niya. Narinig niyang bumuntong hininga si Lincoln. Itinuon nila ang atensyon sa palabas. Biglang nanindig ang balahibo niya ng may narinig siyang balita.
'Isang taxi driver natagpuang palutang lutang sa Ilog Pasig kaninang madaling araw. Kinilala ang bangkay na si Carnilo Arevalo na isang taxi driver sa lungsod ng Manila. Ayon sa pamilya ng biktima ay noong isang buwan pa nawawala ang kanilang ama. Nagpaalam daw ang biktima na may pupuntahan at babalik din agad. May sakit sa puso ang isang anak ni Arevalo at maghahanap lang daw ito ng pera para sa gamot ng anak ngunit hindi na nakabalik si Arevalo bugkos ay nakita na itong bangkay.'
Hindi niya napigilan ang manginig pagkatapos marinig ang balitang iyon. Hindi siya maaring magkamali, ang lalaki sa balita ay ang taong gumahasa sa kanya. Unti-unting pumatak ang mga luha niya. She feels nothing now. Para bang namanhid ang buo niyang pagkatao. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil patay na ang taong gumawa ng masama sa kanya.
"Clara, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Cole.
Tumingin siya dito na may luha sa mga mata. "Cole, wala na siya."
"Ha! Sinong wala na? Kilala mo ba ang tao sa balita?" Nagtatakang tanong ni Lincoln.
Tumungo siya dito at yumakap. Sa malapad na dibdib ni Cole siya umiyak ng umiyak. "Tahan na, Clara. Makakasama iyan sa baby na-- mo. Baby mo."
Hinagod ni Cole ang likod niya at pilit siyang pinapakalma. She also tried to calm herself. Hindi siya pwedeng umiyak ng umiyak, nakakasama iyon sa baby niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tinitigan si Cole. "Cole, wala na ang totoong ama ni baby."
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Cole. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ang lalaking iyon kanina. Ang taxi driver na iyon, siya ang gumahasa sa akin," sabi niya rito.
Hindi agad nakapagsalita si Cole. Tinitigan lang siya nito hanggang sa unti-unti siya nitong niyakap. Muli siyang napa-iyak. Malaya na siya. Nakamit na niya ang katarungan na nais niya. Hindi man sa paraan na nais ng mga taong nakapaligid sa kanya ay ayos lang. Patay na ito at hindi na siya nito maaring gambalain pa. Karma always has it way.
"Everything will be alright from now on, Clara." bulong ni Cole at hinalikan siya sa noo.
Tumungo siya rito. Magiging okay na ang lahat. Magiging masaya na din siya. Ang dapat niya ngayon bigyan ng pansin ay ang baby niya.