webnovel

CHAPTER IX Ang Kaluluwa

Tumitig sya sa mukha ni Peter. " hon, 'wag mo akong iwan, natatakot ako..",aniyang isiniksik ang mukha sa dibdib ng nobyo.

Mahigpit pa syang niyakap ni Peter. " hinding-hindi manyayari yun",sabat naman nito sa kanya.

Bigla nanamang lumakas ang ihip ng hangin. Tila mababasag ang salamin ng bintana sa lakas ng paghampas ng hangin.

"nandito sya", sabi naman ni Pau na pinapakiramdaman ang paligid ng bahay.

Humalinghing ang boses na nakapagpanindig balahibo sa kanilang lahat.

"Magpakatatag tayo", sabi naman ni father Arian na alerto pagmamasid sa mga nagaganap.

Lumakad-lakad si Pau sa buong sulok ng apartment hanggang dinala sya ng kanyang mga paa sa kwarto ni Honey . Dinig na dinig nya ang mga panaghoy na lumulukob sa buong silid. Pinikit nya ang kanyang mga mata at pagkadilat nya'y mukha ng babaeng duguan ,tila preskang dugo ang tumutulo sa mukha nito. " tulungan nyo ako..", panaghoy nitong sumusunod sa hangin ang boses.

" anung pangalan mo? At papaanu ka namin matutulungan?",sabi ni Pau at bigla syang napasigaw ng tila hinila ang katawan nya sa ilalim ng kama ni Honey.

Agad naman nilang pinuntahan si Pau sa kwarto ngunit di nila alam kung nasaan ito napunta.

Nakita ni Pau kung panu pinatay ng walang awa ang babaeng nagmumulto.

Nakita nya din kung saan inilibing ang bangkay nito.

At nalaman nya ang rason kung bakit pilit syang kinukuha ng demonyo.

Samantalang may biglang sumulpot na pusang itim sa harapan nina Honey, Peter at padre Arian.

Nakita nilang may dumaang bulto ng isang lalaki papuntang sala na sa paninging nila'y si Pau iyon.

Tinawag nila si Pau ngunit parang wala itong narinig.

Hinarang ni padre Arian ang kanyang kamay para pigilan si Peter na lapitan ito.

" hindi sya si Pau , wag tayong magpalinlang sa demonyo",ani ni padre.

Sinundan nila ito ng tingin at biglang nawala nalang. Patay-sindi nanaman ang ilaw.

Nagulat nalang si Honey nang biglang may sumakal kay Peter.

Next chapter