webnovel

CHAPTER IV Maging handa sa mga mangyayari

Pamansamantalang nawala ang kanyang takot na nararamdaman kapag kasama nya ang kanyang nobyo.

"hon, Im really worried about you, parang di kapa ok hanggang ngayon",puna sa kanya ni Peter sabay hawak nito sa kanyang kamay.

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita." Mahirap paniwalaan pero Im bothered, di ko alam kung anung kelangan nya..bat nya ako ginugulo..",sabi nyang di natatago ang bakas ng takot sa mukha. " then we need to see a spiritualist.. Or a priest rather",suhesyon ni Peter sa kanya. Tumango naman sya sa sinabi ng nobyo. Bago sila umalis ng resto ay may tinawagang tao si Peter na sabi nito sa kanya ay kilala nyang spiritalista.

Laking gulat nya nang ang spiritalistang kilala ni Peter ay si Pau . " Hon, sya si Pau,college friend ko, spiritista sya". Tumango naman sya at pilit tinatago na magkakilala na sila ni Pau. Tipid ang ngiteng pinakita nya dito. " wag kang mag alala hon,tutulongan kita", sabi nitong bakas din sa mukha ang gulat. Pero bago nila puntahan ang lugar kung saan nag umpisa ang lahat ay napagkasunduan nilang umuwi muna para makapagpahinga't makapagbihis ng damit ,dahil naka uniform nga naman sya. Inihatid sya ni Peter sa kanyang apartment at bago umalis ang nobyo ay ibinilin nitong wag iwawala sa tabi ang rosaryo.

Ikwenentas nya ang binigay na rosaryo sa kanya ni Peter. Mag aalasais na ng gabi ng magising sya pagkatapos ng isang oras na tulog. Nakaroba lang syang pumuntang banyo. At nakalimutan nyang wag hubarin ang rosaryo.

Tila uulan nanaman dahl bglang lumakas ang ihip ng hangin. Tila may mga panaghoy sa paligid at pilit pumapasok sa bintana ng kanyang apartment. Umaalolong ang mga aso. Nagulat sya nang patay-sindi ang ilaw sa loob ng banyo. Tila nanindig nanaman ang kanya balahibo't dinig n dinig nya ang nakakapangilabot na tinig. Isinuot nya ang roba at mblis lumabas ng banyo. Nagbihis at mbilis tnawagan si Peter.

Maya-maya'y may kumatok sa pinto. Si Pau ang nasa labas.

Next chapter